You are on page 1of 15

NOT

Quarter 4 - Module 3
Sining Pang-industriya
Pagbubuo ng Plano ng Proyektong Ginagamitan ng Elektrisidad

1
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan - Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 4 -Modyul 3: Sining Pang-industriya
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi.Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at
ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI

Development Team of the Module

Author/s: Amy G. Dahonan


Elvira P. Murallon
Reviewers: Danilo P. Arroyo, EPS
Anelyn G. Engracia, PSDS
Renato C. Cagbabanua, PSDS
Joselito D. Caseros, Principal

Illustrator and Layout Artist: Desi G. Aninao, PDO II

Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Myra P. Mebato, CESE


AssistantSchools Division Superintendent

Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


Danilo P. Arroyo, EPS-EPP
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Anelyn G. Engracia, PSDS
Renato C. Cagbabanua, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

i
5
Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
Quarter 4 - Module 3
Sining Pang-industriya
Pagbubuo ng Plano ng Proyektong
Ginagamitan ng Elektrisidad

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by teachers, school heads and education program supervisors of the
Department of Education – Ozamiz City Division. We encourage teachers and
other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education – Ozamiz City Division at
deped1miz@gmail.com.

We value your feedback and recommendations.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only. Borrowed materials
(i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are
owned by their respective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them. Sincerest appreciation to those who have made significant contributions to this module.

Department of Education ● Republic of the Philippines

ii
Talaan ng Nilalaman

Tungkol Saan ang Modyul na Ito..................................................................................................i


Alamin..............................................................................................................................................ii
Icons ng Modyul............................................................................................................................iii

Subukin..........................................................................................................................................iii
Aralin 1: Pagbubuo ng Plano sa Proyektong Ginagamitan ng Elektrisidad

na Maaring Mapagkakakitaan

Subukin…………………………………………………………………………...1
Alamin....................................................................................................................1
Balikan...................................................................................................................1
Tuklasin.................................................................................................................2
Suriin .....................................................................................................................2-3
Pagyamanin .........................................................................................................4
Isaisip.....................................................................................................................4
Isagawa.................................................................................................................4
Tayahin……………………………………………………………………………4-5
Batayan sa Pagwawasto...........................................................................................................6
References..................................................................................................................... 6

Tungkol Saan ang Modyul na Ito


Ang modyul na ito ay tumutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral na matuto sa
pagkukumpuni ng mga payak na sirang kagamitan at kasangkapan sa paaralan man o sa
tahanan.
Ang pagkukumpuni ng mga gamit ay karaniwang ginagawa sa pang-araw-araw na
buhay. Kaakibat sa pagbili ng mga kasangkapan ay ang pagpapanatili nitong maayos na
nagagamit sa bawat pagkakataon ng pangangailangan.

Alamin
Sa modyul na ito ay tatalakayin kung paano ang pagbubuo ng plano ng proyekto mula
sa iba’t ibang materyales na makikita sa pamayanan (hal.kahoy, metal, kawayan, atbp) na
ginagamitan ng elektrisidad na maaring mapagkakakitaan.

iii
Icons na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o mithiing


Alamin
dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa tatalakaying


Subukin aralin. Sa pamamagitan nito masususuri kung ano na ang
iyong natutunan kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
Balikan
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying bagong
aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t


Tuklasin ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat


Suriin mong matutunan upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong natutunan


at magbibigay pagkakataong mahasa ang kasanayang
Pagyamanin
nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong mahahalagang


natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat ang


iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari o
Isagawa
sitwasyon sa totoong buhay.

Tayahin Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman matapos


natatalakay angaralin. Sa pamamagitan nito masusuri kung
ano na ang iyong natutunan.

Mga Sagot Ito ay nagbibigay ng mga tamang sagot sa Gawain at


pagtatasa.

iv
Aralin Pagbubuo ng Plano ng
Proyektong Ginagamitan
1 ng Elektrisidad

Subukin

Ayusin ang mga letra na nasa kahon upang makabuo kayo ng isang parirala.

Ng noalP tokeyroP

Ano ang iyong nabuo?______________________________________

Alamin
Anumang gawain ay magiging madali at magaan kung pinaghandaan ito nang
mabuti.
Sa modyul na ito, ay magagabayan ka kung ano at paano gawin ang pagpaplano ng
isang proyekto.

