You are on page 1of 74

5

TALASANAYAN SA ESP
Ikatlong Markahan
5

TALASANAYAN SA ESP
Ikatlong Markahan

Ang Talasanayan (Activity Sheet) na ito ay magkatuwang


na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong
paaralan ng SDO Urdaneta City. Hinihikayat namin ang mga
gurong gagamit nito na magpadala ng kanilang mga puna o
mungkahi sa SDO Urdaneta City sa email address na ito:
urdaneta.city@deped.gov.ph | lrmdsdepedurdaneta@gmail.com.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Department of Education ● SDO Urdaneta City


Talasanayan sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Ikatlong Markahan
2020

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-sipi sa anumang akda ang pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

TALASANAYAN SA ESP 5 DEVELOPMENT TEAM


Writer/s: Katherine M. Atienza
Evaluators/ Kirk Arvin Viduya Cristy Sagun
Reviewers:
Gladys Bauzon Marilou Rayray
Illustrator/s: Mark Jay Q. Bongolan
Layout Artist: Jeralyn D. Lapeña
Management Schools Division Superintendent Fatima R. Boado CESO VI
Team:
Asst. Schools Div. Superintendent Rosario O. Cabrera
Division EPS, LRMS Joel B. Caballero, EdD
EPS-In-Charge of Learning Area Edgar F. Olua, PhD
Project Development Officer II—LRMS Roseanne O. Cabrera
Librarian II—LRMS Jesusa S. Agbanlog

Printed by SDO URDANETA CITY—LEARNING RESOURCES DEVELOPMENT AND


MANAGEMENT UNIT
Department of Education—Region I

Office Address: High School Drive, San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Telefax: 075-569-3054
E-mail Address: urdaneta.city@deped.gov.ph
Talaan ng Nilalaman

Ikatlong Markahan

Linggo 1.1
Gawain 1 : Kilalanin Natin …………………………………………... 1
Gawain 2 : Isipin Natin ………………………………………………. 2
Gawain 3 : Kapag May Katwiran, Isulat …………………………... 3
Linggo 1.2
Gawain 1 : Dadalhin Kita sa Puso Ko …………………………….. 4
Gawain 2 : Hanap Salita …………………………………………….. 5
Gawain 3 : Kaya Kong Iguhit ………………………………………. 6
Linggo 1.3
Gawain 1 : Siyasatin Natin ………………………………………….. 7
Gawain 2 : Hulaan Mo ……………………………………………….. 8
Gawain 3 : Suriin Natin ……………………………………………… 8
Linggo 2.1
Gawain 1 : Kilalanin Natin ………………………………………….. 9
Gawain 2 : Isipin Natin ………………………………………………. 10
Gawain 3 : Tuklasin Natin …………………………………………... 12
Linggo 2.2
Gawain 1 : Tuklasin Natin …………………………………………... 13
Gawain 2 : Dadalhin Kita sa Puso Ko …………………………….. 15
Gawain 3 : Isipin Natin ………………………………………………. 16
Linggo 3.1
Gawain 1 : Tuklasin Natin …………………………………………... 17
Gawain 2 : Isipin Natin ………………………………………………. 18
Gawain 3 : Kaya Kong Iguhit ……………………………………….. 19
Linggo 3.2
Gawain 1 : Isipin Natin ………………………………………………. 20
Gawain 2 : Dadalhin Kita sa Puso Ko …………………………….. 21
Gawain 3 : Kaya Kong Iguhit ……………………………………….. 22
Linggo 4.1
Gawain 1 : Isipin Natin ………………………………………………. 24
Gawain 2 : Isabuhay Natin ………………………………………….. 24
Gawain 3 : Kaya Kong Iguhit ……………………………………….. 25
Linggo 4.2
Gawain 1 : Tuklasin Natin …………………………………………... 27
Gawain 2 : Suriin Natin ……………………………………………… 27
Gawain 3 : Isipin Natin ………………………………………………. 28
Linggo 4.3
Gawain 1 : Tuklasin Natin …………………………………………... 30
Gawain 2 : Isipin Natin ………………………………………………. 30
Gawain 3 : Isabuhay Natin ………………………………………….. 31
Linggo 5.1
Gawain 1 : Hulaan Mo ……………………………………………….. 32
Gawain 2 : Suriin Natin ……………………………………………… 33
Gawain 3 : Dadalhin Kita sa Puso Ko …………………………….. 34
Linggo 5.2
Gawain 1 : Isipin Natin …..…………………………………………... 35
Gawain 2 : Suriin Natin ……………………………………………… 36
Gawain 3 : Tuklasin Natin …………………………………………... 37
Linggo 5.3
Gawain 1 : Isipin Natin ………………………………………………. 38
Gawain 2 : Tuklasin Natin …………………………………………... 39
Gawain 3 : Suriin Natin ……………………………………………… 40
Linggo 6.1
Gawain 1 : Alamin Natin …………………………………………….. 41
Gawain 2 : Isipin Natin ………………………………………………. 42
Gawain 3 : Suriin Natin ……………………………………………... 43
Linggo 6.2
Gawain 1 : Isipin Natin ………………………………………………. 44
Gawain 2 : Kaya Kong Iguhit ………………………………………. 45
Gawain 3 : Tuklasin Natin …………………………………………... 46
Linggo 6.3
Gawain 1 : Suriin Natin ……………………………………………… 47
Gawain 2 : Tuklasin Natin …………………………………………... 48
Gawain 3 : Kaya Kong Gumuhit …………………………………… 49
Linggo 6.4
Gawain 1 : Alamin Natin …………………………………………….. 52
Gawain 2 : Alamin Natin …………………………………………….. 52
Gawain 3 : Kaya Kong Gumuhit …………………………………… 53
Linggo 6.5
Gawain 1 : Isipin Natin ………………………………………………. 54
Gawain 2 : Alamin Natin …………………………………………….. 56
Gawain 3 : Kaya Kong Iguhit ……………………………………….. 57
Linggo 7.1
Gawain 1 : Suriin Natin ……………………………………………… 58
Gawain 2 : Kaya Kong Gumuhit …………………………………… 59
Gawain 3 : Tuklasin Natin …………………………………………... 60
Linggo 7.2
Gawain 1 : Suriin Natin ……………………………………………… 63
Gawain 2 : Kaya Kong Gumuhit …………………………………… 64
Gawain 3 : Tuklasin Natin ………………………………………….. 65
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Iskor: .

ESP 5, IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 1


Kasanayang Pampagkatuto: Nakapagpapakita ng mga kanais nais na kaugaliang
Pilipino
1.1 nakikisama sa kapwa Pilipino.
Paksa: Pagmamahal sa Bansa
Pagkakaroon ng Disiplina (Discipline)

TANDAAN NATIN
1. Talasalitaan
a. pagmamahal – pag-ibig, pagmamalasakit
b. pakikisama – ito ay kilos ng pakikipagkapwa tao ang paglahok ng isang tao o
pagsama at pagsang-ayon sa iba, na ang maaring dahilan ay ang kanilang
pagkakaibigan o dala lang ng mga sitwasyon at pangyayari
c. disiplina – kakayahan na kumilos, mag-isip at magsalita nang naaayon sa
mga pamantayang legal at moral na ipinasusunod sa lipunan

2. Konsepto ng Pagkatuto
Ang pagmamahal sa bansa ay isang katangian na nasusukat sa maraming
bagay. Hindi kailangang palagi mong sinasabi na mahal mo ang Pilipinas
upang maituring na mahal mo ang iyong bayan. Maaring maipakita ito sa
pamamagitan ng pagsasabuhay sa mga katangian, kultura at kaugaliang
kumakatawan sa isang tunay na Pilipino.
Ipinapahayag natin ang pagmamahal sa bansa sa paggamit ng ating mga
kakayahan at pagtupad sa mga tradisyong nakagisnan. Isabuhay ang mga
namumukod at kanaisnais na pag-uugaling Pilipino tulad ng pakikiisa sa kapwa
Pilipino.

Gawain 1: Kilalanin Natin


Panuto: Kilala ang mga Pilipino sa ating mgagandang kaugalian at
tradisyon. Nagpapakita ng pagiging mabuting mamamayan ang
karamihan sa mga kaugaliang ito. Lagyan ng tsek (√) ang larawan na
nagpapakita ng pagiging mabuting mamamayang Pilipino.

1
Pagpapanatili ng ugnayan ng mga miyembro ng pamilya Pagbibigay ng pasalubong

Pagdiriwang ng mahalagang okasyon Pag-asikaso sa nakatatanda

Pagkalinga sa mga nangangailangan Pagtulong nang walang hinihinging kapalit

Gawain 2: Isipin Natin


Panuto: Isulat ang T kung Tama ang isinasaad ng pangungusap
tungkol sa pakikisama sa kapwa Pilipino at M naman kung Mali.
Ilagay ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

1. Tutulong ako sa mga Pilipinong nangangailangan sa lahat ng


pagkakataon.
2. Pipiliin ko lamang ang taong dapat tulungan kahit Pilipino pa ito.
3. Patutubuan ko ng malaki ang halagang aking naitulong.
4. Tutulong ako ng bukal sa aking puso.
5. Tutulong ako kung maraming taong nakakakita.
6. Tutulong ako sa mga frontliners ng walang anumang kapalit.
7. Magbibigay ako ng ng walang pag-aalinlangan.
8. Tutulong ako sa nangangailangan pagkatapos ipopost ko sa social media
para manghikayat ang iba na tumulong din.

2
9. Hihikayatin ko ang aking mga kaibigan na tumulong sa iba.
10. Magsasawalang bahala ako sa pangangailangan ng iba.
11. Huwag ipagkait ang tulong sa mga nangangailangan.
12. Tulungan ang kapitbahay sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkaing
sobra pa sa pangangailangan.
13. Ang pagtulong sa kapwa ay isang mabuting gawain na dapat pamarisan
ng iba.
14. Sa harap ng crisis katulad ng COVID pandemic ay nakikita ang pagiging
matulungin ng bawat Pilipino.
15. Hindi kailangang maging mayaman upang makatulong sa iba

Gawain 3: Kapag May Katwiran, Isulat Mo!


Panuto: Pangatwiranan ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot
sa patlang.

1. Anong mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino ang dapat na makita sa iyo?

2. Bakit kailangang makisama ka sa mga kapwa Pilipino?

3. Ano ang naidudulot ng pakikisama sa kapwa?

4. Inaya ka ng mga kabarkada mo na mamasyal sa mall kahit hindi pa tapos ang


klase ninyo. Ano ang gagawin mo?

5. May ginagawang proyekto ang inyong grupo sa ESP. Tumawag sa iyo ang
iyong mga kaibigan na magswimming. Ano ang gagawin mo?

3
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Iskor: .

ESP 5, IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 1


Kasanayang Pampagkatuto: Nakapagpapakita ng mga kanais nais na kaugaliang
Pilipino
1.2 tumutulong/ lumalahok sa bayanihan at
palusong.
Paksa: Pagmamahal sa Bansa
Pagkakaroon ng Disiplina (Discipline)

TANDAAN NATIN
1. Talasalitaan
a. palusong – ibang tawag sa bayanihan
b. bayanihan – ay isang kaugalian ng mga Pilipino na nagpapakita ng
pagtutulungan, pagkakaisa at pagdadamayan.
c. kaugalian – tradisyon, paniniwala, opinyon

2. Konsepto ng Pagkatuto
Isang kapuri-puring kaugalian ng mga Pilipino ang bayanihan o maraming
pagtutulungan para sa anumang gawain. Karaniwan itong nakikita kapag may
ililipat o bubuhating bahay sa kanayunan. Kapag kumalat ang balita, kusang
dumarating ang mga kapitbahay at kanayon upang tumulong sa pagsasaayos
at pagbubuhat ng mga kasangkapan at sa mismong pagbubuhat ng bahay.

Gawain 1: Dadalhin Kita sa Puso Ko


Panuto: Tukuyin kung anong kanais-nais na kaugaliang Pilipino ang
ipinakikita ng bawat larawan. Isulat sa kahon ang sagot.

1. 2.

4
3. 4.

5. 6.

Gawain 2: Hanap Salita


Panuto: Hanapin at bilugan ang salitang may kaugnayan sa
bayanihan sa puzzle.

