You are on page 1of 3

Mula sa : HUMAN RESOURCES DEPARTMENT

Petsa : April 12, 2022


Para kay : DRIVER ROBERTO G. CANLAS
DECISION

Ang desisyong ito ay hinggil sa Incident Report mula sa Traffic and Management Office of
Parañaque na ipinarating sa opisina noong February 2, 2022 na nagsasaad na noong October 16, 2021
habang ikaw ang driver ng DL-557 at habang nagmamaneho sa kahabaan ng Roxas Boulevard ay
napag-alaman na ikaw ay nagkaroon ng Traffic Violation na tinatawag na Disregarding Traffic Sign na may
nakalagay na penalty na halagang One Thousand Five Hundred Pesos (P1,500.00). Nakasaad sa baba ang
resulta ng aming pagsisiyasat kung saan ikaw ay binigyan ng sapat na panahon para depensahan mo
ang iyong sarili sa kaso. Ang pangyayaring ito ay isang malinaw na paglabag sa polisiya ng kompanya
na nakapaloob sa 8.3.7-Sinadyang sagabal o paghimok, paghihikayat, paghadlang sa pagtupad ng mga
tungkuling nakaatang.

Upang mabigyan linaw ang nasabing report ay nagpadala ang opisina sa iyo ng sulat (“Notice to
Explain”) na may petsang January 3, 2022 at ito ay personal mong tinanggap noong February 5, 2022.
Base sa nasabing sulat, ikaw ay binibigyan ng pagkakataon magpaliwanag sa loob ng limang (5) araw
matapos mong matanggap ang naturang sulat. Binibigyan ka rin ng limang (5) araw mula sa
pagsusumite ng iyong written explanation o sulat ng pagpaliwanag na dumalo sa isang pagdinig
(hearing/conference) kung iyong nanaisin at may karapatan kang kumuha ng sarili mong abogado o
kasapi ng inyong unyon upang tumulong sa iyo para maipaliwanag and iyong panig.

Bilang tugon sa Notice to explain ay nagsumite ka ng iyong sulat-kamay na salaysay at nakasaad


dito na x x x Ako po si Roberto G. Canlas empleyado ng DLTBCo nasa hustong gulang . Noong Oct. 16
ako ako po ang may dala ng 557 na ako raw ay may nilabag na batas trapiko sa bandang Manila.
Ako po ay nahinhi ng paumanhin sa nagawa ko. x x x..

Noong February 5, 2022 Ikaw ay kusang nagpunta sa opisinang ito para magpaimbestiga sa
nasabing kaso. Heto ang ilang sumusunod na katanungan at sagot sa naganap na imbestigasyon;

7.T- Maari mo bang ipaliwanag ang pangyayari noong October 16, 2021 habang ikaw ang driver ng DL-557 sa
kahabaan ng Roxas Boulevard Corner Airport Road South bound lane Parñaque City ng ikaw ay
nagkaroon ng Traffic Violation na tinatawag na Disregarding Traffic Sign na may nakalagay na
penalty na halagang P1,500.00?
S- Ang mga sumusunod na paliwanag ay ang aking tugun hinggil dito;
A. October 16, 2021 galing po kami ng LRT papuntang Nasugbu dala ang DL-557, pagdating po namin ng
kahabaan ng Roxas Boulevard Corner Airport Road South bound lane Parñaque City ay napapunta ako sa linya
ng mga private vehicle ng ako ay pumila sa inner lane, ako ay napapunta sa inner lane dahil mahaba ang pila ng
sasakyan sa outer lane at sa ganoong pagkakataon ay nagkaroon ako ng traffic violation na disregarding traffic
sign. Pasensiya na po sa aking pagkakamali. Malaya ko pong inaamin ang aking nagawang traffic violation na
disregarding traffic sign. Handa ko naman pong bayaran ang kaukulang penalty ng traffic violation sa parañaque
na nagkakaghalaga ng P1,500.00
B. T- Bakit naman dumaan ka pa sa linya ng private vehicle eh may sariling daan ang PUB o ang mga bus?
S-Dahil po stop naman at mahaba ang pila sa linya ng PUB kaya doon ako pumila sa linya ng private vehicle na may U
Turn slot pero hindi naman po ako mag u-U Turn at ako ay didiretso dahil pag nag green naman po ay sabay naman ang
traffic light na nasa kaliwa at ang nasa kanan. Inaamin ko na po para hindi na po humaba ang tanungan at iisa din naman
ang pupuntahan nito.
C. T-Kusa at boluntaryo mo bang inaamin ang iyong pagkakamli?
S-Opo, Kusa at boluntaryo mo bang inaamin ang aking pagkakamli.
D. T-Handa mo bang bayaran ang halagang P1,500.00 na penalty sa traffic violation na ito?
S-Opo handa ko pong bayaran ang halagang P1,500.00 sa pamamagitan ng pagbawas sa aking suweldo kada
sahod.
E. T- Sino ang Conductor mo noong sandaling iyon?
S- Hindi o na po tanda ang conductor ko dahil hindi naman po regular bus ko ang DL-557.

