You are on page 1of 22

5

Government Property

NOT FOR SALE

NOT

ARALING 11

PANLIPUNAN
Ikalawang Markahan - Module 1:
Pananakop ng Bansa at ang Epekto ng
Kolonisasyon

1
Araling Panlipunan- Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 - Module 1: Pananakop ng Bansa at ang Epekto ng Kolonisasyon
First Edition, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang


8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan
ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa
aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng
Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng
mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala
(publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI

Development Team of the Module


Author: Jenny Babe B. Pacaldo

Reviewers: Letecia D. Tatoy, EPS, Araling Panlipunan


Fernando D. Sumondong, PSDS
Joseph L. Galia, Principal

Regional Validator: Aldie Catherine C. Atienza, MT1-Division of Camiguin

Illustrator and Layout Artist: Ronald A. Catedral, Teacher-III


Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Audie S. Borres, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


May P. Edullantes, EPS-LRMS
Latecia D. Tatoy, EPS, Araling Panlipunan
Fernando D. Sumondong, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088) 545-09-88
2
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

ARALING 5
PANLIPUNAN
Pananakop Ikalawang
ng Bansa atMarkahan-Modyul 1
Epekto ng Kolonisasyon

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


teachers, school heads, Public Schools District Supervisors, and Education Program
Supervisors of the Department of Education - Ozamiz City Division. We encourage
teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education - Ozamiz City Division at
deped1miz@gmail.com.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines

Talaan ng Nilalaman
Nilalaman ng Modyul……………………………………………………………….……..i
3
Icons na Ginamit sa Modyul……………………………...………………………………..ii

Aralin 1:
Alamin……………………………………………………………………..7
Subukin……………………………………………….……………………8
Tuklasin…………………………………………….……………………...8
Suriin……………………………………………………………………....9
Pagyamanin……………………………………………...…………….…..11
Isaisip…………………………………………….…….…………….……12
Isagawa……………………………………………………..…………..…13
Tayahin…………………………………………………………..………..14
Aralin 2:
Alamin……………………………………………………………………..15
Subukin……………………………………………….……………………15
Tuklasin…………………………………………….……………………...15
Suriin……………………………………………………………………....16
Pagyamanin……………………………………………...…………….…..17
Isaisip…………………………………………….…….…………….……18
Isagawa……………………………………………………..…………..…19
Tayahin…………………………………………………………..………..20

Susi ng Pagwawasto…………………………………………………………….....…...…22
Sanggunian………………………………………………………………...……….…….22

Ang Nilalaman

Naitanong mo ba sa iyong sarili kung ano ang naging buhay ng ating mga ninuno noon?
May kaibahan ba ang naging buhay nila noon at sa ngayon? Sa kasalukuyang panahon,
naitanong mo ba na karapat dapat k aba sa mga bagay na natatamasa mo ngayon lalong lalo na
ang kalayaan ? Sa mga nakaraang aralin, napag alaman mo na may sariling kultura at paniniwala
ang mga sinaunang Pilipino ngunit maraming pangyayari na naganap sa kasaysayan ng Pilipinas
na nagpatibay at nagpapatatag sa ating bansa sa kasalukuyan .

4
Bilang isang Pilipino , nararanasan nating mamuhay nang masaya sa ating sariling bansa.
Nagagawa natin ito sapagkat naninirahan tayo sa isang bansang malaya. Subalit sa kasaysayan
ng Pilipinas dumating din ang panahon na tayo ay nasakop ng iba't ibang bansa sa pangunguna
ng bansang Espanya.

Mga Icon ng Module na ito

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga


Alamin layunin o mithiing dapat matamo sa pag-
aaral mo sa modyul na ito.
Subukin Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa
tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

5
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa
pamamagitan ng pagtatalakay sa mga mahahalaga
Balikan
mong natutunan sa nagdaang aralin na may
koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa
Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain.

