You are on page 1of 120

Department of Education

Schools City Division


Cabanatuan City

LEARNER’S
MATERIAL
(ARALING PANLIPUNAN)
GRADE 5

(Quarter 3)
Department of Education
Schools City Division
Cabanatuan City

LEARNER’S MATERIAL
(Arts)
GRADE 5
(Quarter 3)

Author/Developer:

Joana Marie V. Dizon Maureen I. Junio


Teacher III Teacher III

Czarina I. Junio Roselle C. Dela Cruz


Teacher I Teacher III

Quality Assurance:

JOSEPHINE S. TABANGAY
EPS-I Araling Panlipunan

Ever M. Samson
EPS-I LRMDS

Priscilla D. Sanchez, Ph.D.


Chief ES, Curriculum Implementation Division
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

IKATLONG MARKAHAN

TALAAN NG NILALAMAN

PAHINA
ARALIN A : Pagbabago sa Lipunan sa Ilalim
ng Pamahalaang Kolonyal
 Nasusuri ang pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino
sa panahon ng Espanyol ....................................................... 3

 Napaghahambing ang antas ng katayuan ng mga


Pilipino bago dumating ang mga Espanyol at sa
Panahon ng Kolonyalismo .................................................... 8

 Napaghahambing ang mga tradisyunal na papel


ng babae sa lipunan ng sinaunang Pilipino at sa panahon
ng kolonyalismo...................................................................... 13

 Natatalakay ang pangangailangan sa pagpapabuti ng


Katayuan ng mga babae ....................................................... 18

 Nasusuri ang pagbabago sa kultura ng mga Pilipino


Sa panahon ng Espanyol ............................................... 27

 Naipapaliwanag ang impluwensiya ng kulturang Pilipino..... 35

 Natatalakay ang bahaging ginagampanan ng Kristiyanismo


Sa kultura at tradisyon ng mga Pilipino ..................................... 48

 Nasusuri ang pagbabagong pampulitika at ekonomiya


na ipinatupad ng kolonyal na pamahalaan ................................ 58

 Naipaghahambing ang istruktura ng pamahalaang


Kolonyal sa uri ng pamamahala ng mga sinaunang
Pilipino ........................................................................................ 63

 Naipaghahambing ang sistema ng kalakalan ng mga


Sinaunang Pilipino at sa panahon ng kolonyalismo ............ 69

 Natatalakay ang epekto ng mga pagbabago sa pamamahala


ng mga Espanyol sa mga sinaunang Pilipino ....................... 79

 Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging


epekto ng kolonyalismo sa lipunan ng sinaunang ..................... 83
Pilipino

1
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

ARALIN B : Pagpupunyagi ng katutubong Pangkat


na mapanatili ang kalayaan sa kolonyal
na Pananakop

 Naipapaliwanag ang di matagumpay na pananakop


sa mga kolonyalismong Espanyol ....................................................... 89

 Nasusuri ang mga paraang armado ng


Pananakop ng mga Espanyol ................................................................. 94

 Natatalakay ang mga isinagawang rebelyon


Ng mga katutubong pangkat ............................................................. 99

 Natataya ang sanhi at at bunga ng mga rebelyon at iba


pang reaksyon ng mga katutubong Pilipino sa kolonyalismo .......................108

 Nakakabuo ng konklusyon tungkol sa mga dahilan ng


di matagumpay na armadong pananakop ng mga
Espanyol sa ilang piling katutubong pangkat ..................................................112

 Nasusuri ang epekto ng kolonyalismong


Espanyol sa pagkabansa at pagkakakilanlan
Ng mga Pilipino ......................................................................................................115

Glossary 118

2
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

ARALIN 1 Code AP5PKE-IIIa-1

NILALAMAN : PAGBABAGO SA LIPUNAN SA ILALIM NG


PAMAHALAANG KOLONYAL

PANIMULA

Sa nakaraang yunit, natutuhan mo ang konteksto at dahilan ng


pananakop sa bansa ng Espanya kung saan natalakay dito ang kahulugan ng
kolonyalismo at konteksto nito, dahilan ng kolonyalismog Espanyol, paggawa
ng timeline at pagsusuri ng iba-ibang perspektibo ukol sa pagkakatatag ng
kolonyang Espanyol. Gayundin naman, tinalakay din ang mga paraan ng
pananakop ng mga Espanyol kung saan tinalakay ang mga paraan ng
pananakop ng mga Espanyol.

Sa markahang ito, tatalakayin ang pagbabagong kultural sa


pamamahalang kolonyal ng mga espanyol.

Bilang bata na bahagi ng lipunan na ating ginagalawan, ikaw ay higit


pang maliliwanagan at mabubuksan ang kaisipan sa lahat ng aspeto na
bumabalot sa katauhan ng bawat isa sa atin. Tutulungan ka ng araling ito
upang hawiin ang mga bumabalot sa inyong isip at sagutin ito sa bawat
talakayan na gagawin.

Sa araling ito, inaasahang:

1. Nasusuri ang pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino sa panahon


ng Espanyol (ie uri ng tahanan, pagkakaroon ng organisadong
poblasyon, nagkaroon ng sentrong pangpamayanan, at iba pa.)

ALAMIN MO

Alam mo ba na ang tahanang nasa larawan ay hango sa disenyo ng


mga dayuhang Espanyol? May nakikita ka pa ba na ganyang uri ng tahana sa
ngayon? Ano ang masasabi mo sa disenyo nito?

3
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Iba’t Ibang Uri Ng Tirahan

Ipinakilala ng mga Espanyol ang bahay na bato noong panahong iyon.


Ito ay malaki at matibay. Ang unang palapag nito ay gawa sa bato at ang
ikalawang palapag naman ay gawa sa matigas na kahoy. Ladrilyo o kogon
ang ginamit na bubong.

Nagsilbing imbakan ng bigas at mga kagamitan sa pagsasaka ang


unang palapag at ang ikalawang palapag naman ay nahati bilang kusina,
silid-tulugan, at hapag-kainan.

Noong ika-19 na siglo, lumaganap ang konstruksiyon ng bahay na


bato. Ang pagpapatayo ng ganitong uri ng tirahan ay naging simbolo ng
antas ng pamumuhay ng isang pamilya.
Pagbabago sa Panahanan

Ang mga panahanan ng mga Pilipino ay nagkaroon ng marami ring


pagbabago. Makikita pa rin sa hitsura ng kanilang panahanan kung aning uri
o estado sa buhay mayroon ang isang mamamayan ng bansa.

Nabago ang panahanan ng mga Pilipino mula nang sumailalim sa kolonyal


na pamamahala ng mga Esapnyol. Dulot nhg impluwensiyang ito, ang
karaniwang tahanan ng mga katutubong Pilipino na maliit at simpleng bahay
na yari sa pawid at kawayan ay napalitan ng malalaking bahay na yari sa bato
at tisa at matitibay at malalaking kahoy naman ang haligi nito. Ito ay
malalaking silid, malalapad na sahig na tabla, makakapal na kahoy na
dingding at may tanggapan ng mga panauhin. Maluluwang ang mga bintana
na kadalasan ay yari sa kapis. Mayroon din itong malilit n bintana sa ilalim na
kung tawagin ay ventanilla. Bagama’t nabubuksan ito, may harang ito na kung
tawagin ay balustrddo. Ang malalaking bahay na bato ay mayroong malalaking
silid, may sala at komedor o kainan. Kalimitan, ang bahay na ganito ay makikita
sa kabayanan.

Iba’t iba bahagi pa ang matatagpuan sa uri ng bahay ng mga nasa mataas
na estado sa buhay. Ang kanilang bahay na bato ay mayroon ding oficina o
despacho. Ito ang nagsisilbing tanggapan ng may-ari ng bahay para sa mga
kasama o katulong sa pagpapatakbo ng kanyang negosyo.

Cuartos naman ang tawag sa mga silid sa entresuelo na gamit ng may-ari


bilang tulugan sa tanghali at siya ay nagpapaghinga. Ito ay silbing silid tulugan
din ng mga kamag-anak na naninirahan sa kanila.

Caida o antesala naman ang tawag sa kung saan naglalaro ang mga
kabataan, nagmemryenda at kung tumatanggap sila ng mga matalik na
kaibigan.

4
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Sa sala sila tumatanggap ng mga mahahalagang bisita kung saan ang mga
mga gamit ay at kasangkapan ay magaganda at maaaninag ang kanilangf
katayuan sa buhay. Dito rin nila ginaganap ang sayawan at kasiyahan.

Balkonahe naman ang tawag kung saan tinatanggap nila ang kanilang bisita
upang makipagkwentuhan.

Ang silong na bahagi ng bahay ayn siyang nagsisilbing imbakan ng palay


at tulugan ng mga katulong na lalaki kabilang ang hardiner. Dito rin nila
ininlalagay ang kanilang karosa, ang sasakyan ng mga santo kapag ito au
isinasali sa prusisyon.

Sa may azotea o balkonahe naman ang lugar kung saan ang mga trabahong
may kinalaman sa tubig ay dito ginagawa. Ito ay matatagpuan sa likod ng
bahay na katabi ng kusina at ang tubig ulan mula sa bubong ng kanilang bahay
na inipon mula cistem na pinadadaloy sa uling, bato, at buhangin ang kanilang
ginagamit.

Ang letrina o comun ay ang palikuran. Ito ay may dalawang upuan na may
butas at maaaring gamitin nang sabay ng dalawang tao.

Ang baño o paliguan ay mayroong dalawang bañeras (bathtubs). Ang mga


mga ito ay may butas sa ilalim at may takip at inaalis lamang ang takip na ito
upang makadaloy ang tubig sa sahig.

Sa oratorio naman ay nagsasama-sama ang buong pamilya upang magdasal


ng angelus at magrosaryo kung ika-anim na ng gabi. My malaking estatwa dito
ng santo na nasa loob ng glass cabinet.

Cuarto principal ang tawag sa malaking silid ng may-ari ng bahay. May


malaking aparador ito, lavabp na yari sa marmol o porselana ngunit wala itong
gripo. Isang lalagyan ng tubg ang nasa nito at ginagamit lamang ito sa
mahahalagang bisita.