Matapos ang masusing pag-aaral at pagtimbang sa mga dokumento, salaysay at imbestigasyon,


malinaw na ikaw ay may pagkakamali sa nangyaring insidente noong October 16, 2021 habang ikaw
ang driver ng DL-557 at habang nagmamaneho sa kahabaan ng Roxas Boulevard ng ikaw ay nagkaroon
ng Traffic Violation na tinatawag na Disregarding Traffic Sign na may kaakibat na penalty na halagang One
Thousand Five Hundred Pesos (P1,500.00). Malinaw sa iyong naging sagot na ikaw ay luminya sa private lane
na hindi dapat linyahan ng PUB o ng mga bus at ito ay nairecord sa CCTV at photograph ng Traffic and
Management Office of Parañaque. Ang nagawa mong pagkakamaling ito ay paglabag sa Ordinance S.9
(o) Ord. 17-06 (IRR) Other Violation of Traffic Violation( Disregarding Traffic Sign) as amended by Ord.
19-31 ng Parañaque City. Malinaw na ang paglabag sa batas trapiko ay paglabag sa Polisiya ng
Kompanya. Malinaw rin na inamin mo ang nagawa mong pagkakamaling ito. Ikaw ay pinapayuhan na
ugaliing sumunod sa batas trapiko at laging obserbahan ang ‘Defensive driving’, upang maiwasan at
hindi na maulit sa darating na panahon ang ganitong pangyayari.

Ayon sa iyong 201 file ay ito ang unang naging kaso mo tungkol sa Traffic Violation simula ng
ikaw ay maging empleyado ng Kompanya.

Ayon sa polisiya ng kompanya, ang sinumang empleyadong lumabag sa 8.3.7 ay may


kaparusahan na labing limang(15) araw sa unang paglabag at terminasyon sa trabaho sa pangalawang
paglabag.

Bilang konsiderasyon ay napagpasyahan ng kompanya na ipataw sa iyo ang karampatang parusa


na Pitong(7) araw na suspension sa trabaho at pagbabayad ng halagang One Thousand Five Hundred
Pesos (P1,500.00) na penalty para sa Traffic Violation na Disregarding Traffic Sign upang maiwasan at hindi
na maulit ang ganitong uri ng paglabag at kung sakaling maulit ang ganitong pangyayari sa mga
susunod na pagkakataon, ikaw ay maaari nang patawan ng mas mataas na suspensyon o termination
sa iyong trabaho. Ang suspension na ito ay magiging epektibo matapos mong matanggap ang
desisyong ito.

Ikaw din ay binibigyan paalala na maari mong iapela ang iyong usapin sa Grievance machinery
sang-ayon sa Collective Bargaining Agreement ng pamunuan at ng Unyon

James Olayvar
OIC-HR Department
SVP & General Manager

You might also like