You are on page 1of 1

Pangalan: ____________________________________________________________

Baitang at Pangkat: __________________________ Asignatura: Aralin Panlipunan 5


Guro: _______________________________

Leksyon : Quarter 1 Week 6 LAS 4


Pamagat : Ang Sosyo-Kultural at Politikal na Pamumuhay ng mga Pilipino
Layunin : Nasusuri ang sosyo-kultural at politikal na pamumuhay ng mga
Pilipino: politikal (e.g. namumuno, pagbabatas at paglilitis)
Sanggunian : MELC pahina 40;
Araling Panlipunan 5 SLM. pahina 6 – 17
Manunulat : Jirah R. Manguerra

Pulitikal na Pamumuhay ng mga Filipino


Sultanato – pamamahala batay sa katuruan ng Islam
Sultan – pinuno na siyang nagpapasya at nagtatakda ng mga tuntuning susundin sa
buong sultanato. Mayaman, mataas na bilang ng tagasunod, at may mahalagang
ambag sa pagpapahalaga sa lipunang Muslim.
Ang Batas ay naaayon sa sumusunod:
1. Adat (customary laws) – kaugaliang batas; mga batas na di-nakasulat
2. Sharia (Islamic laws) – ay ang katawan ng batas na pang-Islam, na isang
panuntunan ng pag-uugali, o batas panrelihiyon ng pananampalatayang Islam.
3. Qur’an – banal na aklat ng mga Muslim
Ruma Bichara – katulong ng sultan sa paggawa at pagpapatupad ng batas at
nagsisilbing tagapayo.
Ang sultan din ang nagsisilbing hukom sa paglilitis sa mga paglabag sa batas at
tumatayong kinatawan ng kanyang nasasakupan sa anumang pakikipag-ugnayan.

Gawain

Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang.


1. Katulong ng Sultan ang _________ ___________ sa pagpapatupad ng batas at
nagsisilbing tagapayo nito.
2. Ang ___________________ ay uri ng pamahalaan na nakabatay sa katuruang
Islam.
3. Pinuno na siyang nagpapasya at nagtatakda ng mga tuntuning susundin sa buong
sultanato ay tinatawag na __________________.
4. Itinuturing na banal na aklat ng mga Muslim ang _______________.
5. __________________________ ay ang katawan ng batas na pang-Islam, na
isang panuntunan ng pag-uugali, o batas panrelihiyon ng pananampalatayang
Islam.

You might also like