You are on page 1of 3

PANGALAN:___________________________________________________________MARKA:________________

Baitang at Seksyon:____________________________________________________Petsa:___________________

Basahin at unawain ang teksto ng Lumawak na Pananaw ng Pagkamamamayan at sagutan ang mga katanungan
sa ikalawang pahina. (Maaaring gumamit ng extrang papel kung kailangan)

Lumawak na Pananaw ng Pagkamamamayan

Patuloy ang paglawak ng konsepto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan. Tinitingnan ngayon ang


pagkamamamayan hindi lamang bilang isang katayuan sa lipunan na isinasaad ng estado, bagkus, maituturing ito
bilang pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan. Ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay
nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa
kabutihang panlahat. Mangyari pa, tinitingnan ng indibiduwal na siya ay bahagi ng isang lipunan kasama ang ibang
tao.

Hindi lamang magiging tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan ang isang mamamayan. Bilang
bahagi ng isang lipunan na may mga karapatan at tungkuling dapat gampanan, inaasahan na siya ay magiging
aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung kinahaharap ng lipunan at sa mas malawak na layunin ng pagpapabuti sa
kalagayan nito.

Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, igigiit ng isang mamamayan ang kaniyang mga
karapatan para sa ikabubuti ng bayan. Sa puntong ito ay maliwanag na sa iyo kung saan nagmula ang konsepto ng
citizenship at ang tradisyonal na pananaw nito. Sa susunod na mga talata ay iyong matutunghayan kung paano sa
pagdaan ng panahon ay lumawak ang konsepto ng pagkamamamayan. Pansinin ang malaking pagkakaiba ng
tradisyonal at ang pagiging malawak na pakahulugan ng pagkamamamayan. . Kaniyang gagamitin ang
pamamaraang ipinahihintulot ng batas upang iparating sa mga kinauukulan ang kaniyang mga hinaing at saloobin.
Ang mamamayan ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan sapagkat wala namang
monopolyo ang pamahalaan sa mga patakarang ipatutupad sa isang estado. Kung gayon, hindi niya inaasa sa
pamahalaan ang kapakanan ng lipunan sa halip, siya ay nakikipagdiyalogo rito upang bumuo ng isang kolektibong
pananaw at tugon sa mga hamong kinakaharap ng lipunan.

Batay sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, maaari nating matukoy ang mga katangian ng isang
mabuting mamamayan. Ayon kay Yeban (2004), ang isang responsableng mamamayan ay inaasahang makabayan,
may pagmamahal sa kapuwa, may respeto sa karapatang pantao, may pagpupunyagi sa mga bayani, gagap ang mga
karapatan at tungkulin bilang mamamayan, may disiplina sa sarili, at may kritikal at malikhaing pag-iisip. Naglahad
ang abogadong si Alex Lacson ng labindalawang gawaing maaaring makatulong sa ating bansa. Ang mga gawaing ito
ay maituturing na mga simpleng hakbangin na maaaring gawin ng bawat isa sa atin. Ngunit sa kabila ng pagiging
simple ng mga ito ay maaaring magbunga ang mga ito ng malawakang pagbabago sa ating lipunan.

1. Sumunod sa batas-trapiko. Sumunod sa batas.

2. Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili.

3. Huwag bumili ng mga bagay nasmuggle. Bilhin ang mga lokal na produkto. Bilhin ang gawang-Pilipino.

4. Positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling bansa.

5. Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang lingkodbayan.

6. Itapon nang wasto ang basura. Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan.

7. Suportahan ang inyong simbahan.

8. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksiyon.

9. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.

10. Magbayad ng buwis.

11. Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap.


12. Maging mabuting magulang. Turuan ng pagmamahal sa bayan ang mga anak.

Sanggunian: Lacson, Alexander L. (2005). 12 Little Things Every Filipino Can Do to Help Our Country. Alay Pinoy
Publishing House

Ang isang aktibong mamamayan ay hindi lamang nalilimitahan sa pagsunod sa mga batas at hindi pagsuway dito. Sa
ilang mga pagkakataon ay sinusubok nila ang mga panuntunan at mga umiiral na istruktura, ngunit palagiang
nananatili sa mga hangganan ng mga demokratikong pamamaraan at hindi nakikisangkot sa mga gawaing mararahas.
Niyayakap nila ang mga pagpapahalagang nakaugat sa aktibong pagkamamamayan kabilang ang paggalang sa
katarungan, demokrasya, at pananaig ng batas (rule of law); pagiging bukas (openness); pagpaparaya (tolerance);
lakas ng loob na ipagtanggol ang isang pananaw; at may pagnanais na makinig, makipagtulungan at manindigan para
sa iba.

Noong Agosto 19, 1939, kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-61 taon ng kaniyang kaarawan, nagpalabas ang Pangulong
Manuel L. Quezon ng Atas Tagapagpaganap Blg. 217 (Executive Order No. 217) ng mga panuntunang sibiko at etikal-
na tinatawag na Kodigo ng Pagkamamamayan at Kagandahang Asal- na ituturo sa lahat ng mga paaralan. Ang mga
aral ng nasabing kodigo ay nananatiling buhay at mahalaga sa kasalukuyang panahon.