Comedor ang tawag sa lugar na kainan. Nakadispley sa platera ang


naggagandahang plato, tasa at pitsel na porselana na nagmula pa sa China
omEurope, mga kubyertos at mga baso.Tunaynna masasalamin sa kanila ang
karangyaan at katayuan nila sa buhay.

Sa panahanan naman ng mga karaniwang Pilipino ay masasalamin ang


kasimplehan ng kanilang pamumuhay at estado sa buhay. Sila ay kalimitang
nasa kanayunan. Tulad ng mga sinaunang Pilipino, ang bubungan ng kanilang
tahanan ay nanatiling yari sa pawid o cogon at yari naman sa kahoy o kawayan
ang kanilang dingding at sahig. Ang kawayan ay pinanipis at saka nilala upang
maging sawali na siyang dingding ng kanilang bahay. Ang iba naman ay
gumamit ng dahon ng niyog , damong cogon o dahon ng anahaw na
pinagkabit-kabit ng mga yantok o ratan.

5
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Ang hagdanan nila ay yari rin sa kawayan at ito ay matatagpuan sa labas


ng kanilang bahay. Ang silong nila ay may bakod na kawayan at nagsisilbing
kulungan ng kanilang mga hayop o di kaya naman ay taguan ng kanilang mga
gamit. Ang kanilang bahay ay mayroong batalan sa likod na ginagamit nilang
paliguan. Mayroon din itong banggerahan kung saan nakasabit sa gilid ng
bahay at dito sila naghuhugas ng kanilang mga ginamit na pinggan. Ang
kanilang palikuran ay malayo sa kanilang bahay at natatabingan ng din ng
pawid o cogon at kadalasan ay walang bubong.

GAWIN MO

Gawain A

Ibigay ang bahagi ng tahanan na inilalarawan sa bawat pangungusap.

__________ 1. Tinatawag ding paliguan.


__________ 2. Ito ay may dalawang upuan na may butas at maaaring gamitin
nang sabay ng dalawang tao.
__________ 3. Dito naglalaro ang mga kabataan, nagmemryenda at kung
tumatanggap sila ng mga matalik na kaibigan.
__________ 4. Ito ay mga silid sa entresuelo na gamit ng may-ari bilang tulugan
sa tanghali at siya ay nagpapaghinga.
__________ 5. Ito sa malaking silid ng may-ari ng bahay. May malaking
aparador ito, lababo na yari sa marmol o porselana ngunit wala itong gripo.
__________ 6. Tawag sa lugar ng kainan.
__________ 10. Dito nilalagay ang mga gamit sa pagkain tulad ng plato, tasa
at pitsel na porselana, mga kubyertos at mga baso.
__________ 11. Dito sila naliligo.
__________ 12. Lugar kung saan ang mga trabahong may kinalaman sa tubig
ay dito ginagawa.
__________ 13. Dito tinatanggapang kanilang bisita upang
makipagkwentuhan.
__________ 14. Dito naman tumatanggap ng mga mahahalagang bisita.
__________ 15. Bahagi ng bahay ayn siyang nagsisilbing imbakan ng palay at
tulugan ng mga katulong na lalaki kabilang ang hardinero.

Gawain B

Pangkatang Gawain - Ipakita sa pamamagitan ng skit/role playing ang bahagi


ng tahanan noong panahon ng Espanyol. (Gamitin ang mga salitang espanyol ng
mga bahagi ng bahay/tahanan sa inyong skit.)

Gawain C

Pangkatang Gawain – Ilarawan ang uri ng tahanan noong panahon ng

6
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Espanyol sa pamamagitan ng:

Pangkat A - awit

Pangkat B - tula

Pangkat C - rap

Pangkat D - pagguhit/poster

TANDAAN MO

Malinaw na maaaninag ang pagbabago sa ayos ng tahanan ng


bawat Pilipino sa pagdating nga mga Espanyol.
Sa mga uri ng panahanan sa ilalim ng kolonyalismo ay
nagkaroon ng pagkakakilanlan ng mahirap at mayaman.

Matibay din naman ang mga bahay ng mga pangkaraniwang


Pilipino noon subalit walang sapat na tibay para sa matinding bagyo
hindi tulad ng mga bahay na bato ng mga nasa mataas na estado sa
buhay.

Ang yari ng bahay noong panahon ng kolonyalismong Espanyol.

NATUTUHAN KO

7
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Gumawa ng miniature ng bahagi ng


tahanan noong panahon ng Espanyol gamit
ang popsicle stick.

-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*

NILALAMAN : PAMAMAHALA

 Pamahalaang Sentral
 Tungkulin ng mga Opisyales

PANIMULA

Nagbago ang pamamahala sa PIlipinas nang dumating ang mga


Espanyol. Sinakop nila ang Pilipinas sa loob ng mahigit sa tatlong dantaon,
mula 1565 hanggang 1898. Sa panahong ito, umiral ang pamahalaang
kolonyal dahil ang Pilipinas ay naging isang kolonya o bansang sakop ng
Espanya.

Paanong pamamahala ang ginawa ng mga Espanyol nang magtatag


sila ng pamahalang sentral?
Sa araling ito inaasahang:
1. Masuri ang pagbabago sa lipunan sa panahon ng pamahalaang
kolonyal.
2. Maipakita ang balangkas ng organisasyong itinatag ng mga Espanyol.
3. Mailarawan ang tungkulin at karapatan ng gobernador- heneral.

ALAMIN MO

Anong uri ng pamamahala


ang itinatag ng mga
Espanyol nang masakop nila
ang malaking bahagi ng
Pilipinas?
Ang Pamahalaang Sentral

8
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Nang masakop ng mga Espanyol ang malaking bahagi ng Pilipinas,


nagtatag sila ng pamahalaang sentral upang mapadali ang pamamahala sa
buong bansa.
Ang pamahalaang sentral ang namamahala sa buong kapuluan
maliban sa ilang lugar sa Mindanao at sa rehiyong Cordillera ng Luzon.
Ang dating pamahalaang barangay ng ating mga ninuno ay napalitan.
Ang mga ito ay napasailalim sa pamahalaang kolonyal ng Espanya. Ang
pamahalaang ito ay sentralisado.
Sa patakarang kolonyal, ang mga lupaing nasakop ay kinamkam at
itinuring na pag-aari ng bansang mananakop. Lahat ng mga kayamanan ay
inangkin at hinakot nang sapilitan. Gumamit sila ng dahas upang masupil ang
sinumang tumanggi sa kanilang patakaran.
Nahati sa dalawang sangay ang pamahalaang itinatag ng mga Espanyol
sa Pilipinas: ang tagapagpaganap o ehekutibo at ang panghukuman o hudisyal.
Walang lehislatibo o tagapagbatas noon. Ang mga btas ay nanggagaling sa
Espanya at ang mga batas na ginawa sa Pilipinas ay ang mga kautusan ng
gobernador-heneral.
Tunghayan ang balangkas ng organisayon na itinatag ng mga
Espanyol. Ang nakasulat sa loob ng panaklong ( ) ay tumutugon sa
namumuno.
Pamahalaang Sentral
( Gobernador-Heneral)

Corregimiento Alcadia Ayuntamiento


( Corregidores) ( Alcalde- Mayor) ( Cabildo)

Pueblo
( Gobernadorcillo)

Barangay
(Cabeza de Barangay)

Kung ihahambing natin sa kasalukuyan, ang Gobernador- Heneral ay


katumbas ng Pangulo ng Pilipinas ngayon. Ang Alcalde- Mayor ay katumbas
naman ng Gobernador ng isang lalawigan. Ang Gobernadorcillo ay katumbas
ng Mayor ng isang munisipyo o lungsod at ang Cabeza de Barangay ay
katumbas naman ng Punong Barangay ngayon.

9
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Paano napili ang Gobernador- Heneral?

Ang gobernador- heneral ang pinakamataas na opisyal sa bansa


sapagkat siya ay hinirang ng Hari ng Espanya. Siya ang kinatawan ng hari at
may titulong Vice Royal Patron.

Ano ang mga tungkulin ng isang Gobernador – Heneral?

Ang mga tungkulin ng isang gobernador – heneral ay (1)


pagpapatupad ng mga batas at kautusan ng hari ng Espanya, (2) pamumuno
sa sandatahang lakas ng bansa, (3) humirang at mag-alis ng mga iba pang
pinuno sa bansa maliban sa mga hinirang ng hari, (4) magrekomenda ng
mga pari para mangasiwa sa mga parokya, (5) mamagitan sa mga alitan at
hindi pagkakasundo ng mga pinuno ng simbahan, at (6) gumawa ng sariling
batas sa pamamagitan ng dekreto superior na ang batas ay parang tunay na
batas.
Ang gobernador-heneral ang tagapangulo ng Audencia o mataas na
hukuman. Ang paggawa ng batas ay nasa kamay ng gobernador-heneral at
hari ng Espanya.

Ano ang karapatan ng isang Gobernador- Heneral ?

Ang gobernador- heneral ay may karapatang pigilin ang pagpapatupad


ng mga batas mula sa Espanya kung talagang kinakailangan. Ito ay tinatawag
na cu’mplase.

Paano malalaman ng Hari ng Espanya ang pamamalakad ng mga opisyal?

Ang residencia ay itinatag ng Hari ng Espanya para gumawa ng hayag


na pagsisiyasat sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan sa pagtatapos ng
kanilang panunungkulan. Dito malalaman kung may karaingan laban sa
opisyal at parurusahan kung may kasalanan.
Ang Visita ay pagpapadala ng isang opisyal na tinatawag na Visitador-
general para gumawa ng lihim na pagsisiyasat tungkol sa mga gawain at gawi
ng mga nanunungkulan sa pamahalaan. Maaaring suspendihin o
pagmultahin ang sinumang opisyal na mapatutunayang nagkasala.

ANO ANG ROYAL AUDENCIA??