O F U L W Q C M Z T P Q
T U L U N G A N G S L R
G T J Y O L T A W A T A
S I R T P I T Y P B T W
K W L S A W T A O Q N A
X T T B I T R M G X M G
Z M V H O N N A I Z T G
T E T X T R T D W O X N
Q U E L D X B T A J I A
K U S A N G L O O B M W
F I D O S Z T G N J F A
S A D G T H L X Z Q H K

5
Gawain 3: Kaya Kong Iguhit
Panuto: Iguhit sa kahon ang larawang nagpapakita ng may
kaugnayan sa bayanihang sinalihan mo o nakita mo sa iyong
komunidad. Sumulat ng dalawa hanggang tatlong pangungusap ukol
dito.

6
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Iskor: .

ESP 5, IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 1


Kasanayang Pampagkatuto: Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang
Pilipino
1.3 magiliw na pagtanggap ng mga panauhin.
Paksa: Pagmamahal sa Bansa
Pagkakaroon ng Disiplina (Discipline)

TANDAAN NATIN
1. Talasalitaan
a. magiliw – mabait, mapagbigay, kaaya-aya, palakaibigan, maayos na
pakikitungo
b. pagtanggap ng panauhin – ay siyang maganda at bahagi ng ating kultura at
kaugalian na nagpapakitang galang sa ating kapwa.
c. kanais-nais – gustong-gusto

2. Konsepto ng Pagkatuto
Kahit may pinagdaraanang lungkot ang isang Pilipino, gagawin niya ang
lahat para maging masaya ang iba. Nakikita parati sa kanila ang magiliw na
pagtanggap ng bisita o “hospitality”.

Gawain 1: Siyasatin Natin


Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung ang pangungusap ay naglalarawan
ng magiliw na pagtanggap ng panauhin at ekis (X) naman kung hindi.

1. Ipaghanda ng meryenda ang mga panauhin sa inyong tahanan.


2. Paupuin at asikasuhin kapag may panauhin sa tahanan.
3. Pagsarhan ng pinto ang mga panauhin.
4. Kapag may dumating na panauhin ang iyong kapatid, hindi mo na ito
kailangang asikasuhin.
5. Pakitunguhan nang maayos ang mga panauhin sa ating paaralan.
6. Pauwiin ang mga bisita kapag wala si nanay at tatay.
7. Huwag pansinin ang mga kamag-anak na dumating galing sa ibang
lugar.
8. Bigyan ng pampalamig ang mga kaklaseng dumalaw sa bahay ninyo.
9. Huwag pansinin ang taong kumakatok sa pintuan ninyo.

7
10. Magmano sa mga bisitang dumating galing Maynila.

Gawain 2: Hulaan Mo!


Panuto: Tukuyin ang mga pagpapahalaga o value na tinutukoy sa
bawat bilang.

1. Likas na ugali ng mga Pilipino tungkol sa pagsalubong sa bisita.

2. Kaugalian, moral, kulturang kinagisnan ng isang pangkat ng mga


mamamayan.

3. Paryentes; mga taong ang isang dugo ay nasa iisang pamilya.

4. Bisita o mga taong galing sa ibang lugar.

5. Kaugalian ng mga Pilipino sa pagtanggap sa mga bisita.

Gawain 3: Suriin Natin


Panuto: Gumuhit ng ilang larawang nagpapakita ng pagtanggap ng
panauhin. Sumulat ng dalawa o tatlong pangungusap bilang
paliwanag sa larawang iginuhit. (10 puntos)

***Gumamit ng panibagong papel kung kinakailangan

8
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Iskor: .

ESP 5, IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 2


Kasanayang Pampagkatuto: Nakapagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagbuo
ng mga sayaw, awit at sining gamit ang anumang
multimedia o teknolohiya
Paksa: Pagmamahal sa Bansa
Pananagutan (Responsibility/ Accountability)

TANDAAN NATIN
1. Talasalitaan
a. pagmamahal – pag-ibig, pagmamalasakit
b. pagkamalikhain – ay tumutukoy sa talento o kakayahan sa paglikha ng
isang bagay.
c. pananagutan –ay responsibilidad na kailangang gawin ng isang tao,
institusyon o grupo

2. Konsepto ng Pagkatuto
Ang ating talino ay biyaya mula sa Diyos na nagagamit natin sa mga
kapaki-pakinabang na paraan. Kaakibat sa gawaing ginagamitan ng talino ay
ang ating pagiging malikhain.
Sa pamamagitan ng angkop na paggamit ng talino, makatutulong ang mga
kabataang tulad ninyo, hindi lamang para sa kaunlaran ng bayan, kundi pati na
rin sa buong daigdig.
Tatlo sa walong multiple intelligence ni Howard Gardner ay ang talino sa
sining na nabibilang sa spatial-visual intelligence, pag-awit na nabibilang sa
multiple intelligence, at pagsayaw na nabibilang naman sa bodily kinesthetic.
Sa panahon ng inyong kabataan nasasalamin ang inyong angking talino sa
pag-awit, pagsayaw, at pagguhit. Ang araling ito ay gagabay sa inyo upang higit
na mapayaman ang inyong kakayahan sa tatlong talinong nabanggit.

Gawain 1: Kilalanin Natin


Panuto: Tukuyin ang ipinakitang larawan tungkol sa iba’t ibang
talento na nagpapamalas ng pagkamalikhain at isusulat ito sa loob ng
kahon.

9
1. 2.

3. 4.

Gawain 2: Isipin Natin


Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang sumusunod na mga
tanong.

Festival of Talents
Nagdaos ang Paaralang Elementarya ng Nancayasan ng Festival of Talents
upang malinang at maipakita ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paglikha ng
mga sayaw, awit at pagpinta. Bumuo ang mga mag-aaral ng iba’t ibang pangkat
para lumahok sa mga patimpalak. Si Miguel, ang batang magaling sumayaw, ay
naghanap ng kanyang mga kasapi. Ganoon din si Luisa na mahusay umawit. Ang
iba pang mga bata ay bumuo rin ng kani-kanilang pangkat. Ang klase naman sa
Sining ay pumili ng mga sasali sa pagpinta.
Binigyan ang bawat pangkat ng tatlong linggo upang mag-ensayo at
magsanay. Lahat ng pangkat ay pinagbuti ang pag-eensayo. Kumuha pa sila ng
magtuturo sa kanila upang matiyak na wasto at ayon sa mga pamantayan ang
kanilang gagawin. Gumamit pa sila ng makabagong teknolohiya upang maipamalas
ang kanilang pagiging malikhain. Lahat ng lalahok ay laging dumarating sa
pinagkasunduang oras at lugar ng pag-eensayo.

10
Nang sumapit ang araw ng pagtatanghal, napuno ang auditorium ng
paaralan ng maraming manonood. Naroon din ang mga magulang ng mga
mag-aaral. Nahirapan ang mga hurado sa paghatol sapagkat lahat ng mag-aaral ay
nagpakita ng kahusayan at pagkamalikhain.
Dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Ipahahayag na ng punong hurado
ang mga nagwagi. Bago niya ito ginawa, nagbigay muna siya ng mensahe.
“Kami pong mga hurado ay talagang nahirapan sa paghatol sa ginawang
pagtatanghal ng mga mag-aaral. Lahat sila ay nagpakita ng kanilang galing sa
pagbuo ng awit, sayaw at pagpinta. Magaganda ang mensahe ng mga awitin na
binuo ng mga kabataan. Gayundin ang mga sayaw. Magaling ang choreography at
naaayon sa pinagkasunduang tema ng patimpalak. Natutuwa rin kami sa mga
iginuhit na larawan. Maganda at makahulugan ang kumbinasyon ng mga kulay at
kakaiba ang mga paksang isinalarawan nila. Gumamit din ang lahat ng teknolohiya
na lalong nagpamalas ng kanilang pagkamalikhain. Kung maaari lang manalo ang
lahat ay gagawin namin. Subalit isa lang talaga ang dapat magwagi sa bawat
kategorya. Pero uulitin ko, lahat kayo ay magagaling! Hinihikayat ko ang lahat ng
kalahok na ipagpatuloy ang pagpapaunlad ng kanilang pagkamalikhain. Pairalin
ninyo ang disiplina sa sarili upang hindi makaligtaan ang ibayo pang pagsasanay.
Muli, ang aming pagbati at paghanga sa inyong lahat. At ang nanalo ay...

1. Ano ang ginanap sa Paaralan ng Nancayasan?

2. Bakit nila ginawa ito?

3. Bakit nahirapan ang mga hurado sa pagpili ng mananalo sa bawat kategorya?

4. Ano-anong katangian ang ipinakita ng mga mag-aaral?

5. Paano ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang pagkamalikhain?

11
Gawain 3: Tuklasin Natin
Panuto: Isalaysay mo ang isa sa iyong mga karanasan sa pagbuo ng
mga sayaw, awit at sining gamit ang anumang multimedia o
teknolohiya kung saan naipakita mo ang iyong pagkamalikhain. Isulat
ito sa ibaba.

12
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Iskor: .

ESP 5, IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 2


Kasanayang Pampagkatuto: Napananatili ang pagkamabuting mamamayang
Pilipino sa pamamagitan ng pakikilahok.
Paksa: Pananagutan (Responsibility/ Accountability)

TANDAAN NATIN
1. Talasalitaan
a. pakikilahok – tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong
kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat
b. pananagutan – ay responsibilidad na kailangang gawin ng isang tao,
institusyon o grupo
c. kamalayang pansibiko – ay tumutukoy sa pagiging kasapi sa pag-unlad ng
komunidad sa pamamgitan ng paggawa ng mabuti para sa kapwa

2. Konsepto ng Pagkatuto
Ang pakikilahok at pagsali sa mga gawain at proyektong pampamayanan ay
pagpapakita ng pakikiisa sa pangkat na kinabibilangan. Pagpapakita ito ng
kamalayang pansibiko at mabuting pakikitungo sa ating kapwa.
Ang pakikiisa at mabuting pakikitungo sa kapwa ay dalawang mabubuting
ugali na taglay ng maraming Pilipino. Dalawang ugaling ipinagmamalaki nating
lahat. Bukod pa rito, maari rin nating masabi na sa pakikilahok at mabuting
pakikitungo sa kapwa ay maaaring maiuugnay din ang ilang pang mabubuting
ugaling Pilipino tulad ng disiplina sa paggawa, kasipagan, mapanuring pag-iisip,
pagkakawanggawa at iba pa.

*Excerpts from
Ugaliing Pilipino sa Makabagong Panahon 5, Ylrde & Peralta

Gawain 1: Tuklasin Natin


Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan. Lagyan ng tsek (√) ang
mga gawaing nagpapanatili ng pagiging mabuting mamamayag
Pilipino sa pakikilahok at (X) kung hindi. Pagkatapos ay sagutin ang
sumusunod na tanong.

13
1. Ano-ano pa ang mga halimbawa ng gawaing nagpapanatili ng pagiging
mabuting mamamayang Pilipino na wala sa mga larawan sa itaas?

2. Bakit kailangang taglayin ng isang batang katulad mo ang gawaing


nagpapanatili ng pagiging mabuting mamamayang Pilipino?

14
Gawain 2: Dadalhin Kita sa Puso
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang hanay na sumasalamin sa dalas ng
pagpapanatili ng pagkamabuting mamamayang Pilipino mo sa
pakikilahok ng gawaing ibinigay. Pagkatapos ay sagutin ang mga
sumusunod na tanong.

Hindi
Gawain Palagi Madalas Bihira
Kailanman
Magiliw na pagtanggap sa mga
panauhin ng aking magulang o
kapatid.
Pakikisama sa mga gawain ng mga
kabataan sa aming barangay.
Pagtulong sa pagsasaayos ng
aming silid-aralan kapag espesyal
na palatuntunan.
Pagbabahagi ng aking talento sa
pangkatang gawain sa paaralan.
Pagsunod sa mga alituntuning
pangkaligtasan sa aming tahanan,
paaralan at pamayanan.
Pagtulong sa aking kamag-aral na
nasaktan sa loob ng paaralan.
Pagsama sa mga lakad ng kaibigan
kapag may pahintulot ng aking
magulang.
Paghahanap ng paraan upang
magkasundo ang dalawang
magkaibigang nagkagalit.

Sagutin:
1. Ilan ang nalagyan mo ng tsek (√) palagi?
2. Ilan ang nalagyan mo ng tsek (√) madalas?
3. Ilan ang nalagyan mo ng tsek (√) bihira?
4. Ilan ang nalagyan mo ng tsek (√) hindi kailanman?
5. Masaya ka ba sa naging resulta ng iyong pagsusuring pansarili? Bakit? Bakit
hindi? Pangatwiranan.

