You are on page 1of 5

Romero, Jean Geibrielle M.

FLINN01G- Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


AC202

YUNIT 2: GAWAIN 1
Fake News #1: Pagkalat ng Executive Order mula sa Office of the Governor na nagsasaad ng
muling pagsasailalim sa probinsya ng Cabite sa Province-wide Community Quarantine sa iba’t
ibang mga social media platforms.

Nilinaw ni Gob. Jonvic Remulla sa kanyang Facebook post noong Marso 14 na walang katotohanan ang
mga kumakalat na publicity materials na nagsasabing isasailalim muli sa lockdown ang buong probinsya
ng Cabite at lumang EO umano ito mula noong nakaraang taon.

Ang mga posts na tulad ng nasa itaas ay nagdudulot ng kalituhan at takot sa publiko na maaari
ring maging sanhi ng panibagong pagdagsa ng mga tao sa mga pamilihan upang mag-panic
buying. Kapag nagdagsaan ang mga tao sa iba’t ibang pamilihan, mapa-palengke man o grocery
stores ng mga mall, maaari itong maging dahilan ng dagdag sa tumataas na kaso ng mga nag-
popositibo sa Covid-19 sa ating probinsya. Bukod dito, maaari rin itong magbunsod ng anxiety at
pagkabagabag na maaaring makaapekto sa pangaraw-araw na gawain ng mga tao pati na rin sa
kanilang mental na pangkalusugan.
Romero, Jean Geibrielle M.
FLINN01G- Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
AC202

Fake News #2: Pagkalat ng larawan umano ni Bise Presidente Leni Robredo sa iba’t ibang mga
social media platforms na nagpabakuna ng Covid-1. Naging isyu dito ang hindi umano
makatotohanang pagbabakuna dahil hindi naman daw nakataas ang manggas ng kanyang damit
upang totoong mabakunahan.
Romero, Jean Geibrielle M.
FLINN01G- Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
AC202

Mariing pinabulaanan ni Robredo ang naturang kumakalat na mga litrato niyang ‘di umano ay
nagpabakuna sa isang Facebook Post. Nilinaw ng Robredo na ang naturang larawan ay larawan ni Dr.
Flordeliza Grana, isang pediatric surgeon sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center o ARMMC, at
nakasuot umano ito ng “bakuna” blouse na may hiwa o butas na manggas.

Ang mga fake news na tulad nito ay nagdudulot ng kasiraan sa isang tao, lalo na at ang taong
inuugnay rito ay nasa serbisyong pampubliko at may mataas na posisyong pinanghahawakan sa
ating bansa. Ang mga ganitong isyu ay nagiging sanhi rin ng mababa o bawas na pagtitiwala ng
mga mamamayang napaniwala ng fake news na ito sa taong inuugnay, gayundin ang paglikha ng
pagdududa at maaring hindi na pagsuporta sa personalidad na ito at sa mga susunod niya
aktibidad sa hinaharap. Maaari rin itong gawing sentro ng katatawanan (meme) ang senaryong ito
pati na rin si VP Robredo na sangkot sa isyu na ito.
Romero, Jean Geibrielle M.
FLINN01G- Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
AC202

FAKE NEWS #3: Pamimigay umano ni Pangulong Duterte ng Php 10,000 ayuda sa bawat
Pilipinong naapektuhan ng pandemya.

Ibinahagi ng Rapple and kumakalat na post ng YouTube channel na DDS NEWSINFO na nasasabi
umanong mamamahagi ng Php 10,000 ang gobyerno bilang ayuda sa bawat Pilipinong apektado ng
pandemya dulot ng Covid-19. Ang video na ito ay may habang 13:59 na naglalaman din ng clips nina
Cong. Alan Cayetano at Mike Defensor na siya namang may akda ng House Bill No. 8597 na
naglalayong mamahagi ng ayuda ngayong pandemya ng Php 1,500 sa bawat miyembro ng pamilya o Php
10,000 sa bawat pamilya, alin man ang mas mataas. Ngunit sa kasalukuyan ay nasabitin sa House
Committee on Social Services ang naturang akda. Mariin din itong pinabulaanan ng News5 na mayroon
silang inilabas na balita kaugnay ng paggamit ng kanilang logo rito.
Romero, Jean Geibrielle M.
FLINN01G- Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
AC202

Ang mga balita o posts tulad nito ay nagdudulot ng kalituhan at maling pag-papaasa sa mga
kababayan nating naghihirap at naghihikahos na ngayong panahon ng pandemya. Sa panahon
ngayon, malaking tulong ang magagawa ng nasabing halaga para sa isang pamilyang Pilipino
upang matugunan ang ilan sa kanilang pangangailangan. Ang pag-popost ng ganitong balita ay
malaking panloloko at pagpapaasa sa ating mga kababayang matinding naapektuhan ng
pandemya at naghihikahos na sa buhay. Tila baga ginagawang katatawanan at biro ang
paghihirap ng ating mga naghihikahos na kapwa. Malaki rin ang epekto nito sa pananaw ng masa
sa mga nakaupo sa pamahalaan; maaaring magkaroon ng ekpektasyon ang mga tao na
makatanggap ng naturang halaga mula sa mga nakaupo (mag-dedemand sila sa pamahalaan) o
maaari rin na madismaya sila at magdulot ng ‘di pagsuporta sa mga politikong sangkot dito.

You might also like