You are on page 1of 3

1

FILIPINO TRANSLATION(Tagalog):
Aneks C

MODELO NG KONTRATA SA RECRUITMENT


(Sa wikang nalalaman at nauunawaan ng Recruit)
(Model Recruitment Contract)

SA LAHAT NG MAKABABATID NITO:

Ang kontrata sa Recruitment na ito na isinagawa ngayong


________________ araw ng ______________________ nina (Pangalan ng
Awtorisadong Kinatawan), nasa hustong gulang, wala/may asawa na
may adres sa _____________________, _______________________________,
kinatawan ng (Pangalan ng Ahensiya), na may punong tanggapan
sa ___________________________, na tutukuyin dito bilang ang
AHENSIYA.
-at-

_________________________,ipinanganak noong ______________________,


wala/may asawa na may adres sa _______________________________,
na tutukuyin dito bilang ang KASAMBAHAY, (dahil wala pa sa
hustong gulang ay kinakatawan ni
____________________________________ (Isulat ang Kaugnayan) na
siyang tagapangalaga;

SINAKSIHAN AT SINANG-AYUNAN ANG SUMUSUNOD:

1. Na ang AHENSIYA ay magsasagawa ng isang interbyu at


alamin ang pagkatao, pinag-aralan at iba pang mga bagay
tungkol sa buhay ng KASAMBAHAY upang matiyak na ang
kasambahay ay may kakayahang pisikal, mahusay at
handang magkaloob ng serbisyong kasiya-siya;

2. Na kapag napagtibay ang mga tadhana at mga kondisyon,


ang KASAMBAHAY ay magsusumite sa AHENSIYA ng
sumusunod na dokumento;

a. Awtentikong katibayan ng kapanganakan o kung wala,


voters identification card, katibayan ng binyag o
pasaporte.

b. Medical Certificate o Health Certificate na nagmula sa


health officer ng lokal na pamahalaan;

c. Barangay at Police Clearanc


d. National Bureau of Investigation Clearance
2

3. Na titiyakin ng AHENSIYA ang pinakamahusay na mga


tadhana at kondisyon ng paglilingkod para sa KASAMBAHAY;

4. Na ang AHENSIYA ay magbibigay ng oryentasyon sa


KASAMBAHAY bago magsimula sa gawain tungkol sa uri ng
trabaho, mga tungkulin at mga pananagutan, buwanang
sahod, iba pang mga benepisyo, at iba pang mga tadhana at
mga kondisyong sa gawaing iaatas sa kasambahay na
alinsunod sa mga Tuntuning Ipinatutupad at mga Regulasyon
ng Batas Republika Blg. 10361 o ang Batas Kasambahay;

5. Na unang babalikatin ng AHENSIYA ang lahat ng gastos na


ginugol sa paghahatid sa KASAMBAHAY simula sa
pinanggalingan patungo sa lugar na pagtatrabahuhan pati na
ang sumusunod:

a. Gastos sa Transportasyon

b. Pagkain

c. Gastos sa Komunikasyon

d. Iba pang mga kaugnay na bayarin

Sisingilin ng ahensiya sa EMPLOYER ang mga binanggit na bayarin.


Maibabalik sa EMPLOYER mula sa KASAMBAHAY ang mga
ginastos sa paghahatid kapag siya ay umalis nang walang
makatuwirang dahilan sa loob ng anim (6) mula nang siya ay
magtrabaho.

6. Sisiguruhin ng AHENSIYA na ang KASAMBAHAY ay hindi


sisingilin o hindi kailangang pagbayarin ng anumang
recruitment o placement fees;

7. Na sasamahan ng AHENSIYA ang KASAMBAHAY mula sa


lugar na pinanggalingan patungo sa lugar ng employer;

8. Na kung sakaling ang KASAMBAHAY ay hindi naging


kalipikado sa pagtatrabaho, kokontakin ng AHENSIYA ang
pinakamalapit na kaanak ng Kasambahay o kung wala pa sa
hustong gulang, ay sasamahan ang KASAMBAHAY pabalik
sa kaniyang bahay/probinsiya na gastos ng AHENSIYA, na
ibabalik/isasauli ng KASAMBAHAY;

9. Na tutulungan ng ahensiya ang kasambahay sa paghahain ng


kaniyang mga reklamo o hinaing laban sa employer;
3

10. Ang mga tadhana at mga kondisyon ng kontratang ito ay


hindi mababago o masususugan ng alinman sa dalawang
panig nang walang pagsang-ayon ang kabilang panig.

BILANG KATUNAYAN, nilagdaan ng magkabilang panig ang


Kontratang ito __________________araw ng ____________________, at
________________________, Pilipinas.

______________________ _____________________
Kinatawan ng Ahensiya Kasambahay

___________________________
Magulang/Tagapan
g-alaga

NILAGDAAN SA HARAP NINA:

__________________ __________________
Saksi Saksi

NILAGDAAN AT PINANUMPAAN sa harap ko ngayong


______________ araw ng _________________, 20___, sa
____________________________ (Pangalan ng Recruit) may Identification
Card at Residence Certificate Blg. ___________ kinuha sa
___________________ at ________________ noong
_______________________batid kong kapuwa sila ang mga taong
nagsagawa ng naunang kasulatan at inamin nila na malaya at
boluntaryo nila itong ginawa.

NOTARYO
PUBLIKO

Dokumento Blg. ____________


Pahina Blg. ________________
Talaan Blg. ________________
Serye ng __________________ :

You might also like