15
Gawain 3: Isipin Natin
Panuto: Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon
upang mapanatili ang pagkamabuting mamamayang Pilipino? Isulat
sa patlang ang iyong naiisip na gagawin.

1. Nakita mong sinusulatan at dinudumihan ng ilang mga bata ang bantayog ng


ating pambansang bayani. Ano ang mabuti mong gawin?

2. Hinihikayat ka ng iyong kaklase na huwag pumasok sa isa ninyong asignatura.

3. Magkasama kayong namamasyal ng kaibigan mo sa parke. Walang ano-ano


ay bigla siyang nagtapon ng mga kalat dito.

4. Ipinaabot mo sa isa sa mga pasahero ang iyong bayad sa tsuper ng jeepney.

5. Sinabi ng iyong ina na linisin mo ang mga kalat sa iyong silid.

16
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Iskor: .

ESP 5, IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 3


Kasanayang Pampagkatuto: Nakasusunod ng may masusi at matalinong
pagpapasiya para sa kaligtasan. Hal:
4.1 paalala para sa mga panoorin at babasahin
Paksa: Pagpapasiya para sa Kaligtasan

TANDAAN NATIN
1. Talasalitaan
a. alituntunin – ay kautusang ipinapatupad upang maging maayos ang takbo
ng isang gawain
b. pagpapasiya – ay ang paggawa ng desisyon mula sa sariling opinyon
c. kaligtasan – ng kondisyon ng pagiging protektado laban sa pisikal,
panlipunan, ispirituwal, pinansiyal, pampulitika, emosyonal, trabaho,
sikolohikal, pang-edukasyon o anumang sakuna

2. Konsepto ng Pagkatuto
Ang pagpapanatili ng pagsunod sa batas at maayos na kapaligiran ay
tungkulin ng bawat isang naninirahan dito. Mahalagang samahan ng disiplina at
pagmamalasakit ang pagtupad sa tungkulin, sapagkat kung wala ang mga ito,
anumang programa ng pamahalaan upang maging ligtas at maayos ang kapa-
ligiran ay hindi magtatagumpay.
Ang mga malalaswang babasahin o panoorin ay walang idudulot na
kabutihan kaninuman. Ugaliin ang pag–iwas sa pagbabasa o panonood ng mga
malalaswang babasahin o panoorin. Ipaalala sa mga kasapi ng pamilya at mga
kaibigan na huwag magbasa at manood ng ganitong uri ng babasahin o pa-
noorin.

*Excerpts from
Ugaling Pilipino sa Makabagong, Panahon 5, Ylrde & Peralta

Gawain 1: Tuklasin Natin


Panuto: Basahin ang mga sumusond na pahayag tungkol sa
pagsunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa
kaligtasan sa mga panoorin at babasahin. Isulat ang T kung tama at
M kung mali.

17
1. Nakatutulong sa mga mag-aaral ang mga malalaswang babasahin.
2. Isipin lagi ang epekto ng gagawing pagpapasya.
3. Hindi dapat lumahok sa mga proyekto laban sa malalaswang
babasahin.
4. Makisiksik sa mga mag-aaral na palabas ng silid kapag may
nagbabasa ng malalaswang bagay sa paaralan.
5. Isumbong sa mga awtoridad ang mga nagtitinda ng malalaswang
babasahin at panoorin.
6. Sabihin sa guro kung may nakitang kaklase nananonood ng
malalaswang palabas.
7. Gumawa ng mga poster at islogan bilang kampanya laban sa
panonood at pagbabasa ng malalaswang babasahin.
8. Ang panonood at pagbabasa ng malalaswang babasahin ay
nagdudulot ng masamang epekto na humahantong sa pang-aabuso.
9. May karampatang parusa ang mahuhuling nanonood ng malalaswang
panoorin.
10. Makakabuti sa isang batang tulad mo ang maging mapagmatyag sa
paligid. Isumbong sa nakatatanda kapag may nakitang gumgawa ng
hindi maganda katulad ng panonood ng malalaswang panoorin at
pagbabasa ng mga malalaswang babasahin.

Gawain 2: Isipin Natin


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod tungkol sa masusi at
matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan sa mga panoorin at
babasahin.

1. Ano ang gagawin mo kapag nakita mo ang kaklase mo na nagbabasa ng


malalaswang babasahin?

2. Bakit hindi dapat basahin ng isang batang tulad mo ang mga malalaswang
babasahin?

3. Sa iyong palagay, papano makaiiwas ang isang batang tulad mo sa panonood


o pagbabasa ng mga malalaswang panoorin o babasahin?

18
4. Sa hindi sinasadyang pagkakataon nakita mo ang iyong nakatatandang
kapatid na nanonood ng malalaswang panorin sa youtube. Ano ang gagawin
mo?

5. Nagpunta ka sa computer shop para mag online sa paggawa ng inyong


takdang aralin. Nakita mo ang iyong katabi na nanonood ng malalaswang
panood.

Gawain 3: Kaya Kong Iguhit!


Panuto: Gumawa ng poster na magpapalaganap ng impormasyon
tungkol sa pagbabawal sa malalaswang panoorin at babasahin. Isulat
sa patlang ang inyong magiging mensahe.

19
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Iskor: .

ESP 5, IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 3


Kasanayang Pampagkatuto: Nakasusunod ng may masusi at matalinong
pagpapasiya para sa kaligtasan. Hal:
4.2 pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa
pag-iingat sa sunog at paalaala kung may
kalamidad
Paksa: Pagpapasiya para sa Kaligtasan

TANDAAN NATIN
1. Talasalitaan
a. alituntunin – patakaran
b. paalaala – pagbibigay babala
c. kalamidad – isang hindi inaasahang pangyayari na sanhi ng mga proseso
sa kalikasan

2. Konsepto ng Pagkatuto
Ang pagpapanatili ng pagsunod sa batas at maayos na kapaligiran ay
tungkulin ng bawat isang naninirahan dito. Mahalagang samahan ng disiplina at
pagmamalasakit ang pagtupad sa tungkulin, sapagkat kung wala ang mga ito,
anumang programa ng pamahalaan upang maging ligtas at maayos ang
kapaligiran ay hindi magtatagumpay.
Mahalaga rin na may wastong kaalaman upang maiwasan ang mga sakuna
tulad ng sunog. Gayundin ang kaalaman kung paano mapanatiling ligtas kung
may kalamidad gaya ng pagbaha o lindol.

*excerpts from
Ugaling Pilipino sa Makabagong,Panahon 5, Ylrde & Peralta

Gawain 1: Isipin Natin


Panuto: Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon?
Isulat sa patlang ang iyong naiisip na gagawin.

20
1. Nakita mong nasusunog ang electric fan sa iyong silid-aralan.

2. Tumatakbo lahat ng mga bata sa paaralan dahil nasusunog angkantina ng


paaralan.

3. May naiwang bata sa loob ng silid habang nasusunog ang gusali ng paaralan.

4. Naiwang bukas ang telebisyon sa inyong bahay.

5. Malamig ang panahon ngunit nakasindi pa rin ang aircon.

Gawain 2: Dadalhin Kita sa Puso Ko


Panuto: Sagutan ang tsart. Ang unang gawain ay ginawa para sa iyo.

Kinakailangang
Gawain Mga Dapat Gawin
Disiplina
Itabi ang mga pospo-
1. Huwag maglaro ng posporo o Pagsunod sa alitun-
ro o lighter sa ligtas
lighter tunin sa kaligtasan.
na lugar
2. Alamin ang main switch ng
inyong tubig, gas at elektrisidad
para maisara kung sakaling
may emergency.
3. Maging alerto, magmasid sa
nangyayari sa paligid at makinig
ng balita.
4. Magkaroon ng plano ang bawat
pamilya kung san lalabas
sakaling magkasunog.
5. Maging alerto sa mga amoy at
usok sa bahay.
6. I-display ang emergency
number na maaring tawagan.

21
7. Tiyaking may nakaimbak na
emergency supplies tulad ng
tubig at pagkain.
8. Magtabi ng emergency supplies
katulad ng radyo, flashlight at
iba pa.
9. Kung walang kuryente,
tanggalin lahat ng mga
nakasaksak na de-kuryenteng
gamit.
10. Pag-aralan ang plano ng pa-
milya.

Gawain 3: Kaya Kong Iguhit!


Panuto: Gumuhit sa kahon ng mga signages na nagpapakita ng
pag-iingat o gagagawin kapag may sunog. Isulat sa ibaba ang ibig
sabihin nito.

22
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Iskor: .

ESP 5, IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 4


Kasanayang Pampagkatuto: Nakapagpapakita ng magandang halimbawa ng
pagiging responsableng tagapangalaga ng
kapaligiran
5.1 pagiging mapanagutan
Paksa: Pagmamalasakit sa Kapaligiran (Care of the
Environment)

TANDAAN NATIN
1. Talasalitaan
a. mapanagutan – pagiging responsible sa pagtupad sa mga pangako at
pinagkasunduan.
b. tungkulin – anumang kilos na kailangan sa pagtupad ng gawain o posisyon
c. responsibilidad – ito ay tumutukoy sa tungkulin ng tao sa kapwa,
paligid, pamahalaan at sa mga nakapaligid sa kanya.

2. Konsepto ng Pagkatuto
Bawat tao ay may tungkulin at responsibilidad na nakaatang sa kanyang
mga balikat at kailangan niyang gawin at isakatuparan. Isa sa mga
responsibilidad na ito ay ang responsibilidad na pangalagaan ang ating
kapaligiran. Bilang mamamayang Pilipino, sa atin nakasalalay ang ikagaganda
o ikasisira ng ating bayan. Kapag hindi tayo nagmalasakit sa kapaligiran natin,
tayo rin ang magdurusa sa bandang huli. Sa atin din mapupunta ang maraming
basura, maruming hangin, maruming tubig, at iba pa.
Kung hangad natin ang maaliwalas na paligid, sariwang hangin, at malinis
na bukal ng tubig, hindi na tayo kailangang tumingin ng malayo upang matukoy
ang sagot kung paano ito makamit. Dapat lagi nating pakatandaan na ito ay
nakasalalay lahat sa ating mga kamay. Kung gagawin natin ang ating
responsibilidad bilang mga mamamayang Pilipino, tiyak na gaganda ang ating
bansang Pilipinas.

*excerpts from
Ugaling Pilipino sa Makabagong,Panahon 5, Ylrde & Peralta

23
Gawain 1: Isipin Natin
Panuto: Basahin ang mga sumusunod. Isulat ang Tama kung
nagpapakita ng isang mapanagutang tagapangalaga ng kapaligiran o
Mali kung hindi.

1. Itapon ang basura sa tamang basurahan.


2. Magtanim ng mga halaman o punongkahoy upang mapanatili ang
sariwang hangin sa ating kapaligiran.
3. Umiwas sa mga ilegal na gawaing pangkalikasan tulad ng pagmi-
mina at pagkakaingin.
4. Walang habas na pagkuha ng mga likas na yaman na ipinagbaba-
wal at panghuhuli ng mga hayop upang ibenta.
5. Paggamit ng dinamita sa pangingisda upang makarami ng huli.
6. Paghihiwalay ng mga basurang nabubulok sa di nabubulok.
7. Umiwas sa pagputol sa mga puno upang makaiwas sa baha at
mainit na panahon.
8. Pagpigil sa mga pang-aabuso sa lupa, tulad ng reforestation
at deforestation.
9. Pag-iwas sa pagtatapon ng mga basura sa mga ilog, kanal, sapa
at iba pang mga yamang tubig na karaniwang sanhi ng pagbaha.
10. Ang pagbabawas ng mga sasakyang naglalabas ng maiitim na
usok. Ito ay nagiging sanhi ng malubhang polusyon sa bansa.

Gawain 2: Isabuhay Natin!


Panuto: Pangatwiranan/ Ipaliwanag kung paano mo ginagawa ang
mga sitwasyong nakasaad sa bawat bilang tungkol sa pagsunod sa
mga alituntunin sa pag-iingat sa sunog at paalaala kung may
kalamidad.
1. Nakikisama ako sa pagtitipid ng kuryente at tubig sa aming tahanan.

2. Ginagawa ko ang mga gawaing-bahay na iniaatas sa akin.

3. Nagsasabi ako sa aking mga magulang ng aking mga opinyon o suhestiyon


ukol sa mga plano ng pamilya.

24
4. Sumasama ako sa mga proyekto ng aming paaralan ukol sa kaligtasan.

5. Nakikilahok ako sa mga talakayan sa mga paraan ng pagpapatindi ng disiplina


ng mga mag-aaral sa paaralan.

