You are on page 1of 1

Pangalan: ____________________________________________________________

Baitang at Pangkat: __________________________ Asignatura: Aralin Panlipunan 5


Guro: _______________________________

Leksyon : Quarter 1 Week 6 LAS 3


Pamagat : Ang Sosyo-Kultural at Politikal na Pamumuhay ng mga Pilipino
Layunin : Nasusuri ang sosyo-kultural at politikal na pamumuhay ng mga
Pilipino: politikal (e.g. namumuno, pagbabatas at paglilitis)
Sanggunian : MELC pahina 40;
Araling Panlipunan 5 SLM. pahina 6 – 17
Manunulat : Jirah R. Manguerra

Politikal na Pamumuhay ng mga Filipino


Barangay - pinakamaliit na uri ng pamamahala. Tumutukoy din ito sa mga pangkat ng
magkakamag-anak o angkan. Sa lipunang Tagalog ito ay binubuo ng 30 – 100 pamilya
samantalang sa Kabisayaan ay 15 – 20 na pamilya at sa ibang lugar ay 300-1000
pamilya.
Datu – pinuno ng barangay. Kinikilalang pinakamalakas, pinakamatapang at
pinakamayamang lalaki sa barangay. Nakasalalay sa kanya ang kapakanan ng buong
barangay. Siya ang nagpapatupad ng mga batas at nagtatanggol sa barangay laban sa
kaaway.
Uri ng Batas
1. Nakasulat – ginagawa ng datu sa tulong ng lupon ng matandang tagapayo. Saklaw
nito ang relasyong pampamilya, karapatan, pautang, kalakalan at iba’t-ibang pagkakasala.
2. Di-nakasulat – batay sa kaugalian, tradisyon, at paniniwala ng mga tao.
Pangkat sa Lipunan

Maginoo- pinakamataas na antas sa lipunan dito nabibilang ang mga namumuno.

Maharlika – panggitnang uri na kinabibilangan ng karaniwan at malayang mamamayan


tulad ng timawa at bagani.

Alipin (oripun) – pinakamababang antas na kinabibilangan ng mga katulong o taga silbi.


Walang pormal na hukuman sa pamahalaang barangay. Lahat ng usapin ay dumaraan sa
publikong paglilitis. Halimbawa ng paglilitis: pagsisid ng matagal sa ilog, pagkuha ng
bato sa kumukulong tubig.
Gawain

Panuto: Piliin at bilugan ang sagot sa loob ng panaklong.

1. (Ruma bichara, lupon ng matatanda) abg katulong ng datu sa paggawa ng batas.


2. Kabilang sa batas na nakasulat ang (tradisyon, kaugalian, relasyong pampamilya).
3. Nabibilang sa pangkat na (maginoo, maharlika, alipin) ang mga bagani at timawa.
4. Tinatawag na (maginoo, mayor, datu) ang pinuno ng pamahalaang barangay.
5. Sa lipunang Tagalog ang barangay ay binubuo ng (30-100, 15-30, 300-1000)
pamilya.

You might also like