You are on page 1of 2

KATIBAYAN NG PAGTALIKOD SA KARAPATAN SA PAGHAHABOL

(RELEASE, WAIVER AND QUITCLAIM)

ALAMIN NG LAHAT NA:

AKO, si ______________________ Pilipino, may sapat na gulang, at


naninirahan at may pahatirang sulat sa ____________________________________,
matapos manumpa nang sang-ayon sa ipinag-uutos ng batas ay malaya at kusang-loob
na nagsasaysay:

Ako ay naging kawani/empleyado ng _______________________


(“Kompanya”). Kaugnay ng aking nakaraang paglilingkod bilang kawani/empleyado
ng nasabing Kompanya, tinanggap ko ng buong lugod ang halagang
____________________ Piso (P__________________) bilang tulong pinansiyal at
kabayaran sa lahat ng benepisyong tinatakda ng batas para sa akin;

DAHILAN DITO AT ALANG-ALANG SA NASABING HALAGA:

1. Pinalalaya at pinawawalang sala ko ang Kompanya, gayundin ang mga


may-ari, tagapamahala, kinatawan at kahalili nito tungkol sa ano mang pananagutan
at/o paghahabol na maaaring mayron ako laban sa kanila kaugnay ng nakaraan kong
paglilingkod sa Kompanya.

2. Ipinangangako at ipinababatid ko rin na hindi ako maghahabol laban


sa Kompanya, may-ari, tagapamahala, kinatawan nito, ng ano pa mang halaga o
reklamo na may kaugnayan sa nakaraan kong paglilingkod sa Kompanya.

3. Sumasang-ayon ako at nagpapahayag na bukod sa halagang nabanggit


sa itaas nito, natanggap ko rin mula sa Kompanya ang lahat ng sahod at mga
benepisyong tinatakda ng batas, polisiya at kaugalian ng Kompanya at kaugnay sa
paglilingkod ko sa Kompanya, ang halagang nabanggit sa itaas nito ay kumakatawan
sa buong kabayaran ng anumang dapat ko pang matanggap.

4. Buong laya kong ipinahahayag na binasa at naunawaan ko ang lahat


ng nasasaad sa itaas nito, gayundin ang kahulugan ng pagtalikod ko sa lahat ng
karapatan mayroon ako sa ilalim ng batas.

BILANG SAKSI, aking nilagdaan ngayong


____________________________ sa ___________________________, Bansang
Pilipinas.

_____________________

NILAGDAAN SA HARAPAN NINA:

_____________________ _________________________
NAGPAPATUNAY

Republika ng Pilipinas)
__________________)

Sa harapan ko, nilagdaan ni ____________ ang katibayan ng Pagtatalikod sa


Karapatan sa Paghahabol na ito ngayong ika-___ ng __________ 2008 sa Lungsod ng
_____________________.

___________________________
NOTARYO PUBLIKO

You might also like