You are on page 1of 3

Republic of the Philippines ]

Makati City ]

SINUMPAANG SALAYSAY NG PANGYAYARI


(EXPLANATION OF INCIDENT UNDER OATH)

KAMI, TC1 SHERWIN MUSNI, nasa hustong gulang, Pilipino at nakatira


sa Block 41-D Lot 28 Phase 4-D Heritage Home, Loma De Gato, Marilao,
Bulacan at VILLARDO E. BLANCIA, nasa hustong gulang, Pilipino, at nakatira
sa Block 22, Lot 46 FVR Village, Norzagaray, Bulacan, matapos
makapanumpa ng naayon sa batas, ay malaya at kusang loob na nagsasabi:
NA-

1. Kami ay mga empleyado ng Metropolitan Manila Development


Authority (MMDA) na may plantilla na Traffic Constabulary 1 (Musni) at Book
Binder IV (Blancia).

2. Kami ay nakatalaga sa Fairview Terminal noong buwan ng


Oktobre, taong kasalukuyan (2021).

3. Ang trabaho po namin doon ay siguraduhin na naoobserba ang


disiplina sa terminal, hindi nag aagawan ng pwesto ang mga bus, hindi nag
uunahan ang mga tao pasakay at pababa ng bus at pagpapatupad na din ng
safety protocols gaya ng pagsuot ng face mask at face shield, at pagsiguro sa
“social distancing.”

4. Maayos naman po ang aming trabaho sa Terminal, at sa


katunayan nga ay halos naging kaibigan na namin ang mga drayber ng mga
bus doon, para po mas mapadali ang pagpapatupad ng batas trapiko at mga
safety protocols.

5. Noong ika-5 ng Nobyembre, taong kasalukuyan (2021), nagulat na


lamang kami na may isang video na na-upload sa Facebook account ng isang
nagngangalang Martin Flavier noong ika-18 ng Oktubre taong kasalukuyan
(2021), na pinapalabas na nangbuburaot daw kami at nanghihingi ng pera sa
drayber ng bus.

6. Wala pong katotohanan ang nakalagay sa video po. Ang totoo po


niyan ay habang ginagawa namin ang aming trabaho ay niyaya kami ng
drayber ng bus na kumain.

7. Dahil kilala ko (Blancia) ang drayber ng bus ay niyaya ko si Musni


na umakyat kami ng bus para batiin ang drayber.

8. Pag-akyat ng bus at nagkwentuhan kami ng drayber, dahil break


din namin iyon at nagbibiruan, ng ulitin niya (drayber) ang imbitasyon na
kumain dahil may mga kainan din naman sa terminal.

9. Sa pag-aakalang nagbibiro ang kaibigan kong (Blancia) drayber,


nagbiro din ako, at sinabing “huwag na lang kumain, pang gas na lang”.
Uulitin ko (Blancia) na ito ay biro lamang dahil kaibigan ko (Blancia) ang
drayber.
10. Umakyat na ang kunduktor (na nakilala naming sa Facebook na
may pangalang Martin Flavier) at biniro ko (Blancia) na kunwari ay humihirit
kami ng pang gas.

11. Parang hindi naging maganda ang biro sa kundoktor at sinabi niya
na wag naman ganun at kokonti pa lang ang kinikita nila.

12. Kaya nagsabi ako (Blancia) na wala naman problema. Totoo


naman na walang problema dahil biro lang naman naming sa kaibigan ko
(Blancia) na drayber ang paghirit naming ng pang gas.

13. Matapos noon ay nagpaalam na kami sa drayber na kaibigan


naming at bumalik na sa pwesto naming.

14. Wala po kaming alam na may video, dahil hindi naman nagpaalam
itong si Martin Flavier (Kundoktor) na mag vivideo siya. Wala rin siyang
pahintulot na i-upload ang nasabing video.

15. Ang masakit pa nito, ay kung ano anong edit ang ginawa nitong si
Martin Flavier para palabasin na nanghihingi kami ng perang pang gas. Hindi
naman niya alam ang mga pangyayari bago siya umakyat sa bus.

16. Hindi naman naabutan nitong si Martin Flavier ang biruan naming
ng drayber dahil kaibigan ko (Blancia) po and naturang drayber. Alam din
naman nitong si Martin Flavier na nagbibiruan kami.

17. Hindi lang illegal ang pagkuha niya ng video dahil wala kaming
pahintulot, in-edit pa niya ito para palabasin na nangingikil kami, kahit
walang ganoong pangyayari. Pinutol-putol niya and video para lamang maging
angkop sa kasinungalingan niyang kwento at para siya ay sumikat at
makaipon ng madaming LIKES at SHARES. Ito ay malinaw na Cyberliber at
paglabag sa Cybercrime Prevention Act.

18. Dahil sa illegal na ginawa ni Martin Flavier, nirereserba namin ang


karapatan na magsampa ng kaukulang demanda laban sa kanya patungkol sa
illegal nap ag upload ng video na na-edit, at hindi angkop sa totoong
pangyayari.

19. Amin pong ginagawa ang salaysay na ito para bigyan ng linaw ang
mga pangyayari at para pabulaanan ang nasa uploaded video sa Facebook
Account ni Martin Flaview noong ika-18 ng Oktubre, taong kasalukuyan
(2021).

TC1 SHERWIN MUSNI

VILLARDO E. BLANCIA
Nagsasalaysay

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this ______________ in


__________________, affiants exhibiting to me their proof of identifications,
photopies of which are herein attached.
Doc. No. _____;
Page No. _____;
Book No. _____;
Series of 2021.

You might also like