You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
4
Region V
Schools Division Of Sorsogon
BULAN II DISTRICT
BULAN SOUTH CENTRAL SCHOOL
Bulan

EPP – INDUSTRIAL ARTS 4

GAWAING PAGKATUTUO KWARTER 3, BILANG 1


Pangalan ng Estudyante: _______________________________________
Petsa: _________________________________________________________

I. PANIMULANG KONSEPTO
Ang pagsusukat ay isang paraan upang malaman ang
tamang sukat ng isang bagay. Mahalaga ng matutunan
natin ang pagsusukat, lalo na sa paggawa ng proyekto o
mga bagay na nais natin. Halimbawa na ang pagbuo ng
plano ng bahay, gusali, pamilihan, at iba pa, pagguhit ng
larawan, paggawa ng muwebles tulad ng mesa, upuan,
kabinet, paggawa ng bintana, pinto at marami pang iba.

May ibat’t ibang kagamitang panukat ayon sa kapal,


lapad at haba ng isang bagay. Mayroon ding ginagamit sa
mga guhit at linya, mga gamit panukat sa arko o digri ng
isang guhit.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:
Nakikilala ang mga kagamitan sa pagsusukat
Code: EPP4IA-Oa-1

III. MGA GAWAIN

PAGBALIK-ARALAN MO
PANUTO: Lagyan ng tsek ( ) ang larawan na ginagamit
ng mga mananahi, karpentero, arkitekto at iba pa. at ekis ( )
kung hindi.

___________1.

___________2.

___________3.

___________4.

___________5.
PAG-ARALAN MO

MGA KAGAMITAN SA PAGSUSUKAT


Mahalagang malaman ang mga kagamitan sa pagsusukat
upang makabuo tayo ng isang proyekto o disenyo mula sa ating
pamayanan o kapaligiran upang maging kapaki-pakinabang.
Narito ang mga sumusunod na mga kagamitang pagsukat.

1. Iskwalang Asero – ito ay ginagamit sa


pagsusukat sa malaki at malalapad na
gilid ng isang bagay. Halimbawa gilid ng
kahoy, lapad ng tela, lapad ng mesa, at
iba pa.

2. Zigzag Rule – ito ay kasangkapang yari sa


kahoy na ang haba ay umaabot ng anim
na piye at panukat ng mahahabang
bagay. Halimbawa, pagsusukat ng haba
at lapad ng bintana, pintuan at iba pa.

3. Meter Stick – ito ay karaniwang ginagamit


ng mga mananahi sa pagsusukat para sa
paggawa ng pattern at pagpuputol ng
tela. Ginagamit din ito sa pagsukat ng
mga bagay na mas malaki kaysa sa
piraso ng papel

4. Pull–Push Rule – ito ay yari sa metal at


awtomatiko na may haba na
dalawampu’t limang (25) pulgada
hanggang isang daan (100) talampakan.
Ang kasangkapang ito ay may iskala sa
magkabilang tabi. Ang isa ay nasa
pulgada at ang isa ay nasa metro.
5. Protraktor – ito ay ginagamit sa pagkuha
ng digri kapag ikaw ay gumagawa ng
mga anggulo sa iginiguhit na mga linya.

6. Ruler at Triangle – ginagamit sa pagsukat


ng mga linya sa pagdodrowing at iba
pang maliliit na gawain na
nangangailangan ng sukat.

7. T-square – ito ay ginagamit sa pagsusukat


ng mahahabang linya kapag
nagdodrowing. Ginagamit din ito na
gabay sa pagguhit ng mga linya sa mga
drowing na gagawin.

8. Tape Measure – ito ay kasangkapan sa


pagsusukat na ligtas at madaling gamitin
kahit na mga bata, magaan at maaaring
dalhin kahit saan. Maaari itong gamitin sa
mga pakurbang bahagi dahil ito ay
nababaluktot. Maaari nitong sukatin ang
laki at ang distansya sa pagitan ng mga
dalawang bagay.
PAGSANAYAN MO
PANUTO: Hanapin sa loob ng kahon ang mga
kasangkapang tinutukoy sa bawat pangungusap na nasa ibaba.
Isulat ang tamang sagot bago ang bilang.

