You are on page 1of 34

PANUTO!

 Tukuyin kung anong uri ng karapatang


pantao ang isinasaad ng bawat
pangungusap.

Mga pagpipilian:
Sibil, Politikal, Pang-ekonomiya,
Karapatang kultural, at Karapatan ng
akusado. 
1.Makalahok sa halalan sa
pamamagitan ng pagboto. 

P-
POLITIKAL
2. Mabuhay ng matiwasay at
payapa ng walang
pinangangambahang panganib. 

S-
SIBIL
3. Magkaroon ng ari-arian at
makapili ng trabaho na nakabatay
sa iyong kakayanan. 
PE-
PANG-
EKONOMIYA
4. Ipakilala ang tradisyon ng
pangkat na iyong kinabibilangan
katulad ng pakikibahagi sa
kapistahan. 
KK-
KARAPATAN
G KULTURAL
5. Manahimik
at magkaroon ng
abogado na magtatanggol sa
nasasakdal.
KA-
KARAPATAN
NG
AKUSADO
TITLE
MGA PRINSIPYO
N G Y O G YA K A RTA
MGA PRINSIPYO NG YOGYAKARTA

1. Ang karapatan sa unibersal na


pagtatamasa ng mga karapatang
pantao
2. Ang mga karapatan sa
pagkakapantay-pantay at
kalayaan sa diskriminasyon.

3. Ang karapatan sa pagkilala sa


batas
4. Ang karapatan sa buhay
MGA PRINSIPYO NG YOGYAKARTA

5. Ang karapatan sa seguridad


ng pagkatao

6. Ang karapatan sa pribadong


buhay

7. Ang karapatan na hindi


arbitraryong mapiit 

8. Ang karapatan sa patas na


paglilitis 
MGA PRINSIPYO NG YOGYAKARTA

9. Ang karapatan sa makataong


pagtrato habang nakapiit 
10. Ang karapatan laban sa torture
at sa malupit, makahayop, o
mapanghiyang pagtrato o
pagpaparusa 
11. Ang karapatang
maipagtanggol laban sa lahat ng
anyo ng pagsasamantala,
pagbebenta, at trafficking ng tao
MGA PRINSIPYO NG YOGYAKARTA

12. Ang karapatan sa trabaho 

13. Ang karapatan sa social


security at iba pang proteksyong
panlipunan 

14. Ang karapatan sa sapat na


pamantayan ng pamumuhay 

15. Ang karapatan sa sapat na


pabahay 
MGA PRINSIPYO NG YOGYAKARTA

16. Ang karapatan sa edukasyon 

17. Ang karapatan sa


pinakamataas na pamantayan ng
kalusugang makakamit 

18. Proteksyon laban sa mga


abusong medikal 

19. Ang karapatan sa malayang


paglalahad ng opinyon at
pamamahayag
MGA PRINSIPYO NG YOGYAKARTA

20. Ang karapatan sa malayang


asembleya at pagsapi sa mga
samahan
21. Ang karapatan sa malayang
pag-iisip, konsensiya, at relihiyon 

22. Ang karapatan sa malayang


pagkilos 

23. Ang karapatang humanap ng


asilo 
MGA PRINSIPYO NG YOGYAKARTA

24. Ang karapatang magbuo ng


pamilya 
25. Ang karapatang lumahok sa
buhay-pampubliko 
26. Ang karapatang lumahok sa
buhay-pangkultura
27. Ang karapatang magtaguyod
ng mga karapatang pantao  29. Pananagutan
28. Ang karapatan sa mabibisang lunas 
at pagtutuwid ng kamalian 
Pamprosesnong Tanong:
 

1.Bakit itinaguyod ang Prinsipyo ng


Yogyakarta?

2. Bilang isang mag-aaral, paano mo


maipapakita ang pagsuporta sa mga
pinsipyo ng Yogyakarta?
Ebalwasyon
A. Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon.
Isulat ang salitang Hooray kung ito ay saklaw ng
prinsipyo ng Yogyakarta at Hephep kung hindi. Isulat
ang iyong sagot sa isang papel.
__________ 1. Ang samahan ng mga LGBT ay nag-
organisa ng isang webinar upang ipaglaban ang
kanilang karapatan.
2. Si Marikit na isang transgender
ay kaanib ng isang relihiyon.