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
Suriin
pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


Pagyamanin iyong natutunan at magbibigay pagkakataon
mahasa ang kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


Isaisip mahahalagang natutunan sa aralin.

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang ioyong mahahalagang natutunan sa
Isagawa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Ito ay isang tool sa pagtatasa para sa bawat


modyul upang masukat ang kaalaman at
Tayahin kasanayan na natutunan ng mga nag-aaral.
Sa bahaging ito, isa pang aktibidad ang
ibibigay sa iyo upang pagyamanin ang iyong
Mga
kaalaman o kasanayan sa aralin na natutunan. Ito
Karagdagang
rin ay nagpapanatili ng mga natutunan na
Gawain
konsepto.

Nagbibigay ito ng mga sagot sa iba't ibang mga


Sagot sa aktibidad at pagtatasa.
mgaTanong

Aralin KONTEKSTO AT DAHILAN NG

1 PANANAKOP NG BANSA EPEKTO NG


KOLONISASYON

6
Alamin

Naitanong mo ba sa iyong sarili kung ano ang naging buhay ng ating mga ninuno noon?
May kaibahan ba ang naging buhay nila noon at sa ngayon? Sa kasalukuyang panahon,
naitanong din mo ba na ikaw ay karapat dapat sa mga bagay na natatamasa mo ngayon lalo na
ang kalayaan ? Sa mga nakaraang aralin, napag alaman mo na may sariling kultura at paniniwala
ang mga sinaunang Pilipino ngunit maraming pangyayari na naganap sa kasaysayan ng Pilipinas
na nagpatibay at nagpapatatag sa ating bansa sa kasalukuyan.

Bilang isang Pilipino, nararanasan nating mamuhay nang masaya sa ating sariling bansa.
Nagagawa natin ito sapagkat naninirahan tayo sa isang bansang malaya. Subalit sa kasaysayan
ng Pilipinas dumating din ang panahon na tayo ay nasakop ng iba't ibang bansa sa pangunguna ng
bansang Espanya.

Layunin
Sa aralin ngayon inaasahang:

1. Natatalakay ang kahulugan ng kolonyalismo at ang konteksto nito kaugnay sa pananakop ng


Espanya sa Pilipinas.

Subukin

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong at isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI layunin ng pananakop at kolonisasyon?


A. Mapalaganap ang Kristiyasnismo.
B. Makakuha ng panrekado o spices.
C. Mapalakas ang alyansa ng bawat bansa.
D. Madagdagan ang kanilang yaman at kapangyarihan.

2. Ano ang dalawang bansa ang nanguna sa gawaing ekspanisasyon?


A. Portugal at Tsina C. Espanya at Amerika
7
B. Amerika at Hapon D. Portugal at Espanya
3. Ito ang tuwirang pananakop ng isang bayan sa iba pa upang mapagsamantalahan ang
yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mananakop.
A. Kolonisasyon C. Ekspanisasyon
B. Imperyalismo D. Kapitalismo
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI epekto ng kolonisasyon?
A. Nagkaroon ng di-sentralisadong pamahalaan
B. Pagtayo ng mga ospital para sa kalusugan ng mamamayan.
C. Nagkaroon ng paniniwala at pananampalataya sa relihiyon.
D. Pagbabago sa edukasyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga bagong
ideolohiya sa pag-aaral.
5. Ito ay isang kasunduan sa pagitan ng Spain at Portugal kung saan ay hinati ni Pope
Alexander VI ang mga lupain sa labas ng Europa. Ang mga lupain sa kanluran ay sa
Espanya at ang mga lupain sa silangan ay sa Portugal.
A. Kasunduang Tordesillas C. Kasunduang Tordetillas
B. Kasunduang Mordesillas D. Kasunduang Bordetillas

Balikan

Sa nakaraang aralin, natatalakay natiin ang tungkol sa kontribusyon ng Sinaunang


Kabihasnan sa pagkabuo ng Lipunan at Pagkakakilanlang Pilipino. Sa inyong papel o kwaderno,
isulat ang mga iba’t ibang kontribusyon ng Sinaunang Kabihasnan sa larangang ng kultura,
musika at sayaw, panitikan, at sining.

