You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
PANIQUI WEST DISTRICT
NANCAMARINAN ELEMENTARY SCHOOL
S.Y. 2019-2020

TEACHER: LARA MELISSA E. CHANCHICO DATE: AUGUST , 2019


LEVEL: GRADE 1 – MASUNURIN TIME:

DETAILED LESSON PLAN IN FILIPINO (Day 1)


I. Layunin:
Nakapagbibigay ng katugma ng salitang ibinigay ng guro sa wikang Filipino.

II. Paksa: Ang Aking Pamayanan – pangangalaga sa kapaligiran.


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang mga kasama sa
tahanan.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “loob at labas” sa isang
pangungusap.
3. Phonological Awareness:
Naibibigay ang isang salitang katugma ng salitang ibinigay ng guro.
Mga kagamitan: Kwento: “Si Emang Engkantada at ang Tatlong Haragan”; mga
larawan ng tauhan at iba’t ibang gamit na makikita sa kuwento.
III. Pamamaraan:
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
1. Paunang Pagtataya:
Ano ang tawag natin sa dalawang salita na
may parehong tunog sa hulihan ng salita?
Hal. Manok-palayok
2. Tukoy-alam:
Malinis ba ang inyong bahay?
Anu-ano ang inyong ginagawa para
mapanatiling malinis ang inyong
bahay?
3. Tunguhin
Sabihin ngayong araw ay
makikinig tayo sa isang kwento tungkol sa
pag-aalaga sa ating kapaligiran. Pagkatapos
magbibigay ako ng mga salitang hango o
galing sa kwento at magbibigay naman kayo
ng mga salitang katugma ng mga salitang
sasabihin ko.

4. Paglalahad
1. Ipaalala ang mga Pamantayan sa
Magalang na Pakikinig sa mga bata.
2. Pagbasa ng kwento ng guro.
“Si Emang Engkantada at ang
Tatlong Haragan”
Ni Rene O. Villanueva
Adarna House
1. Pagtalakay
Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
Saan naganap ang kwento?
Ano ang nangyari sa halamanan ni
Emang Engkantada?
Paano naparusahan ang tatlong
haragan?
2. Pagtuturo at Paglalarawan:
Magpakita ng mga larawan (cut-out)
ng mga tauhan sa kwento, mga bagay
o lugar na nabanggit sa kwento.
Pagbigayin ang mga bata ng salitang
katugma ng mga ngalan na ibibigay
ng guro.
Hal. Pol – putol ,sipol
Pat – kalat, sibat
Paz - waldas , labas
3. Paglalahat:
Ang salitang may parehong tunog sa
hulihan ng salita ay tinatawag na
salitang magkatugma.
5. Kasanayang Pagpapayaman
Laro: Pumitas ng Bunga
Paramihan sa bungang mapipitas.
Bawat bunga ay may nakasulat na
salita na galing sa kwento . Hahanapin
ng mga bata ang pares ng salitang
magkatugma.
Hal. Bakuran - halaman

6. Kasanayang Pagkabisa
Pumalakpak ng isa kung magkatugma ang
pares ng salita at dalawang palakpak kung
hindi.
Pol – asarol
Pat – puno

IV. Pagtataya:
Magbigay ng salitang katugma ng bawat salita sa ibaba.
1. tatlo
2. basura
3. hangin
4. gubat
5. pananim
6.
V. Kasunduan:
Iguhit ang bakuran ni Emang Engkantada

Inihanda ni:
Gng. Lara Melissa E. Chanchico
Naobserbahan na Guro

Inobserbahan ni:
___________________

You might also like