Gawain 3: Kaya Kong Iguhit!


Panuto: Paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa kalikasan.
Iguhit ang puwede mong gawin bilang pananagutan sa kapaligiran
bilang pag-iingat sa sunog o paalaala kung may kalamidad.
Ipaliwanag sa dalawa hanggang tatlong pangungusap ang iyong
iginuhit.

25
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Iskor: .

ESP 5, IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 4


Kasanayang Pampagkatuto: Nakapagpapakita ng magandang halimbawa ng
pagiging responsableng tagapangalaga ng
kapaligiran
5.2 pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan
ng pakikiisa sa mga programang pangkapaligiran.
Paksa: Pagmamalasakit sa Kapaligiran (Care of the
Environment)

TANDAAN NATIN
1. Talasalitaan
a. pagmamalasakit sa kapaligiran – ay ang pagpapanatiling walang basura at
walang sulat sa mga pampublikong lugar
b. pakikiisa – gawain na naglalayon ng iisang puso, iisang damdamin
c. tagapangalaga – tagasiyasat, taga-alaga

2. Konsepto ng Pagkatuto
Bawat tao ay may tungkulin at responsibilidad na nakaatang sa kanyang
mga balikat at kailangan niyang gawin at isakatuparan. Isa sa mga
responsibilidad na ito ay ang responsibilidad na pangalagaan ang ating
kapaligiran. Bilang mamamayang Pilipino, sa atin nakasalalay ang ikagaganda
o ikasisira ng ating bayan. Kapag hindi tayo nagmalasakit sa kapaligiran natin,
tayo rin ang magdurusa sa bandang huli. Sa atin din mapupunta ang maraming
basura, maruming hangin, maruming tubig, at iba pa.
Kung hangad natin ang maaliwalas na paligid, sariwang hangin, at malinis
na bukal ng tubig, hindi na tayo kailangang tumingin ng malayo upang matukoy
ang sagot kung paano ito makamit. Dapat lagi nating pakatandaan na ito ay
nakasalalay lahat sa ating mga kamay. Kung gagawin natin ang ating
responsibilidad bilang mga mamamayang Pilipino, tiyak na gaganda ang ating
bansang Pilipinas.

*excerpts from
Ugaling Pilipino sa Makabagong,Panahon 5, Ylrde & Peralta

26
Gawain 1: Tuklasin Natin!
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Lagyan ng tsek (√) kung ito ay
nagpapakita ng responsableng pangangalaga o nagmamalasakit sa
kapaligiran at (X) kung hindi.

Gawain 2: Suriin Natin


Panuto: Isulat ang T kung nagpapakita ng responsableng
pangangalaga o nagmamalasakit sa kapaligiran sa at M naman kung
mali.

1. Nagtatapon ng basura kung saan.


2. Nagpapalaganap ng mahahalagang kaalaman tungkol sa
pangangalaga ng kalikasan.

27
3. Tumutulong sa pagsusugpo ng mga illegal logging.
4. Naglilinis ng kapaligiran, mga kalsada, mga kanal, at ilog upang mapigil
ang baha.
5. Nagpapatubo ng sibol ng mga punong patanim.
6. Nagtatanim ng punongkahoy.
7. Lumalahok sa Earth Hour Program.
8. Nagsasagawa sa mga kapitbayan ng mga gulayan, taniman ng
namumulaklak ng halaman at halamang magagamit na panlunas ng
sakit.
9. Nag re-recycle at gumagamit na muli ng mga lumang materyales
upang maiwasan ang maraming kalat.
10. Dumadalo sa Immunization Program upang maiwasan ang
karamdaman sanhi ng karumihan sa kapaligiran.

Gawain 3: Isipin Natin


Panuto: Sumulat ng tatlong paraan kung paano makakatulong sa
mga sumusunod na programa sa pagpigil ng pagkakasira ng
kapaligiran.

Clean Water Act Recycle Reuse Reduce

1. 1.

2. 2.

3. 3.

Clean and Green Project Plant a Tree to Save Lives

1. 1.

2. 2.

3. 3.

28
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Iskor: .

ESP 5, IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 4


Kasanayang Pampagkatuto: Napatutunayan na di-nakukuha sa kasakiman ang
pangangailangan
6.1 pagiging vigilant sa mga illegal na gawaing
nakasisira sa Kapaligiran.
Paksa: Likas-Kayang Pag-Unlad (Sustainable
Development)

TANDAAN NATIN
1. Talasalitaan
a. pagmamalasakit sa kapaligiran – ay ang pagpapanatiling walang basura at
walang sulat sa mga pampublikong lugar.
b. likas kayang pag-unlad – ay ang pagtugon sa pangangailangan ng mga tao
na may pagsasaalang-alang sa likas na yaman para sa pangangailangan ng
susunod nasa henerasyon.
c. kasipagan – ay isang katangiang dapat taglayin ng bawat tao, yamang ito
ang nagpapangyaring mabuhay siya ng tiwasay, simple at masasapatan ang
pangangailangan hindi lang ng pamilya kundi maging nang ating bansa.

2. Konsepto ng Pagkatuto
Ang pangangailangan ay hindi nakukuha sa kasakiman. Maging
mapagmatyag sa pagsusuplong sa kinauukulan ng mga taong sumisira sa
kalikasan. Humingi ng tulong sa mga nakatatanda upang maisuplong sa
kinauukulan ang mga taong may ilegal na gawain na nakasisira sa kapaligiran.
Maaring gumamit ng teknolohiya upang maipaalam sa kinauukulan ang mga
gawaing nakasisira sa kalikasan para sa agarang aksyon.
Lahat ng bagay dito sa mundo ay magkakaugnay. Kung ano ang ginawa mo
sa paligid o kalikasan ay siyang babalik sa iyo. Halimbawa na lamang nito ay
ang malimit na pagbaha sa ilang lugar sa ating bansa. Dahil sa pagbaha,
maraming nawalan ng tirahan, nagkasakit at namatay. Bumalik lamang sa mga
tao ang ginawa nilang paglapastangan sa kalikasan. Kaya’t nakabubuting
pag-isipang mabuti ang lahat ng aksyong gagawin at maging responsableng
mamamayan ng ating bansa.

*excerpts from DepEd Division of Cabanatuan City


LRMDS

29
Gawain 1: Tuklasin Natin
Panuto: Basahin ang kuwento pagkatapos ay sagutin ang katanun-
gan na sumasalamin sa mga pangyayari sa kwento.

MAKAKAMIT SA MABUTING PARAAN


Maraming pangangailangan ang tao. Kailangan niya ng pagkain, tirahan,
kasuotan, edukasyon, hanapbuhay at iba pa. Sa pagkakamit ng kanyang mga
pangangailangan, nararapat niyang isaalang-alang ang kabutihan at ang paghingi
ng patnubay sa Dakilang lumikha. Kailangan din niyang gamitin ang sariling
kakayahan.
Kung nais ng sinuman na matugunan ang kanyang mga pangangailangan,
siya ay dapat na kumilos at magsikap ayon sa kanyang kakayahan. Kaya naman
dapat ding pag-ukulan ng panahon ang paglinang ng sariling kakayahan.
May mga pangyayari naman na kung saan ang ilang mga tao ay ginagamit
ang kasakiman at kasamaan para makamit ang kanilang pangangailangan. Kung
ang tao ay naghahangad ng labis-labis sa buhay, nakagagawa siya ng labag sa
batas ng Diyos, tao at kalikasan.

Anong mga paraan ng pagkuha ng pangangailangan ang ipinakikita sa kuwento?

Gawain 2: Isipin Natin


Panuto: Pag-aralang mabuti ang mga larawan base sa kwento sa
Gawain 1. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong.

30
1. Ano ang ipinahihiwatig ng kuwento?

2. Ano ang ipinakikitang pag-uugali ng mga tao sa mga larawan?

3. Paano nakakamit ng tao ang kanyang mga pangangailangan?

4. Bakit nagagawa ng mga tao na magmalabis sa pagkamit ngpangangailangan


nila?

5. Bilang isang batang mag-aaral, paano mo makakamit ang iyong


pangangailangan?

Gawain 3: Isabuhay Natin


Panuto: Basahin mabuti ang bawat sitwasyon sa ibaba tungkol sa
pagiging vigilant sa mga illegal na gawaing nakasisira sa kapaligiran.
Pagkatapos ay isulat mo kung ano ang gagawin mo kung naranasan
mo ito.
1. Nakita mo ang isang tauhan ng isang malaking poultry farm na nagpapaagos ng
dumi ng mga manok sa ilog.

2. Namamasyal kayo sa may lawa at may nakita kang bata na walang


pakundangan sa pagtatapon ng basura dito.

3. May nangangalap ng mga pirma upang tutulan ang pagmimina sa isang


pamayanan. Pipirma ka ba o hindi? Bakit?

4. Narinig mong kailangang makagawa ang iyong tiyahin ng maraming papel para
sa susunod na pasukan at ang natatanging solusyon ay ang pagputol ng
maraming mga puno. Ang tatay mo lamang ang tanging nakakaalam ng
pagputol ng mga puno. Ano ang gagawin mo?

5. Maitim na ang usok ng sasakyan ni G. Marc ngunit ayaw niya itong ipaayos.
Alam mo na may batas na nagbabawal sa mga sasakyan na nagbubuga ng
maitim na usok. Kung ikaw ang anak ng may-ari ng sasakyan, paano mo
hihikayatin ang iyong ama na ipaayos na ito sa lalong madaling panahon?

31
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Iskor: .

ESP 5, IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 5


Kasanayang Pampagkatuto: Nakikiisa nang may kasiyahan sa mga programa ng
pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapanatili ng
kapayapaan
7.1 paggalang sa karapatang pantao.
Paksa: Pagmamalasakit sa Kapaligiran (Care of the
environment)
Pagpapanatili ng Kapayapaan

TANDAAN NATIN
1. Talasalitaan
a. kaugnayan – pakikiisa sa isang desisyon sa isa o maraming tao
b. pagpapanatili – isang bagay na nagpapanatili. Ang pangangalaga ng
ari-arian o kagamitan.
c. kapayapaan – kalagayan ng pagkakaroon ng katahimikan at katiwasayan

2. Konsepto ng Pagkatuto
Ang paggalang sa kapwa-tao ay natutuhan natin mula sa pagkabata. Ito ay
isang hakbang sa pagkamit ng isang mapayapang pamayanan. Kapag
iginagalang ng lahat ang kanyang kapwa tiyak walang magkakagalit dahil
nirerespeto ang karapatang pantao.
Ang isa sa pagpapahalaga ng karapatang pantao ay ang paggalang sa opinyon
o ideya ng iba. Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nakapagpapatibay
sa kahalagahan ng paggalang.

Gawain 1: Hulaan Mo
Panuto: Gawing gabay ang mga pahayag ukol sa paggalang sa
karapatan upang makabuo ng salita. Ayusin ang mga letra at isulat sa
kahon.

1. A G A L A N G N G A A P
proteksiyon ng anuman o sinuman

2. I S A I P K I K A
pakikipagtulungan sa iba upang makamit ang isang bagay

32
3. A A P N A A Y P A K
kalagayan ng pagkakaroon ng katahimikan at katiwasayan

4. G N O L A G P U T
Pagbibigay ng anuman sa kapwa ng walang kapalit

5. N T A R A P A A K
ang kapangyarihan o kalayaan na ipinagkaloob sa
sinuman

6. O T S R E E P
isang uri ng paggalang sa lahat ng bagay dito sa mundo

7. Y S O N K E T O R P
Pangalagaan

8. D D A B I I L S I R E S P N O
tungkulin ng tao sa kapwa, paligid, pamahalaan at sa mga
nakapaligid sa kanya

9. D D A I N I G D
Ito ang kalagayan ng isang tao pagdating usaping respeto
at paggalang niya sa sarili.

10. Y O N N I P O
Pahayag ng isang tao tungkol sa kanyang paniniwala at
prinsipyo

Gawain 2: Suriin Natin


Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon at sagutin ang mga ito ng
buong husay. Suriin kung ito ba ay tama o mali at pangatwiranan ang
iyong magiging kasagutan.

1. Gabing-gabi na at patuloy pa rin sa pagtugtog ng gitara si Arlene kahit marami


na ang natutulog.