3. Piniling manirahan ng mag-


partner na Nil at Al sa France
upang bumuo ng pamilya dahil sa
sila ay pawang miyembro ng LGBT.
4. Hindi pinayagan si Verdan na
lumahok sa pulitika.
5. Isang lalaki ang hindi natanggap
sa paaralang kaniyang nais
pasukan upang magturo sapagkat
pawang mga babae lamang ang
nagtuturo rito.
B. Panuto: Gumawa ng maikling sanaysay
mula sa gabay na tanong. Isulat ang
pangangatwiran sa 3-5 pangungusap. (10
puntos)
 
 Kung bibigyan ka ng pagkakataong
magdagdag ng isang prinsipyo ng
Yogyakarta, ano ito at bakit yan ang naisip
mo?
GENDER 
AND
DEVELOPMENT
Ayon sa Komisyon ng Kababaihan sa
Pilipinas ang Gender and Development
(GAD) ay isang pananaw at proseso ng
pag-unlad na mayroong pakikilahok at
nagbibigay lakas, pagkakapantay-
pantay, napapanatili, malaya sa
karahasan, may paggalang sa
karapatang pantao, sumusuporta sa
pagpapasiya sa sarili at
pagsasakatuparan ng mga kakayahan
ng tao.
Ang pangunahing pokus ng GAD ay
ang dalawang mahalagang
balangkas nito, ang Gender Roles
at Social Relations Analysis. Ang
Gender Roles ay nakatuon sa
pagbuo ng mga pagkakakilanlan sa
lipunan at ang pagiging patas ng
lalaki at babae sa pagkukunan ng
pangkabuhayan. Ang Social
Relations Analysis naman ay
nakatuon sa pag-aaral ng
panlipunang katayuan ng
kalalakihan at kababaihan sa
lipunan.
Ang Plano ng Pilipinas para sa
Gender and Development, para sa
mga taong 1995-2025, ay isang
pambansang plano na tumutugon at
naglalayon ng pagkakapantay-pantay
at kaunlaran para sa kalalakihan at
kababaihan. Inaprubahan at
GENDER AND  pinagtibay ito ng dating Pangulong
DEVELOPMENT Fidel V. Ramos bilang Executive
SA PILIPINAS Order No. 273, noong Setyembre 8,
1995. Ito ang kahalili ng Philippine
Development Plan para Kababaihan,
1989-1992, na pinagtibay ng
Executive Order No. 348 ng Pebrero
17, 1989.
PAGLALAPAT

#ISULONG NATIN ITO


Panuto: Mag-isip ng isang patalastas o anunsyong
pandyaryo o pantelebisyon na nagpapakita ng mga
pamamaraan sa pagtanggap at paggalang sa
kasarian tungo sa pagkakapantay-pantay. 
RUBRIKS NG PAGMAMARKA
PAMANTAYAN NAPAKAGALING MAGALING HINDI GAANONG HINDI MAGALING
(5) (4) MAGALING (2)
(3)
NILALAMAN Malinaw at madaling Hindi gaanong Medyo magulo ang Magulo at hindi
unawain ang patalastas maunawaan ang laman ng patalastas o maunawaan ang
o anunsyo sa patalastas o anunsyo sa anunsyo sa pagtanggap patalastas o anunsyo sa
pagtanggap at pagtanggap at paggalang at paggalang sa pagtanggap at
paggalang sa kasarian sa kasarian kasarian paggalang sa kasarian

ORGANISASYON Maayos at may Hindi gaanong maayos Kaunti ang kaunayan sa Walang kaugnayan sa
malaking kaunayan sa ang kaunayan sa paksa ng paksa ng patalastas o paksa ang patalastas o
paksa ang patalastas o patalastas o anunsyo sa anunsyo sa pagtanggap anunsyo sa pagtanggap
anunsyo sa pagtanggap pagtanggap at paggalang at paggalang sa at paggalang sa kasarian
at paggalang sa sa kasarian kasarian
kasarian

PAGKAMALIKHAIN Nakahihikayat ang Hindi gaanong Medyo nakahihikayat Walang panghihikayat


patalastas o anunsyo na nakahihikayat ang ang patalastas o ang patalastas o
nagsusulong ng patalastas o anunsyo na anunsyo na anunsyo na nagsusulong
pagkakapantaypantay nagsusulong ng nagsusulong ng ng
pagkakapantaypantay pagkakapantaypantay pagkakapantaypantay
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag, sitwasyon, at
tanong. Isulat ang iyong sagot sa isang papel. 

