You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Sining 6 Kawili-wiling anyo mula sa payak na bagay. I.

Layunin Nakakalikha ng kawili-wiling anyo mula sa isang payak na bagay o hugis sa pamamagitan ng pagbabawas o pagdagdag upang mabago ito. II. Paksa Kawili-wiling anyo mula sa payak na bagay. III. Kagamitan Pangguro: Larawan, modelong sining Pambata: bond paper, krayon

IV. A. 1. 2. 3. Panimulang Gawain Pagdarasal Pagbati Pag-usapan ang gawaing pagbibigay ng wakas ng kuwentong di pa tapos.

B. Panlinang na Gawain 1. Magpakita sa mga bata ng mga larawang likha ng pintor na si Malang Santos. Ipansin sa mga bata ang istilo ni Malang sa Pagguhit ng tao, 2. Magpakita pa ng ibang larawan na nakakatuwa at kawili-wiling anyo. 3. Sabihin sa mga bata na sila ay maaring lumikha ng sariling disenyo ng bagay sa pamamagitan ng pagdaragdag at pagbabawas ng bahagi nito. Pamamaraan sa pagbabago ng anyo. a) Palakihin o paliitin ang isang bahagi ng larawan. b) Pag-aalis ng ibang bahagi c) Pagdagdag ng ibang bahagi. d) Pagbabago ng kulay e) Pagbabago ng posisyon. 4. Ipakilala ang sining na Gawain. 5. Ipabasa ang Hakbang sa paggawa habang ipinapakita ang mahahalagang pamamaraan dito. 6. Magpabigay ng pamantayan. Bigyaang diin ang Gumawa ng orihinal na Sining. 7. Ipalabas ang kagamitan at pasimulan na ang paggawa. 8. Pagusbaybay sa sining ng mga bata. 9. Pagliligpit ng kagamitan

C. Pangwakas na Gawain 1. Munting eksibit ng mga modelo 2. Tumawag ng 3-4 na bata ipang magkuwento ng kaniyang bagong modelo. 3. Pagibibigay ng kamag-aral at papuri sa mga nakatapos ng sining. D. Pagpapahalaga Paggawa ng Rubrik

You might also like