You are on page 1of 10

Republic of the Philippines 5

Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
BULAN IV DISTRICT
SAN RAFAEL ELEMENTARY SCHOOL
San Rafael, Bulan, Sorsogon

EPP – INDUSTRIAL ARTS


GAWAING PAGKATUTO Blg. 7
Pangalan ng Mag-aaral: ________________________________________
Baitang/Seksyon: ______________________________________________
Petsa: __________________________________________________________

MGA KAALAMAN AT KASANAYAN SA


GAWAING ELEKTRISIDAD
I. PANIMULANG KONSEPTO
Ang elektrisidad ay isa sa mahalagang yaman na kailangan
ng isang pamilya at ng mamamayan sa buong kumunidad. Ang
lahat ay nakikinabang dito sapagkat halos karamihan ng mga
bahay, opisina, maging sa paaralan ay gumagamit ng kuryente,
mula sa paggamit ng simpleng ilaw hanggang sa paggamit ng
mga kagamitang de-kuryente. Pinapagaan nito ang ating mga
gawain at ginagawa nitong madali, mabilis at maayos ang ating
mga trabaho lalo na sa mga taong abala sa kani-kanilang
trabaho.
Bilang mag-aaral,mahalagang mayroon kang kaalaman at
kasanayan sa gawaing elektrisidad sapagkat kinakailangan ito
lalo na sa pagbuo ng isang gawaing pang-industriya na
ginagamitan ng elektrisidad. Mahalagang makilala mo ang mga
materyales at kagamitan bago mo simulan ang isang proyekto.
Ang Gawaing Pagkatutong ito ay may kaugnayan sa kaalaman
at kasanayan sa paggamit ng mga kagamitan at materyales sa
gawaing pang-elektrisidad na makatutulong sa iyo upang
makabuo ng isang maganda at matibay na proyekto.

II. KASANAYANG PAGKATUTO


Natatalakay ang mga kaalaman at kasanayan sa gawaing
elektrisidad

1
Nakikilala ang mga kagamitan at materyales sa gawaing
pang-elektrisidad at ang mga gamit nito.
EPP5IA-0c-3

III. MGA GAWAIN

a. PAGBALIK-ARALAN MO

Mayroong iba’t ibang kagamitan at kasangkapan na


ginagamit sa paggawa ng proyektong kahoy, metal at kawayan.
Tukuyin ang kagamitan/kasangkapang inilalarawan sa bawat
bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

_______________ 1. Ito ay ginagamit sa pagputol ng kahoy na


pakurba.
_______________ 2. Ginagamit sa pagsukat ng lapad, taas, at
ginagamit din upang malaman kung
eskwalado ang bahagi ng kahoy.
_______________ 3. Ginagamit pampakinis sa ibabaw ng tabla.
_______________ 4. Ginagamit na pambaon sa pako.
_______________ 5. Ginagamit na pang-ukit at sa paggawa ng
mga butas sa hugpungan.

b. PAG-ARALAN MO

Ang kaalaman sa iba’t ibang kasangkapan at materyales sa


paggawa ay makatutulong sa mag-aaral upang makabuo ng
isang gawaing pang-industriya. Narito ang mga kagamitan at
materyales sa gawaing elektrisidad.

MGA KAGAMITANG PANG-ELEKTRISIDAD


A. Kagamitang Panghigpit
Kagamitan Gamit Larawan

ginagamit para
luwagan o higpitan ang
1. Philip Screw
turnilyo na ang dulo ay
hugis krus.

2
ginagamit na
panghigpit o
pangluwang ng mga
2. Stubby
turnilyo na nasa masikip
Screwdriver
na espasyo o hindi abot
ng pangkaraniwang
screwdriver.
ginagamit para
3. luwagan o higpitan ang
Standard/Flat turnilyo na ang dulo ay
screwdriver manipis na pahalang.