1. Magtiwala ka sa Poong Maykapal na gumagabay sa kapalaran ng mga tao at

mga bansa.

2. Mahalin mo ang iyong bayan sapagkat ito ang iyong tahanan, pinagmumulan ng iyong pagmamahal at bukal ng
iyong kaligayahan at pagiging tao. Ang pagtatanggol sa bayan ang pangunahin mong tungkulin. Maging handa sa
lahat ng oras na magpakasakit at ialay ang buhay kung kinakailangan.

3. Igalang mo ang Saligang Batas na nagpapahayag ng makapangyarihang kalooban. Itinatag ang Saligang Batas para
sa iyong kaligtasan at sariling kapakanan. Sundin ang mga batas at tiyaking sinusunod ito ng lahat ng mamamayan at
tumutupad sa kanilang tungkulin ang mga pinuno ng bayan.

Kusang magbayad ng mga buwis at maging maluwag sa kalooban ang maagap na pagbabayad nito. Alalahaning ang
pagkamamamayan ay hindi lamang mga karapatan ang taglay kung hindi maging mga pananagutan din.

5. Panatilihing malinis ang halalan at sumunod sa pasya ng nakararami.

6. Mahalin at igalang ang iyong mga magulang. Paglingkuran mo silang mabuti at pasalamatan.

7. Pahalagahan mo ang iyong karangalan gaya ng pagpapahalaga mo sa iyong buhay. Ang karalitaang may dangal ay
higit na mahalaga kaysa yamang walang karangalan.

8. Maging matapat sa pag-iisip at sa gawa. Maging makatarungan at mapagkawanggawa, ngunit marangal sa


pakikitungo sa kapwa.

9. Mamuhay nang malinis at walang pag-aaksaya. Huwag maging maluho at mapagkunwari. Maging simple sa
pananamit at kumilos nang maayos.

10. Mamuhay na gaya ng inaasahan sa iyo ng marangal na tradisyon ng ating lahi. Igalang ang alaala ng ating mga
bayani. Ang kanilang buhay ay halimbawa ng daan tungo sa tungkulin at karangalan.

11. Maging masipag. Huwag ikatakot o ikahiya ang pagbabanat ng buto. Ang pagiging masipag ay daan tungo sa isang
matatag na kabuhayan at sa yaman ng bansa.

12. Umasa sa iyong kakayahan sa pag-unlad at kaligayahan. Huwag agad mawawalan ng pag-asa. Magsikap upang
makamit ang katuparan ng iyong mga layunin.

13. Gampanang maluwag sa kalooban ang iyong mga tungkulin. Ang gawaing hindi maayos ay higit na masama sa
gawaing hindi tinapos. Huwag ipagpabukas ang gawaing maaari mong gawin ngayon.

14. Tumulong sa kagalingan ng iyong pamayanan at palaganapin ang katarungang panlipunan. Hindi ka nabubuhay na
nag-iisa kapiling ang iyong mag-anak lamang. Bahagi ka ng isang lipunang pinagkakautangan ng pananagutan.
15. Ugaliin ang pagtangkilik sa sariling atin at sa mga kalakal na gawa rito sa atin.

16. Gamitin at linangin ang ating likas na yaman at pangalagaan ito para sa susunod na salinlahi. Ang mga
kayamanang ito ay minana pa natin sa ating mga ninuno. Huwag mong gawing kalakal ang iyong pagkamamamayan.

Mahalagang bahagi ng ating pagka-Pilipino ang aktibo nating pakikilahok sa mga isyu at hamong ating kinakaharap.
May magagawa tayo bilang mga aktibong mamamayan ng bansa upang patuloy na mapabuti at mapa-angat ang
antas ng ating pamumuhay.

Gawain 1.Ako Bilang Aktibong Mamamayan

Basahin at suriin ang teksto sa unang pahina. Punan ang bawat kahon ng karampatang datos ayon sa hinihingi nito.

Ligal na Pananaw sa Aktibong Mamamayan Lumawak na Panananaw sa


Pagkamamamayan pagkamamamayan

1.

2. 1.
1.
3. 2.
2.
4. 3
3.
5.

Gawain 2: Pinoy Ako!


Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat sa papel ang NT kung ang pagkamamamayang Pilipino ay
natamo, NW kung nawala at MMT naman kung muling matatamo.

1. Ako si Irvin, ipinanganak sa Nueva Ecija. Ang ama ko ay Pilipino, Tsino naman ang aking ina. Ang aking
pagkamamamayang Pilipino ay .

2. Ako ay si Lorenz. Sumapi ako sa Hukbong Sandatahan ng Amerika. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay .

3. Ako ay si Lianne. Ang tatay at nanay ko ay Kapampangan. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay .

4. Ako si Marisse. Nakapag-asawa ako ng taga-Canada at doon na kami naninirahan. Ang aking pagkamamamayang
Pilipino ay .

5. Ako si Juvy ay naging mamamayang British. Nagbalik-bayan ako at gusto kong maging Pilipino muli. Nagharap ako
ng kahilingan sa hukuman at pinagtibay ito ng Kongreso. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay .

You might also like