You are on page 1of 22

BASIC SKETCHING, SHADING

AT OUTLINING
BASIC SKETCHING, SHADING AT
OUTLINING
• Ang basic sketching, shading, at outlining ay bahagi ng
gawaing pangkamay na sining panggrapiko na gumagamit
ng mga linya, pagleletra, pagdidibuho at pagguhit gamit
ang kamay lamang at pagbubuo ng mga krokis.
• Nagagamit ang kasanayan ng basic sketching, shading at
outlining sa mga paraan ng pag-dodrowing, pag-paplano
ng mga arkitektura, pagpipintor at iba pa.
Mga kagamitan sa Drawing

1. Lapis
• Ang lapis ay may pambalot na pinoprotektahan ang
pansulat na nasa loob. Karaniwa’y ang pansulat ay
gawa sa graphite na may halong luwad at nagiiwan
ng gray o itim na mga mark ana madaling mabura.
• May mga lapis rin na gawa sa uling (charcoal pencil)
na kadalasang ginagamit ng mga pintor.
• Ang Lapis na may halong wax ay hindi nabubura.
Tatlong uri ng lapis pangguhit:
1.Soft – ang mga lapis na soft ay natutukoy
bilang 2B hanggang 7B at madalas
ginagamit sa sketching at shading.
2.Medium – ang mga medium naman ay
karaniwang mas ginagamit.
3.Hard – ang mga lapis na hard ay natutukoy
bilang 4H hanggang 9H at ginagamit sa
mga pagguhit ng construction lines sa mga
teknikal na guhit at plano.
Mga kagamitan sa Drawing

2. Crayons at Charcoals

• Ginagamit ang mga ito sa pagkukulay


at pagpapaganda ng mga ginuhit na
larawan.
• Maaari ring gamitin sa sketching.
• Ginagamit ito sa mga paintings.
• Ginagamit din ito sa pag ha-highlights
ng mga drawing.
Mga kagamitan sa Drawing
3. Papel
• Sa papel inilalapat ang lapis at iginuguhit ang
mga larawan.
• Mahalagang malaman ang iba’t ibang mga
papel dahil nakaaapekto ito sa iginuguhit.
• May mga makinis at magaspang na papel,
mayroon ding mga maninipis at makakapal.
Mainam gamitin ang sketch pad sa paggawa ng
mga larawan para sa tulad mong nag-uumpisa
pa lamang.
Mga Pagsasanay sa paggamit ng
lapis
1. Gumamit ng lapis na di Matulis
para mas madali ang pag-gawa ng
mga guhit at mga disenyo.

• Dapat katamtaman lang ang


talim ng lapis sa pagsasanay.

• Dapat nakahawak sa inyong


sanay na kamay.
Mga Pagsasanay sa paggamit ng
lapis
2. Pag-aralan ang tamang paghawak
ng lapis.

• Gamitin ang sanay na kamay sa


paghawak ng lapis.
• Dapat nasa baba ang panulat nito.
• Dapat komportable ang paghawak.
Mga Pagsasanay sa paggamit ng
lapis
3. Gumuhit ng mga pahaba,
pahalang, at pabaluktot na linyang
hindi ginagamit ang ruler.

• Sanaying gumuhit ng linyang


tuwid.