Ang Royal Audencia ang katas-taasang hukuman sa kolonya. Binubuo


ito ng gobernador-heneral, tatlong oidores o mahistrado, at isang pisikal. Mula
noong 1583 hanggang 1861, ang gobernador-heneral ang siya ring pangulo ng
Royal Audencia.
Tungkulin ng Royal Audencia na magbigay-katarungan sa mga usaping
criminal at sibil sa kolonya. Ito rin ang tagapayo ng gobernador-heneral.

10
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Pansamantalang inalis ang Royal Audencia noong 1589 dahil sa hindi


pagkakasundo ng gobernador-heneral at mga huwes nito. Ibinalik ito noong
1598 upang matigil ang mga ginagawang pagmamalabis ng mga pinuno ng
pamahalaan. Bagama’t may mga katiwalian ito, hindi hinayaang mangasiwa
sa kolonya ang gobernador-heneral nang walang suporta ng Royal Audencia.

Gawain A

Pangkatang Gawain - Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang


sagot sa manila paper.
1. Anong pamahalaan ang itinatag ng mga Espanyol nang masakop nila
ang malaking bahagi ng Pilipinas?
2. Bakit nila itinatag ang ganitong uri ng pamamahala?
3. Sino ang pinakamataas na opisyal?
4. Sino ang kinakatawan ng pinakamataas na opisyal?
5. Ano ang tungkulin ng gobernador- heneral hinggil sa mga batas at
kaustusan ng hari ng Espanya?
6. Ano ang pinamumunuan ng gobernador- heneral?
7. Sino ang hindi maaaring alisin ng gobernador- heneral sa kanyang
katungkulan?
8. Sino ang nangangasiwa sa mga parokya?
9. Ano ang tawag sa batas na ginawa ng isang gobernador- heneral?
10. Ano ang tawag sa karapatan ng isang gobernador- heneral para
pigilin ang pagpapatupad sa batas mula sa Espanya?
11. Ano ang tawag sa mataas na hukuman?
12. Bakit itinatag ng hari ng Espanya ang residencia?
13. Bakit ginawa ang Visita?
14. Ano ang maaaring gawin sa mga napatunayang may sala?

Gawain B

Punan ang Data Retrieval Chart. Isulat ang kinakailangang datos.

ANG GOBERNADOR - HENERAL


1. Proseso ng pagpili
2. Titulo
3. Tungkulin a.
b.
c.
d.
e.
f.
4. Karapatan a.

Gawain C

11
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Ayusin ang balangkas ng organisayon na itinatag ng mga Espanyol.


Gamitin ang mga salitang nakasulat sa ibaba.

Corregimiento Alcadia Ayuntamiento


( Corregidores) ( Alcalde- Mayor) ( Cabildo)

Pamahalaang Sentral Pueblo Barangay


( Gobernador-Heneral) ( Gobernadorcillo) (Cabeza de Barangay)

TANDAAN MO

 Itinatag ng mga Espanyol ang pamahalaang sentral upang


higit na maging madali ang kanilang pamamahala.
 Ang gobernador- heneral ay hinirang ng hari ng Espanya para
mamuno sa pamahalaang sentral.
 Ang gobernador- heneral ay maraming tungkulin at karapatan
sa pamamahala.
 Nahati sa dalawang sangay ang pamahalaang itinatag ng mga
Espanyol sa
Pilipinas: ang tagapagpaganap o ehekutibo at ang
panghukuman o hudisyal.

NATUTUHAN KO

Basahin ang bawat aytem at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.
1. Alin ang dahilan kung bakit itinatag ng Espanya ang pamhahalaang
sentral?
a. Maraming Espanyol ang magkakaroon ng trabaho.
b. Madali ang pamamahala sa buong bansa.
c. Ayaw manungkulan ang mga Espanyol sa Pilipinas.
d. Kulang ang perang pambayad ng sweldo.
2. Alin sa sumusunod ang HINDI tungkulin ng Gobernador- heneral?
a. magpatupad ng batas at kautusan
b. mamuno sa sandatahang lakas
c. mamuno sa mga halalan sa lalawigan.

12
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

d. magrekomenda ng mga pari na mamumuno sa mga parokya


3. Alin sa mga sumusunod ang karapatan ng Gobernador- heneral?
a. magpawalang-bisa ng kasal
b. pigilin ang pagpapatupad ng batas
c. gumawa ng sariling batas
d. magsaayos ng mga alitan ng mga pari
4. Bakit itinatag ng hari ng Espanya ang residencia?
a. masiyasat nang hayag ang mga opisyal
b. masiyasat nang palihim ang mga opisyal
c. maparusahan ang opisyal
d. makakuha ng pera
5. Bakit naghirang ang hari ng Espanya ng isang Visitador- heneral?
a. Mangolekta ng buwis
b. Maglapat ng parusa sa maysalang opisyal
c. Gumawa ng lihim na pagsisiyasat tungkol sa mga gawain at
gawi ng mga nanunungkulan
d. Palitan ang batas na hindi sinasang-ayunan ng Gobernador-
heneral

-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*-*0*

NILALAMAN : PAMAMAHALA

 Pamahalaang Lokal
 Tungkulin ng mga Opisyales
PANIMULA

Nagkaroon ng pagbabago sa pamamahala ng mga Espanyol noong


ika- 17 dantaon. Magmula sa pamahalaang sentral, nagkaroon ng pamaha-
laang panlalawigan, pambayan at panglungsod.

Paano naitatag ang pamahalaang lokal at ang mga uri nito, ang mga
pinuno ng bawat uri at ang kani- kanilang tungkulin.

Sa araling ito inaasahang:

1. Masuri ang pagbabago sa lipunan sa panahon ng pamahalaang


kolonyal.
2. Mailarawan ang iba’t-ibang uri ng pamahalaang lokal at tungkulin ng
bawat pinuno nito.

ALAMIN MO

13
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Sino ang namumuno sa isang barangay noon? Ano ang tawag sa kanya?
Ano-ano ang kanyang mga tungkulin?

PAMAHALAANG LOKAL

Sa simula ng pananakop, hinati ng mga pinunong Espanyol ang


Pilipinas sa mga enconmienda. Matatandaan na ang encomienda ay
karapatang ibinigay ng hari sa tapat na sundalo at misyonero ng Espanya na
maglikom ng buwis mula sa particular na lugar o teritoryo na itinalaga sa
kanila. Iginawad ang karapatang ito dahil sa malaking tulong nito sa
pagpapatahimik ng mga panahanang pook sa kolonya.
Nang lumaganap ang pagmamalabis ng mga enkomendero, binuwag
ang encomienda. Pinalitan ang mga ito ng iba’t ibang yunit ng pamahalaang
local. Nagkaroon ng mga lalawigan : alcaldia o lalawigang tahimik na at
corregiminto o lalawigang may nagaganap pang kaguluhan
Ang mga alcaldia ay pinamumunuan ng alcalde-mayor. Siya ang
kinatawan ng gobernador-heneral. Mga tungkulin niya ang mangulekta ng
buwis, magpanatili ng katahimikan at kaayusan, magbigay ng lisensya sa
kalakalan at mangasiwa sa mga gawaing panrelihiyon.
Ang corregidore o ang pinuno ng corregiminto ay may tungkuling
magpatahimik ng mga pook na may kaguluhan pang nagaganap noon. Siya ay
kinatawan din ng gobernador-heneral.
Ang bawat pueblo o bayan ay may isang poblasyon o kabisera na
sumasakop sa ilang baryo o sityo. Nasa poblasyon ang simbahan at kumbento,
ang tribunal o mga hukuman, ang paaralang publiko at ang tirahan ng
mayayamang tao.

PAMAHALAANG PAMBAYAN

Ang mga lalawigan noong panahon ng mga Espanyol ay nahahati sa


mga pueblo o bayan. Tinatawag na gobernadorcillo ang pinunong pambayan. Sa
mga unang bahagi ng pananakop, ang mga gobernadorcillo ay inihahalal ng
mga lalaking Indio o Pilipino na may-asawa. Nang lumaon, ang paghalal sa
kanila ay napunta sa 12 cabeza de barangay na ang mga apo o kamag- anak ng

14
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

mga datu. Tatlo ang pinipiling kandidato para sa tungkuling ito. Mula sa tatlo,
hinihirang ng gobernador-heneral ang gobernadorcillo.
May mga katulong sa pangangasiwa sa mga pueblo ang
gobernadorcillo. Bilang pinunong bayan, marami siyang karapatan tulad ng
hindi pagbabayad ng buwis at pagiging kabilang sa principalia o pangkat ng
mataas na tao sa kolonya.

PAMAHALAANG PANGLUNSOD

Nagkaroon ng mga lungsod noong panahon ng mga Espanyol. Ang mga


baying may malalaking populasyon at naging aktibo sa pulitika, kabuhayan at
kalinangan ay binigyan ng tanging pahintulot upang maging lungsod.
Napailalim ang lungsod sa isang konseho o ayuntamiento na binubuo ng
dalawang alcalde-ordinario, anim hanggang 12 regidores o konsehal, isang
escribano o kalihim at isang alguacil-mayor o punong constable
Ang Maynila ang lungsod na pinagkalooban ng opisyal na escudo ng
hari ng Espanya. Ito ang naging kabiserang lungsod ng kolonya noong ika-19
ng Nobyembre 1595.

PAMAHALAANG PAMBARANGAY

Ang bawat barangay ay mayroon ding mga pinunong tinatawag na


cabeza de barangay na pawing mga datu o pinuno ng tribu. Sila ang
nangangasiwa sa kapakanan ng mga nasasakupang pamilya. Kabilang sila sa
principalia kaya nagtatamasa sila ng karapatang ipinagkaloob ng pamahalaang
kolonyal. Halimbawa, hinsi sila nagbabayad ng buwis at libre rin sila sa polo o
sapilitang paggawa.
Ang cabeza de barangay ang itinuturing na maliit na gobernadorcillo sa mga
kanayunan.