Meter stick
Iskwalang
Pull-push rule Protraktor
Asero
CV

Zigzag rule Tape measure


T-Square
Ruler at Triangle

___________1. Ginagamit sa pagsukat ng mahahalagang linya


kapag nagdodrowing.
___________2. Kasangkapang ginagamit ng mga mananahi sa
pagsusukat ng tela.
___________3. Kasangkapan ginagamit sa pagkuha ng digri kapag
ikaw ay gumagawa ng anggulo sa iginuhit ng mga
linya.
___________4. Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa malalaki at
malalapad na gilid ng isang bagay.
___________5. Ginagamit ng mananahi sa pagsusukat para sa
paggawa ng pattern at kapag nagpuputol ng tela.
TANDAAN MO
Sa pagsusulat ay gumagamit tayo ng iba’t ibang
kagamitan. Ang bawat kagamitan sa pagsusukat ay may angkop
na bagay kung saan ito gagamitin.
Alamin natin kung natutunan mo nga ang mga kagamitan
sa pagsusukat.
Punan ng tamang sagot ang puwang upang maging buo
ang iyong kaalaman.

Ang ginagamit sa pagsusukat ng sumusunod na bagay


tulad ng tuwid na guhit o linya sa papel ay ____________, sa
pagbilog o pakurbang hugis ng isang bagay ay ______________, sa
haba at lapad ng pinto o bintana ay ______________, sa
kapantayan ng ibabaw ng mesa ay _______________, at sa
pagkukuha ng mga digri ay __________________.

GAWIN MO
PANUTO: Piliin ang tamang sagot. Bilugan ang salita na
nakasulat sa loob ng panaklong.

1. Ginagamit na pagsukat ng haba at lapad o taas ng pinto.


( T – Square, Push – Pull, Zigzag Rule, Protraktor)
2. Ginagamit na panukat sa paggawa ng tuwid na guhit o
linya sa mga drowing na gagawin.
(Protraktor, Ruler, Tape Measure, Meter Stick)
3. Ginagamit sa pagsukat ng mahabang linya kapag
nagdodrowing.
(Iskwalang Asero, T – Square, Protraktor, Meter Stick)
4. Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa malaki at malapad na
gilid ng isang bagay.
(Meter stick, Iskwalang Asero, T – Square, Ruler)
5. Ginagamit ito sa pananahi, pagsukat ng mga bahagi ng
katawan kapag tayo ay nagpapatahi ng damit, pantalon,
palda at iba pa.
(Tape Measure, Ruler, T – Square, Meter Stick)

PAGTATAYA
PANUTO: Isulat kung ano ang panukat na dapat gagamitin
sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa katapat na kahon.

KAGAMITAN NG PANUKAT KAGAMITAN SA PAGSUSUKAT


1. Ginagamit sa pagsusukat
ng laki at distansya sa
pagitan ng dalawang
bagay.
2. Ginagamit sa pagsukat ng
mahahabang linya.
3. Ito ay ginagamit sa
pagsusukat ng mga linya sa
drowing at iba pang maliliit
na gawain na
nangangailangan ng sukat.
4. Ito ay ginagamit sa
pagkuha ng digri kapag
ikaw ay gumagawa ng
mga anggulo sa iguguhit na
mga linya.
5. Ito ay ginagamit sa
pagsusukat ng mga bagay
na mas malaki kaysa sa
piraso ng tela.
IV. SUSI SA PAGWAWASTO
Pagbalik-aralan Mo
__________1.
__________2.
__________3.
__________4.
__________5.

PAGSANAYAN MO GAWIN MO
1. T – Square 1. Zigzag Rule
2. Tape Measure 2. Ruler
3. Protraktor 3. T – Square
4. Iskwalang Asero 4. Iskwalang Asero
5. Meter Stick 5. Tape Masure

TANDAAN MO PAGTATAYA
1. Ruler 1. Iskwalang Asero
2. Tape Measure 2. T-Square
3. Zigzag Rule 3. Ruler
4. Iskwalang Asero 4. Protractor
5. Protraktor 5. Meter Stick

V. SANGGUNIAN
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4
Kagamitan ng Mag-aaral p. 452 – 455

Inihanda ni:

__________________________
GINALEN G. GUETA

You might also like