You are on page 1of 1

TUNGKULIN NG GUWARDIYA

Bilang isang guwardiya tungkulin mo na,

1. Suriin ng mabuti ang mga bag o gamit ng lahat ng empleyadong papasok at


lalabas sa gate ng kompanya.

2. Panatilihin ang pag-iispray sa mga gulong ng mga sasakyang papasok at


lalabas sa kompanya, pribado man o hindi.

3. Maitawag muna sa opisina ang lahat ng mga taong makikipag-transak sa


kompanya. (Supplier, Distributor, Ahente atbp)

4. Siguraduhin na maitala sa logbook ang mga pangalan o pagkakakilanlan ng


mga taong may transaksyon sa loob ng kompanya. (Supplier, Distributor,
Ahente atbp)

5. Maitala ang plate number ng mga sasakyang pribado o hindi, gayundin ang
tamang oras ng pagpasok at paglabas ng mga ito.

6. Maipatupad ang lahat ng mga alituntunin, batas at pinag-uutos ng pamunuan


na iyong pinaglilingkuran.

7. Magbigay ulat o report ng mga empleyadong hindi tumutupad o sumusunod


sa mga patakaran ng kompanya.

8. Tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga tao, empleyado o pribado na


nasa loob ng kompanya.

You might also like