• Sanayin ding gumuhit ng mga


pakurba at pabaluktot.
Mga Pagsasanay sa paggamit ng
lapis
4. Gumuhit ng maayos na pahabang linya kagaya ng
nakalarawan sa ibaba.
MGA PROSESO NG PAGGUHIT
MGA PROSESO NG
PAGGUHIT
1. Outlining
• Ang outlining ay mga guhit na sumusunod sa
hugis o tabas (contour) ng larawang
iginuguhit.
• Nagbibigay ito ng lalim kagaya ng mga hugis
ng isang anino. Ito ang anyo ng mga bagay na
inilalarawan na walang detalye, shading o
kulay.
• Maaring ang outline ay magaan at manipis o
mabigat at makapal.
MGA PROSESO NG
2. Sketching
PAGGUHIT
• Ang sketch ay ang larawang iginuguhit ng kamay
sa mabilis at madaliang paraan.
• Ginagamit ang paraang ito upang bumuo o itala ng
isang konsepto o ideya sa mabilis na paraan upang
mailarawan nang biswal ang isang imahe, ideya o
prinsipyo.
• Madalas na ginagamit ang lapis, uling o pastel sa
sketching ngunit maaari ring gumamit ng ibang
panulat.
MGA PROSESO NG
3. Shading
PAGGUHIT
• Ang shading ay isang pamamaraan sa
sining na gumagamit ng iba’t ibang value
sa papel na nagpapakita ng tamang
posisyon ng ilaw at anino ng isang bagay.
• Nagiging makatotoo sa paningin kapag
maingat na naipapakita ang shading ng
isang bagay.
• Mahalaga ang tamang paghahalo ng
liwanag at dilim.
MGA PAMAMARAAN NG SHADING
MGA PAMAMARAAN NG SHADING
1. Hatching – paraan na gumagamit ng
hanay ng mga linya na nasa parehong
direksiyon.

• Mas madilim ang parte kung saaan


nagsimula ang mga linya. Pansinin na
mas madilim sa bandang ilalim ng bilog.
MGA PAMAMARAAN NG SHADING
2. Cross-Hatching – katulad din ito ng
hatching maliban sa mga karagdagang
kumukrus na mga linya o criss-crossing
lines.

• Mas madilim tingnan ang mga linyang


may criss-cross. Kapag mas malapit sa
isa’t isa ang mga linya, mas
nagmumukhang madilim ang rehiyong
iyon.
MGA PAMAMARAAN NG SHADING
3. Circular Technique – simpleng paraan
ng paggamit nang paikot-ikot.
• Mag-umpisa gamit ang magaang outline
at saka gumamit ng mabigat na outline.
Maaring lumikha ng iba’t ibang sukat ng
mga bilog ayon sa iyong kagustuhan.
• Ito ay ginagamit upang ipakita ang mga
texture ng balat ng tao o hayop.
MGA PAMAMARAAN NG SHADING
4. Side Strokes – ginagawa ang paraang ito gamit ang gilid ng lapis para sa
makapal at di tiyak na stroke.
• Mainam gamitin ang lapis na grade B upang mas madilim ang linya.
Kailangan lamang sanayin ang pagkontrol ng bigat ng kamay sa paggawa ng
side strokes upang makontrol ang magaan at mabigat na shading.
MGA PAMAMARAAN NG SHADING
5. Feathering – ginagamit ito upang makalikha ng mga suwabeng gilid o
paggawa ng blending ang mga gilid o outline.
• Magaan na stroke ang ginagamit sa mga linyang nanginibabaw.
• May pagkakatulad ito sa hatching at cross-hatching ngunit mas maikli ang mga
linya sa paraang ito.
MGA PAMAMARAAN NG SHADING
6. Fade Shading – ginagamit ang lapis sa paggawa ng shade mula sa madilim at
mariing shading hanggang sa nagiging magaan ang paghawak ng lapis at
nagiging magaan din – ang pag-shade. Nagmumukha itong nagiging Malabo o
mayroong pag- “fade”.
MAAARI MONG PAGGAMITAN NG MGA KASANAYAN
SA NASIC SKETCHING, SHADING AT OUTLINING
Makagagawa ng mga imbitasyon, mga damit, sapatos, muwebles, plano ng bahay, painting, at
iba pang mga produkto gamit ang kasanayan sa basic sketching, shading at outlining. Ginagamit
ang kasanayang ito sa mga sumusunod na industriya:

1. Paggawa ng Muwebles o Furniture


2. Animation at Cartooning
3. Fashion
4. Pagtatayo ng mga gusali
5. Paggawa ng Sapatos
6. Printing Press o Tagalimbag ng mga Aklat, Diyaryo, Magasin, at iba pa.

You might also like