2. Habang nasa opisina ang ama ni Ambet ay pinakikialaman nito ang mga gamit
nitong hindi ipinapahiram sa kanya.

33
3. Hinikayat ng guro ang mga mag-aaral na magkuwento ng kanilang karanasan
sa kanilang nagdaang bakasyon. Marami sa kaklase ni Sheena ang
nagkuwento tungkol sa pagbabakasyon nila sa iba’t ibang lugar. Nang tawagin
siya nag-imbento na lamang si Sheena ng kuwento upang hindi mapahiya sa
mga kaklase.

4. Hindi nakisali si Arman sa panglalait kay Amboy, bagkus binabawal pa nga


niya ang mga ito.

5. Pinilit ni Fe na tanggihan ni Lorna ang inaalok ng guro na sumali sa


paligsahan ng awit upang siya ang alukin ng guro kahit alam ni Fe na mas
mahusay umawit sa kanya si Lorna.

Gawain 3: Dadalhin Kita sa Puso Ko


Panuto: Isalaysay ang iyong palagay sa mga sumusunod na pahayag
na may kinalaman sa pagmamalasakit sa kapaligiran at pagpapanatili
ng kapayapaan.

Sa aking palagay, kailangang/ hindi kailangang…

Walisan ang harapan ng bahay


araw-araw

Tumulong sa kampanya laban sa illegal


logging

Isumbong sa barangay ang mga


lumalabag sa quarantine

Ipagbigay alam sa may kapangyarihan


ang mga pang-aabusong makikita sa
iyong paligid

Mananatili sa bahay bilang proteksyon


sa COVID-19

Makialam sa pamamagitan ng
pagpapayo sa mga kapitbahay na
huwag magsunog ng kanilang mga
basura

34
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Iskor: .

ESP 5, IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 5


Kasanayang Pampagkatuto: Nakikiisa nang may kasiyahan sa mga programa ng
pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapanatili ng
kapayapaan
7.2 paggalang sa opinyon ng iba
Paksa: Pagmamalasakit sa Kapaligiran (Care of the
environment)
Pagpapanatili ng Kapayapaan

TANDAAN NATIN
1. Talasalitaan
a. pamahalaan – organisasyong may kapangyarihang gumawa at magpatupad
ng batas.
b. paggalang – respeto o pagmamahal
c. ideya – ay anumang kuro-kuro na umiiral sa isip bilang resulta ng
pag-unawa sa kaisipan, kamalayan, o aktibidad

2. Konsepto ng Pagkatuto
Ang paggalang sa kapwa-tao ay natutuhan natin mula sa pagkabata. Ito ay
isang hakbang sa pagkamit ng isang mapayapang pamayanan. Kapag
iginagalang ng lahat ang kanyang kapwa tiyak walang magkakagalit dahil
nirerespeto ang karapatang pantao.
Ang isa sa pagppahalaga ng karapatang pantao ay ang paggalang sa
opinyon o ideya ng iba. Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang
nakapagpapatibay sa kahalagahan ng paggalang. May mga paraan ng
pagpapakita ng paggalang sa opinyon ng iba. Maging bukas tayo sa mga
opinyon ng iba, ngunit kailangan muna nating suriin kung ito ba ay makakabuti
o makakasama hindi lamang para sa sarili kundi para sa lahat.

Gawain 1: Isipin Natin


Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na kaisipan na nasa loob
ng mga kahon ay nagpapakita ng pakikiisa sa programa ng
pamahalaan, paggalang sa karapatang pantao at paggalang sa
opinyon ng iba. Ilagay ang mga ito sa tamang hanay.

35
Mamili ng gustong iboto Pagtulong sa barangay

Mamili ng tamang relihiyon Pagtulong sa nangangailangan

Pagiging matatapat sa puso at isipan Pangangampanya laban sa droga

Pagpapahalaga sa pamilya Bayanihan

Pakikiisa sa Programa Paggalang sa Paggalang sa Opinyon


ng Pamahalaan Karapatang Pantao ng Iba

Gawain 2: Suriin Natin


Panuto: Basahin ang mga pahayag. Isulat ang Tama o Mali sa
patlang.

1. Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon at pagkilala


sa halaga ng lipunang kinabibilangan.
2. Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad at magwasto
sa kanyang pagkakamali.
3. Pagtugon sa pangangailangan ng kapwa, sa pamamagitan ng patuloy na
pagtulong at paglilingkod sa kanila.
4. Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapwa sa pamamagitan ng
maayos at marapat na pagsasalita at pagkilos.
5. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa pamamagitan
ng pagpapakita ng angkop na paraan ng paggalang.
6. Suriing mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng kapwa upang
makapagbigay ng angkop na tulong bilang pagtugon sa kanilang
pangangailangan.
7. Bilang bahagi ng katarungan, ibigay sa kapwa ang nararapat sa kanya at
ang nararapat ay ang paggalang sa kanyang dignidad.

36
8. Sa pakikipag-usap sa kapwa, iwasan ang madaliang paghuhusga at
pagbibitiw ng masasakit na salita.
9. Laging isaisip ang kahalagahan ng tunay na paglilingkod sa kapwa na
may kalakip na pagmamahal at pagpapatawad.
10. Maging sensitibo sa kapwa. Igalang ang anumang paniniwala niya.

Gawain 3: Tuklasin Natin


Panuto: Paano ka magpapakita ng pakikiisa mo sa mga programa ng
pamahalaan, paggalang sa karapatang pantao at paggalang sa
opinyon ng iba?

1. Nang yayain mo ang kapatid mong maglinis ay sinagot kang “Hindi ako girl
scout. Ang paglilinis ay ginagawa lamang ng girl scout.

2. Nakita mo ang iyong kaklase na nagtapon ng balat ng kendi sa parke kahit may
nakasulat sa karatula na “BAWAL MAGTAPON NG BASURA DITO”.

3. Napansin mong habang nagsasalita ang inyong lider tungkol sa pangkatang


gawain ang ilan sa inyong mga kagrupo ay hindi nakikinig.

4. Titigil sa pag-aaral ang iyong matalik na kaibigan dahil nawalan ng trabaho ang
kanyang mga magulang.

5. Hatinggabi na ngunit malakas pang nagpapatugtog ng radyo ang inyong


kapitbahay.

37
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Iskor: .

ESP 5, IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 5


Kasanayang Pampagkatuto: Nakikiisa nang may kasiyahan sa mga programa ng
pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapanatili ng
kapayapaan
7.3paggalang sa ideya ng iba.
Paksa: Pagmamalasakit sa Kapaligiran (Care of the
environment)
Pagpapanatili ng Kapayapaan

TANDAAN NATIN
1. Talasalitaan
a. pagpapanatili – pagpapamalagi
b. kapayapaan – kalagayan ng pagkakaroon ng katahimikan at katiwasayan.
Ito ang katayuan sa panahon na walang gulo, away, o alitan.
c. programa – ay tumutukoy sa mga pamamalakad, simulain, o alituntunin na
kailangang sundin para sa kaayusan ng lahat.

2. Konsepto ng Pagkatuto
Iwasang magbigay ng mga mungkahi o opinyon na makakasakit ng
damdamin ng ibang tao. Magkakaiba man tayo ng prospektibo sa buhay,
palaging piliin ang pagkakaroon ng pagtanggap sa kagustuhan ng iba.
Kailangang tanggapin natin ang opinion ng iba lalo na kung ito ang mas
makabubuti, maging tiyak at sigurado lamang bago isagawa.
Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon at pagkilala sa
halaga ng lipunang kinabibilangan. Laging isaalang-alang ang damdamin ng
kapwa sa pamamagitan ng maayos at marapat na pagsasalita at pagkilos.

Gawain 1: Isipin Natin


Panuto: Basahin ang mga pahayag tungkol sa paggalang sa ideya ng
iba. Isulat ang T kung tama at M kung mali.

1. Igalang ang ideya ng iba kahit hindi ka sang-ayon dito.


2. Pakikinig at pagsagot nang ayon sa sinsabi ng iyong kausap.

38
3. Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sayo.
4. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling
pangangailangan kaya wala siyang pakialam sa opinyon ng iba..
5. Ang paggalang sa ideya ng iba ay tanda ng pakikipagkapwa tao.
6. Ang isang makabuluhan at mabuting pakikipag- ugnayan sa kapwa ay
nagbibigay ng kaligayahan at kapanatagan sa tao.
7. Pagsusumikap na mapanatili ang kapayapaan ay kasiyahan; at pag-iwas
sa mga sitwasyong magbubunga ng di pagkakasundo o pagtatalo.
8. Nagsasalita ka habang nagbibigay ng ideya ang iyong kaibigan.
9. Pinagsabi mo sa mga kaklase mo na hindi maganda ang ideya ng isang
kaklase patungkol sa mga proyekto sa paaralan.
10. Maging mabuting tagapakinig sa iyong kapwa.

Gawain 2: Tuklasin Natin


Panuto: Paano mo maipapakita ang paggalang sa ideya ng iba?
Isulat ang sagot sa loob ng hugis.

Paggalang sa
Ideya ng Iba

39
Gawain 3: Suriin Natin
Panuto: Ano ang gagawin mo sa mga susunod na sitwasyon upang
maipakita mo ang paggalang sa ideya ng iba? Isulat ang iyong sagot
sa kahon.

1. Nagbibigay ng ideya ang kasama 2. Nagsasalita ang panauhing


mo sa grupo tungkol sa isang pandangal sa isang programa sa
talakayan. inyong paaralan.

3. May gustong iparating na mensahe 4. Nagbibigay ka ng isang suhestiyon


ang isang kagawad ng barangay sa tungkol sa magiging programa
isang pagpupulong. ninyo sa paaralan. Hindi ka
pinakikinggan ng iyong ka grupo.

40
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Iskor: .

ESP 5, IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 6


Kasanayang Pampagkatuto: Nakalalahok sa pangangampanya sa pagpapatupad
ng mga batas para sa kabutihan ng lahat
8.1 pangkalinisan
Paksa: Kapayapaan at Kaayusan (Peace and Order)

TANDAAN NATIN
1. Talasalitaan
a. kampanya – ang hanay ng mga ad group (mga ad, keyword at bid) na iisa
ang badyet, pagta-target sa lokasyon at iba pang mga setting. Ito ay
madalas na ginagamit upang mag-ayos ng mga kategorya ng mga produkto
o serbisyo na iyong inaalok.
b. batas – ay isang alituntunin o patakaran na ginagawa o binubuo ng mga
nasa politikal na posisyon para sa kapakanan ng mga mamamayan.
c. Kapayapaan – ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng katahimikan at
katiwasayan. Ito ang katayuan sa panahon na walang gulo, away, alitan, o
digmaan.

2. Konsepto ng Pagkatuto
Ang pamahalaan ay nagtatakda ng mga gabay sa ating dapat na ikilos ukol
sa pakikisalamuha natin sa ating kapwa. Itinakda ng pamahalaan ang mga pro-
grama at alituntunin ng may pagsaalang-alang sa ating panlahat na kabutihan.
Isipin nalang natin kung ano ang mangyayari kung walang programa at batas
na umiiral sa ating bayan. Hindi ba ang kawalan ng mga batas at patakaran ay
magdudulot ng kalituhan at kawalan ng kapayapaan.

*excerpts from
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5, Ylrde & Peralta

Gawain 1: Alamin Natin


Panuto: Tukuyin ang mga larawan na nagpapakita ng programa ng
pamahalaan tungkol sa pangkalinisan. Lagyan ng tsek ( √ ) ang kahon
ng sagot. Pagkatapos ay ipaliwanag kung ano ang kahalagahan ng
gawaing iyong napili sa kapaligiran.

41
https://www.google.com/search? https://twitter.com/officialmunti/
q=international+coastal+cleanup&tbm=isch&ved=2ahUKEwiPj8zKlNLrAhXLAqYK status/382400241137246209?lang=gl
HVXIB6EQ2-cCegQIABAA#imgrc=5DIMJlaPzA5zlM

https://filipino.rvasia.org/kalikasan/sambayanang-filipino-hinimok-na- https://remit.com.au/come-back-is-real-manila-bay-
makiisa-sa-post-election-clean rehabilitation-2019/

Gawain 2: Isipin Natin


Panuto: Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon?
Isulat ang sagot sa patlang.

1. Nakita mo ang kaklase mo na itinapon ang pinagkainan niya sa silong ng


mangga.

2. Mahilig kumain si Ana ng kendi. Pagkatapos niyang buksan ang kendi ay kung
saan-saan nalang niya ito itinatapon.

3. Nakita mo ang isang mama na kinuha niya ang babala na may nakasulat na
“Bawal Magtapon ng Basura.” Tinanggal niya ito mula sa pagkakakabit at hindi
na ibinalik pa.