B. Kagamitang Panghawak
Kagamitan Gamit Larawan
ginagamit na
1. panghawak o pamutol
Combination ng wires, kable, o maliit
Pliers na pako.

ginagamit na
panghawak o pamutol
ng manipis na kable ng
2. Long Nose koryente. Maaring
Pliers magamit o makapasok
sa maliit na espasyo
dahil sa mas manipis
nitong dulo.

ginagamit na
3. Bench Vise panghawak o
panghigpit

C. Kagamitang Pamutol
Kagamitan Gamit Larawan
ginagamit na pamutol ng
bakal, tubo, o iba pang
1. Hacksaw
uri ng metal.

3
pamutol ng bakal
2. Pipe Cutter

ginagamit na pamutol ng
3. Side Cutting maliit o malalaking wires.
Pliers

D. Kagamitang Pambutas
Kagamitan Gamit Larawan
barenang de-koryente na
mainam na gamiting
1. Barena o pambutas sa matitigas na
Electric Drill bagay tulad ng semento
o bakal.

ginagamit pambutas ng
2. Hand Drill kahoy

ginagamit para
makagawa ng maliit na
butas, karaniwan sa
3. Gimlet
kahoy ng hindi
napuputol.

Mga Materyales Pang-elektrisidad


Kagamitan Gamit Larawan

1. Lamp Holder o ang pinagkakabitan


Lamp socket ng ilaw
/receptacle

4
nagsisilbing bukasan
2. Switch o patayan ng ilaw.

isinasaksak para
dumaloy ang
koryente papunta sa
3. Male Plug kasangkapang
pinapagana ng
kuryente.

nagsisilbing
pinakamadaling
4. Convience o pinagkukunan ng
Female Outlet koryente para sa
mga de-koryenteng
kasangkapan.

dito ipinagkakabit-
5. Junction Box kabit ang mga wire

ginagamit pang-
protekta sa de-
koryenteng
kasangkapan na
kusang pumuputok
upang putulin ang
daloy ng kuryente
6. Fuse kapag nagkakaroon
ng short circuit.

5
pangprotekta sa de-
kuryenteng
kasangkapan na
kusang pinuputol
ang daloy ng
7. Circuit Breaker
kuryente tuwing
nagkakaroon ng
overload o short
circuit.

hugis parihaba na
yari sa bakal o
plastic (PVC) kung
saan ang mga
nakabaon sa pader
8. Utility Box
na gamit gaya ng
convenience outlet
at switch ay
nakakabit.

ginagamit para
masigurong maayos
ang pagkakabitan
ng mga wire at
9. Clamps coduit upang hindi
madaling
mahugot/matanggal
pagkakabit.

dito ipinadadaan
ang kuryente
10. Flat Cord papunta sa mga
kagamitan.

dito pinadadaan
ang mga wire para
11. Conduit Pipe maproteksiyunan ito
sa pagkasira.

6
inilalagay sa mga
dulo ng conduit para
maikabit nang
12. Connectors
maayos sa junction
box at utility box.

ginagamit upang
maiwasan ang
makuryente.
Binabalutan ang
13. Electrical Tape
mga wires na
nabalatan pati ang
mga dugtungang
wires.

c. PAGSANAYAN MO

A. Kilalanin ang mga kagamitan/materyales sa pagkukumpuni.


Ayusin ang mga titk upang mabuo ang pangalan nito at sulat
sa patlang ang tamang sagot.

1. 2. 3.

LAME LPUG SUFE CTELRIEC RIDLL


_________________ ________________ _________________
4. 5. 6.

LPIHLSIP SWECR MAPL LEHODR JUTNOICN OBX


_________________ _________________ _________________

7
7. 8. 9.

CTELRIECAL APTE EPIP TUCTER ONLG OSNE LIPERS


APTE
_________________ _________________ _________________

d. TANDAAN MO
May mga kagamitan at materyales na ginagamit sa mga
gawaing elektrisidad. Ang mga kagamitang elektrikal ay mga
aparato na tumutulong sa isang eleketrisiyan upang makabuo at
makapagbigay ng serbisyong may kinalaman sa elektrisidad.
Samantalang ang kasangkapang elektrikal naman ay makina na
pinapagana ng elektrisidad. Bawat kagamitan ay may kanya-
kanyang gamit. Upang maiwasan ang anumang aksidente o
sakuna na may kinalaman sa gawaing elektrisidad, nararapat na
isaalang-alang ang pangkaligtasang paggamit ng kagamitan
gaya ng mga sumusunod:
1. Bago gamitin, tiyaking ang mga kagamitan/kasangkapan
ay nasa maayos na kondisyon.
2. Basahin at unawaing mabuti ang manwal ng paggamit
ng bawat kasangkapang elektrikal.
3. Hawakan at gamitin nang buong ingat ang mga
kasangkapang elektrikal at kagamitang matatalim.
4. Ibigay ang buong atensiyon sa ginagawa.