Layunin:

● nakabubuo ng plano ng proyekto mula sa iba’t ibang materyales na makikita sa


pamayanan (hal.kahoy, metal, kawayan, atbp) na ginagamitan ng elektrisidad na maaaring
mapagkakakitaan.

Balikan
Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag. Kung hindi wasto, isulat ang
MALI sa patlang.

_
________________1Nakakatulong ang pagsasagwa ng mga proyekto sa pag-aaral ng mga mag-
aaral.

________________2.Ang mga magulang ang gagawa ng proyekto para sa kanilang anak.

________________3.Dagdag sa kaalaman ng mga kabataan ang pagsasagawa ng proyekto.

________________4.Maganda ang naidudulot sa pagsasagawa ng proyekto upang mas mapaunlad


pa ang kakayahan ng mga bata.

_______________5. Nakakapagpatalas ng isipan ang pagsasagawa ng proyekto sa paaralan man o


sa tahanan.

v
Tuklasin

Isa sa mga kasanayan sa paggawa ng matagumpay na proyekto ay ang pagpaplano.


Mahalaga ang plano ng isang proyekto. Dito nakasaad ang pangalan ng proyekto, mga
kagamitan, layunin, bilang at halaga. Dito rin makikita ang pamamaraan sa paggawa at krosis
ng proyekto.

FORMAT NG PAGPAPLANO SA PAGGAWA NG PROYEKTO:


I. Pangalan ng Proyekto:
II. Layunin:
III. Guhit/Batayang Larawan:
IV. Kagamitan/Materyales
V. Kagamitan at Kasangkapan na Kakailanganin:
VI. Paraan ng Paggawa
VII. Puna

HALIMBAWA:
I. Pangalan ng Proyekto: Paggawa ng Extension Cord
II. Layunin:
1. Naipapakita ang tamang paraan ng paggawa ng extension cord
2. Napapanatili ang seguridad sa kaligtasan sa paggawa
III. Guhit/Batayang Larawan

Source:
https://www.howtogeek.com/303848/what-kind-of-extension-cord-should-i-use/

IV. Kagamitan at Materyales:


 Long Nose
 Wire cutter
 Screw driver(flat head or Philips)
 1 male plug
 3 meters gauge #14 stranded wire
V. Mga Kagamitan at Kasangkapan: (Depende sa mga kinakailanagan)
VI. Paraan ng Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitang kakailanganin sa paggawa ng proyekto.
2. Simulan ang gawain sa pamamagitan ng pagpasok ng kabilang dulo ng kable sa
male plug.
3. Hatiin sa dalawa ang kable gamit ang kamay hanggang 8 sentimetros.
4.Balatan ang magkabilang dulo ng kable gamit ang wire cutter at long nose
pliers.
5.Ikutin ang nakabalot na wire hanggang sa malinis na ito tingnan.
6.Luwagan ang turnilyo ng male plug at iikot ang nakabalot na kable sa turnilyo

vi
tsaka ito higpitan gamit ang screw driver.

VII. Puna :

Narito ang mga hakbang na dapat sundin kapag nagpaplano ng proyekto:


1. Gumawa ng batayang larawan na magiging gabay sa pagbubuo ng proyekto. Ilagay dito
ang mga sukat ng proyektong gagawin, mga inaasahang anyo ng proyekto kapag nataposat
ang mga materyales na ginagamit sa bawat bahagi.
2. Gumawa ng talaan ng mga materyales at iba pang kagamitang kakailanganin sa paggawa
ng proyekto. Gamitin ang batayang larawan upang malaman ang dami ng uri ng
materyales na gagamitin.Pangkat-pangkatin ang mga materyales ayon sa uri.
3. Itala ang mga pangunahing kasangkapan na kakailanganin sa paggawa ng proyekto.
Alamin din ang iba pang pantulong na kagamitang maaring kailanganin upang matapos
kaagad ang proyektong gagawin.
4. Balakin ang pagkakasunud-sunod ng mga hakbang na gagawin sa pagbuo ng proyekto.
Dapat alamin nang mabuti ang mga hakbang sa paggawa ng napiling proyekto upang
walang masayang na materyales at upang marapos ito kaagad.
5. Isulat nang maayos sa papel ang lahat ng binalak tulad ng nabanggit sa naunang bilang. Ito
ang gamiting gabay habang ginagawa ang proyekto upang hindi maaksaya ang panahon,
pera at lakas. Malaki ang naitutulong ng pagtatala sa papel upang hindi malimutan ang
mga bagay na binalak.

