You are on page 1of 1

REBIRTH PHILIPPINES THERAPEUTIC COMMUNTIY FOUNDATION, INC.

MEMORANDUM
DATE TO : : 03 January 2014 Rodel Bon Security Staff DR. ELOISA S. TRIA Executive Director AS STATED

FROM

SUBJECT

Naka abot sa aking kaalaman ang pangyayari na kung saan ikaw ay gumagamit ng cellphone sa oras ng iyong pagtatrabaho, mayroon din sitwasyon na ikaw ay nagpapalabas ng pasyente na itc ng hindi ka pa pinapayagan ng nurse na naka duty na ilabas ay inilabas mo na. At ang pangyayari na kung saan ikaw ay lumalabas na dala dala ang susi. Nais kung ipabatid sa iyo na ang mga bagay na ito ay hindi pinapayagan ng center na ginagawa mo, dahil bilang isang security ikaw ay may malaking responsibilidad sa center, at isa na dito ay yung bantayan ang mga residente, paano mo magagawa ang iyong tungkulin kung ikaw ay abala sa pag gamit ng cellphone, nasa tamang oras at panahon ang paggamit ng cellphone. Ang paglabas mo ng dala dala ang susi ay maling bagay dahil sa mga pangyayari na maaaring mangyari ng di natin inaasahan. Hindi mo rin pwedeng sabihin sa center na ikaw ay natataranta kapag naidestino ka sa mga residente na may kakulitin, dahil bilang security guard, kailangan ay alam mo din ang mga dalahin o sakit ng residente, kailangan tulungan mo ang iyong sarili na maging pasensyoso sa lahat ng bagay. Ang Memo na ito ay babala sa iyo, upang iwasan mo ang mga bagay na iyong ginawa, na hindi papayagan ng center na muling gawin mo. Sakaling ito ay muling mangyari, ikaw ay bibigyan ng mas mabigat na parusa o maging ito man ay ang pag alis sa iyo sa trabaho.

Para sa inyong pagsunod.

You might also like