You are on page 1of 54

ARALING

PANLIPUNAN
4
Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung nagpapakita ng
pagkamamayang Pilipino at ekis (x) kung hindi

x Dayuhan na naninirahan lamang sa


____1.
bansang Pilipinas upang mag-aral.
Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung nagpapakita ng
pagkamamayang Pilipino at ekis (x) kung hindi

/ Mamamayan ng Pilipinas nang


____2.
pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987 noong
Pebrero 2, 1987.
Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung nagpapakita
ng pagkamamayang Pilipino at ekis (x) kung
hindi

/ Ang ama o ina ay mamamayang


____3.
Pilipino.
Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung nagpapakita
ng pagkamamayang Pilipino at ekis (x) kung
hindi.

x Mga dayuhan na bumisita at namasyal


____4.
lamang sa bansang Pilipinas.
Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung nagpapakita
ng pagkamamayang Pilipino at ekis (x) kung
hindi.

/
____5. Ipinanganak sa bansang Pilipinas at
kapwa Pilipino ang mga magulang.
Layu nin:
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. Natatalakay ang konsepto ng karapatan.

2. Natutukoy ang mga karapatan ng


mamamayang Pilipino
Tingnan ang mga larawan. Ano ang ipinakikita ng bawat
isa?
Tingnan ang mga larawan. Ano ang ipinakikita ng bawat
isa?
Ano kaya ang tawag sa natatanggap
nating mga serbisyo at
pangangailangan na ibinibigay sa atin?

KARAPATAN
KARAPATAN
MO, IPAGLABAN
MO
KARAPATAN
KARAPATAN
Ay anumang bagay o paglilingkod na
tinatamasa ng isang tao ng naayon sa
batas

Ito rin ay tumutukoy sa mga bagay na


nararapat sa bawat nilalang
KARAPATAN
KARAPATAN
Sa isang demokratikong bansa tulad ng
Pilipinas lubos na pinahahalagahan ang
mga karapatan ng mamamayan.
Nasasaad ang mga ito sa Kalipunan ng
mga Karapatan sa Artikulo III, Seksyon 1-
22 ng Saligang Batas ng 1987.
Tatlong uri ng mga Karapatan ng bawat
mamamayan sa isang demokratikong
bansa.

1.Likas na Karapatan
2.Karapatang konstitusyonal at
3.mga karapatang kaloob ng binuong
batas
1. Ang likas na Karapatan -ay mga karapatang taglay ng
bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado. Halimbawa ng
likas na karapatan ay ang karapatang mabuhay at maging
malaya.
2. Ang karapatang kaloob ng binuong batas ay ang
mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring
alisin sa pamamagitan ng panibagong batas.
3. Ang karapatang konstitusyonal -ay mga karapatang
ipinagkakaloob at pinangangalagaan ng Estado.

May apat na uri ang karapatang konstitusyonal:

• karapatang sibil,
• karapatang politikal,
• karapatang panlipunan at pangkabuhayan,
• at karapatan ng nasasakdal.
Karapatang Sibil

Ang mga karapatang sibil ay tungkol sa


pagtatamasa ng mga mamamayan ng kapayapaan
at kaligayahan sa buhay.
KARAPATANG SIBIL

• Karapatang mabuhay
• Karapatang magsalita at ipahayag ang sarili
• Karapatang di mabilanggo dahil sa pagkakautang
• Karapatang magkaroon ng tirahan at ari-arian
• Karapatan laban sa sapilitang paglilingkod
• Karapatan sa pantay na proteksyon sa batas
• Karapatan sa di-makatwiran na pagdakip at paghahalughog
• Karapatan sa mabilis na paglilitis
Ang Karapatang Politikal

Ang karapatang politikal ay tumutukoy sa mga


karapatan na may kinalaman sa ugnayan at
pakikilahok ng mamamayan sa pamahalaan.
KARAPATANG POLITIKAL

 Karapatang bomoto
 Karapatan sa pagkamamamayan
 Karapatang magpetisyon
 Kalayaang magsalita,maglimbag at magtipun-tipon
 Karapatang bumuo ng samahang hindi labag sa batas.
 Karapatang gumanap ng tungkuling pampubliko
 Karapatang alamin ang mahahalagang impormasyon
dahil sa pamamalakad ng pamahalaan.
Karapatang Panlipunan