SURIIN:

Basahing mabuti at nang maraming beses ang mga impormasyon sa ibabaw. Sagutin
ang mga tanong na nasa kahon. (5 puntos bawat tanong)

1.Paano dapat iplano ang proyektong gagawin mo? Isa-isahin ang mga hakbang na dapat mong
gawin.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
____________________________________________.
2.Anong katangian ang napapaunlad sa pagsasagawa ng proyekto? Bakit mo nasabi?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________.

vii
Pagyamanin

Sundin ang format na ibinibigay. Gumawa ng isang plano para sa


pagsasawa ng “Recycled Lampshade”.Isulat ang iyong plano sa kahon.

Isaisip

Ang pagpaplano sa paggawa ng proyekto ay isang mahalagang paghahanda sa anumang gawaing


sisimulan. Ito ay nagsisilbing alituntunin upang matapos nang maayos ang proyekto. Malaking tulong din
ito upang makatipid sa oras , pagod, at mga gastusin sa iba’t ibang materyales sa paggawa ng napiling
proyekto.

Isagawa

Mag-isip ng isang magandang proyekto na pang-elektrisidad. Bumuo ng isang plano


kung paano ito gawin. Isulat ito sa isang longbondpaper.

Tayahin

viii
Iguhit ang n kung tama ang isinasaad tungkol sa pagbubuo ng plano ng proyekto.

Iguhit naman ang kung mali ito.

___________1. Nakakatulong ang pagsasagawa ng plano sa proyektong gagawin.

___________2.Hindi na kailangan ang pagbuo ng plano upang maging maganda ang


kinalalabasan ng proyekto.
___________3. Ang pagbubuo ng plano ay gsisilbing alituntunin upang matapos nang
maayos ang proyekto
___________4. Makatipid sa oras , pagod, at mga gastusin sa iba’t ibang materyales sa
paggawa ng napiling proyekto ang pagsasagawa ng plano.
___________5. Gawin ang plano pagkatapos ng proyekto.

ix
Sagot sa Pansasanay

Subukin
Ayusin ang mga letra na nasa kahon upang makabuo kayo ng isang parirala.

Ng noalP tokeyroP

Ano ang iyong nabuo? Plano Ng Proyekto

Balikan

Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag. Kung hindi wasto, isulat ang
MALI sa patlang.

_
TAMA 1Nakakatulong ang pagsasagwa ng mga proyekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

MALI 2.Ang mga magulang ang gagawa ng proyekto para sa kanilang anak.

TAMA 3.Dagdag sa kaalaman ng mga kabataan ang pagsasagawa ng proyekto.

TAMA 4.Maganda ang naidudulot sa pagsasagawa ng proyekto upang mas mapaunlad pa ang
kakayahan ng mga bata.

TAMA 5. Nakakapagpatalas ng isipan ang pagsasagawa ng proyekto sa paaralan man o sa tahanan.

SURIIN at PAGYAMANIN:

Iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.


Tayahin
Iguhit ang n kung tama ang isinasaad tungkol sa pagbubuo ng plano ng proyekto.

x
Iguhit naman ang kung mali ito.

1. Nakakatulong ang pagsasagawa ng plano sa proyektong gagawin.

2.Hindi na kailangan ang pagbuo ng plano upang maging maganda ang kinalalabasan
ng proyekto.

3. Ang pagbubuo ng plano ay gsisilbing alituntunin upang matapos nang maayos ang
proyekto

4. Makatipid sa oras , pagod, at mga gastusin sa iba’t ibang materyales sa paggawa ng


napiling proyekto ang pagsasagawa ng plano.

5. Gawin ang plano pagkatapos ng proyekto.

Sanggunian
 Batayang Aklat. Grade 5 Kaalaman atKasanayan Tungo sa Kaunlataran page 198-200
May akda:Gloria A.Peralta,EDD;Ruth A.Arsenue;Catalina R.Ipulan;Yolanda
L.Quiambao;Jeffry D.de Guzman.

xi
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Ozamiz City

Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City

Telefax: (088)545-09-90

Website: deped1miz@gmail.com

xii
xiii
14

You might also like