4. Sinita ka ng isang pulis sa bayan dahil nagtapon ka ng basura.

5. Nakita mong nagtutulungang maglinis ang mga tao sa inyong barangay.


Nandoon ang ilan sa iyong mga kaklase.

42
Gawain 3: Suriin Natin
Panuto: Gumawa ng islogan na naglalayong magbigay ng babala
para sa kalinisan sa inyong barangay. Kulayan ang background nito
upang maging kaaya-aya sa paningin.

43
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Iskor: .

ESP 5, IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 6


Kasanayang Pampagkatuto: Nakalalahok sa pangangampanya sa pagpapatupad
ng mga batas para sa kabutihan ng lahat
8.2 pangkaligtasan
Paksa: Kapayapaan at Kaayusan (Peace and Order)

TANDAAN NATIN
1. Talasalitaan
a. pagkikilahok – tungkulin bilang isang mamamayan na dapat nating gawin sa
lugar na tayo ay kasapi
b. pagpapatupad – implementasyon
c. pangkaligtasan – para sa kaligtasan

2. Konsepto ng Pagkatuto
Ang batas ng tao ay kailangang mapanatili at may tunguhin para sa
kabutihan at pangkaligtasang panlahat. Kailangan ding lumahok ang sinuman
sa kampanya sa pagpapatupad ng mga batas para sa kabutihan ng lahat.

Gawain 1: Isipin Natin!


Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag
tungkol sa pagpapatupad ng mga batas para sa pangkaligtasan ng
lahat. Isulat ang tsek ( √ ) kung tama at ekis ( X ) kung mali.

1. Nakatutulong sa mamamayan ang pagsugpo sa kriminalidad sa bansa.


2. Maging mapanuri at mapagmatyag sa paligid upang maiwasan ang
anumang masamang puwedeng mangyari sa iyo.
3. Ang pagsunod sa mga awtoridad ay tanda ng respeto sa kinauukulan.
4. Ang mga masasamang loob ay dapat na mahuli at makulong upang hindi
makasakit at pamarisan ng iba.
5. Makikilahok sa mga programang pangkaligtasan ng pamahalaan.
6. Sumunod sa batas at laging modelong mamamayan ng bansa.
7. Kapag may napansing hindi magandang nangyayari sa paligid ay
ipagbigay alam sa may kapangyarihan.

44
8. Itago ang isang kriminal na matagal nang pinaghahanap ng awtoridad.
9. Makipagtulungan sa mga gawain ng NPA.
10. Tumulong sa mga biktima ng giyera sa pamamagitan ng donasyong
pagkain.

Gawain 2: Kaya Kong Iguhit!


Panuto: Iguhit ang logo ng mga sumusunod na ahensya ng
pamahalaan na tumutulong sa ating pamahalaan upang ipatupad ang
mga batas at programang may kinalaman sa ating kaligtasan.

Philippine Red Cross Philippine National Police

National Disaster Risk Reduction Department of National Defense


and Management Council

45
Gawain 3: Tuklasin Natin
Panuto: Ipahayag ang damdamin sa mga sumusunod na sitwasyon?
Isulat ang sagot sa patlang.

1. Nakita mo na ninanakawan ang kapitbahay ninyo. Walang taong puwedeng


makialam dahil umalis ang may-ari ng bahay. Ano ang gagawin mo?

2. Isang bagong tao ang dumating sa lugar ninyo at siya ang nagpapasimuno ng
kaguluhan. Hindi nagsusumbong ang mga tao dahil takot sila dito. Ano ang
maari mong gawin?

3. Ang AFP at PNP ay nagtutulungan sa pagsugpo ng talamak na bentahan ng


droga. Sinabihan ka ng kaibigan mo na huwag ng makialam kung anuman ang
nakita mo. Ano ang gagawin mo?

4. Nagsanib puwersa ang mga militar at pulisya upang sugpuin ang mga rebelde
sa Sulu. Nagkaroon ng giyera at nawasak ang buong lugar. Bilang batang
mag-aaral na kagaya mo, ano ang puwede mong maibigay bilang tulong sa mga
biktima?

5. May magaganap na symposium sa inyong paaralan tungkol sa pagiging ligtas


sa anumang sakuna ukol sa pangkaligtasan ng pamayanan laban sa mga
rebeldeng nagkalat na nagkukunwaring ordinaryong mamamayan sa bansa.
Ano ang maari mong gawin?

46
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Iskor: .

ESP 5, IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 6


Kasanayang Pampagkatuto: Nakalalahok sa pangangampanya sa pagpapatupad
ng mga batas para sa kabutihan ng lahat
8.3 pangkalusugan
Paksa: Kapayapaan at Kaayusan (Peace and Order)

TANDAAN NATIN
1. Talasalitaan
a. nakalalahok – nakasasali, nakapagbibigay ng ambag
b. pangangampanya – pagbibigay pakilala
c. kalusugan – ay tumutukoy sa mabuting kalagayan ng ating pangangatawan,
kawalan ng sakit, may sapat na timbang at may maayos na pangangatawan
at maaring ito rin ay tumutukoy sa maayos na takbo ng ating isipan at ang
pakikitungo natin sa ibang tao.

2. Konsepto ng Pagkatuto
Ang mabuting kalusugan ay mahalaga sa bawat indibidwal kabilang na ang
mga bata. Ang malusog na indibidwal ay magagawang sumulong sa
mahalagang susunod na hakbang sa kanilang pag-unlad. Isa sa mga paraan
upang suportahan ang kalusugan ng isang indibidwal ay ang paggawa ng isang
mabilis na pagsusuri sa kalusugan araw-araw. Itong karaniwang pagsusuri sa
kalusugan ay maaaring makatulong sa atin sa upang maging matatag ang ating
pakiramdam.

Gawain 1: Suriin Natin


Panuto: Basahin ang mga programa, ahensiya, alituntunin, o
kampanya sa bawat bilang. Piliin sa loob ng kahon ang trabahong
kanilang sinasakupan.

pangkalinisan pangkapayapaan
pangkaligtasan pangkalikasan
pangkalusugan paggalang sa karapatan

47
1. Clean Air Act
2. Universal Declaration of Human Rights
3. I am Ready (GMA) at Red Alert (ABS-CBN)
4. Earth Hour
5. Pagbabantay nang 24 oras sa barangay
6. Pagbabawal uminom ng 24 oras sa barangay
7. Save the Forest
8. Child Protection Program
9. Samahan ng mga Nanay sa Wastong Nutrisyon ng mga Sanggol
10. Tapat, Linis Ko
11. Kampanya Laban sa Illegal Logging
12. One Million Voices for Peace (OMVP)
13. UNICEF (United Nations Children's Fund)
14. Bantay Bata 163
15. Department of Social Welfare and Development

Gawain 2: Tuklasin Natin!


Panuto: Basahin ang talata na may kinalaman sa kalusugan at
sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Ang Batas Pambarangay, Tagumpay


Bumuo ng Batas Pambarangay ang konseho ng Barangay Lucao, Lungsod ng
Dagupan tungkol sa lumulubhang suliranin ng kanilang pamayanan.Narito ang
nilalaman ng batas.

Batas Pambarangay Bilang 5


Mayo 18,2016
Pamahalaang Barangay ng Lucao
Lungsod ng Dagupan

Ang batas na ito ay pinagtibay upang ang mga mamamayan ay makilahok at man-
gampanya sa pagpapatupad ng kalinisan sa ating kapaligiran.

Una, ang bawat paaralang nasasakupan ng Barangay Lucao ay magdadaos ng


isang panayam tungkol sa kampanya ng kalinisan. Ikalawa, pamalagiin ng mga
mamamayang nasasakupan ng Barangay Mapayapa na malinis ang daan
patungong ilog. Ikatlo, ang bawat samahan ay nararapat na magbigay ng
donasyong paskil tungkol sa maaaring ipataw na disiplina sa mga taon lalabag
dito.

Sa kautusang batas na ito ay dapat sundin ng lahat ng tao,matanda o bata para sa


kapayapaan at kaayusan ng Barangay Lucao. Nilagdaan ngayong ika - 18 ng
Mayo,2016, Barangay Lucao, Lungsod ng Dagupan.

48
1. Bakit gumawa ng batas ang konseho ng Barangay tungkol sa suliraning
pangkapaligiran?

2. Isa-isahin ang mga utos sa mga mamamayang nasasakupan ng barangay.

3. Bakit mahalaga ang batas na ito sa Barangay Lucao?Bilang mag–aaral ano


ang masasabi mo sa kautusan?

4. Bilang isang mamamayan, paano mo maipapakita ang iyong pakikiisa sa mga


ganitong pagkakataon?

Gawain 3: Kaya Kong Gumuhit!


Panuto: Iguhit ang iyong saloobin ng naayon sa sumusunod na
sitwasyon.

Sitwasyon 1: Panahon ng COVID-19 pandemic ngayon. Sa iyong sariling


palagay, paano ka makakatulong upang maipakita ang pagsunod sa pamahalaan
ukol sa patakaran upang maiwasan ang pagdami ng maysakit na COVID-19.

Sitwasyon 2: Bilang isang mag-aaral/bata, paano mo maipapakita sa


pamamagitan ng pagguhit ang pagtulong sa kapwa ukol sa mga
kapaki-pakinabang na gawain upang mapaunlad ang sarili sa gitna ng COVID-19
pandemic.

49
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Iskor: .

ESP 5, IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 6


Kasanayang Pampagkatuto: Nakalalahok sa pangangampanya sa pagpapatupad
ng mga batas para sa kabutihan ng lahat
8.4 pangkapayapaan
Paksa: Kapayapaan at Kaayusan (Peace and Order)

TANDAAN NATIN
1. Talasalitaan
a. kampanya – ang hanay ng mga ad group (mga ad, keyword at bid) na iisa
ang badyet, pagta-target sa lokasyon at iba pang mga setting. Ito ay
madalas na ginagamit upang mag-ayos ng mga kategorya ng mga produkto
o serbisyo na iyong inaalok.
b. batas – ay isang alituntunin o patakaran na ginagawa o binubuo ng mga
nasa politikal na posisyon para sa kapakanan ng mga mamamayan.
c. kapayapaan – ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng katahimikan at
katiwasayan. Ito ang katayuan sa panahon na walang gulo, away, alitan, o
digmaan.

2. Konsepto ng Pagkatuto
Ang pamahalaan ay nagtatakda ng mga gabay sa ating dapat na ikilos ukol
sa pakikisalamuha natin sa ating kapwa. Itinakda ng pamahalaan ang mga
programa at alituntunin ng may pagsaalang-alang sa ating panlahat na
kabutihan.
Isipin nalang natin kung ano ang mangyayari kung walang programa at
batas na umiiral sa ating bayan. Hindi ba ang kawalan ng mga batas at
patakaran ay magdudulot ng kalituhan at kawalan ng kapayapaan.

*excerpts from
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5, Ylrde & Peralta

Gawain 1: Alamin Natin!


Panuto: Basahin at unawain ang mga tungkulin na mga sumusunod
na ahensiya ng pamahalaan para sa pangkapayapaan at sagutin ang
mga katanungan sa susunod na pahina. Isulat ang iyong sagot sa
patlang.

50
Sandatahang Lakas ng Pilipinas Kagawaran ng Tanggulang Bansa
(Armed Forces of the Philippines) (Department of National Defense)
Sila ang mga magtatanggol sa bansa Sila ang departamentong tagapagpatupad
laban sa dayuhang mananakop, mga ng Pamahalaan ng Pilipinas na
taong nais mang-agaw ng kapangyarihan responsable sa pagtatanggol mula sa mga
ng bansa at sila ang tumutulong sa mga panlabas at panloob na panganib sa
tao sa oras ng sakuna. kapayapaan at seguridad sa Pilipinas.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Sandatahang_Lakas_ng_Pilipinas https://tl.wikipedia.org/wiki/Kagawaran_ng_Tanggulang_Bansa_
(Pilipinas)

Lokál na Pamahalaan Pambansang Pulisya ng Pilipinas


o Pamahalaang Pampook (Philippine National Police)
(Local Government Unit) Sila ang pambansang pwersang pulisya
Isang uri ng pampublikong ng Pilipinas. Kapwa ito pambansa at lokal
pangangasiwa na, sa nakararaming mga na pwersang kapulisan na nagsisilbing
konteksto, umiiral bilang pinakamababang tagapagpasunod ng mga batas sa buong
antas ng pangasiwaan sa loob ng isang Pilipinas. .
estado.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pambansang_Pulisya_ng_Pilipinas
https://tl.wikipedia.org/wiki/Lokal_na_pamahalaan

1. Ano ano ang mga ahensya ng pamahalaan na nagpapatupad ng programang


pangkapayapaan ng bansa?