Tuklasin
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang kolonyalismo ?


2. Paano nagsimula ang
pagpasok ng kolonisasyon sa
maraming bansa sa Asya?
3. Ano ba ang layunin ng
kolonyalismo?

8
Suriin

PANAHON NG PANUNUKLAS AT KOLONISASYON


Ika-15 na siglo, inasam ng mga bansa sa Europa na maging pinakamayaman at
pinakamakapangyarihan sa buong mundo. Ibig nilang madagdagan ang kanilang kayamanan at
kapangyarihan sa pamamagitan ng pananakop sa ibang lugar. Layunin din nila ang makakuha ng
mga panrekado at ipalaganap ang Kristiyanismo. Ang mga bagong tuklas at mahahalagang
kaalaman at kagamitang pangheograpiya, tulad ng mapa,kompas at iba’t ibang mga kagamitan sa
paglalakbay ,ay nakatulong sa mga taga-Europa na dayuhin ang iba’t ibang bahagi ng mundo.
Nabantog naman noon ang kasaganaan sa gawing Silangan . Kung kaya’t ang hangaring masakop
ang mga lupain sa Silangan ay tumindi para sa mga taga –Europa. Ang mga taga-Venicia ang
nanguna noon sa larangan ng kalakalan , kung kaya’t nakontrol nila ang sistema ng kalakalan.
Dahil dito napilitan ang ibang Europeong humanap ng ibang ruta patungong silangan noong
bumagsak ang Constantinople sa kamay ng mga Turkong Muslim noong 1453.

Sa panahong iyon , tanging ang taga-Venicia lamang ang hindi sinisingil ng mahal na
taripa ng mga Turkong Muslim sa kanilang pagdaan sa ruta ng kalakalan. Ang mga kadahilanang
ito ang nagningas sa pagnanasa ng mga taga-Europa na humanap ng ibang ruta patungo sa
Silangan. Ang kagustuhan ng Europa na pangalagaan ang kapakanan ng lupain lalo na ang
mabigyan ng solusyon ang nauubos na yaman ng kani-kanilang bansa ay nagbigay hudyat upang
gumawa ng hakbang ang Europeong bansa na magkaroon ng kolonya. Sa kolonyang bansa nila
kukuhanin ang mga hilaw na sangkap para sa kanilang industriya.

Nanguna sa gawaing ekspanisasyon ang dalawang bansa - ang Portugal at ang


Espanya. Ang merkantilismo ang ginamit na pamamaraan ng mga taga Europa.May paniniwala
ang mga pinuno ng Europa, na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakabatay sa kanilang
kayamanan at kaban ng gintong pananalapi. Dala ng ganitong kadahilanan ay kinailangan na
madagdagan ang yaman ng bansa sa pamamagitan ng paghakot ng kayamanan buhat sa mga
bansa na kanilang kolonya. Ang dalawang nangungunang bansa na Portugal at Espanya sa
ekspanisasyon ay nagbalak na maisakatuparan ito sa pamamagitan nang panunuklas ng mga
lupain at makolonisa ang mga ito. Ang Portugal at Espanya ay parehong bansang Kristiyano kung
kayat humingi sila ng pahintulot mula sa Papa ng Roma na si Papa Alexander VI. Pinahintulutan
ni Papa Alexander VI and dalawang bansa sa kagustuhang maipahayag ang Kristiyanismo sa
maraming lugar sa mundo. Magkatunggali noon ang Portugal at Espanya sa gagawing
ekspanisasyon kung kayat sinikap ng Papa na gumawa ng legal na hakbang upang magsilbing
gabay sa panunuklas ng mga bansa at sa kolonisasyon nito. Bunga nito ay pinagtibay ang
Kasunduan ng Tordesillas.