1. Patuloy na nagpapatupad ang pamahalaan ng mga hakbang upang


maitaguyod ang karapatan ng bawat isa sa edukasyon anuman ang
kasarian. Alin sa mga sumusunod ang hakbang na ito ng pamahalaan?
A. Balewalain ang disiplina sa mga institusyong pang-edukasyon 
B.Siguruhin ang pagtanggap ng mga bagong guro at kawani sa paaralan. 
C. Hindi pagbibigay sa mga pangangailangan ng mag-aaral, kawani at
guro.
D.Matiyak na ang edukasyon ay nakatuon sa pag-unlad ng paggalang sa
mga karapatang pantao. 
2. Kinakitaan ng sintomas ng COVID-19 ang isang lalaki. Siya ay
tinanggihan ng ilang mga ospital upang gamutin. Anong karapatan niya
ayon sa Yogyakarta ang binalewala?
A. karapatan na tanggapin sa ospital 
B.karapatan sa mga pasilidad ng ospital 
C.karapatan sa social security at iba pang proteksyong panlipunan
D.karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makakamit

 3. Si Danilo ay napatunayang may sala. Siya ay may karapatang


maipagtanggol ang sarili sa tulong ng isang abogado sa harap ng korte o
hukuman. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang nagsasaad nito? 
A. karapatan sa patas na paglilitis
B.karapatan na seguridad ng pagkatao
C.karapatan sa hindi arbitraryong mapiit 
D.karapatan sa makataong pagtrato habang nakapiit 
4. Si Bataan Rep. Geraldine B. Roman ay ang kauna-unahang
mambabatas na transgender. Siya ang nagpanukala ng SOGIE Equality
Act. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang isinasaad sa sitwasyong ito? 
A. karapatang mabuhay 
B.karapatan sa trabaho 
C.karapatang lumahok sa buhay-pampubliko 
D.karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao.
5. Ang karahasan at diskriminasyon ay patuloy na nararanasan ng iba’t
ibang kasarian sa lipunan. Kaya, ang mga kinatawan ng mga grupong
nagsusulong ng karapatang pantao ay nagtipon-tipon noong
Nobyembre 6-9, 2006 sa Indonesia upang pagtibayin ang isang
pandaigdigang pakikibaka para sa isyu ng oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian. Ano ang naging bunga ng pagtitipong
ito? 
A. pagbuo ng Prinsipyo ng Yogyakarta. 
B.pagkakabuo ng Asosasyon ng LGBTQIA+ 
C.pagbuo ng komisyon ng karapatang ng mga kasarian 
D.pagkakabuo ng samahan na nagsusulong sa kasarian 
6. Hindi ininda ng mga miyembro ng LGBTQIA+ ang ulan upang
isagawa ang isang mapayapang demonstrasyon upang maipaglaban
ang kanilang karapatan. Ang pangungusap ay nagpapahayag na: 
A. anuman ang kasarian ay maaaring makibaka 
B. ang lahat ay may karapatan sa malayang asembleya 
C. ang lahat, anuman ang kasarian ay malaya sa pagpili ng relihiyon
D.walang sinuman ang maaaring pigiling magtungo kung saan nila
gusto 
7. Ito ay pamimilit sa isang taong sumailalim sa isang sikolohikal na
paggagamot, pagsusuri o kaya’y pagbimbin sa isang pasilidad na
medikal. 
A. abusong medikal 
B.malayang pagkilos 
C. pribadong buhay 
D. sapat na kalusugan 
8. Ayon sa Gender and Development ang lalaki at babae ay mayroong
pantay na pagkakataon sa pagkukunan ng kabuhayan para sa
pamilya. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita nito? 

A. pantay na pagtrato sa pagpapaunlad na kaalaman 


B.pantay na access sa ligtas at malusog na kapaligiran 
C.patas na pagbibigay ng mga insentibo sa pagbili ng pangangailangan
D.pantay na pakikilahok sa mga pagpapasya sa lahat ng antas sa
trabaho 
9. Ito ay pagtatamasa ng mga kapasidad na legal sa lahat ng aspekto
ng buhay anuman ang kasarian.
A. pribadong buhay 
B.maka-taong pagtrato 
C. pagkilala ng batas 
D. seguridad sa pagkatao 
10. Isang aplikanteng lalaki ang hindi tinanggap sa paaralang kaniyang
inaaplayan sapagkat pawang mga babae lamang ang nagtuturo rito.
Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang nabalewala? 
A. karapatang mabuhay 
B.karapatan sa trabaho 
C. karapatan sa malayang pagkilos 
D. karapatang magbuo ng pamilya
TAKDANG ARALIN
Panuto: Ipahayag ang iyong pagsang-ayon o hindi
pagsang-ayon sa paglalagay ng panibagong
palikuran(toilet) para sa lalaki at babae at iba pang
kasarian. Isulat ang sagot sa isang papel.

You might also like