You are on page 1of 2

KONTRATA PARA SA PROJECT BASE EMPLOYEE

1. Ang PROJECT BASED EMPLOYEE ay tinanggap sa trabaho upang magsagawa ng mga tungkulin bilang
isang :
(posisyon sa trabaho)

2. Ang PROJECT BASE EMPLOYEE ay magsasagawa ng trabaho hanggang sa matapos ang proyekto o
ang bahagi o aspeto nito ngunit kung wala ng gagawin sa isang proyekto ay doon na matatapos ang kontrata ng
isang PROJECT BASE EMPLOYEE

3. Ang kontratang ito ay magsisimula sa at maging epektibo hanggang sa


At oobserbahan kung kaya at maayos ang trabaho nito at pipirma ulit ng panibagong kontrata.

4. Ang PROJECT BASE EMPLOYEE ay malayang mag alok ng kanyang serbisyo sa ibang kumpanya o
maghanap ng ibang trabaho pagkatapos ng proyekto o bahagi nito:

5. Ang MEAL ALLOWANCE ay para lamang sa BANTAY/STAY IN sa mga proyekto at makakatanggap ng


P200.00/week at ilalabas ito tuwing Lunes lamang.

6. Ang TRAVEL ALLOWANCE ay para lamang sa mga empleyadong lumalabas ng kumpanya para sa mga hindi
regular na empleyado , na nagkakahalaga ng P125.00/MEAL.

7. Simula ngayon ay hindi na mababayaran ang OVERTIME kung walang OFFICIAL OVERTIME REQUEST na
pirmado ng Engineer’s o Department Head.

8. Ang PROJECT BASE EMPLOYEE ay dapat ng magsimula ng mag trabaho at nasa site na bago 7:30 ng umaga
at matatapos ng 4:30 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado.

9. Ikaw ay hindi babayaran kung araw ng Linggo at mga espesyal na araw/bakasyon (special holidays) maliban
kung ikaw ay pinapasok sa nasabing mga araw.

10. Ikaw ay hindi sakop ng Vacation at Sick leave na may kabayaran, ngunit maari kang mag file ng iyong
SICKNESS BENEFIT ng SSS at ito ay may bayad kung ikaw ay may mga dokumentong ipapakita na ikaw ay
nagkasakit at di naka pasok 5 o higit pang mga araw.

11. Bilang isang manggagawa tungkulin natin mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa kaya dapat ay lagi nating isuot ang
ating mga PPE tulad ng Hard Hat at Safety Shoes kasama nito ang ating mga Kapote at Bota. Ang sino mang nakaiwan o
hindi sumunod rito ay may parusang kahihinatnan.

12. Tungkulin nating isuot ng maayos ang ating mga uniporme ang hindi mag suot nito ay hindi maaring makapasok sa
araw ng trabaho.

13. Ang Kumpanya ay may karapatang tapusin ang termino ng iyong kontrata sakaling ang inyong serbisyo ay hindi na
kinakailangan sa proyekto o hindi mo magampanan ng maayos ang iyong tungkulin. Ang iyong terminason ay walang
kaukulang bayad o kompensasyon para sa hindi natapos na termino ng kontrata.

14. Ang iyong kontrata ay maari ring tapusin bago pa man mawalan ng bisa ang kasunduang ito kung mayroong dahilan
alinsunod sa batas at kawalan nang iba pang gagawin ukol sa iyong tungkulin sa proyekto.

15. Ang PROJECT BASE EMPLOYEE ay makakatanggap ng BACKPAY kung ang isang empleyado ay maayos
na umalis sa kumpanya na walang anumang kaso o nilabag na batas sa loob at labas ng kumpanya. May (30) na araw
mula ng pinirmahan ang CLEARANCE bago irelease ang BACKPAY.

16. Tayo ay naka sunod pa rin sa mga patakaran ng RAIK CONSTRUCTION AND DEVELOPMENT
CORPORATION ano mang pag labag sa mga batas na nakasaad ay may parusang kahihinatnan.

17. Hindi makakatanggap ng kahit ano man sa kumpanya kung napatunayan na may ginawa itong pagkakamali tulad ng
AWOL o pag alis sa kumpanya ng walang paalam sa matagal na araw , PAGNANAKAW , PAGBEBENTA NG MGA
PAGMAMAY ARI NG RAIK , KASO TULAD NG KRIMINAL AT PAGDO-DROGA
Ito ay hahatulan agad ng DISMISSAL O TERMINATION.

18. Ang pagtaas ng sahod ay naka base sa anumang memorandum o kasulatan mula sa DOLE kung mayroong pagtaas ng
sahod. Ang pagtaas ng kanyang sahod ay naayon din sa kung ano ang kanyang pag ganap at sipag sa trabaho na
irerecomenda ng mga Engineer o ng ating Boss.
Pangalan:
Posisyon:
Project Site:
Rate:

Kusang loob at malaya na pumirma sa kontratang ito na walang pananakot , pananakit , paninindak o
pangingibabaw ng isa laban sa isa ; alam ng isang PROJECT BASE EMPLOYEE na siya ay maaring hindi
pumirma sa kontratang ito kapag may nakita siyang nakasaad na hindi siya sang ayon o ayaw niyang sundin.

Maaring isulat ang iyong pangalan kasama ang iyong pirma sa itaas kung ikaw ay sumasang ayon sa
kontratang ito:

PANGALAN AT LAGDA POSISYON PETSA

SAKSI:

MARIA CHRISTINE P. FREDELUCES MA LENETH T. MATEO


HR OFFICER General Manager

You might also like