Suriin

ANG EKSPANISASYON AT KAAKIBAT NA KASUNDUAN

Sa kagustuhan ni Papa Alexander VI na mapalaganap nang lubusan ang


Kristiyanismo sa malalayong lugar na di –Kristiyano at upang malutas ang problema at di
9
pagkakaunawaan ng Portugal at Espanya hinggil sa panunuklas ng ibang lupain,ay sinikap na
bumuo ng gabay na kasunduan. Kinikilala ang kapangyarihan ng Papa kayat sinunod siya ng
mga bansa na sakop niya. Nagpalabas ang Papa ng dalawang dekrito (Papa Bull) noong Mayo 3,
1493 na nagbigay ng karapatan sa Portugal na manuklas sa Africa at ang Espanya naman ay sa
Bagong Daigdig.Ang dalawang naunang dekrito ay sinundan agad ng pangatlong dekrito na
naghahati sa mundo para sa Portugal at Espanya sa pamamagitan ng pagguhit ng hangganan
simula sa Hilagang Polo (North Pole) patungong Timog Polo (South Pole) at ito ay dumaraan sa
Karagatang Atlantiko (Atlantic Ocean)doon sa 100 liga sa kanlurang bahagi ng mga pulo ng
Azores at Cape Verde.Sa paghahati ay ipinaliwanag na ang a pakanluran ay para sa Espanya.

Tumutol ang Hari ng Portugal,na si Haring Manuel I sa isinagawang paghahati.


Paano’y may mga karapatan ang Portugal sa Silangan na di napapaloob sa ginawang dektrito.
Upang malinawan ay pinagtibay ang Kasunduan ng Tordesillas noong Hunyo 7,1494. Sa
Kasunduan ng Tordesillas ay binago ang hangganan mula sa 100 liga ay inilipat ito sa 370 liga sa
kanluran ng pulo ng Cape Verde. Sinasabi sa kasunduan na ang lahat ng matutuklasan sa silangan
ng hangganan ay para sa Portugal at lahat ng matutuklasang lupain nmatutuklasan sa Kanluran ng
hangganan ay para sa Espanya at lahat naman ng nasa Silangang bahagi ay para sa Portugal. Sa
mga pangyayaring ito, maraming bansa ang nahikayat na tumuklas ng lupain sa iba’t ibang panig
ng mundo tulad ng Pransiya, Olanda at Ingletera. Ang panunuklas ay simula din ng pagpasok ng
kolonisasyon sa maraming bansa sa Asya at dahilan kung paano ang Pilipinas ay naging kolonya
ng Espanya.

10
Pagyamanin

1.Ano ang ibig sabihin ng kolonisasyon?_________________________________________

2. Anu- ano ang mahalagang pangyayari sa kasaysayan na naganap sa Europa noong ika-15
dantaon?

3. Bakit nagbalak ang mga Europeo na maghanda ng mga gawain ng panunuklas noong ika-
15 dantaon?

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

4.Bakit naghangad ang mga pinuno sa Europa na lumahok sa gawain ng panunuklas at


pagkokolonisa ng mga lupain?

5.Anong pangyayari ang nagbigay-daan sa malawakang ekspanisasyon ng Portugal at


Espanya? Paano nabigyang katarungan ang naturang pangyayari?

6.Ano ang kahalagahan ng Kasunduan ng Tordesillas? Naging makatarungan ba ito?