GAWIN MO

Gawain A

Pagtambalin. Piliin ang tamang katawagan na binibigyang- kahulugan sa mga


pangungusap sa ibaba mula sa listahan sa kanan. Isulat ang titik ng tamang
sagot

A B

_____ 1. cabeza de barangay a. pinunong pambayan


_____ 2. regidores b. isang konseho
_____ 3. escribano c. punong constable

15
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

_____ 4. gobernadorcillo d. lalawigang tahimik


_____ 5. alcalde-mayor e. konsehal
_____ 6. alcaldia f. pangkat ng matataas na
tao sa kolonya
_____ 7. ayuntamiento g. pinuno ng barangay
_____ 8. corregidore h. pinuno ng corregiminto

_____ 9. principalia i. namumuno sa alcaldia


_____ 10. alguacil-mayor j. kalihim

Gawain B

Pangkatang Gawain – Sagutin ang mga sumusunod.

1. Bakit pinalitan ang sistemang encomienda?


2. Ano ang pagkakaiba ng alcaldia at corregimiento?
3. Paano inihahala ang gobernadorcillo?
4. Ano ang mga kwalipikasyon sa pagkakaroon ng lungsod?
5. Ano-ano ang tungkulin ng cabeza de barangay?

Gawain C

Kung ikaw ang pamimiliin, alin sa mga sumusunod ang nais mong gampanan
bilang isang pinuno ng pamahalaan noong panahon ng Espanyol. Bakit?
a. Gobernadorcillo d. Escribano
b. Cabeza de barangay e. Corregidore
c. Alcalde-mayor f. Alguacil-mayor

TANDAAN MO

 Ang pamahalaang lokal ay itinatag para mas madali ang pananakop ng


mga Espanyol.
 Ang pamahalaang lokal ay nagbigay daan sa pagtatatag ng mga
lalawigan, bayan at lungsod.

NATUTUHAN KO

16
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Punan ng tungkuling ginagampanan ng mga pinunno ng pamahalaang lokal.

Alcalde-Mayor Alguacil-mayor
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
_______________ _______________

Escribano Gobernadorcillo
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
_______________ _______________

Corregidore Cabeza de Barangay


___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
_______________ _______________

ARALIN 2.2.1 Code AP5PK-IIIb-2

NILALAMAN : ANTAS NG KATAYUAN NG MGA PILIPINO

17
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

PANIMULA

Maraming pagbabago ang dulot ng pananakop ng mga Espanyol sa


Pilipinas. Kabilang dito ang mga pagbabago sa panahanan, antas sa lipunan,
katayuan ng kababaihang Pilipino, at sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Alamin kung paano binago ng mga mananakop na Espanyol ang


kalagayang panlipunan sa Pilipinas.

Anu-ano kaya ang mga impluwensyang iniwan ng mga Espanyol noong


panahon ng kolonyalismo na makikita na rin sa kulturang Pilipino sa
kasalukuyan?

Sa araling ito, inaasahang:

1. Mapaghambing ang antas ng katayuan ng mga Pilipino sa lipunan


bago dumating ang mga Espanyol at sa Panahon ng Kolonyalismo
2. Mapaghambing ang mga tradisyunal at di-tradisyunal na papel ng
babae sa lipunan ng sinaunang Pilipino at sa panahon ng
kolonyalismo.
3. Natatalakay ang pangangailanagn sa pagpapabuti ng katayuan ng
mga babae

Alamin Mo – Sino Ako?

Kilalanin ang mga nasa larawan.

____________________ ______________________ __________________

Antas Sa Lipunan Noong Panahon Ng Pananakop

Ang mga Espanyol ang may pinakamataas na katayuan sa lipunan sa ilalim ng


pamahalaang kolonyal. May dalawang uri ang mga Espanyol na nanirahan sa ating

18
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

bansa, ang peninsulares o mga Espanyol na isinilang sa Spain at ang creole o insulares,
na mga Espanyol na isinilang sa Pilipinas.

Ang mga Pilipino ay nauri sa pangkat ng mga pricipalia, inquilino at masa o


karaniwang tao. Ang principalia ay binubuo ng mayayamang may-ari ng mga lupain,
mga guro at mga pinuno ng bayan. Marami silang pribelehiyo sa lipunan at
kabuhayan. Kabilang sa pangkat ng principalia ang mga inapo ng mga datu at
maharlika, mayayamang hacendero o may-ari ng lupa, at mga pinuno at dating
pinuno ng pamahalaang local. Ang pangkat na ito ay pinagkalooban ng maraming
karapatang panlipunan at pampolitika gaya ng karapatang bumoto sa halalan,
humawak ng tungkulin sa pamahalaang local, at malibre sa polo y servicio o
sapilitang paggawa.

Ang pangkat ng inquilino ay binubuo ng mga tagapangasiwa ng lupa ng mga


panginoong maylupa.

Ang pangkat ng masa o karaniwang tao naman ay kinabibilangan ng mga


manggagawa at mga magbubukid. Bagaman kumikita, malaki ang ibinabayad nilang
buwis o bandala sa pamahalaang kolonyal.Ang kanilang mga karapatan at mga
pribilehiyo ay limitado. Hindi rin sila maaaring mahalal sa pamahalaan.

Matroon ding pangkat ng mga cacique o tagapangasiwa ng mga lupain ng


mayayaman at mga prayle. Nang umunlad ang kalagayang pangkabuhayan sa mga
pamayanan, lumitaw ang pangkat ng mga Ilustrado. Sila ay mga kabataang nakapag-
aral at naging propesyonal. Kabilang dito sina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar,
Mariano Ponce, Graciano Lopez- Jaena, Pedro Paterno, Jose Maria Panganiban,
Antonio Luna at Juan Luna.

GAWIN MO

GAWAIN A Insulares

Casique
Ilarawan ang
mga sumusunod: Penisulares

Pricipalia Mga
Pangkat -
Lipunan Inquilino

Ilustrado
Masa

Gawain B
Pangkatang Gawain – Ilarawan ang pangkat-panlipunan noong panahon ng
Espanyol sa pamamagitan ng :

19
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Pangkat A - skit/role playing

Pangkat B - awit/jingle

Pangkat C - pagguhit/poster

Pangkat D - tula

Gawain C
Sagutin
1. Ano ang masasabi mo sa pangkat-lipunan noon?
2. Makatarunagn ba ang mga karapatan o pribelehiyo ng bawat isa?
3. Kung ikaw ang pamimillin, saang pangkat mo nais mabilang? Bakit?
4. Ibigay ang iyong saloobin sa kasabihang “Hindi mo kasalanan na
ipinanganak na mahirap, pero kasalanan na mo kung mamamatay kang
mahirap pa din.”

BUHAY NG PAMILYANG PILIPINO

Alamin Mo

Ano ang ipinakikita ng larawan?

Likas na matibay ang pagkakabuklod ng mga pamilyang Pilipino.


Nagtutulungan ang mga magulang at mga anak sa iba’t ibang gawain sa
tahanan at sa paghahanapbuhay. May paggalang sila sa isa’t isa. Pinag-iingatan
nila ang pangalan at dangal ng pamilya.
Nang masakop ng mga Espanyol ang kapuluan, nagkaroon ng ibang
gawain ang mga kasapi ng pamilya. May mga ama ng tahanan at mga anak na
lalaki na napawalay sa pamilya. May nagsagawa ng polo o sapilitang paggawa.
May naglingkod sa simbahan o sa pangkat-militar. May mga anak na

20
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

namasukan bilang katulong sa mga pamilyang Espanyol o sa mga pari. Ang


iba ay napawalay rin sa pamilya dahil sa pag-aaral o pagsasanay.
Sa kabila ng pagbabago sa mga tungkulin ng mga kaanib ng pamilya,
nanatili pa ring buo ito. Ipinagpatuloy ng mga pamilyang Pilipino ang
nakagawiang pagtitipon sa tuwing sasapit ang pista o ibang mahahalagang
okasyon. Sama-sama silang nagdarasal kung orasyon, sa simbahan o sa
tahanan. Sa pamamagitan ng mga gawaing panrelihiyon, nagkakasama-sama
ang mga kasapi ng pamilya at angkan.

Gawain Natin

Gawain A

Gamit ang Venn Diagram, paghambingin ang katayuan ng mga Pillino bago at
ng dumating ang mga Espanyol

Bago dumating Dumating


__________________ __________________
_________________ _________________
_________________ Katayuan _________________
__________________ ng Pili- _________________
__________________ pino _________________
_________________ _________________
_______________ _________________
___________ ________________

GAWAIN B
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Sa ano-anong larangan naimpluwensyahan ng mga Espanyol ang buhay


ng mga Pilipino?
2. Anong katibayan ang makapagsasabi ng matibay na pagkakabuklod ng
mga pamilyang Pilipino?
3. Anong mga pagbabago sa gawain ang naganap sa kasapi ng mag-anak
nang sakupin ng mga Espanyol ang kapuluan?
4. Sa paanong paraan nila ipinakita ang pagiging buo sa kabila ng mga
pagbabagong naganap?
5. Sa kasalukuyang panahon, ganito pa rin baa ng pamilyang Pilipino? Oo
o hindi, patunayan ang iyong sagot.

GAWAIN C - Lumikha Tayo

21
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Ipinakita ng pamilyang Pilipino ang matibay na pagkakabuklod sa kabila ng


mga pagbabagong naganap sa panahon ng Espanyol. Sa pamamagitan ng
gawaing paglalala, ipakikita din dito ang pagiging sama-sama. Sa gawaing ito,
gagawa tayo ng banig gamit ang papel na may kulay/art paper/construction
paper.

Mga Hakbang

1. Gumupit ng isang kulay ng art paper/construction paper na may isang


sentimetro ang lapad.
2. Ang isang kulay ay gupitin din nang hindi pinaghihiwalay sa isang
dulo.
3. Ilala ang mga piraso nang pasalit-salit sa ginupit na hindi hiwa-hiwalay
ang dulo.
4. Idikit ang mga dulo ng nilalang papel upang hindi gumalaw.

PAGBABAGO SA KATAYUAN NG MGA KABABAIHAN


Alamin Natin

Ano ang naaalala mo kapag nakakakita ka ng mga babaeng


ganito ang kasuotan?

