You are on page 1of 3

Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng

Edukasyon at Lagpas Pa

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating
pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.”

Ito ang tanyag na katagang nagmula sa isa sa mga itinuturing na dakilang bayani ng ating bansa,
si Gat. Jose Rizal, na nagbibigay kahalagahan ng wika sa buhay ng isang tao. Ang pagkakaroon
ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga mamamayan at nagkakaintindihan ang
lahat para sa iisang hangarin. Ang wika ring ito ang nagsisilbing matibay na pundasyon ng bawat
isa sa pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o pakikipag-ugnayan, sa pagbubuklod ng bansa, sa
paglinang ng malikhaing pag—iisip at sa pagpapalaganap ng kaalaman. Bagama’t ito ay
maituturing bilang mga buhay na wika ng isang bansa, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at
iba’t ibang paggamit sa iba’t ibang lugar, panahon at sitwasyon at kung kadalasan dahil sa mga
wikang banyaga na pumapasok sa ating bansa. Sa katunayan, kamakailan lamang tinangkang
paslangin ng Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon ang Filipino sa Kolehiyo ngunit
ipinaglaban ito ng iba’t ibang grupo sa pangunguna ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng
Wikang Filipino/TANGGOL WIKA. Sa sitwasyong inilahad, isang katibayan lamang na ito’y
maaaring makaapekto sa buhay hindi lamang sa mga estudyante kundi pati na rin sa mga
ordinaryong tao na tanging ang kaagapay lamang ay ang nakagisnang wika. Paano
mapapahalagan ang ibang wika kung ang pag-aaral at pagtataguyod sa sariling wika ay
tatalikuran?
Sa aking minamahal na guro. Sa aking mga tagapakinig at sa kapwa ko mananalumpati. Isang
magandang araw sa ating lahat.
Ang Pilipinas bagamat isang archipelago na binubuo ng 7,107 na pulo na may iba’t ibang
dayalekto, kultura, relihiyon, at paniniwala, ay pinagbubuklod ng iisang wika,ang wikang
Filipino. Ngunit sa pagsibol ng tinaguriang “makabagong panahon” nagkakaroon ng kamalayan
ang bawat Pilipino sa konsepto ng pag-unlad at pakikipag-ugnayan sa ibang lahi. Ang
konseptong ito ay di miminsang tagurian bilang konsepto ng pakikiuso o pakikibagay sapagkat
ang wikang sinasalita ay nahahaluan ng ibang wika o dayuhang wika na nagbubunsod ng unti-
unting pagkawala sa diwa ng nakagisnang wika. Magiging masaya kang mabahagian kung
gaano kaunlad ang ibang wika pero nakakalungkot na ikaw mismo wala kang masabi sa sarili
mong wika, dahil kapag tuluyang natanggal ang Filipino, mawawalan ka ng asignaturang
magiging susi upang higit mong makilala ang sariling wika mo. Ito rin ang magiging lahat para
masabi ng iba ang hangganan ng kaalaman mo sa wikang dapat na pinakakilala mo.
Ang wikang Filipino ang sagisag ng Perlas ng Silangan marapat lamang na ito’y payabungin at
pagyamanin tulad ng karunungang taglay ng bawat tao sa mundong ibabaw. Ano pa’t binansagan
itong wikang pambansa kung ito’y mananatili lamang sa bibig ng bawat Pilipino? Ano pa’t
binansagan tayong mga Pilipino kung ang wika ay naiiba? Matatawag pa ba ito bilang bansang
Pilipinas kung gayon?
Nakapaloob sa Konstitusyong 1987 ng Republika ng Pilipinas, na ang Filipino bilang wikang
pambansa. Filipino ang wikang pambansa dahil sa wikang ito tinatalakay ang mga bagay-bagay
ukol sa bansa na naiintindihan ng bawat mamayang Pilipino . ito ang ginagamit at gagamitin sa
pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino. Ang Filipino rin ang kinikilala bilang isang mabisang wika
sa pagtuturo at pagkatuto. Ito ay ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa iba’t-ibang disiplina ng
kaalaman at sa lahat ng antas ng edukasyon. Layunin nitong mapabilis ang pagkatuto ng mga
estudyante, maiangat ang antas ng literasi ng taong bayan at malinang ang kaisipang siyentipiko
at pagpapahalgang Pilipino. Bagama’t ang ingles ang tinaguriang “universal Language” hindi pa
rin ito sapat na dahilan upang ipagsawalang bahala ang Filipino. Marami sa mga kapwa natin
kababayan, ilan sa mga ito ay mga pangkat ng katutubo na naninirahan sa paanan ng bundok, ang
hindi makaintindi o makapagsalita man lang ng wikang ingles. Maging sa mga unibersidad,
paaralan, at maging sa paghahanap ng trabaho, palaging naabuso ang wikang Filipino sa
kadahilanang ang wikang ingles ang nagiging batayan. Hindi ba’t bago pa man tayo
makapagsalita ng wikang ingles, tayo ay nagsimula at umusbong sa wikang Filipino?
Ang paggamit ng wikang Filipino, pasulat man o pasalita, hiram man o orihinal ay ang
pinakamabisang sangkap sa pagpapahatid ng diwa o kaisipan at sa pagpapanatili ng mga tala sa
iba’t ibang larangan, pangkasaysayan, pampulitika, pangedukasyon, pansimbahan,
pangkabuhayan at maging sa pagpapaliwanag ng siyensiya. Pati na rin sa kultura ng isang pook o
bansa ay naipapahayag sa pamamagitan ng wika. Dahil rin sa wikang ito, nailalarawan at
malayang naipapahayag ng walang limitasyon at walang pag-aalinlangan ang ating mga
damdamin o saloobin, ang walang hanggang kaligayan, ang labis na kapighatian, ang matinding
kaba at ang kahalagahan ng ating mga pananaw. Ito ang nagsisilbi nating pinakamatibay na tulay
tungo sa pagiging isang matalino at makabayang nilalang ng bansang Pilipinas.

You might also like