Patunayan ang inyong sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

11
Isaisip

Gawain A

Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M kung ang pahayag ay
mali.
____________1. Ang Espanya ang nanguna sa kalakalan noong ika-15 siglo.
____________2. Nais lamang ng Espanya at Portugal na malibot ang daigdig at hindi
gawing kolonisasyon ang mga bansang di – katoliko.
____________3. Magkatunggali ang bansang Portugal at Espanya sa panunuklas ng mga
lupain
____________4. Si Haring Carlos I ng Espanya ang nagtibay ng Kasunduan ng Tordesillas.
____________5. Ang nagbigay pahintulot ng kolonisasyon at panunuklas ay si Papa
Alexander VI.
____________6. Pinahintulutan ni Papa Alexander VI ang panunuklas o ekspenisasyon sa
kagustuhang mapalaganap ang kristiyanismo.
____________7. Ang Asyanong mga bansa ay nagnais gumawa ng ekspedisyon sa buong
daigdig.
____________8. Ang Kasunduan ng Tordesillas ay naghati ng lupaing mapasaiilalim ng
kolonisasyon, ang Kanluran ay para sa Espanya at ang Silangang bahagi ay
para sa Portugal.
____________9. Ang Hari ng Espanya ang tumutol sa una hanggang pangatlong dektritong
paghahati ng Papa.
____________10. Napilitang humanap ng ruta ang mga Europeong bansa bumagsak ang
Constantinople sa kamay ng mga Turkong Muslim noong 1455.
Gawain B.

Panuto: Punan ang kahon ng mga sagot upang mabuo ang konsepto kung
ano ang kolonyalismo.
KAHULUGAN

KOLONISISASSY
ON

DAHILAN

12
Ang kolonyalismo ay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

Isagawa

Gawain A

Panuto: Ang nasa ibaba ay ilang mahahalagang pangyayari upang maunawaan


natin ang kahulugan ng kolonisasyon. Ayusin ang mga ito ayon sa wastong
pagkakasunod – sunod. Lagyan ng bilang 1-5 sa mga patlang.

____________ Nagpalabas ang Papa ng dalawang dekrito (Papa Bull) noong


Mayo 3, 1493 na nagbigay ng karapatan sa Portugal na manuklas
sa Africa at ang Espanya naman ay sa Bagong Daigdig.

____________ Tumutol ang Hari ng Portugal sa isinagawang paghahati.


Paano’y may mga karapatan ang Portugal sa Silangan na di
napapaloob sa ginawang dektrito. Upang malinawan ay pinagtibay
ang Kasunduan ng Tordesillas noong Hunyo 7,1494.

____________ Noong ika-15 siglo, ninais ng mga bansa sa Europa na maging


pinakamayaman at pinakamakapangyarihan sa buong mundo.

____________Ang dalawang nangungunang bansa na Portugal at Espanya sa


ekspanisasyon ay nagbalak na maisakatuparan ito sa pamamagitan
nang panunuklas ng mga lupain at makolonisa ang mga ito.

____________Ang dalawang naunang dekrito ay sinundan agad ng


pangatlong dekrito na naghahati sa mundo para sa Portugal at
Espanya sa pamamagitan ng pagguhit ng hangganan simula sa
Hilagang Polo (North Pole) patungong Timog Polo (South Pole) at
ito ay dumaraan sa Karagatang Atlantiko (Atlantic Ocean)doon sa
100 liga sa kanlurang bahagi ng mga pulo ng Azores at Cape
Verde.

13
Tayahin

Panuto: Ipares ang pangyayari sa hanay A sa hanay B. Isulat ang letra sa patlang.

A B
_____1. Katunggali ng Espanya sa panunuklas ng A. Espanya
malalayong lupain para sa kolonisasyon.

_____2. Siya ang nagtibay ng Kasunduan ng Tordesillas.


B.Europa
_____3.Ang nangunguna sa kalakalan,
kaya nakontrol nila ang sistema ng kalakalan C. Haring Manuel I
.
_____4. Nanguna sa kalakalan noong ika-15 dantaon siglo. D. Kasunduan ng
Tordesillas

____ 5. Ito ang pananakop ng isang bansa sa ibang lupain E.Kolonisasyon

F. Venicia

G. Haring Carlos I

H. Portugal

Tandaan Natin (Value Integration)

“Ang hindi marunong magmahal sa sariling produkto ay higit pa sa asong gala.