Ang mga karapatang panlipunan ay nakatutulong


sa pangangalaga ng kapakanang panlipunan ng
mga mamamayan.
KARAPATANG PANLIPUNAN

 Karapatang pumili ng relihiyon


 Karapatang maglakbay
 Karapatan sa lihim na korespondensya at
komunikasyon
Karapatang Pangkabuhayan

Ang karapatang pangkabuhayan ay tumutulong sa


pangangalaga sa kapakanan ng kabuhayan o
ekonomiya ng bawat mamamayan.
KARAPATANG PANGKABUHAYAN

 Karapatang pumili ng hanapbuhay


 Karapatang maging ligtas sa maruming kapaligiran at
pagawaan
 Karapatang makinabang sa mga likas na yaman.
 Karapatan na bayaran ng wasto sa pribadong ari-arian
na ginamit ng pamahalaan
 Karapatan sa edukasyon
 Karapatan sa pagmamay-ari
Karapatan ng Nasasakdal

Sa katunayan, ang karapatan ng nasasakdal ay


kabilang sa karapatang sibil. Pinangangalagaan ng
karapatang sibil na ito ang mga nasasakdal laban
sa anumang kasalanan sa pamamagitan ng
makatarungang paglilitis.
KARAPATANG PANG-NASASAKDAL

 Karapatan marinig sa hukuman


 Karapatang malaman ang kaso laban sa kaniya
 Karapatang pumili ng magaling abogado
 Karapatan sa madalian at walang kinikilingang paglilitis
 Karapatang magkaroon ng testigo
 Karapatang magkaroon ng sapat na tulong
 Karapatang magbayad ng piyansa upang
pansamantalang makalaya
KARAPATANG PANG-NASASAKDAL

Karapatan laban sa malupit at di makataong


pagparusa.
Karapatang maituring na walang kasalanan o inosente
hanggang hindi napapatunayan ng korte.
Karapatan laban sa dalawang ulit na kaparusahan sa
iisang kasalanan
Karapatang makaharap ang umaakusa at mga saksi
Bukod sa Saligang Batas ng 1987, ang Samahan ng
Nagkakaisang mga Bansa o United Nations ay bumuo noong
1959 ng Pandaigdigang Kasunduan ng mga Karapatan ng mga
Bata o mas kilalang Universal Declaration of Rights of the
Child.

Ito ay naglalayong protektahan ang karapatan ng mga bata sa


buong mundo na siyang responsibilidad ng mga nakatatanda.
Mabubuod ito sa sampung prinsipyo:
Karapatan ng mga Bata o Universal Declaration of Rights of the Child.

• Karapatan sa pagkakapantay, anoman ang


pinagmulang lahi, relihiyon o bansang kinabibilangan

• Karapatag magtamasa ng maayos na pamumuhay


kahit may kapansanan

• Karapatang mabigyan ng pangalan at pagkamamamayan

• Karapatan sa sapat na nutrisyon, tirahan at serbisyong


medikal
Karapatan ng mga Bata o Universal Declaration of Rights of the Child.

• Karapatan sa natatanging proteksyon sa


pagunlad na pisikal, mental at sosyal

• Karapatang maglaro at sa libreng edukasyon

• Karapatang mapangalagaan sa lahat ng


pagkakataon
Karapatan ng mga Bata o Universal Declaration of Rights of the Child.

• Karapatang mabigyan ng proteksyon laban sa


diskriminasyon, kapabayaan, pagmamalupit at
pagmamalabis

• Karapatang lumaki sa isang mabuting


lipunan
Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang ibig sabihin ng karapatan?

2. Isa-isahin ang mga uri ng karapatan na


tinatamasa ng isang malayang mamamayan.
Sagutin ang mga tanong:

3. Bakit ang tao ay may taglay na karapatan? Paano nito


naaapektuhan ang pamumuhay ng tao sa lipunan?

4. Sa iyong palagay, magiging higit na matatag ba ang ating


bansa kung ang mga tao ay walang mga karapatang
tinatamasa?
Sagutin ang mga tanong:

4. Anong Serbisyo ang binibigay ng barangay kapag


nag-kakasakit ang mga taga Pulong Sta. Cruz?Nararapat
ba nating tamasahin ito? Bakit?
GAWAIN I
Tukuyin kung anong uri ng karapatan ang inihahayag ng
pangungusap. Iguhit sa sagutang papel ang sumusunod na
simbolo na kumakatawan sa iyong sagot.

_____1. Binigyan si G. Juan ng pampublikong


abogado para ipagtanggol siya sa kinakaharap na
kaso.
Tukuyin kung anong uri ng karapatan ang inihahayag ng
pangungusap. Iguhit sa sagutang papel ang sumusunod na
simbolo na kumakatawan sa iyong sagot.

