You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV- B MIMAROPA

Division of Oriental Mindoro


Puerto Galera District

Isidoro Suzara Memorial School

S.Y. 2015- 2016


______________________________________________________________________________
______

Banghay- Aralin sa Edukasyong Pangtahanan at Pangkabuhayan


Baitang IV- Industrious
I
II

Layunin
Nakikilala ang mga gamit sa pagsusukat.
Paksang- Aralin
Mga Kagamitan sa Pagsusukat
Sanggunian: CG Aralin 1 K to 12- EPP41A-Oa-1
LM p.453
TG p. 210
Kagamitan: meter stick, pull- push rule, protractor, ruler, triangle, t- square, tape measure

III

Panimulang Pagtatasa
Gawain ng Guro
Gawain ng mga Bata
A.Pampasiglang Gawain
Magandang- araw mga bata. Bago tayo
magsimula ng ating leksyon tayo muna tumayo
at umawit ng may kasamang indak upang
Makikilahok ang mga bata.
huwag tayo antukin.
B. Pagganyak: Mga bata, ano itong hawak
ko? (Itataas ang ruler)
Saan ito ginagamit?
Paano ginagamit ang ruler?
C. Paglalahad: Magpapakita ng ibat- ibang
uri ng kagamitang panukat.
Paano ginagamit ang mga sumusunod na
kagamitang panukat?
Iskwalang asero
zigzag rule
T- square
ruler/ triangle
meter stick
pull- push rule

Ponce, Maria Victoria C.


Lesson Plan # 23

Tatayo ang batang tatawagin.

tape measure
Nakaranas nab a kayo na gumamit ng mga ito?
Saan kaya ginagamit ang mga ito?
D. Pagpapalalim ng Kaalaman
Tatayoangmgabatangtatawagin
Bakit kailangang gumamit ng kasangkapang
panukat?
Bakit kailangan na ibat- ibang uri ng panukat
ang gamitin?
Paano gamitin ang mga kasangkapang ito?
Ang bawat kasangkapang panukat ay may
kani-kaniyang bagay na dapat paggamitan sa
pagsusukat.
1. Iskwalang asero
Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa malalaki at
malalapad na gilid ng isang bagay. Halimbawa
Sasagot ang mga bata.
gilid ng kahoy, lapad ng tela, lapad ng mesa.
2. zigzag rule
Ito ay kasangkapang yari sa kahoy na ang haba
ay umaabot sa anim na piye at panukat ng
mahahabang bagay. Halimbawa, pagsusukat ng
haba at lapad ng bintana, pintuan atbp.
3. meter stick
Ito ay karaniwang ginagamit ng mga
mananahi, sa pagsusukat para sa paggawa ng
pattern at kapag nagpuputol ng tela.
4. pull- push rule
Ang kasangkapang ito ay yari sa metal at
awtomatiko na may haba na 25 pulgada
hanggang 100 talampakan. Ang kasangkapang
ito ay may gradasyon sa magkabilang tabi, ang
isa ay nasa pulgada at ang isa ay nasa metro.
5. protractor
Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa
pagkuha ng mga digri kapag ikaw ay
gumagawa ng mga anggulo sa iginuguhit na
mga linya.
6. ruler/ triangle
Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa paggawa ng
mga linya sa sad rowing at iba pang maliliit na
gawain na nangangailangan ng sukat.
7. T- square
Ito ay ginagamit sa pagsusukat ng mahahabang
linya kapag nagdodrowing. Ginagamit din
itong gabaysa pagguhit ng mga linya sa mga
drowing na gagawin.
Ponce, Maria Victoria C.
Lesson Plan # 23

8. tape measure
Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa
pagsusukat ng mga mananahi. Ito ay ginagamit
nila sa pagsusukat ng mga bahagi ng katawan
kapag tayo ay nagpapatahi ng damit,
pantaloon, palda, barong, atbp.
E. Gawain
A. Ano ang ginagamit sa pagsusukat ng mga
sumusunod na bagay.
1. tuwid na guhit o linya ng papel
2. pabilog na hugis ng isang bagay
3. taas ng pinto
4. kapantayan ng ibabaw na bahagi ng mesa
5. kapal ng table
B. Paikutin ang roleta. Kuhanin ang kaakibat
na larawan o gamit sa salitang tinamaan ng
pananda ng roleta. Ilarawan ito sa harap ng
klase.
1. Iskwalang asero
2. zigzag rule
3. T- square
4. ruler/ triangle
5. meter stick
6. pull- push rule
7. tape measure
8. proktraktor
F. Paglalahat:Bakit kailangan ng ibat- ibang
uri ng panukat?

IV

Sa pagsusukat ay gumagamit tayo ng ibat- ibang


kagamitan . Ang bawat kagamitan sa pagsusukat ay may
mga angkop na bagay kung saan ito gagamitin.

Pagtataya
Panuto: Buuin ang puzzle. Sbihin kung anong uri ng panukat at kahalagahan nito.
Group I tape measure
Group 2 zigzag rule
Group 3 Iskuwalang asero
Group 4 pull- push rule

V. Pangwakas na Pagtatasa
Direksyon: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa pagsusukat ng mga mananahi.
a. tape measure
b. zigzag rule
c. pull- push rule
d. iskuwalang asero

Ponce, Maria Victoria C.


Lesson Plan # 23

2. Si Tatay ay nais pumutol ng kawayan upang gamitin sa aming bakod. Ano ang kailangan
niyang panukat sa kawayan?
a. iskuwalang asero b. ruler
c. pull- push rule
d. triangle
3. May gawain kayo sa Matematika, nais ng inyong guro na sukatin ang digri na nasa pisara. Ano
ang kailangan mong kasangkapang panukat?
a. iskuwalang asero b. ruler
c. protraktor
d. triangle
4. May proyekto kayo sa Arts. Kailangang gumuhit ng mga gusali sa isang buong illustration
board. Ano ang angkop na panukat dito?
a.iskuwalang asero
b. ruler
c. pull- push rule
d. T- square
5. Kinain ng anay ang hamba ng inyong bintana, kinakailangan itong sukatan upang mapalitan.
Ano ang angkop na pangsukat dito?
a. pull- push rule b. meter stick
c. iskuwalang asero
d. zigzag rule
VI. Pagpapayaman ng Gawain
Gumawa ng chart. Itala dito ng mga bagay na makikita sa inyong tahanan na maaring sukatin
gamit ang ibat- ibang uri ng panukat.

Inihanda :
Maria Victoria C. Ponce
Practice Teacher

Ponce, Maria Victoria C.


Lesson Plan # 23

Iwinasto:
Vicky Gonzalvo
GurongTagapayo

Ponce, Maria Victoria C.


Lesson Plan # 23

You might also like