You are on page 1of 2

Sumulat ng sanaysay tungkol sa alinmang paksa na nakasaad sa ibaba.

Pumili lamang ng
isa. Ang sanaysay ay kailangang may Panimula, Katawan o Nilalaman at Pangwakas na
bahagi. (Typewritten sa Word Doc)

Mula Noon Hanggang Ngayon: Wikang Sarili Ang Wikang Tulay sa Mabisang
Pagkakaunawaan ng mga Mamamayan sa Ating Arkipelago

Ang Pilipinas ay isang arkipelago na binubuo ng higit sa 7,000 islang nahahati sa iba’t-
ibang mga rehiyon. Bawat rehiyon ay may kani-kaniyang mga kultura at tradisyong nabuo,
gayundin ang pagkakaroon ng mga sariling diyalekto. Sa buong Pilipinas, mayroong humigit-
kumulang 100 diyalektong ginagamit; ngunit ang wikang Filipino pa rin ang kinikilalang wikang
gamit sa lahat ng sulok ng ating bansa. Bukod sa pagiging arkipelago, ang Pilipinas din ay
naging kolonya ng iba’t-ibang bansa na siyang matinding nakaimpluwensiya rin sa ating kultura
gayundin sa wikang ating ginagamit. Sinasabing ang ating pambansang wika ang inaasahang
magbubuklod tungo sa pagkakaisa ng mga Pilipinong pinaghihiwalay ng iba’t-ibang isla sa ating
bansa. Ito ang pinakamahalagang istrumento ng komunikasyon; pasulat man ito o pasalita.

Pasulat man o pasalita, ang paggamit ng wikang Filipino na nagsisilbing lingua franca sa
ating bansa ang siyang pinakamabisang paraan upang maipabatid natin ang sarili nating mga
kaisipan at ideya, gayundin ang pagbahagi ng ating kultura, kasaysayan at karanasan sa iba pang
mga Pilipino mula sa ibang kultura. Sa paraang ito, maibabahagi natin sa kasalukuyang
henerasyon ang mga pangyayaring naganap noon; mabuti man o hindi maganda na siyang
humubog at bumuo sa kani-kaniya nating mga kultura. Maipapasa natin ang kasaysayan kasama
ng mga aral na hatid nito na maaari naman nating magamit sa pagkatuto at maging gabay sa
kung paano natin mas mapapabuti at mas mapapayabong ang ating kultura at pamumuhay bilang
mga Pilipino sa kasalukuyan at hinaharap.

Kung walang wikang pambansang magbubuklod sa ating mga Pilipinong pinaghiwa-


hiwalay ng mga kapuluan, mahihirapan tayong magkaintindihan bilang mga mamamayan ng
ating sariling bansa. Sa humigit-kumulang 100 diyalektong mayroon sa ating bansa, hindi
kakayanin ng isang taong maaral at gamiting ang lahat diyalektong ito. Kalimitan ay iilan
lamang sa mga ito ang kayang gamitin nating mga Pilipino. Ang mga Bisaya ay maaaring hindi
maintindihan ang mga Ilocano o Pangasinense ngunit kayang intindihin ang mga Tagalog. Ang
mga Waray ay maaaring hindi maalam makipag-usap ng Chavacano. Halimbawa na lang ang
salitang “langgam”, para sa mga tagalog, ang langgam ay uri ng insektong gumagapang, ngunit
kapag sinabi mo ang salitang “langgam” sa mga Bisayang Cebuano, ang intindi nila dito ay ang
hayop na lumilipad na ibon ang katumbas na tawag sa tagalog. Gayundin ang gamit ng salitang
“libog.” Sa mga bisaya, ang pagsasabing nalilibog sila ay nangangahulugang nalilito sila, ngunit
kung tagalog ang makakarinig nito, hindi maganda ang kahuluhan nito at maaaring sabihan ng
bastos ang nagsabi nito. Halimbawa lamang ang mga ito ng marami pang mga salitang
magkatulad ng basa o pagbaybay ngunit magkakaiba ang kahulugan na ginagamit sa iba’t ibang
mga diyalektong maaaring pag-ugatan ng hindi pagkakaintindihan. Ang hindi pagkakaroon ng
lingua franca ay maaaring magdulot ng hindi pagkakaintindihan at alitan sa pagitan ng iba’t-
ibang mga kultura dahil kahit na gumagamit ng mga magkakahawig na salita ang iba’t ibang
diyalekto sa ating bansa, hindi naman magkakatulad ng gamit at kahulugan ang mga ito.

Malaking aspekto na ang pagiging arkipelago natin sa malayong ugnayan ng ibang mga
rehiyon sa ating bansa. Tanging ang paggamit ng iisang wikang naiintindihan at nagagamit ng
lahat ang susi upang mas mapadali ang pagkakaintindihan at pagkakaunawaan nating mga
Pilipino. Ang paggamit ng wikang Filipino bilang wikang pambansa ang pinakamabisang paraan
upang mailahad natin ang ating mga ideya, karanasan, hinaing, opinyon at kung ano pa mang
bagay ang nais natin ipaalam at ibahagi sa iba na siguradong maiintindihan at mauunawaan ng
lahat. Pinaghiwalay man tayo ng kapuluan sa ating bansa, mayroon man tayong magkakaibang
mga tradisyon at kulturang kinagisnan, ang paggamit pa rin ng wikang pambansa kahit saan pa
man tayong panig ng bansa nagmula ang siyang magbubuklod sa ating pagkakaiba at siyang
magiging daan upang mas lalo natin maintindihan at maunawaan ang ating mga pinagmulan
bilang mga Pilipino. Kahit ano pa mang henerasyon, kahit saan pa ang pinagmulang rehiyon,
basta’t alam natin ang wikang Filipino, lahat tayo ay magkakaintindihan, lahat tayo ay
magkakaunawaan, at lahat tayo ay sama-samang susulong tungo sa kaunlaran at mas mayabong
pang kinabukasan.

You might also like