Tangkilikin ang sariling atin, pagkat tayo ay Pilipino.”

14
Aralin KONTEKSTO AT DAHILAN NG

2 PANANAKOP NG BANSA EPEKTO NG


KOLONISASYON

Balikan

Sa nakaraang aralin, nabatid mo ang kaibahan ng kolonisasyon at kung paano ito nagsimula.
Mahalaga ang pangyayaring nagdaan upang mas higit na maunawaan ang sitwasyon o mga
pangyayari sa ating kasaysayan.

Alamin

Sa araling ito, inaasahan nating matutunan ay ang mga:

1. Naipapaliwanag ang kolonisasyon.


2. Ano – ano ang layunin ng kolonyalismo sa isang bansa?
3. Ito kaya ay may positibo at negatibong epekto. Paano mo mailalarawan ang
sitwasyong kinaharap ng kolonisasyong bansa?
4. Ano kaya ang naging epekto nito sa kasalukuyan?

Tuklasin

Ang kolonisasyon ay ang pananakop ng mga


bansa sa Europa sa malalayong lupain na di –kristiyano
upang gawing teritoryo na pagkukuhanan ng hilaw na
sangkap (raw material) upang manguna sa industriya ng
kalakalan at upang mapalaganap na rin ang relihiyong
kristiyanismo at magkaroon ng mas malawak na
kapangyarihan sa buong daigdig.

15
Suriin

Source:
https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/327
https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/430
https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/500
https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/580

Pangkabuhayan Panrelihiyon

Ano – ano ang mga


layunin ng
kolonyalismo sa isang
bansa?

Panrelihiyon
Pangkabuhayan

16
Pagyamanin

Sagutin:
1.Ano ang kolonyalismo?

__________________________________________________________________________

2.Ano ang naghudyat sa pagpasok ng kolonyalismo sa Asya?

3.Ano ano ang motibo ng kolonyalismo?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4.Paano mo maihahambing ang isang kolonyalismong bansa sa isang bansang hindi
nasakop?

5.Kung kayo ang papipiliin, gusto nyo bang mapabilang ang ating bansa sa kolonisasyon ng
Espanya? Bakit?

___________________________________________________________________________

Gawain B.
Batay sa iyong nabatid. Gumuhit ng kandila at isulat ang mga layunin ng kolonisasyon sa
isang bansa. Magbigay ng maiksing paliwanag hinggil sa mga layunin.

17
Isaisip

 Ano ang ibig sabihin ng Kolonisasyon?


 Paano ba ito nakakaapekto sa kabuhayan ng mga mamamayan sa bansa.

Tandaan Natin

 Ang salitang kolonisasyon ay nangangahulugan at tumutukoy sa mga


mananakop ng lupain, lugar, bansa, at teritoryo na hindi sa kanila at
wala sa kanilang teritoryo. Marami ang nagsagawa ng ganito noong
sinaunang panahon sa kadahilanan ng pagpapalawak ng teritoryo.
 Epekto ng kolonisasyon
a. Nagkaroon ng Sentralisadong pamahalaan
b. Pagtayo ng mga ospital para sa kalusugan ng mamamayan.
c. Nagkaroon ng paniniwala at pananampalataya sa relihiyon.
d. Pagbabago sa edukasyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga
bagong ideolohiya sa pag-aaral.

18
Isagawa

Linangin Natin

Gawain : Lagyan ng bunga ang puno sa pamamagitan ng pagsulat ng mga epekto ng


kolonisasyon sa hugis bilog na papel .Idikit ito sa puno. Gawin ito sa iyong papel o kwaderno.

19
Panuto: Buuin ang mga pahayag nang may paggalang sa anumang ideya o opinyon sa
pamamagitan ng palitang pagsagot.

Bagaman kakaiba ang itsura ng mga katutubo,


___________________________________________.

Ang mga pangkat etniko ay kapwa ko Pilipino,


sapagkat____________________________________.