e. GAWIN MO

A. Tukuyin ang mga sumusunod na kasangkapan/materyales sa


gawaing pang-elektrisidad. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay ginagamit panghigpit o pangluwag ng mga turnilyo na
nasa masikip na espasyo kung saan hindi kasya o hindi maabot
ng pangkaraniwang turnilyo.
a. stubby screwdriver b. electric drill
c. long nose pliers d. pipe cutter
2. Ito ang pangprotekta sa de-kuryenteng kasangkapan na

8
kusang pinuputol ang daloy ng kuryente tuwing nagkakaroon
ng overload o short circuit.
a. clamps b. connectors c. fuse d. circuit breaker
3. Ito ang nagsisilbing bukasan o patayan ng kuryente.
a. clamps b. connectors c. switch d. circuit breaker
4. Ito ay ginagamit na pamutol ng bakal.
a. pipe cutter b. electric drill c. philip screw d. bench vise
5. Ginagamit upang maiwasan ang makuryente. Ito ang
binabalot sa mga wires na nabalatan pati ang mga
dugtungang wires.
a. conduit pipes b. junction box c. fuse d. electrical tape

B. Tukuyin kung saang pangkat kabilang ang mga sumusunod na


kagamitan. Isulat sa patlang ang titik A kung panghigpit, B kung
panghawak, C kung pamutol, at D kung pambutas.

______ 1. Electric drill _____ 4. Pipe cutter


______ 2. Flat screwdriver _____ 5. Bench vise
______ 3. Gimlet

f. PAGTATAYA

Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na kagamitan/materyales


sa gawaing pang-elektrisidad. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Inilalagay sa dulo ng mga conduit para maikabit nang maayos
sa junction box at utility box.
a. conduit pipes b. electrical tape c. connectors d. fuse
2. Ginagamit para luwagan o higpitan ang turnilyo na ang dulo
ay hugis krus.
a. long nose pliers b. philip screw c. hand drill d. gimlet
3. Ito ang pinagkakabitan ng ilaw at dito nakukuha ng ilaw ang
suplay ng kuryente.
a. fuse b. female outlet c. lamp receptacle d. switch
4. Ginagamit na panghawak o pamutol ng maninipis na kable ng
kuryente. Maaring magamit o makapasok sa maliit na espasyo
dahil sa manipis nitong dulo.
a. side cutting pliers b. bench vise
c. flat screwdriver d. long nose pliers

5. Ito ang isinasaksak sa convenience outlet para dumaloy ang

9
kuryente papunta sa kasangkapang pinapagana ng kuryente.
a. male plug b. female outlet c. fuse d. switch

IV. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS

V. SUSI SA PAGWAWASTO
Pagbalik Aralan Mo Pagsanayan Mo

1. coping saw 1. male plug 6. junction box


2. eskwala 2. fuse 7. Electrical tape
3. katam 3. electric drill 8. Pipe cutter
4. martilyo 4. philip screw 9. Long nose pliers
5. paet/chisel 5. lamp holder
Gawin Mo Pagtataya

A. B
1. A 1. D 1. C
2. D 2. A 2. A
3. C 3. D 3. C
4. A 4. C 4. D
5. D 5. B 5. A

VI. SANGGUNIAN

1. K to 12 LM and TG, EPP-AI 5, Department of Education


2. Gloria A. Peralta, EdD et al, Kaalaman at Kasanayan
Tungo sa Kaunlaran ( Manwal ng Guro ) pp.50-53
3. Gloria A. Peralta, EdD et al, Kaalaman at Kasanayan
Tungo sa Kaunlaran ( Kagamitan ng Mag-aaral ) pp.192-
197
4. Self Learning Module ( Region V ) Industrial Arts 5, Module
11
5. Google images

Inihanda ni:

THEEM C. TAN
Teacher II

10

You might also like