Sa mga pamayanang nasakop ng mga Espanyol, ang mga babae ay naging


huwaran ng buhay na relihiyoso. Madasalin at palasimba sila. Namuno sila sa mga
pagdiriwang na panrelihiyon, sa pagbasa ng pasyon tuwing mahal na araw at
pagtuturo ng katesismo. Bukod sa kanilang pamilya, naging sentro ng kanilang buhay
ang simbahan. Kaugnay nito, napanatili nila ang mataas na pagkilala sa kanila ng
lipunan. Maliban dito, nanatili naman silang mahiyain, mahinhin at masunurin sa
kanilang mga magulang at asawa. Hinsi sila pinahihintulutang makihalubilo sa mga
lalaki lalo na sa mga gawaing pampamayanan.

Bihira ang mga babaing nabigyan ng tungkuling pangkabuhayan at


pampulitika. Ito ay dahil sa paniniwalang mahina ang loob nila at walang kakayahang
humarap sa mga gulo at pagsubok. Bihira rin ang mga babaing pinag-aral sa kolehiyo.
Tanging ang mga anak ng mga pinunong Espanyol ang nakapag-aral sa kolehiyo.
Iniingatan ang mga kababaihan noong unang panahon. Ang sinumang babae na

22
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

makagawa ng pagkakasala ay itinuturing na kasiraan o batik sa pangalan ng pamilya


o angkan. Ito ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang pag-iingat sa kanila ng
kanilang mga magulang. Hindi sila pinahihintulutang dumalo sa anumang kasayahan
nang walang bantay o kasamang titingin sa kanila upang matiyak ang kanilang
kaligtasan.

Samanatala, sa mga karaniwang pamilyang Pilipino, lalo na sa mga


pamayanang pangkultura o tribu, ang mga babe ay maaring maging pinuno. M,aari
silang makatulong sa mga gawain sa bukid o s kalakalan. Higit silang malaya sa
kanilang pagkilos kaysa mga babaing lumaki sa paraan nf pamumuhay ng mga
Espanyol.

Iba Pang Papel ng Kababaihan sa Lipunan

Kinakitaan ng mahalagang kontribusyon ang kababaihan sa panahong


ito, lalo na ang mga ina sa pagiging ilaw ng tahanan. Kabilang dito ang
paghubog sa mabubuting asal ng mga Pilipino, pagsulong sa edukasyon at
pagbibigay ng halaga sa pamilya. Sa katunayan, sinasabi na malaking salik sa
mga huwarang katangian ng mga bayaning Pilipino ang paggabay na ginawa
ng kanilang ina at mga kapatid na babae.
Mayroon ding kababaihan noon na nakipaglaban naman upang isulong
ang kalayaan ng bansa. Ilan lamang sina Gabriela Silang, Teresa Magbanua,
Marina Dizon, Melchora Aquino, Gregoria de Jesus, Agueda Kahabagan at iba
pang Pilipina. Sinuway nila ang tradisyunal na pananaw sa kababaihan. Sa
pamamagitan ng tiyak na pagkilos, nagawa nilang ihatid ang mensahe na may
magagawa ang kababaihan upang magkaroon ng pagbabago sa lipunan.

GAWAIN NATIN

Gawain A

Isulat sa loob ng tsart ng tungkulin ng babae noon at ngayon.

TUNGKULIN NG BABAE
Noon Ngayon

Gawain B

Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong.

1. Itala ang mga katangian ng mga kababaihan noong panahon ng


Espanyol.

23
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

2. Anu-ano ang mga bagay na maaari at di-maaaring nilang gawin?

3. Sa iyong palagay, makatwiran baa ng ibinigay na karapatan sa mga


kababaihan noon? Bakit?

4. Bakit sinasabing naging mahalaga ang papel na ginampanan ng mga


kababaihan noon?

5. Ano ang masasabi mo sa mga kababaihang nakipaglabana upang


isulong ang kalayaan?

Gawain C

Pangkatang Gawain

Ipakita sa pamamagitan ng skit/role playing ang katayuan ng mga kakabihan


noong panahon ng Espanyol. (Gagawin kinabukasan – maaaring gumamit ng
angkop ng kasuotan)

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN

ISKOR PAMANTAYAN
Naisagawa ang gawain ng maayos / organisado. Naibahagi ang
paksa ng gawain ng ayon sa ibinigay na pamamaraan. Lahat ng
5
miyembro ng grupo ay nakiisa sa pagsasagawa ng gawain.
Natapos ang gawain ng sakto o hindi hihigit sa takdang oras.
Naisagawa ang gawain ng maayos. Naibahagi ang paksa ng
gawain ng ayon sa ibinigay na pamamaraan. Hindi lahat ng
4
miyembro ng grupo ay nakiisa sa pagsasagawaa ng gawain.
Natapos ang gawain ng sakto o hindi hihigit sa takdang oras.
Naisagawa ang gawain ng maayos. Naibahagi ang paksa ng
gawain ng ayon sa ibinigay na pamamaraan. Hindi lahat ng
3
miyembro ng grupo ay nakiisa sa pagsasagawa ng gawain.
Lumabis sa takdang oras ang pagsasagawa ng gawain.
Naisagawa ang gawain ng maayos. Naibahagi ang paksa ng
gawain ng ayon sa ibinigay na pamamaraan. Hindi lahat ng
2
miyembro ng grupo ay nakiisa sa pagsasagawa ng gawain.
Lumabis sa takdang oras ang pagsasagawa ng gawain.

24
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Hindi maayos ang natapos na gawain. Hindi malinaw ang


ginamit na pamamaraan ng pagpapahayag ng paksa ng gawain.
1 Hindi lahat ng miyembro ng grupo ay nakiisa sa pagsasagawa
ng gawain. Lumabis sa takdang oras ang pagsasagawa ng
gawain.
0 Hindi naisagawa ang pangkatang gawain.

TANDAAN MO

Sa loob na mahabang panahon ng pananakop, maraming


impluwensiya ng lipunan ang napasanib sa buhay-panlipunan ng mga
Pilipino. Nagkaroon ng pagbabago sa mga pamilya, pangkat-lipunan at
pamayanan.
Sa panahong ito na kolonyalismo ay nagkaroon ng malaking
pagbabago sa katayuan ng kababaihan, hindi na sila pinahintulutan na
makilahok sa mga gawaing panlipunan, ekonomiko, at pampolitika.
Ang kababaihan ay tutok lamang sa mga gawaing bahay tulad ng
pagluluto, paglilinis ng bahay, pagdidisiplina sa mga anak, at pag-aalaga sa
pamilya.Hindi rin sila nakadadalo sa mga kasiyahan at pagtitipon ng walang
kasamang bantay.

NATUTUHAN KO

25
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Gumawa ng sanaysay na may titulong:

Katayuan ng mga Pilipino sa Panahon ng


Pananakop ng mga Espanyol

ARALIN 3.3.1 Code AP5PK-IIIc-3

NILALAMAN : URI NG EDUKASYON

26
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

- Wika at Panitikan
- Agham
- Musika at Sining
- Mga Laro at Pagdiriwang
PANIMULA

Maraming pagbabagong nagawa ang pananakop ng mga Espanyol sa


katutubong kultura ng mga Pilipino. Masasabing Malaki ang kinalaman dito
ng ng relihiyon at edukasyon na pinalaganap ng mga Espanyol sa kolonya

Inaasahang:

1. Nasusuri ang pagbabago sa kultura ng mga Pilipino sa Panahon


ng Espanyol
2. Naipapaliwanag ang impluwensiya ng kulturang Espanyol sa
kulturang Pilipino

Alamin Mo

Pangalanan ang mga sumusunod na larawan sa pamamagitan ng mga


pahiwatig.

p _ tin _ _ ro _ as _ _

MGA PAGBABAGONG PANG-EDUKASYON


sa_t_cr_z_n
Naging daan ng mga pagbabagong pang-edukasyon na ipinakilala ng
mga Espanyol ang kautusan ni Haring Carlos V ng Spain noong Hulyo 17,

27
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

1550. Ayon sa naturang kautusan, kinakailangang turuan ng wikang Espanyol


ang lahat ng mga mamamayan sa mga kolonya ng Espanya. Kaugnay nito, ang
mga misyonero ang nanguna upang hindi lamang wika ang matutuhan ng mga
Pilipino kundi maging relihiyon at uri ng pamumuhay ng mga Espanyol.

Paaralang pamparokya ang unang paaralang itinayo ng mga ordeng


panrelihiyon, kung saan itinuturo ang mga asignaturang tulad ng relihiyon,
wikang Spanish, pagsulat, pagbasa, aritmetika, musika, sining, at mga
pangkabuhayan.

Sumunod na ipinatayo ang kolehiyo para sa kalalakihan. Itinuro ditto


ang mga wikang Spanish, Greek, at Latin, pilosopiya, matematika, agham, at
sining.

Nagtayo rin ng kolehiyo sa kababaihan na naglalayon na ihanda sa pag-


aasawa o sa pagpasok sa kumbento ang kababaihan. Kabilang sa mga
asignaturang itinuro dito ang kagandahang-asal, musika, pananahi, at pag-
aayos ng tahanan.

May mga paaralan ding ipininatayo upang magturo ng edukasyong


bokasyonal. Dito itinuro ang mga kasanayan tulad ng sa agrikultura, pag-
iimprenta, pagkakarpintero, at pagkukulay ng tela.

TIPIKAL NA GAWAIN SA PAARALAN

Inilalarawan ni Padre Juan Francisco de Antonio ang mga pang-araw-


araw na gawain ng mga Pransiskano sa pagtuturo ng mga gawaing
panrelihiyon. Ayon sa kaniya, sa pagtunog ng kampana, ang lahat ng batang
mag-aaral ay nagtitipon-tipon sa simabahan. Sa pangunguna ng koro, await
sila ng Te Deum, na nagtatapos sa isang panalangin at pag-awit ng papuri sa
Mahal na Birhen. Pagkatapos, isinasagawa ang misa na sinusundan ng
pagrorosaryo ng mga batang lalaki.

