You are on page 1of 2

KASUNDUAN SA PAGPAPAUPA

SA MGA KINAUUKULAN NITO,

Ang kasunduang ito ay ginawa at nilagdaan ng dalawang panig ngayong ng ika –_____ ng Hulyo,
2018, dito sa Barangay Gavino Maderan, General Mariano Alvarez, Cavite, nina Gng. Virginia G.
Rentusa, may sapat na gulang, Pilipino, at naninirahan sa Blk. 3 lot 55 Mayor’s Drive St., Brgy. G.
Maderan, GMA, Cavite na siyang tatawaging NAGPAPAUPA, dito kina
G.__________________________________, Pilipino, may sapat na gulang, at naninirahan sa
_____________________________________________________ na siyang tatawagin UUPA o
UMUUPA.

PA G PA PAT U N AY :
Na ang NAGPAPAUPA ay siyang tunay at ganap na nagmamay-ari ng isang PAUPAHANG
PWESTO na matatagpuan sa Block 3 lot 55 Mayor’s Drive St., Brgy. Gavino Maderan, General Mariano
Alvarez, Cavite.
Na ang NAGPAPAUPA at ang UUPA o UMUUPA ay nagkasundo na uupahan at papaupahan ang
nasabing pwesto sa ilalim ng patakaran at alituntunin na gaya ng mga sumusunod.
1. Na ang nasabing pwesto ay gagamitin lamang sa loob ng isang ( 1 ) taon na magsisimula sa ika- ____
ng Hulyo, 2018, at matatapos sa ika-______ ng Hulyo, 2019, at maaring paupahang muli sa bagong
kasunduan.
2. Na ang UUPA ay magbibigay ng isang ( 1 ) buwang deposito at isang ( 1 ) buwan na paunang upa.
3. Na kung ang UUPA ay magpapakabit ng sariling METRO NG KURYENTE/TUBIG, ay ipapangalan
sa pangalan ni EMMANUEL MIGUEL M. RENTUSA, may sapat na gulang, Pilipino, na apo ng
NAG-PAPAUPA.
4. Na kung may isasagawang RENOBASYON sa paupahang pwesto, ibibigay ng UUPA ang lahat ng
resibo ng mga magagastos sa renobasyon ng pwesto, at pagpapakabit ng metro ng kuryente/tubig sa
NAG-PAPAUPA.
5. Na ang nasabing istraktura ay gagamitin bilang pwesto at tirahan lamang ng UUPA, at kung may iba
pang paggagamitan ay dapat na may KAALAMAN at PAGSANG-AYON ng NAG-PAPAUPA.
6. Na ang nasabing pagbabago o renobasyon ay iiwan ng maayos ng UUPA sa katapusan ng kontrata.
7. Na ang UUPA ay magbabayad ng halagang LIMANG LIBONG PISO ( 5000.00php ), bilang
kabayaran sa upa sa loob ng isang buwan, at dapat bayaran tuwing ika-____ ng bawat buwan.
8. Na ang nasabing halaga ng upa kada buwan ay kakaltasan ng LIMAMPUNG PORSYENTO (50%)
na nagkakahalaga ng DALAWANG LIBO AT LIMANG DAANG PISO ( 2500.00php ) bilang
kabayaran sa mga nagastos sa mga pagbabago o renobasyon sa nasabing pwesto hanggang sa
mabayaran ang kabuuang nagastos ng UUPA para dito.
9. Na kung lumipas ang isang taon at muling uupa ang UMUUPA sa ilalim ng bagong kasunduan ay
madaragdagan ang kabayaran sa upa kada buwan ng LIMANG DAANG PISO ( 500.00php ).
10. Na ang nasabing isang buwang deposito at paunang upa ay hindi ibabalik ng NAG-PAPAUPA bagkus
ay dapat tapusin ng UMUUPA at ang nasabing deposito at paunang upa ay magagamit lamang sa
huling buwang UPAHAN.
11. Na ang buwanang singil sa KURYENTE at TUBIG/TELEPONO/INTERNET ay sa sariling gastos o
gugol ng UMUUPA.
12. Na ang nasabing PWESTONG PAUPAHAN ay hindi gagamitin sa anumang uri ng negosyo na labag
sa batas tulad ng sugal at iba pa.
13. Na ang UMUUPA ay hindi pauupahan sa iba ang nasabing bahay nang walang nakasulat na
pahintulot o pag-sangayon ng NAGPAPAUPA o MAY-ARI ng nasabing ISTRAKTURA o PARTE
NG LOTENG PAUPAHAN.
14. Na ang UMUUPA ay susunod at tatalima sa mga kautusan at patakaran ng pangkalinisan at
pangkalusugan.
15. Na ang anumang pagkasira ng nasabing RENOBASTON dahil sa kagagawan ng UMUUPA ay
ipapaayos o ipapagawa ng UMUUPA mula sa sariling gastos o gugol.
16. Na kung sakaling aalis o lilipat ang UMUUPA, kailangang may paunang abiso sa loob ng tatlumpung
( 30 ) araw bago isagawa ang kaukulang pag-alis o pag-lilipat.

At sa katunayan ng lahat ng ito, ang mag-kabilang panig ay nagkasundo at lumagda ngayong


ika-____ ng Marso, 2018, dito sa BARANGAY GAVINO MADERAN, GENERAL MARIANO
ALVAREZ, CAVITE sa tulong ng Poong Maykapal.

N I LA G D AA N :

_____________________________ _____________________________
MAY-ARI NG PAUPAHAN UUPA SA PAUPAHAN

______________________________
NAGPAPATUNAY

You might also like