Kapag may mga dayuhang pumupunta sa Pilipinas at hindi ko maintindihan ang kanilang
wika, ako ay
______________________________________________.

Ang mga katutubo ay may sariling pamamaraan ng pagsamba sa kanilang Diyos kung kaya
______________________________________________.

Ang lahat ng mga tao ay may pagkakatulad


_____________________________________________.

Ang mga maaari kong magawa upang matulungan ang mga dayuhan ay ang mga sumusunod
________________________________________.

Ang natatanging kaugalian ng mga katutubo ay ang


______________________________________.

Mga Epekto ng
Maganda ang kultura ng mga Pilipino tulad ng
___________________________________________.
Kolonisasyon
Ang pagkakaalam ko sa kultura ng mga dayuhan, halimbawa ang mga
______________________ at ________________________.

Tayahin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang POSITIBO kung ang sitwasyon ay
nagpapakita ng magandang epekto ng Kolonisasyon at NEGATIBO kung ito ay nagpapakita
ng masamang epekto
______________ 1. Ang mga dayuhan ang higit na nakinabang sa likas na yaman.
______________ 2. Napaunlad ang pamumuhay ng mga katutubo.
______________ 3. Naging maayos ang sistema ng pamahalaan. Ang dating watakwatak na
mga teritoryo ay nabuo bilang isang estado.
______________ 4. Pagkagising ng damdaming makabayan dahil sa paglawak ng kalayaan
nang sakupin ng mga dayuhan.
_______________ 5. Pagkaubos ng likas na yaman ng ban

20
Sanggunian:

Javate E, Dizon M.,, Chan A., Junio C., LM Araling Panlipunan, LRMDS,Cabanatuan City,
Department of Education. file:///D:/AP5_LM.Q2.pdf

Jenny Babe B. Pacaldo for the pictures and illustrations


https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/327
https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/430
https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/500
https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/580

Susi sa Pagwawasto:
Aralin 1
1. Ang kolonisasyon ay mayroong mabuti at masamang epekto sa bansa. Ang likas na yaman ng
isang bansa ay lubasang nalinang sa pagdating ng mga dayuhang mananakop. Sila rin ang
lubos na nakinabang sa mga likas na yaman ng bansa. Malaki rin ang naging epekto ng
kolonisasyon pagdating sa teknolohiya. Maraming mga natuto sa makabagong teknolohiya
dala ng ibang bansa, napaunlad din ang pamumuhay ng mga katutubo at nagamot ang mga
maysakit sapagkat makabago ang pamamaraan ng panggagamot ng ibang bansa. Naayos din
ang pamahalaan ng mga nasakop na bansa mula watak – watak na sistema nito at higit sa
lahat nabuo ang damdaming nasyonalismo dulot ng epekto ng kolonisasyon
2. Ang mga dahilan at layunin ng ekspedisyon ng Espanya patungo sa Silangan ay nakarating sa
pulo ng Pilipinas ay ang kayamanan, kapangyarihan, at mapalaganap ang Kristiyanismo. • Si
Ferdinand Magellan, isang Portuges ang unang nakatuklas sa kapuluan ngPilipinas. • Si
Haring Carlos I ay ang hari ng Espanya na sumuporta sa ekspedisyon ni Magellan.

Gawain Natin: Subukin


1.T 1. C
2.M 2. D
3.T 3. A
4.M 4. A
5.T 5. A
6.T
7.M
8.T
9.M
10.T
Linangin Natin:
1. H
2. C
3. F
4. B
5. E

Susi sa Pagwawasto:

Lesson 2
1./ 1 Negatibo
2./ 2. Positibo
3./ 3. Positibo
4./ 4. Positibo
5./ 5. Negatibo

21
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education - Division of Ozamiz City

Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City

Telefax: (088)545-09-90

Website: deped1miz@gmail.com

22

You might also like