You are on page 1of 2

PAGPAPATUNAY

TALASTASIN NG SINUMAN: Ang kasunduan na ito ay ginawa nina: TERESITA F. SORETES, Pilipino, may
sapat na gulang, ( biyuda) at naninirahan sa San Agustin 2, Naujan, Oriental Mindoro at dito ay
makikilala bilang NAGPAPAUPA. At ______________________________ , Pilipino, may sapat na gulang,
(binata o may asawa, kasal kay_________________________________)at naninirahan sa
_____________________________________________at dito ay makikilala bilang NANGUNGUPAHAN.
Ang NAGPAPAUPA ay may-ari ng isang (Apartment) samantalang ang NANGUNGUPAHAN ay nag-alok na
upahan niya ang nabanggit na(Apartment) at tinanggap naman ng NAGPAPAUPA dahil sa mga
sumusunod na kondisyon:

1. Ang kasunduan ay tatagal ng (6) na buwan hanggang (1) na taon simula sa ________________,
20____ hanggang sa ________________, 20____. (Renewable yearly)

2. Ang buwanang bayad ay halagang P3, 500.00 pesos only, nababayaran ng NANGUNGUPAHAN sa
halagang P3, 500.00 pesos only bawat (buwan) in advance sa unang araw bago lumipat ang
nangungupahan.

3. Ang NANGUNGUPAHAN ay magbibigay din ng deposito na may kabuuang halaga ng katumbas


ng isang buwang upa sa bahay na nagkakahalaga ng (P3,500.00 pesos only). Ang deposito ay
gagamit sa pambayad ng mga naiwang obligasyon ng nangungupahan tulad ng tubig, kuryente,
at mga nasirang gamit s apartment ng NANGUNGUPAHAN sapagtatapos ng kasunduang ito at
ibabalik ng NAGPAPAUPA sa NANGUNGUPAHAN ang natitirang halaga ng kabuoang deposit
kalakip ang listahan ng mga nagastos sa naiwang obligassyon ng NANGUNGUPAHAN pagkalipas
ng isang linggo(7) araw mula sa pagtatapos ng kasunduang ito. Ang deposito ay di maaring
gamitin sa buwanang upa, at di maaring makuha kung sakaling di sila tatagal ng isang taon
pangungupahan sa nasabing paupahan.

4. Na kung hindi man makapagbayad sa nasabing araw ng bayaran ang NANGUNGUPAHAN ay


puputulan ng tubig at kuryente alinsunod sa batas na pinatutupad ng ORMECO at Water District.

5. Kung sakaling di magbayad ng upa ang NANGUNGUPAHAN sa takdang panahonng kasunduan o


di kaya ay lumabag sa kasunduan ito, may karapatan ang NAGPAPAUPA na ipawalang saysay ang
kasunduanna ito at hingin sa NANGUNGUPAHAN na lisanin o iwanan ang inuupahan.

6. Ang lahat ng pangkariniwang reparasyon o kumpunihin sa inuupahan na ang tanging dahilan ay


ang pangaraw-araw na paggamit ng NANGUNGUPAHAN ay walang karapatang singilin sa
NAGPAPAUPA.

7. Na ang bilang ng pamilyang NANGUNGUPAHAN ay hanggang 1 pamilya lamang na


kinabibilangan ng ama, ina, mga anak at isang kasambahay kung kinakailangan.
8. Pananatiliin ng NANGUNGUPAHAN ang kalinisan at kaayusan ng inuupahan at kapaligiran sa
pamamagitan ng paglilinis ng kalat sa paligid, at tamang pagtapon ngbasura ayon sa patakaran
ng Nasyonal o lokal at iba pang may awtoridad. Panatilihin din ang katahimikan sa loob ng
apartment bilang paggalang sa kapwa nangungupahan s loob ng compound.

9. Ang NANGUNGUPAHAN ay di maaaring paupahan ang kanyang inuupahan o alinmang bahagi


nito sa iba na walang kasulatang pahintulot ng NAGPAPAUPA.

10. Ang lahat ng kagamitang kailangan ng NANGUNGUPAHAN ay kanyang sariling pananagutan.

Nilagdaan at pinagtibay ngaung ika ____ ng ___________________, 20____ sa Barangay Lazaeto,


Lungsod ng Calapan.

TERESITA F. SORETES ____________________________


Lagda ng May-Ari ng Apartment Lagda ng Nangungupahan

______________________________
Saksi

You might also like