Pagkagaling sa simbahan, nagtutungo na sa paaralan ang mga mag-


aaral. Doon ipinagpapatuloy ang pagtuturo ng mga dasal at katesismo.
Dalawang tunog ng kampana ang hudyat ng kalahating araw ng pag-aaral.
Umuuwi ang mga bata sa kani-kanilang bahay at bumabalik pagsapit ng
ikalawa ng hapon para sa isa pang klase.

GAWIN MO

Gawain A

Isulat sa loob ng pisara ang mga asignatura o itinuturo noong panahon ng


Espanyol.

28
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Gawain B

Pangkatang Gawain – Ipakita sa pamamagitan role playing/skit ang paraan


ng pagtuturo ng gawaing panrelihiyon noong panahon ng Espanyol.

Gawain C

Sagutin.

1. Sang-ayon ka ba sa sistema ng edukasyon na ibinahagi ng mga Espanyol


sa kolonyang nasasakupan nito? Ihambing ito sa kasalukuyang sistema.
2. Bakit pinangunahan ng mga misyonero ang pagtuturo ng wikang
Espanyol?
3. Anong hudyat ang ginagamit ng mga Pransiskano sa pagtuturo nila ng
gawaing panrelihiyon?
4. Bukod sa dasal at katesismo, ano pa ang itinuturo nila sa mga Pilipino?
5. Sa iyong palagay, naging kapaki-pakinabang ba ng uri ng ng edukasyon
na ibinahagi ng mga Espanyol? Bakit?

WIKA AT PANITIKAN

Madaling natutunan ng mga Pilipino ang wikang Espanyol. Dulot ito


ng pagdalo nila sa misa, pag-aaral ng dasal at katesismo at pakikipag-usap
araw-araw sa mga Espanyol. Ang wikang Espanyol din ang ginamit na wikang
panturo sa paaralan.
Sa pamamagitan ng kasanayan sa pagbasa at pagsulat sa wikang ito,
naunawaan ng mga Pilipino ang mga ideyang nakapasok sa bansa mula sa
Europa. Nabuksan ang isip nila sa mga kakaibang paraan ng pamumuhay sa
ibayong dagat. Gayundin, nagkaroon sila ng interes sa pagpapaunlad pa ng
kanilang kaalaman.

29
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Bukod dito, napayaman ng wikang Espanyol ang panitikan ng ating


mga ninuno. Umunlad sa Pilipinas ang iba’t ibang anyo ng panitikan tulad ng
mga dasal, nobena, talambuhay ng mga santo at santa, mga awit, korido, tula,
dula at kwento. Mga paksang panrelihiyon ang tinatalakay ng mga ito.
Ang mga awit ng katutubo o mgaawiting-bayan ay karaniwang hindi
nakatala o nakalimbag. Nagsasalaysay ang mga ito ng kabayanihan at
pakikipagsapalaran ng mga lokal na tauhan. Isang halimbawa ng tulang
inaawit ang pasyon na tungkol sa buhay at pagpapakasakit ni Kristo. Ang
unang pasyon sa wikang Tagalog ay akda ni Gaspar Aquino de Belen.
Angs senakulo, moro-moro at zarzuela/sarswela ang iba pang mga anyo
ng dula na natanyag noong panahon ng Espanyol. Ang senakulo ay tungkol sa
pagpapakasakit ni Kristo sa pagtubos ng ating kasalanan. Ang moro-moro
naman ay tungkol sa tunggalian ng mga Kristiyano at Muslim. Samantala, ang
sarswela ay isang dulang may musika tungkol sa mga karaniwang paksang
panlipunan at pampulitika.
Naging paboritong libangan ng mga Pilipino noong panahon ng
Espanyol ang panonood ng dulang Tagalog, duplo at karagatan. Bahagi rin ng
kanilang paksa ay tungkol sa relihiyon.

AGHAM

Mga paring misyonero ang nagpakilala sa mga Pilipino ng mga ideyang


makaagham. Si Padre Blas dela Madre de Dios ang sumulat ng kauna-unahang
aklat tungkol sa mga halaman sa Pilipinas noong 1611. Tinipon niya ang mga
impormasyong kailangan sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga
katutubo. Ginalugad din niya ang mga pamayanan sa kapuluan upang
makumpleto ang kanyang pag-aaral.
Isang Pilipino, si Anacleto del Rosario, ay nakilala bilang “Prinsipe ng
mga Kimikong Pilipino”. Ang pananaliksik niya ang isa sa mga batayan ng
pag-aaral ng parmasya sa bansa.
Lalong umunlad ang agham sa bansa nang magbukas ng mga kursong
parmasya at medisina sa Unibersidad ng Sto. Tomas, ang kauna-unahang
pamantasan sa bansa na itinatag noong 1611.

MUSIKA AT SINING

Likas na mahilig at may kakayahan sa musika at sining ang mga


Pilipino. Mga katangian itong higit pang umunlad noong panahon ng
Espanyol.

30
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Ang mga Pilipino ay natutong tumugtog ng mga instrumenting


pangmusika na dala ng mga Espanyol. Nakalikha sila ng mga instrument na
yari sa kawayan tulad ng ginagamit ng orkestrang Pangkat Kawayan ngayon.
Nasanay silang sumayaw sa saliw ng mga banyagang tugtugin tulad ng
La Jota, Pandanggo, Lanceros, Surtido at Cariñosa. Naging mahuhusay na mang-
aawit ng kumintang, balitaw, kundiman at awiting bayan ang mga Pilipino.
Ang ilan ay natutong lumikha ng sarili nilang mga awitin.
Isang kaugaliang Pilipino na nagsimula noong una pa man ang
paghaharana. Ito ang pag-awit ng mga kundiman sa tapat ng bahay ng
dalagang nililigawan. Patunay ito na ang pag-aawit ay bahagi na ng buhay ng
mga Pilipino.
Sa larangan ng sining, nakilala naman ang mga local na iskultor at
pintor. Ang mga likha nila ay ipinagmamalaki rin ng bansa dahil sa kakaibang
istilo at paksang ipinahihiwatig ng mga ito. Mga bantog na Pilipinong alagad
ng sining noonog panahon ng Espanyol sina Juan Luna at Felix Resurrecion
Hidalgo. Makikita sa kanilang mga ipininta o iginuhit ang nararamdaman ng
mga Pilipino ng panahong iyon. Bahagi ito ng pagbabago sa kultura at diwang
katutubo.

Mga Laro at Pagdiriwang


ni : Joana Marie V. Dizon

Marami laro at mga pagdiriwang


Ang itinuro ng Kastilang dayuhan
Una na rito ang juego de prenda
Pangguinggui, sietesite maging ang manilla

Ibinahagi din nila ang larong patintero


Na tunay na nakalilibang kapag ito’y nilaro
Ang sipa din pala ay mula sa kanila
Paboritong laruin ng maliliksing mga bata

Isa sa pagdiriwang na tanyag hanggang sa ngayon


Ay pagdiriwang ng pista ng iba’t ibang patron
Sa araw na ito, may sayawan at pagtitipon
May palabas, karnabal at saka prusisyon.

Bukod sa laro at pista ay mayroon pang iba


Mga pagdiriwang na natutunan sa kanila
Pasko, Mahal na Araw, Bagong Taon at Santacruzan
Maging Flores de Mayo na kinatatampukan ng kadalagahan.
GAWIN MO

Gawain A

Ibigay ang hinihinging kasagutan ayon sa mga pahiwatig.

31
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

1. E _ p _ ny _ l (wikang itinuturo noon.)


2. _ _ s _on (tulang inaawit patungkol sa buhay at
pagpapakasakit ni Kristo)
3. se_ _ku _ _ (pagpapakasakit ni Kristo sa pagtubos sa
ating mga kasalanan)
4. zar_ _ela (dulang may musika tungkol sa mga karaniwang
paksang panlipunan at pampulitika)
5. _ _ ro - _ _ ro (tunggalian ng mga Kristiyano at Muslim)
6. P_gha_ _rana (pag-awit ng kundiman sa tapat ng bahay ng
dalagang nililigawan)
7. _ _riño_ _ (nausong sayaw noon)
8. _a _ nt _ r _ (larong natutunan sa mga Espanyol)
9. _ a _ko (pag-alaala sa kapanganakan ni Hesus)
10. pr_si_ _on (pagpaparada ng mga poon o patron)

Gawain B

Pangkatang Gawain

Ano ang inyong naramdaman habang tinitingnan ang larawan? Ano


ang ipinahihiwatig nito?

Gawain C

Sagutin.

32
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

1. Alin sa mga larong ibinahagi ng mga Espanyol ang patuloy pa ring


nilalaro hanggang ngayon?
2. Ano ang papel na ginampanan ng mga Pilipinong manunulat noong
panahon ng kolonyalismong Espanyol?
3. Bakit mahalagang ipinagdiriwang ang tradisyong panrelihiyon tulad ng
Pasko, Mahal na Araw, Bagong Taon at iba pa?
4. Paano nakalap ni Padre Blas De la Madre de Dios ang mga
impormasyong tungkol sa mga halaman sa Pilipinas?
5. Paano umunlad ang agham sa bansa noong panahon ng Espanyol?
6. Ano sa palagay moa ng dahilan bakit hanggang ngayon ay yakap-yakap
parin natin ang ilang impluwensiyang Espanyol tulad ng prusisyon,
senakulo at iba pa?

Gawain D –Tayo’y Sumayaw

Isa sa mga sayaw na nauso noong panahon ng Espanyol ang Pandanggo


La Jota at Cariñosa. Mahalaga ang estilo ng galaw at mga hakbang sa pagsayaw
nito. Mamili ng isang sayaw at saliksikik ang mga hakbang nito at pag-aralan.
Ipakita sa harap ng klase ayon sa itatakdang panahon ng guro.

Gawain E–Tayo’y Maglaro

Magdaos ng isang mini sportfest sa klase. Sa halip na mga palakasan ang


tampok na gawain, paligsahan sa mga larong Espanyol ang gawin. Ilan sa mga
larong ito ang sipa at patintero.