2. Kung mawawala man ang isa sa mga ahensyang ito, makakaya ba ng ibang
ahensya na ipatupad ang programang pangkapayapaan ng bansa? Bakit?

3. Kung bibigyan ka ng pagkakataong maging sundalo, pulis o alin mang


nabanggit na miyembro ng ahensyang nagproprotekta sa pangkapayapaan ng
bansa, gugustuhin mo ba? Oo o hindi. Pangatwiranan.

51
4. Bilang isang batang mag-aaral, ano ang puwede mong gawin upang
makatulong sa kapayapaan ng inyong lugar?

Gawain 2: Alamin Natin!


Panuto: Ano ang gagawin mo sa mga susunod na sitwasyon? Isulat
ang sagot sa patlang.

1. Nakita mo na hinuli ng pulis ang kapitbahay ninyo dahil sa droga. Hindi


nanlaban ang suspek ngunit sinipa at tinadyakan ng pulis ito. Ano ang
gagawin mo?

2. May nanggugulo sa inyong lugar. Lasing ito at nagsisisigaw. Kanino ka hihingi


ng saklolo? Bakit ka hihingi ng saklolo sa kanya/ kanila?

3. Maraming pasaway na mga tao na lumalabas kahit ipinagbabawal pa ito dahil


sa umiiral pa ring ECQ. Ano ang masasabi mo ukol dito?

4. Mayroong mga sundalo at pulis na nagbabantay sa kalsada. Naalarma ka


dahil bigla nalang silang dumating. Ano ang gagawin mo?

5. Mayroong taga barangay na pumunta sa bahay ninyo. Hinahanap ang tatay


mo at parang mayroong hindi magandang mangyayari. Ano ang gagawin mo?

52
Gawain 3: Kaya Kong Gumuhit!
Panuto: Gumuhit ng isang poster para sa mga sundalo, pulis at lahat
ng nangangalaga ng kapayapaan ng ating bansa bilang pagpupugay
sa kanilang kagitingan. Sumulat ng 2-3 pangungusap upang ihayag
ang damdamin sa poster na ginawa.

53
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Iskor: .

ESP 5, IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 6


Kasanayang Pampagkatuto: Nakalalahok sa pangangampanya sa pagpapatupad
ng mga batas para sa kabutihan ng lahat
8.5 pangkalinisan
Paksa: Kapayapaan at Kaayusan (Peace and Order)

TANDAAN NATIN
1. Talasalitaan
a. kalikasan – lahat ng bagay na natural at katutubong mula sa kababalaghang
nagaganap sa pisikal na mundo.
b. batas – ay isang alituntunin o patakaran na ginagawa o binubuo ng mga
nasa politikal na posisyon para sa kapakanan ng mga mamamayan.
c. kapayapaan – ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng katahimikan at
katiwasayan. Ito ang katayuan sa panahon na walang gulo, away, alitan, o
digmaan.

2. Konsepto ng Pagkatuto
Ang pamahalaan ay nagtatakda ng mga gabay sa ating dapat na ikilos ukol
sa pakikisalamuha natin sa ating kapwa. Itinakda ng pamahalaan ang mga
programa at alituntunin ng may pagsaalang-alang sa ating panlahat na
kabutihan.
Isipin nalang natin kung ano ang mangyayari kung walang programa at
batas na umiiral sa ating bayan. Hindi ba ang kawalan ng mga batas at
patakaran ay magdudulot ng kalituhan at kawalan ng kapayapaan.

*excerpts from
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5, Ylrde & Peralta

Gawain 1: Isipin Natin!


Panuto: Punan ang hugis ng iyong ideya kung papaano mo
maproprotektahan ang kapaligiran sa iyong sariling paraan.

54
Pagprotekta
sa
kalikasan

Gawain 2: Alamin Natin


Panuto: Pag-aralan, basahin at unawain ang mga programang
pangkalikasan ng pamahalaan at sagutin ang mga sumusunod na
katanungan. Isulat ang sagot sa patlang.

Batas Pambansa 7638 RA 7586


(Department of Energy Act of 1992) (National Integrated Protection Areas System Act of 1992)
Nilalayon ng batas na ito ang Isinasaad dito ang kahalagahan ng pangangalaga at
pamamahala ng enerhiya pagpapanatili sa natural, biological at physical
ng Pilipinas. diversities.
https://tl.wikipedia.org/wiki/ Nilalayon nitong mapanatili at masuportahan ang
Sandatahang_Lakas_ng_Pilipinas
buhay at pag-unlad ng tao.
Kabilang dito ang pagdedeklara ng National Park
upang maprotektahan ang mga hayop, puno at hala-
man laban sa panghihimasok ng tao.

55
RA 9003 PD 1067
(Ecological Solid Waste Act of 2000) (Water Code of the Philippines)
Nagsasaad ng mga alintuntunin sa Pangunahing layunin ng batas na ito na
wastong pamamahala ng basura, maitatag ang batayan ng konserbasyon .
pagpapalaganap ng kaalaman sa wastong https://apekonomiks.wordpress.com/2015/03/11/mga-batas-ukol-sa
paggamit ng likas-yaman at pagpapatupad -pangangalaga-ng-pinagkukunang-yaman/

ng mga programang nakatuon sa pakikiisa


ng bawat mamamayan upang mabawasan
ang basurang agad lamang tinatapon.
http://nswmc.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/
RA_9003_2015_final.pdf

RA 8749 RA 9147
(Philippine Clean Air Act of 1999) (Wildlife Resources Conservation and Protec-
Pagkilala sa karapatan na makalanghap tion Act)
ng malinis na hangin. Konserbasyon at pagbibigay proteksyon sa
Pagpapanatili ng kalinisan ng hangin. mga maiilap na hayop upang mapanatili
ang ecological balance at ecological diver-
sity.

1. Ano ang mga batas na nagproprotekta sa mga hayop na malapit ng maubos?


Paano nito naproprotektahan ang mga hayop laban sa mga
mapagsamantalang mamamayan?

2. Sa papaanong paraan nababawasan ang basura ng kapaligiran? Ano ang


batas na may kaugnayan dito?

3. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maging isang mambabatas, ano ang


batas na gagawin mo ukol sa pagprotekta sa ating kapaligiran?

56
4. Sa iyong palagay naproprotektahan ba ng mga batas na ito ang ating
kalikasan? Sa papaanong paraan?

5. Kung ikaw ang papipiliin ng titirhang lugar, sa siyudad o sa nayon? Bakit?

Gawain 3: Kaya Kong Iguhit!


Panuto: Gumuhit ng isang lugar na hinahangaan mo sa kalinisan
kaya gustong-gusto mo itong puntahan. Sumulat ng 2-3 pangungusap
kung bakit mo nagustuhan ang lugar at paano mo mapoprotektahan
ito.

57
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Iskor: .

ESP 5, IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 7


Kasanayang Pampagkatuto: Nakagagawa ng isang proyekto gamit ang iba’t
ibang multimedia at technology tools sa
pagpapatupad ng mga batas sa kalinisan,
kaligtasan, kalusugan at kapayapaan
Paksa: Kapayapaan at Kaayusan (Peace and Order)

TANDAAN NATIN
1. Talasalitaan
a. proyekto – ay kailangang gawin upang malutas ang isang partikular na
problema sa negosyo o oportunidad.
b. multimedia – ay pinagsamang "multi" at "media". Ang "multi" ay
nangangahulugang marami at ang "media" ay isang bagay na
nakakapagdala o nakakapaghandog ng impormasyon. Samakatuwid, ang
multimedia ay nangangahulugang paggamit ng maraming paraan upang
makapagdala ng impormasyon sa ibang tao.
c. technology – ay kailangang gawin upang malutas ang isang partikular na
problema sa negosyo o oportunidad.

2. Konsepto ng Pagkatuto
Ang pamahalaan ay nagtatakda ng mga gabay sa ating dapat na ikilos ukol
sa pakikisalamuha natin sa ating kapwa. Itinakda ng pmahalaan ang mga
programa at alituntunin ng may pagsaalang-alang sa ating panlahat na
kabutihan.

*excerpts from
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5, Ylrde & Peralta

Gawain 1: Suriin Natin


Panuto: Isulat ang SA kung sang-ayon ka at DSA kung di-sang–ayon
sa mga sumusunod na pangungusap.

1. Dapat na patawan ng karampatang parusa ang mga lumalabag sa


batas.
2. Ang batas para sa mahihirap at mayayaman ay pantay.

58
3. Ginawa ang batas para madisiplina ang tao.
4. Ang pagsunod sa batas ay pagpapakita ng pagmamahal sa bansa.
5. Malakas ang loob ng mga taong nasa batas.
6. Ang mga batas ay gumagabay sa kilos ng tao sa kanyang
pakikisalamuha sa lipunan.
7. Ang batas ay ginawa upang magawa ng tao ang lahat ng kanyang
gusto.
8. Mamasyal sa labas sa panahon COVID-19 pandemic, ay pwedeng
gawin ayon sa batas.
9. Ang hindi pagsunod sa batas ay may karampatang parusa.
10. Mabuti ang batas kung ito ay para sa kaunlaran ng lahat at ng hindi
iilan.
11. Ang batas ay hindi nagdudulot ng kapayapaan at kaayusan sa lipunan.
12. Ang mga nasa kulungan ay hindi sumunod sa batas.
13. Ang batas ng tao ay kailangang makatarungan at dapat walang
kinikilingan
14. Matuto ang tao na isipin ang tama at mali kapag may itinakdang batas.
15. Nagagawa ng batas na pangalagaan ang ating karapatan.

Gawain 2: Kaya Kong Gumuhit!


Panuto: Iguhit sa kahon ang hinihingi ng mga sumusunod.

1. “Bawal magsunog” proyektong pangkalinisan poster

59
2. Poster sa “Stay at Home and be safe” sa pandemic COVID-19 sitwasyon

Gawain 3: Tuklasin Natin


Panuto: Basahin ans sumusunod na batas sa kalinisan, kaligtasan,
kalusugan at kapayapaan at punan ang susunod na talaan.

INTERNATIONAL CLEAN-UP DAY


Ginaganap ang “International Clean-Up Day” tuwing ika-17 ng Setyembre
taon-taon. Sabay-sabay ang mga volunteer sa buong mundo sa paglilinis upang
maibalik ang kalinisan at buhay ng mga karagatan at iba pang anyong tubig.
Pitumpu’t isang bahagdan (71%) ng mundo ay binubuo ng katubigan.
Patuloy tayong makakakuha ng kabuhayan at pagkain sa mga ito kung atin silang
aalagaan at pananatilihing malinis.
Ang mga ibat’t-ibang basura tulad ng plastic, sigarilyo, metal, sirang goma,
balutan at lalagyan ng mga pagkain ay madalas na itinatapon ng mga tao sa
katubigan. Ang mga isda at iba pang nabubuhay rito ay makakain ang mga ito.
Ang kumpol-kumpol na basura ay magsisilbing harang din sa kanilang malayang
paglangoy upang makakita ng lugar kung saan sila mangingitlog o maghahanap
ng pagkain.

CLEAN AND GREEN PROJECT


Ang programang ito ay isa sa mga tugon ng Pilipinas sa pandaigdigang
programa na Save Mother Earth. Layunin nito na pukawin at dagdagan ang kaala-
man mga Pilipino upang magkaroon ng pagmamalasakit sa kapaligiran na nagbib-
igay sa atin ng maraming biyaya.
Ilan sa mga proyektong inilunsad kaugnay nito ay:

60
• Paglilinis ng kapaligiran, kalsada, kanal at ilog.
• Pagsasagawa sa mga kapitbahayan ng mga gulayan.
• Pagtatanim ng punongkahoy.
• Pagpapalaganap ng mahahalagang kaalaman tungkol sa pangangalaga sa
kalikasan.
• Paglahok sa Earth Hour Program.