______2. Tuwing halalan, hindi nalilimutan ni


Shiela na bumoto sa kanilang bayan.
Tukuyin kung anong uri ng karapatan ang inihahayag ng
pangungusap. Iguhit sa sagutang papel ang sumusunod na
simbolo na kumakatawan sa iyong sagot.

_______3. Si Iska ay malayang nagpabaptismo sa


relihiyon ng kaniyang napangasawa.
Tukuyin kung anong uri ng karapatan ang inihahayag ng
pangungusap. Iguhit sa sagutang papel ang sumusunod na
simbolo na kumakatawan sa iyong sagot.

______4. Nagtapos ng kursong Edukasyon si Yen at


siya ay nagtatrabaho na bilang isang guro.
Tukuyin kung anong uri ng karapatan ang inihahayag ng
pangungusap. Iguhit sa sagutang papel ang sumusunod na
simbolo na kumakatawan sa iyong sagot.

_____5. Si Amy na isang ulila na ay kinupkop at


inalagaan ng pamilyang Mendoza.
Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon?

Mahilig umawit ang magkakaibigang Nery, Judy,


at Marissa kaya naisipan nilang magtatag ng isang
samahan upang lalo pa nilang malinang ang
kanilang talento. Kung ikaw ay isa sa kanilang
mga kaibigan ano ang gagawin mo? 
Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon?

Nang magkaroon ng halalan sa kanilang


barangay, binoto ni Solo ang kaniyang
kaibigan bilang Kapitan kahit alam
niyang hindi ito karapat-dapat sa
tungkulin. Ikaw iboboto mo rin ba siya?
Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon?

Napag-aralan mo na isa sa mga


karapatan ng bata ang
magpahinga at maglibang. Ano
ang gagawin mo ngayong masama
ang iyong pakiramdam?
Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon?

Nawalan ng hanapbuhay sina


Marvin sa kanilang lalawigan kaya
lumipat sila sa Maynila. Wala silang
tirahan kaya nagtayo sila ng maliit
na bahay sa tabi ng riles ng tren.
Ano ang dapat mong gawin?
Bilang isang bata paano mo
maipapakita ang
pagpapahalaga sa iyong mga
karapatang tinatamasa?
Tukuyin kung anong uri ng Karapatan ang ipinapahayag ng

A HI N bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang


TA Y papel Gawin sa loob ng 5 minuto

A. Karapatang Sibil
B. Karapatang Politikal
C. Karapatang Panlipunan
D. Karapatang Pangkabuhayan
E. Karapatan ng Nasasakdal

1. Karapatang magkaroon ng testigo


Tukuyin kung anong uri ng Karapatan ang ipinapahayag ng

A HI N bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang


TA Y papel Gawin sa loob ng 5 minuto

A. Karapatang Sibil
B. Karapatang Politikal
C. Karapatang Panlipunan
D. Karapatang Pangkabuhayan
E. Karapatan ng Nasasakdal

2.Karapatang pumili ng propesyon o


hanapbuhay
Tukuyin kung anong uri ng Karapatan ang ipinapahayag ng

A HI N bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang


TA Y papel Gawin sa loob ng 5 minuto

A. Karapatang Sibil
B. Karapatang Politikal
C. Karapatang Panlipunan
D. Karapatang Pangkabuhayan
E. Karapatan ng Nasasakdal

3. Karapatang pumili ng relihiyon


Tukuyin kung anong uri ng Karapatan ang ipinapahayag ng

A HI N bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang


TA Y papel Gawin sa loob ng 5 minuto

A. Karapatang Sibil
B. Karapatang Politikal
C. Karapatang Panlipunan
D. Karapatang Pangkabuhayan
E. Karapatan ng Nasasakdal

4. Karapatan sa pagkamamamayan
Tukuyin kung anong uri ng Karapatan ang ipinapahayag ng

A HI N bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang


TA Y papel Gawin sa loob ng 5 minuto

A.Karapatang Sibil
B. Karapatang Politikal
C. Karapatang Panlipunan
D.Karapatang Pangkabuhayan
E. Karapatan ng Nasasakdal

5. Karapatang magkaroon ng tirahan at ari-arian


D A N G
TA K
AL IN
AR

Gumawa ng isang taludtod na tula na may kinalaman


sa pagpapahalaga sa mga napag-aralang mga
karapatan. Lagyan ng sarili mong pamagat.

You might also like