TANDAAN MO

Ilan sa mga paaralang itinatag ng mga misyonero sa iba’t ibang


bahagi ng Pilipinas:

A. Panlalaki
1. Colegio Maximo De San Ignacio
2. Colegio de San Ildefonso
3. Colegio de San Jose
4. Colegio de la Immaculada Concepcion
5. Colegio de Nuestra Señora del Santisimo Rosario (UST ngayon)
6. Seminario de Niños Huerfanos de San Pedro y San Pablo

B. Pambabae
1. Colegio de Santa Potenciana

33
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

2. Colegio de Santa Isabel


3. Beaterio de la Compaña de Jesus
4. Colegio de Santa Rosa
5. Colegio la Concordia

Mga Pilipinong nakilala sa iba’t ibang larangan

1. Francisco Baltazar (Prinsipe ng mga makatang Pilipino – may


akda na Florante at Laura)
2. Jose p. Rizal – may akda ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo,
Mi Ultimo Adios
3. Marcelo H. Del Pilar – patnugot na pahayagang La Solidaridad
4. Graciano Lopez-Jaena – orador, naging patnugot din ng
pahayagang La Solidaridad

Padre Diego Cera-gumawa ng tanyag na organong kawayan


noong 1824 na makikita sa simbahang katoliko sa Las Piñas.

Dulang Panunuluyan
1. Santacruzan 4. Panunuluyan
2. Flores de Mayo 5. Pananapatan
3. Tibag 6. Senakulo

Dulang Pantahanan
1. Pananahilin 2. Duplo 3. Karagala

Dulang Pang-entablado
1. Zarsuela/sarswela 2. Moro-moro 3. Carillo

NATUTUHAN KO

Mangalap ng mga larawan ng iba’t ibang pista sa bansa tulad ng


Ati-atihan, Sinulog at Maskara. Ipunin ito sa isang album.

ARALIN 3.2 Code AP5KPK IIIC-3.

PAGBABAGO SA LIPUNAN SA ILALIM NG PAMAHALAANG


KOLONYAL

34
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Sa loob ng mahabang panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa mga


Pilipino, maraming pagbabago at impluwensyang panlipunan ang nagpabago
sa pamumuhay ng mga Pilipino . Ang mga pagbabagong ito ay madalas
mayroong mabuti at masamang epekto sa lipunan.

Bilang bahagi ng ating lipunan, mainam na mamulat ang iyong


kamalayan sa mga pagbabagong naganap o nagaganap sa ating lipunan .Ito
ang magtuturo sa atin kung paano pakitunguhan ang mga pagbabago.

Sa ating lungsod, Lungsod ng Cabanatuan madalas nating makita sa


mga lugar ang salitang “Pagbabago ,Progreso” na nagpapakita kung saan
patungo ang ating lungsod.

Kaakibat ng mga pagbabago ay ang marubdob na pagkaunawa sa ating


lipunan at kultura. Bilang mag-aaral ng ikalimang baitang , mabubuksan ang
kaisipan mo sa mga pagbabagong naganap sa ating kultura at lipunan.

Masasagot din sa araling ito, kung ang pagbabagong naganap sa ating


lipunan sa ilalim ng pamahalang kolonyal ay mayroong naging impluwensya
sa ating pamumuhay ngayon.

Sa araling ito inaasahang,

-Matalakay ang bahaging ginampanan o impluwensya ng


Kristiyanismo sa kultura at tradisyon ng mga Pilipino.

ALAMIN MO
Ano ang bahaging ginampanan o
impluwensya ng Kristiyanismo sa
kultura at tradisyon ng mga
Pilipino?

Ang gawain panrelihiyon ay naging bahagi na ng pamumuhay ng mga


Pilipino . Isa sa naging pangunahin ng layunin ng pananakop ay ang
pagpapalaganap ng relihiyong katoliko sa bansang nasakop nito.

35
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Dahilan sa pananakop , maraming sinaunang Pilipino ang nagbago ng


paraan ng pananampalataya. Ang epekto ng relihiyong ipinalaganap ng mga
kastila ay nanatiling bahagi ng mga gawain na magpahanggang ngayon ay
patuloy pa ring buhay sa ating lipunan. Naging bahagi ng pamumuhay ng mga
Pilipino ang mga aral at gawaing panrelihiyong na itinuro ng mga kastila .
Natutong mag nobena , magdasal ng rosary, dumalo sa misa ,
mangumpisal,magkomunyon at mag-abuloy sa simbahan . Ang
pagpapabinyag, pagpapakasal at pagpapahid ng banal na langis sa maysakit
at pag alaala sa yumao ay kasama sa mga gawaing naging epekto ng
pananakop ng mga kastila sa sinaunang Pilipino.

Ang kultura ng sinaunang Pilipino ay naging kasangkapan sa


pananakop ng kastila. Iginalang ng mga kastila ang kaugalian at paniniwala
ng mga katutubo tulad ng pagsamba sa isang Diyos na makapangyarihan na
tinatawag na Bathala. Iniugnay ng mga kastila ang relihiyong Katolisismo
sa paniniwala ng mga katutubo.Ipinakilala nila ang Katolisismo bilang “
katutubong Katolismo”. Hindi naging hadlang sa mga misyonero ang
paniniwala ng sinaunang Pilipino sapagkat pinalitan lamang nila ang
pangalan ng diyos na sinasamba ng sinaunang Pilipino. Ang pamahiin ng
sinaunang Pilipino ay hindi sinalungat ng mga misyonero katulad ng
nakaugalian na pag-aalay ng kanilang mga ani sa espiritu bagkus inilipat
lamang ang mga pag-aalay sa Diyos , Birhen Maria ,sa mga santo at santa ng
maging kristiyano na ang mga Pilipino.

Kasama din sa impluwesya ng katolisismo ang pagdiriwang na


madalas nagaganap sa pamumuhay ng mga Pilipino katulad ng kapistahan
bilang tanda ng pasasalamat, pagdiriwang ng kapaskuhan at paggunita sa mga
yumao

Ang gampanin ng kristiyanismo ay hindi natapos sa gawaing simbahan


. Naging bahagi rin ng edukasyon ,pangkalusugan ,panitikan at sining ,
musika ,iskultura at arkitektura.

Masasabi na naging matagumpay ang mga Kastila sa pananakop sa


maraming mga lugar sa kapuluan. Paano’y parating magkasama ang mga
conquitadores at mga misyonero saanman silang magtungo. Parating
pinangangalagaan ng mga misyonero ang kanilang krus,rosary at dasal.
Totoong naging matagumpay ang mga Kastila sa Luzon at Bisaya maliban sa
Mindanao at Sulu. Sinikap ng mga Pilipino na Muslim sa katimugan n gating
kapuluan na di sila magapi ng mga Kastila.

Sa Simbahan

36
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

-Naging epektibo ang gawain ng simbahan sa panahon ng pananakop


ng mga Kastila. Paano’y may sentraladong pamahalaan ito na pinamumunuan
ng isang Arsobispo na hinirang ng Papa ng Roma bataysa rekomendasyon ng
Hari ng Espanya. Gaya ng Gobernador – Heneral malawak din ang
kapangyarihan ngArsobispo . May kapangyarihan siyang pulitikal,
pangkabuhayan at panrelihiyon . Siya ang punong tagapagpatupad ng mga
alituntunin ng simbahan.
-Upang maipagpatuloy ang pamamahayag ng Kristiyanismo nang
malawakan hinati ang kapuluan sa mga dayoses (diocese) at ito ay
pinamumunuan ng isang Obispo gaya ng mga dayoses sa Maynila,Cebu ,
Nueva Caceres sa Bicol, Cagayan at Jaro sa Iloilo.Ito aang istraktura ng
pamunuan hanggang noong 1595 nang ang Maynila ay naging arsobisopric
(arcsobishopric) at ang unang naging arsobispo ay ang kanyang Kamahalan
Reverendo Padre Ignacio de Santibanez.
-Ang mga dayoses ay nahahati sa mga parokya (bayan) na
pinamumunuan ng padre-kura . Sa buong panahon ng pananakop ng mga
Kastila ipinagpatuloy nila ang pamamahayag ng Kristiyanismo. Bilang tugon
sa mga naturang pamamahala sa gawaing ispiritwal ng mga tao sa parokya,
ang padre-kura ay binigyan ng pribilehiyo na di magbayad ng buwis, at di
managot sa sala maliban sa mabibigat na kaso pagkat karaniwan ay ikinukubli
ang pagkakamali , may tungkulin ang padre-kura namangolekta ng buwis sa
parokya,mamahala sa halalang lokal,mangasiwa sa mga gawain sa
pakikipagkawanggawa , at subaybayan ang mga gawain sa paaralan. Totoong
iginagalang ang mga padre-kura sa parokya bagamat madalas silang
katakutan. At bilang paggalang may mga tao sa parokya na humahalik sa
kamay ng padre-kura.

Dahilan sa relihiyong Kristiyanismo nagbago anng buhay ng tao.


Naging gabay ng bawat Kristiayano ang Sampung Utos ng Diyos na
kinapapalooban ng mahahalagang aral ng mga Kristiyano.Naging relihiyoso
ang mga tao at ang simbahan ang naging sentro ng kanilang pamumuhay.
Naging epektibo ang gawaing espiritwal . Tumibay din ang pagpapahalaga sa
pamilya o mag-anak sa sama-samang paggawa ng pag relihiyong gawain .At
pati ang pagbabago ng pangalan tungo sa Kristiyanong pangalan at Kastilang
apelyido ay naging bahagi ng pagbabago sa sinaung Pilipino.

Pagkakaisa ng Pamahalaan at Simbahan


- May pagkakaisa ang simbahan at pamahalaan sa panahon ng
pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Ang relihiyong Romano Katoliko ang
opisyal na relihiyon sa kapuluan. Kapwa naglilingkod sa mga mamamayan
at sa simbahan ang pamahalaang pulitikal at ang pamahalaan ng simbahan.

