You are on page 1of 2

OFFICE MEMO

MEMO PARA KAY : AA


GALING KAY : XYZ Company
PAKSA : ABISO NG PAGPAPALIWANAG AT
PATSAMANTALANG PAGKAKASUSPINDE
(NOTICE TO EXPLAIN WITH NOTICE OF
PREVENTIVE SUSPENSION)
PETSA : 29 APRIL 2019

Base sa aming reports na natanggap at sa mga dokumentong nasagap, napag-


alaman ng ALT Trading (“Kumpanya”) na bilang isang ____________, hindi tama ang
pagdeklara mo ng unit price sa delivery receipt sa kopya ng kustomer at sa kopya ng
kumpanya. Sa kopya ng kustomer, Php105.00 ang sinulat mong unit price per kilo sa
pagbenta ng atay ng manok. Php75.00 naman ang unit price per kilo na sinulat mo sa
pagbenta ng balun-balunan ng manok. Ngunit, sa kopya ng Kumpanya, sinulat mo ang
tamang unit price na Php100.00 per kilo sa atay at Php70.00. Dahil sa diperensya sa
unit price, sobra ang halaga na binabayad ng kustomer at ito ay pinapaniwalaang
napupunta sa iyo.

Para sa iyong kaalaman, ang mga nabanggit na gawain o modus ay malinaw na


maituturing na (1) Serious misconduct or willful disobedience by the employee of the
lawful orders at (2) Fraud or willful breach of trust na nakasaad sa Labor Code. Maliban
dito, ito ay posible din maituturing na (3) paglabag sa Company Code of Rules and
Regulations, partikular na ang Section III(C), kung saan nakasaad na:

“III. HONESTY AND PERSONAL INTEGRITY

C. Unauthorized alteration or falsification of company records, documents


and/or reports.”

Kung mapapatunayan, ito ay maaaring maging sapat na kadahilanan para ikaw


ay maparusahan o matanggal sa iyong trabaho.

Dahil sa mga nabanggit, ikaw ay kinakailangan magsulat at magbigay ng iyong


paliwanag sa Kumpanya sa loob ng limang (5) araw matapos matanggap ang abisong
ito na nagpapaliwanag bakit hindi ka dapat patawan ng karampatang parusa dahil sa:
(1) Serious misconduct or willful disobedience by the employee of the lawful orders at
(2) Fraud or willful breach of trust na nakasaad sa Labor Code at sa (3) paglabag sa
Company Code of Rules and Regulations, partikular na ang Section III(C).

Ipinagbibigay alam din sa iyo na magkakaroon ng pagdinig para sa iyong kaso


limang araw matapos matanggap ang iyong sagot, sa ganap na 10:00 ng umaga sa
opisina ng Kumpanya na matatagpuan sa Sta. Rosa 1, Marilao, Bulacan, Philippines.
Kung gusto mo ay maaari kang magsama ng sarili mong abugado. Maaari ka magbigay
ng iyong mga ebidensiya. Ikaw ay binabalaan na ang hindi mo pagbigay ng iyong
paliwanag ay malinaw na maituturing na pagwawaksi o waiver ng iyong karapatan na
dumalo sa pagdinig at marinig ang iyong panig, at aming reresolbahin ang iyong kaso
base sa ebidensiya na aming hawak.

Bilang panghuli, ikaw ay inaabisuhan din ng pansamantalang pagkakasuspinde o


Preventive Suspension na hindi lalagpas ng tatlumpong (30) araw. Sa panahong ito,
ikaw ay hindi pinapahintulutan pumasok ng opisina maliban na lamang kapag ikaw ay
kusang pinapapunta ng Kumpanya.

Inaasahan namin ang iyong buong kooperasyon.

Lubos na gumagalang,

_____________________
HR Manager

Natanggap ni:

AA

You might also like