You are on page 1of 12

ARALIN 2

ANG PAGLALAYAG
SA ATING KULTURA
LAYUNIN SA ARALIN

Natatalakay kung ano ang balangay at ang kahalagahan


nito sa ating kasaysayan.
Nakaguguhit ng balangay gamit ang mga contour line at
ang cross-hatching technique.

MAHALAGANG IDEYA
• - Ang balangay o balanghai ay sinaunang
uri ng sasakyang pantubig.
- Ang mga makalumang uri ng
sasakyan at bahay ay nagpapakita ng
kagalingang sining ng tao sa
paggawa. Noong unang panahon sa
Pilipinas, nakalalayag ang mga tao sa
7,000 nitong isla gamit ang mga
pulido at magagandang uri ng bangka
na tinatawag na BALANGAY o
BALANGHAI. Tinatayang ito ang
ANG BALANGAY O BALANGHAI
ANG BALANGAY O BALANGHAI

- Ang balangay ay tinatayang pinakamatandang ginamit


na sasakyang pantubig at nag-mula sa Timog-Silangang
Asya. Ang pagkakatuklas sa balangay ay patunay sa
kagalingang sining at paglikha ng mga Pilipino bago
dumating ang mga mananakop. Ang mga bahagi nito ay
natagpuan sa karatig luugar sa Butuan City sa Agusan del
Norte noong huling bahagi ng 1970. Ang
pinakamatandang bangka ay tinataya mula pa sa taong
320.

Pag-masdan at pag-aralang mabuti ang larawan ng


balangay. Pag-aralan ang hugis nito at iba’t ibang
PAGGAMIT NG CONTOUR LINE SA PAGGUHIT.

Maaari kang gumamit ng mga Contour Line. Ang contour


line ay linya na sumusunod sa hugis ng bagay na ginuguhit.
Kapag nabuo ang bagay na ginuguhit gamit ang contour
line, ang mabubuo ay isang outline ng bagay na ginuguhit.

Ang contour drawing o ang paggamit ng mga contour line


sa pagguhit ay karaniwang ginagamit ng mga baguhan sa
sining ng pagguhit. Alalahanin ang natutuhan sa unang
aralin tungkol sa epekto sa paggamit ng shading o
pagguhit.
PAGGAMIT NG CONTOUR LINE SA PAGGUHIT

 Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng cross-hatching at contour


shading maipakikita ang detalye sa hugis at disenyo ng bagay na
ginuguhit katulad ng Balangay.

 Alam mo ba na maaari mong timplahin ang diin o gaan ng pagkiskis


ng lapis sa papel depende sa epekto na gusto mong palabasin sa
iyong ginuguhit. Sa pamamagitan nito, maipakikita ang bagsak ng
ilan sa bagay na ginuguhit.

 Pagmasdan ang larawan ng balangay. Tignan kung saang bahagi ng


balangay nararapat gamitan ng madiin na shading at saang bahagi
gagamitan ng magaan o manipis na shading.
MAGSANAY TAYO

PAANO MO IGUGUHIT ANG BALANGAY?

Ang balangay ay nilalarawan gamit ang makakapal at maninipis na


linya. Ang katawan ng balangay ay maaaring gamitan ng makapal o
manipis na linya o contour lines. Ang maliliit na bahagi ay
maaaring iguhit gamit ang maninipis na linya.

Sundan ang guhit na bumubuo sa hugis nito gamit ang inyong


daliri. Ang linyang bumubuo sa hugis ng balangay ay tinatawag na
contour line.

Sa isang papel, pagsanayan ang magaan o manipis na shading


hanggang sa mass madiin.
MGA KAGAMITAN

Papel
Lapis
Pambura
HAKBANG SA PAGGAWA

Mag-search ng litrato ng balangay. Tignan ang hugis


at contour ng balangay. Iguhit ito sa papel gamit ang
lapis. Gumamit lamang ng magaan at manipis na
guhit upang madaling burahin at palitan kung
nagkamali.

Kapag kuntento na sa sketch, gawing makapal ang


linya ng kabuuang hugis ng balangay. Guhitan ng
kurbang linya ang mga kanto kung kinakailangan.
HAKBANG SA PAGGAWA

Guhitan ang mga detalye ng balangay gamit ang manipis na


linya gaya ng mga kahoy sa katawan ng bangka at nipa o kogon
sa maliit na silungan ng bangka. Dagdagan ng kakaibang
detalye upang maging katangi-tangi ang disenyo ng balangay.

Bigyan ng lalim ang larawan sa paningin at pandama gamit


ang cross-hatching technique. Bigyang-pansin ang madilim at
maliwanag na bahagi ng larawan.

Burahin ang mga linyang hindi kinakailangan kung tapos na.


MARAMING
SALAMAT,
HANGGANG SA MULI
NATING PAGKIKITA .

- Gng. Gonzales

You might also like