You are on page 1of 16

Industrial ArtsAralin 10

MGA KAGAMITAN AT
KASANGKAPAN SA PAGBUBUO
NG DISENYO
Maria Ruby De Vera Cas
Pasong Buaya II E/S
Imus City, Cavite
Layunin:
1. Nakikilala ang iba’t ibang kagamitan sa
paggawa
ng krokis o disenyo
2. Nagagamit ng wasto ang iba’t ibang kagamitan
sa
paggawa ng krokis o disenyo
3. Napahahalagahan ang tamang kasangkapan sa

paggawa at pagbuo ng krokis o disenyo


Anong mga kagamitan Bakit mahalaga ang
ang inyong nagamit na paggamit ng angkop na
sa pagdodrowing? kagamitan sa paggawa
Ilahad ito sa klase? ng krokis ng disenyo?
Alin sa mga ito ang nagamit mo na?
Sa pagbuo ng iyong proyekto, may mahahalagang
bagay na dapat kang isaalang-alang. Isa na rito
ay ang mga kagamitan at kasangkapan na
kakailanganin mo nang hindi maantala ang
proyektong iyong gagawin.
Ang sumusunod ay ang mga kasangkapan at
LINANGIN
NATIN kagamitan na karaniwang ginagamit sa
paggawa ng mga krokis at drowing na
mekanikal.
1. Tabla o mesang pinagguguhitan –
Ito ay yari sa kahoy na karaniwang may
sukat na 16x22 pulgada o 18x24 pulgada.
Kailangang makinis ang ibabaw nito at
diretso ang mga gilid na gumagawa o
working edge.
2. Iskwala o T-square– Ito ay yari
sa kahoy o plastik at binubuo ng
dalawang bahaging nakadugtong sa 90⁰
anggulo ang ulo at talim o blade.
Ginagamit ito sa paggawa ng mga
linyang pahiga at gabay sa ibang
kagamitan tulad ng trianggulo.
3. Trianggulo– Ginagamit ito sa
paggawa ng mga patayo at pahilis na
linya. Dalawang uri ng trianggulo ang
karaniwang ginagamit: (1) ang 45⁰ na
trianggulong may isang 90⁰ anggulo at
dalawang 45⁰ anggulo; at (2) ang 30⁰ x
60⁰ trianggulong may tig-iisang 30, 60, at
90 digring anggulo.
4. Protractor– Ginagamit ito sa
pagkuha ng anggulong hindi masusukat
ng alinmang trianggulo. May anggulo
itong 180⁰ na masusukat mula kanan
pakaliwa. Ang panlabas na gilid ay
nagsisimula sa 0⁰ sa kanan at nagtatapos
ito sa 180⁰ sa kaliwa. Sa dakong loob ng
gilid ng iskala, mula kaliwa pakanan
naman ang pagbabasa ng 0 hanggang
180 digri.
5. Compass– Ginagamit ang compass
sa paggawa ng mga bilog at
arkoKailangang laging matulis ang
dulong may lapis ng compass.
6. Divider– Ginagamit ito sa paghahati-
hati ng mga linya at sa paglilipat ng mga
sukat. Hindi katulad ng compass na may
lapis ang isang dulo, tila karayom ang
tulis ng magkabilang dulo ng divider.
7. Lapis– Iba’t iba ang uri ng lapis ang
ginagamit sa pagguhit. Ang HB ang
karaniwang ginagamit sa pagguhit at
pagleletra. Nauuri pa rin ang mga lapis sa
6B, 5B, 3B, 2B, B, HB, H, 1H, 2H, 4H, 6H,
7H, 8H, at 9H.
8. French Curve– Ginagamit ito sa
pagbuo ng mga komplikadong kurba.
9. Iba pang gamit– Kabilang dito ang pambura, papel,
masking tape, at pantasa ng lapis.
B. Kilalanin ang mga kasangkapang
nakalarawan sa loob ng kahon at ilahad ang
gamit ng bawat isa.
TANDAAN Bakit mahalaga ang iba’t ibang
NATIN
kagamitan sa pagguhit ng krokis o
disenyo?
Sa pagguhit ng krokis mangangailangan ng
iba’t ibang kagamitan at kasangkapan upang ito
ay maging maayos at wasto, hindi maaantala
ang mga gawain.
Pagtambalin ang mga kagamitan ayon sa gamit nito.
GAWIN NATIN
Hanay A Hanay B
1. Ginagamit sa pagkuha ng mga anggulong hindi a. t-square
masusukat ng alinmang trianggulo.
2. Ginagamit sa paghahati-hati ng linya at sa paglilipat ng b. lapis
mga sukat.
3. Ginagamit sa paggawa ng mga linyang pahiga. c. trianggulo
4. Ginagamit sa paggawa ng mga bilog at arko. d. Divider
5. Ginagamit sa paggawa ng mga patayo at pahilis na e. protractor
linya. f. compass
PAGYAMANINN
ATIN
Magsaliksik ng iba pang kagamitan na
maaaring makatulong din sa pagbuo ng krokis
o disenyo ng proyekto. Maaaring mag-interbyu
ng mga propesyonal o mag-aaral na may
kaugnayan sa pagdidisenyo.

You might also like