IMMUNIZATION PROGRAM
Ang pangangalaga sa kalusugan ng mga tao ay isa rin sa mga suliranin na
tinutugunan ng mga bansa. Sa tulong ng World Health Organization, ang Pilipinas
ay isa sa mga bansa na nakikinabang sa ipinamamahagi nitong bakuna. Sa
pamamagitan nito, ang mga tao ay nagkakaroon ng pangontra sa mga sakit na
nakahahawa at iba pang sakit tulad ng tigdas, hepatitis, tetanus, polyo at iba pa.
Ang mga lokal na pamahalaan sa Pilipinas ay may kani-kaniyang paraan
sa pagsugpo ng mga nakahahawang sakit, pagbabakuna sa mga sanggol at
ganun din sa mga magulang na nagbubuntis. Kalakaran sa bawat barangay ang
ianunsyo o ipaskil ang schedule ng pagbabakuna tulad na lang nang ginagawa sa
Barangay Mayapyap, Lungsod ng Cabanatuan.

MGA PROGRAMA SA KALUSUGAN AT NUTRISYON


Isa sa mga suliranin sa kalusugan sa ating bansa ay ang malnutrition. Ang
malnutrisyon ay isang kundisyon kung saan ang katawan ay hindi nabibigyan
nang angkop at sapat na mga bitamina, at iba pang sustansyang kailangan ng
katawan. Sa ating bansa, may mga programang pangkalusugan upang
malunasan ang malnutrisyon. Ilan dito ay
• Garantisadong Pambansa – tumutugon ito sa kakulangan sa mga bitamina at
sustansya na kailangan ng malusog na katawan.
• Salt Iodization Nationwide Act – tumutugon ito sa kakulangan sa iodine na
maaaring maging dahilan ng sakit na goiter.
• Food Fortification – hinihikayat nito ang mga kumpanya ng pagkain na
magdagdag ng mga bitamina at sustansya sa pagkaing ipinagbibili
• National Supplemented Feeding at Food-for-School – ang mga batang kulang
sa timbang ay binibigyan ng masustansyang pagkain.

PROGRAMANG KALIGTASAN AT PANGKAPAYAPAAN


Mayroon ding programa para sa kapayapaan at kaligtasan na pinaiiral sa bansa.
Ito ay natalakay na sa mga aralin tulad ng Araling Panlipunan.Ilan dito ay ang:
 Pagsugpo sa paglaganap ng droga.
 Mahigpit na pagpapairal ng mga batas trapiko
 Pagpapaigting ng programa laban sa kriminalidad.

61
Anong mga programa sa ating bansa ang isinasakatuparan kaugnay sa
pangangalaga sa kalusugan, kapaligiran, at sa kaligtasan. Ano ang layunin ng
bawat isa?

Mga programa sa ating bansa na


isinasakatuparan kaugnay sa
Mga Layunin Nito
pangangalaga sa kalusugan,
kapaligiran, at sa kaligtasan

62
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Iskor: .

ESP 5, IKATLONG MARKAHAN, LINGGO 7


Kasanayang Pampagkatuto: Nakikiisa nang buong tapat sa mga gawaing
nakatutulong sa bansa at daigdig.
Paksa: Pandaigdigang Pagkakaisa (Global Solidarity)

TANDAAN NATIN
1. Talasalitaan
a. ang pandaigdigang pagkakaisa – pagtutulungan at pagsasama-sama o
pagkakabuklod buklod ng mga bansa sa buong mundo na may layunin na
mapabuti ang lahat, sila ay nagtutulungan na mapaunlad ang bawat bansa,
layun din nilang isakatuparan ang katahimikan ng bawat bansa laban sa
mga mapang-abusong mamamayan na nais magpalaganap ng kaguluhan.
b. Proyekto – ay kailangang gawin upang malutas ang isang particular na
problema sa negosyo o anumang problema sa lipunan
c. Pamahalaan – o gobyerno ay isang organisasyon na may kakayanan na
gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo

2. Konsepto ng Pagkatuto
Bilang isang mag-aaral, malaki ang maitutulong natin sa mga gawain at
proyekto na pamahalaan sa pamamagitan ng pagsunod at pakikiisa sa mga
gawain at alituntunin na ipinatutupad ng pamahalaan. Sundin natin ang
pagbabawal ng paggamit ng plastic at sa halip ay bayong ang gamitin.
Irerecycle ang mga basurang pwede pang pakinabangan. Umiwas tayo sa
masasamang bisyo. Sumali tayo sa programa ng pamahalaan na nauukol sa
kapayaan at kalinisan ng paligid. Sa ganitong pamamaraan ay maipakikita natin
nang buong tapat ang pakikiisa sa mga gawain na nakatutulong sa bansa at sa
daigdig.

*excerpts from DepEd Division of Cabanatuan City


LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM

63
Gawain 1: Suriin Natin
Panuto: Tama o Mali. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Proyekto ng pamahalaan sa lugar nila Patricio na nakatira sa


Barangay Daan Sarile ang pagsusuot ng helmet sa mga may motorsiklo
para sa ikabubuti ng lahat.
2. Hinikayat ni Angelo ang mga kapatid na makinig ng programa ng
barangay tungkol kalinisan at kapayapaan ng kanilang lugar.
3. Dahil sa paglaganap ng dengue sa barangay Nancayasan, naglunsad
ang barangay ng programa tungkol sa kalinisan. Masayang nakiisa ang
mga tao sa barangay.
4. Gumagamit pa rin ang mag-anak ni Mang Kardo ng mga plastics upang
ilagay ang kanilang mga pinamili kahit alam nilang ipinagbabawal ito sa
ating lugar.
5. Idinulog ni Aling Ana sa kapitan ng barangay ang mga batang
gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at kung saan sila makikita.
6. Dahil sa COVID-19 pandemic nagdeklara si Presidente ng state of
emergency at nilagay ang maraming lugar sa ECQ. Bilang mamamayan,
suportahan ko ang programa sa pamamagitan ng pagsunod ng batas
ukol dito.
7. Gumagamit ng mask sa paglabas ng bahay dahil sa COVID-19
Pandemic.
8. Magsunog ng mga plastik sa basura upang maging malinis sa
kapaligiran.
9. Sumunod sa curfew na binigay ng pamahalaan upang protektahan ang
sarili laban sa hindi magandang pangyayari.
10. Uminom sa mga pampublikong lugar kahit na ipinagbabawal na ng
gobyerno.
Gawain 2: Kaya Kong Gumuhit!
Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong sa sumusunod na
sitwasyon at sagutin ito sa pamamagitan ng pagguhit.

1. Bilang isang bata, paano mo protektahan o pangalagaan ang kalikasan? Iguhit


ito.

64
2. Paano ka nakikiisa sa pandaigdigang problema ngayon na ang COVID-19. Sa
iyong palagay, papaano mababawasan o mabibigyang solusyon ang
problemang ito ma kinakaharap ng buong mundo.? Iguhit ang sagot.

Gawain 3: Tuklasin Natin!


Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang mga sumusunod na
tanong sa ibaba.

Makiisa at Tumulong Tayo!


Ang Sanggunian ng barangay ay nagkakaroon ng palagiang pagpupulong
tuwing araw ng Linggo.Dito nila iniuulat ang pangyayaring nagaganap sa aming
barangay. Isang araw ng Linggo ay muling tumawag ng pagpupulong ang
barangay council. Lahat ng mga kabataan sa lugar ay inanyayahan na dumalo sa
nasabing pagpupulong. Kabilang ang magkaibigang Paul at Ana sa dadalo sa
pagpupulong. Nalaman nila ang tatalakayin sa pagpupulong na ito ay ang
pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa kanilang lugar na proyekto ng
pamahalaan sa buong bansa. Niyaya nila Paul at Ana ang iba nilang mga kaibigan
at sabay-sabay silang nagpunta sa itinakdang oras at oras ng pagpupulungan.
Inilahad ng pinuno ng barangay ang proyekto ng pamahalaan kaugnay sa
pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa buong bansa. Ito ay sisimulan sa
pamamagitan ng pagsisimula sa sariling bakuran, sa tapat ng tahanan, at sa buong
barangay. Kung ang buong barangay ay tutulong at makikiisa sa proyektong ito ay
buong bansa ang makikinabang.
Pinuno: Mga kabataan, ano ba ang maitutulong ninyo sa proyektong ito ng
pamahalaan?
Paul: Maaari po naming simulan ang proyekto sa aming mga tahanan, bakuran at
paligid sa pamamagitan ng pagiging responsible sa paglilinis ng aming mga
sariling bakuran, tahanan at tapat ng aming bahay. Magiging responsible rin po
kami sa pagtatapon ng aming mga basura.
Ana: Ang gagawin ko naman po ay paghihiwa-hiwalayin ko ang mga basurang
nabubulok at di-nabubulok. Susunod din po ako sa mga babala na ipinatutupad sa
ating barangay.

65
Paul: Kailangan po natin na magkaroon ng disiplina sa sarili. Iiwasan po naming
sirain, sulatan at dumihan ang mga pook-pampubliko dito sa ating barangay upang
mapanatili po ang kaayusan.
Pinuno: Salamat! Malaking tulong ang lahat ng inyong binaggit mga anak. Malaki
ang maitutulong ng mga iyan sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan dito sa
ating lugar. Ngayon ay hindi na ako mangangamba na hindi tayo makatulong sa
gawain at proyekto ng ating pamahalaan sapagkat kahit bata pa lamang kayo ay
alam ninyo na ang mga dapat at di dapat gawin bilang isang mabuting
mamamayan. Maraming salamat sa inyo!

1. Tungkol saan ang pagpupulong?

2. Ano-ano ang mga paraan ng mga kabataan upang makatulong sa proyekto ng


pamahalaan?

3. Tama bang ang lahat ng kanilang mga inilahad?

4. Kung ganito ang proyekto ng pamahalaan sa inyong barangay, paano mo


maipakikita ang iyong pagtulong?

5. Ano-ano ang ilan pang proyekto ng pamahalaan ang inyong nalalaman?

6. Ano ang kahalagahan ng pagtulong sa mga proyekto ng pamahalaan?

7. Nakiisa ba nang buong tapat ang magkakaibigang Raul, Monalisa at Nilo sa


mga gawaing nakatutulong sa bansa?

66
SANGGUNIAN
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon,
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-edukasyon-sa-
pagpapakatao-q1q4
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5,
https://www.slideshare.net/joansherbie/edukasyon-sa-pagpapakatao-grade-4-yunit-1
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5, Patnubay ng Guro
ESP 5, https://www.slideshare.net/edithahonradez/aralin-7-65916410
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5, Patnubay ng Guro
ESP 5, file:///C:/Users/user/Downloads/EsP5_Q3.LM.pdf
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5,
https://www.slideshare.net/jenncadmumar/suliraning- pangkapaligiran- 65231666
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5, Patnubay ng Guro
ESP 5, file:///C:/Users/user/Downloads/EsP5_Q3.LM.pdf
https://www.slideshare.net/noblefranca/pagpapakilala-sa-karapatang-pantao-presentation
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5, Patnubay ng Guro
ESP 5, https://www.slideshare.net/ApHUB2013/mga-batas-pangkapaligiran
https://www.facebook.com/639606266393404/posts/tapat-mo-linis-moang-tapat-mo-linis-mo-ay-
simpleng-slogan-na-madaling-unawain-at/867178210302874/
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5, Patnubay ng Guro
ESP 5, https://www.slideshare.net/ARALPAN6/ang-mga-batas-sa- pilipinas
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5, Patnubay ng Guro
ESP 5, https://www.slideshare.net/cristineyabes1/batas-102799870
https://www.google.com/search?
q=international+coastal+cleanup&tbm=isch&ved=2ahUKEwiPj8zKlNLrAhXLAqYKHVXIB6EQ2-
cCegQIABAA#imgrc=5DIMJlaPzA5zlM
https://twitter.com/officialmunti/status/382400241137246209?lang=gl
https://filipino.rvasia.org/kalikasan/sambayanang-filipino-hinimok-na-makiisa-sa-post-election-clean
https://remit.com.au/come-back-is-real-manila-bay-rehabilitation-2019/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Sandatahang_Lakas_ng_Pilipinas
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kagawaran_ng_Tanggulang_Bansa_(Pilipinas)
https://tl.wikipedia.org/wiki/Lokal_na_pamahalaan
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pambansang_Pulisya_ng_Pilipinas
http://nswmc.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/RA_9003_2015_final.pdf
https://apekonomiks.wordpress.com/2015/03/11/mga-batas-ukol-sa-pangangalaga-ng-
pinagkukunang-yaman/

Written By: Katherine M. Atienza


Position: Teacher II
School: Nancayasan Elementary School
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office of Urdaneta City


High School Drive, San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan 2428
Telephone Number: (075) 569-3054
Email Address: urdaneta.city@deped.gov.ph | lrmdsdepedurdaneta@gmail.com

You might also like