You are on page 1of 1

KASUNDUAN SA PAGPAPAUPA

Kasunduan sa pagitan nina

___________________________ nasa legal na edad, isang Pilipino at bilang NAGPAPAUPA

at

___________________________ nasa legal na edad, isang Pilipino at bilang UMUUPA.

Kasunduan:

1. Na ang umuupa ay sumasang-ayon na upahan ang puwesto sa harap ng bahay/ tindahan, na pagmamay-ari
ng NAGPAPAUPA na nasa adres na Purok 1, Lodlod, Lipa City, Batangas.

2. Na ang UMUUPA ay sumasang-ayon na upahan ito sa halagang anim na libo at limang daang piso (Php 6,
500.00) kada buwan ng paggamit ng pwesto ayon na din sa NAPAGKASUNDUAN.

3. Na ang UMUUPA ay sumasang-ayon na magbayad ng kukunsumuhing tubig at kuryente sa itinakdang petsa


kada buwan.

4. Na ang UMUUPA ay sumasang-ayon na magbabayad ng paunang bayad o advance payment na anim na


libo at limang daang piso (Php 6, 500.00) sa sandali bago ito lumipat o gumamit ng pwesto.

5. Na ang UMUUPA ay sumasang-ayon na magbayad ng deposit payment na anim na libo at limang daang
piso (Php 6, 500.00) bago o pagkalipas ng isang linggong paglipat o paggamit sa pwesto

6. Na ang UMUUPA ay sumasang-ayon na kung di makakatupad sa napagkasunduang pagbibigay ng deposit


payment sa takdang panahon (bago o pagkalipas ng isang linggong pagkalipat o paggamit ng pwesto), ang
UMUUPA ay kinakailangan na lisanin ang pwestong inuupahan sa lalong madaling panahon o sa araw na
nabanggit ng NAGPAPAUPA.

7. Na ang UMUUPA ay sumasang-ayon na sandali na di makatugon sa napagkasunduan na nakasaad sa bilang


5, babawasin sa advanced payment ang araw na umupa sa pwesto ganundin ang kuryente at tubig na
kinunsumo. Kasama rito ang mga bagay na nasira ng UMUUPA (kung meron) sa pwesto.

8. Na ang UMUUPA ay di makukuha ang natira sa advanced payment o paunang bayad kung sakaling
mayroon kung di pa nababayaran ng UMUUPA ang mga dapat bayaran tulad ng kuryente at tubig.

9. Na ang UMUUPA lamang ang maaaring gumamit sa pwesto at walang sinuman na di nababatid ng
NAGPAPAUPA.

10. Na ang UMUUPA ay sumasang-ayon na matapos na makapagbayad ng advanced payment at deposit


payment, na di maibabalik ang mga ito ng NAGPAPAUPA. Kinakailangan na gamitin ang pwesto ayon sa
napagkasunduang petsa.

11. Na ang UMUUPA ay sumasang-ayon na maaaring mapaalis sa pwesto ng NAGPAPAUPA sa sandaling di


makabayad ng buwanang bayad at iba pang pananagutan tulad ng tubig at kuryente. Ganundin, kung
mapapabayaan ang pwesto na marumi at maaaring pagmulan ng kaguluhan o di kanais-nais ang UMUUPA.

12. Na ang kasunduang ito ay magsisimula sa ika- _____ng __________, taong __________.

_______________________________ ______________________________

PANGALAN AT LAGDA NG UMUUPA PANGALAN NG NAGPAPAUPA

You might also like