37
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Kapwa sila naglilingkod para sa ikararangal ng Hari ng Espanya. Ang


pamahalaan ang nagpapasahod sa mga pamunuan ng simbahan at may mga
pinuno ng simbahan na gumaganap satungkulin sa pamahalaan. Katunayan
ilang pinuno ng simbahan ay nanungkulan bilang gobernador –heneral tulad
nina Obispo Miguel Lino de Espeleta at Arsobispo Manuel Rojo.

Ginampanan ng Kristiyanismo sa mga Gawaing Kultural


-Isa sa mga gawaing ginawa ng mga Kastila ay ang gawaing pang-
edukasyonal sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga paaralang elementary sa
iba’t ibang pamayanan mula noong 1565 hanggang 1700.Subalit hindi
masyadong naging epektibo ang edukasyon noon sa kadahilanang kulang ng
pondo,mga librong babasahin at mga kagamitan sa pag-aaral. Sa kabila ng
sitwasyon ay ipinagpatuloy pa rin ng mga misyonero ang kanilang pagtuturo
sa mga sinaunang Pilipino. Kaakibat ng kanilang pagtuturo ay ang
pagpapatayo ng mga paaralan para sa pagsasanay ng mga guro at mga
paaralan para sa mga babae at mga lalaki.
Ang mga paaralang Colegio ng San Ignacio ng mga Heswita noong
1589 at Colegio ng San Ildefonso sa Cebu noong 1599 ay mga unang paaralan
para sa mga lalaki at ang Colegio ng Sta. Potenciana noong 1591, Colegio ng
Sta. Isabel noong 1632, Colegio Sta. Rosa at Colegio ng La Concordia ang mga
unang paaralan para sa kababaihan. Sa panahon ng Kastila naipatayo ang mga
Dominicano ang Unibersidad ng Sto. Tomas noong 1611 at ang San Juan de
Letran noong 1630.
Hindi maitatatwa na totoong malaki ang bahaging ginampanan ng mga
naturang paaralan. Sa mga nabanggit na paaralan nag-aral ang mga Pilipino
na lumaban sa mga katiwalian na naganap sa Pilipinas sa panahon ng
pananakop ng mga Kastila.

Sa Panitikan
-Masasabi na maraming misyonero ang nakarating sa Pilipinas na
taglay anng kadalubhasaan sa larangan ng pagsulat. Ang ibang misyonero ay
mahusay sa wika, may angking galing sa pagsulat ng mga tula, kuwento ,
salaysay at kasaysayan.Naibahagi nila ang kanilang mga naisulat sa mga
mamamayang Pilipino aat nagsilbing babasahin sa panahon ng pananakop.
-Mas lalong sumigla ang panitikan ng makapagtatag ng palimbagan ang
mga Dominikano noong 1593. Naging kilala bilang unang tagalimbag na
Pilipino ay si Juan de Vera subalit ang unang tagalimbag na Pilipino ay si
Tomas Pinpin.
-Ang Doktrina Kristiana ang unang aklat na nagkaroon ng salin sa
wikang Tagalog gayundin sa Intsik kung kayat naging kapakipakinabang ito
para sa mga sinaunang Pilipino. Nabibilang pa rin sa mga nasulat sa panahong
yaon ang “Arte y Reglas dela Lengua Tagala “ ni Padre Blancas de San Jose;

38
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

ang Vocabularyo de la Lengua Bicol ni Padre Marcos de Lisbon; ang Arte dela
Lengua Bisaya ni Padre Domingo Esguerra at iba pang mga babasahin na
kinagiliwang babasahin ng mga Pilipino. Dahilan sa pagkakaroon ng
palimbagan may mga peryodiko rin na lumabas bilang pang-araw –araw na
babasahin gaya ng Del Superior Gobierno (1811) ; La Esperanza (1846); El
Diario Manila (1846) at El Catolica Filipino (1862).

Sa Agham at Sining
-May kaalaman at kakayahan sa agham ang mga misyonero na Kastila
.Di makakalimuran ang ginawa ni Padre Juan Sorilla na sun dial na nagbigay
oras sa maghapon tulad ng pangkaraniwang orasan.Ang Obserbatoryo ng
Maynila ay likha ni Padre Federico Faura na nagbibigay babala sa anumang
darating na panahon, bagyoo lindol. Parehong Heswita sina PadreFederico
Faura at Padre Juan Sorilla .Hinangaan rin ang pagkakakita sa halaga ng gamit
ng tubig bukal (spring water) sa mga maysakit, ito ay magagamit na
gamot.Makikita ang mga bukal na ito sa gawing Sibul sa San Miguel ,
Bulacan;Los Banos sa Laguna, sa Lemery sa Batangas at gayundin sa Cebu.
-Nag iba rin ang mukha ng pamayanan sa pagdating ng mga misyonero
dahilan sa pagpapatayo ng mga simbahan at iba pang inpraistrakstura na
ginamit sa pagpapatayo ng mga ito. Ang mga naglalakihang simbahan ay
mayroong arkitekturang Byzantine, Gothic, Noorish,Corinthian , Doric ,
Lenian at Griyeco- Romano. Sa loob ng kumbento ng simbahan ay kadalasang
sentro ng pagtuturo ang pagpipinta,pagguhit at pag-ukit kung kaya sapagdaan
ng panahon maraming Pilipino ang nagkaroon ng kaalaman , kasanayan at
kakayahan sa paggawa ng obra na bunga ng sining. Ang organong kawayan
sa Las Pinas na ginawa ni Padre Diego Cerra na isang Relato ay lubhang
kahanga – hanga .
Ang pananakop ng Kastila sa Pilipinas sa loob ng 333 na taon ay tunay
na nagpabago sa kultura at pamumuhay ng mga Pilipino at malaki ang
ginampanang papel ng mga misyonero na nagpalaganap ng kristiyanismo sa
bansa sa mga pagbabagong ito.

Sagutin :
1. Malaki ba ang naging impluwensya ng mga misyonero sa mga
Pilipino?
2. May kaugnayan ba ang simbahan at pamahalaan sa panahon ng
pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas?Patunayan ang inyong sagot.

39
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

3. Ano ang naging kontribusyon ng mga misyonero sa larangan ng


agham at sining sa Pilipinas? At paano ito nakaapekto sa ating bansa?
4. Ano ang impluwensya ng kristiyanismo sa kultura at tradisyon
ng mga Pilipino?
5. Paano nakaapekto ang kristiyanismo sa kultura at tradisyon ng
mga Pilipino sa kanilang pamumuhay?

GAWIN MO

Gawain A
Ibigay ang hinihinging kasagutan ayon sa mga pahiwatig.

1. __ok__ __i__a K__ __s__i__n__ (unang aklat na nagkaroon ng salin


Sa Tagalog at Intsik .
2. T__ m __ __ P _ _ _ i n (unang tagalimbag na Pilipino)
3. __ bse__ b a __ __ r __ o (ginawa ni Padre Federico Faura na
nagbibigay ng babala sa anumang
darating na panahon,bagyo o lindol.
4. P__d re D_ e __ o C_ rr_ (gumawa ng organong kawayan sa
Simbahan ng LasPinas
5. Do _ _ _ _ kano (orden ng mga pari na unang
nakapagtatag ng palimbagan noong
1593).
Gawain B.
Pagtambalin. Piliin ang tamang katawagan na binibigyang- kahulugan sa mga
pangungusap sa ibaba mula sa listahan sa kanan. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

A B
____1.Arte y Reglas dela Lengua a.Padre Pedro Bautista
____2. Galing sa pagsulat, wika, pagsulat b. Padre Blancas de San Jose
Ng kuwento,salaysay at kasaysayan c. Kamahalan Reverando
____3. Naitatag ang Colegio ng San Ildefonso Padre Ignacio deSantibanez
sa Cebu
____4. Nakatuklas tungkol sa paggamit d. Panitikan
Ng tubig sa Bukal bilang gamot e.1599
____5. Unang naging Arsobispo ng Maynila f. 1639

C. Kuhanin ang konseptong pangungusap sa kahon sa


pamamagitan ng pagbuo sa mga letra. Isulat sa kahon sa ibaba
ang
mabubuo.

40
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

l n g k r i s t i y
e a
p k a t i t o a n
a g a y a t n n i
p a k n g p g g s
g p i a a m n m
n a h i n g a o
i s g l a a g s
g n n a n e i a
a o a d a s n p
n y p a k p g a
g s a p o a p g
n i n a p n a b
a d t m s y n a
i a i s a a o g b
k r m a s b l u a
a t a m n a u n g
l t n g n a p a o
a a i g g n i h n
M a r u t l u k g

_________________________________________________

_________________________________________________

_________________________________________________
Gawain B :
__________________________________________________

__________________________________________________

_________________________________________________

_________________________________________________

D.

41
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

MAGLARO TAYO: Pangkatang-gawain Gamit ang meta cards ng bawat


pangkat isulat ang gampanin na ginawa ng kristiyanismo sa bawat paksa.
Idikit ito sa loob ng puso.

EDUKASYON

RELIHIYON
metacard

metacard

metacard

SINING AT
PANITIKAN

Gawain E. Maglaro tayo ng “Mother Goes to Town”. Maglagay ng iba’t ibang


istasyon sa loob ng silid-aralan . Sa bawat istasyon ay mayroong mga sitwasyon

42
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

. Kuhanin ng pangkat ang sa palagay na sagot sa sinasabi ng sitwasyon at


ilagay sa kahon. Pagnatapos na ang buong pangkat ay sasabihin ng guro ang
mga sagot,habang itinataas naman ng lider ng pangkat ang kinuhang sagot.

Tinuruan ang
mga Pilipino Ang mga
na magsimba babasahin ay
ukol sa
kristiyanismo
Ang paglililok
ay wangis ng
imahe ng mga
santo.
Nagbahagi ng
kaalamang
pang medisina

Mother

Goes to
Town

kasagutan

Relihiyon
Sining at
edukasyon panitikan

Gawain F

43
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Kumuha ng kapareha . Sumulat ng limang pangungusap na nagpapakita


ng impluwensya o naging papel ng simbahan sa kultura at tradisyon ng mga
Pilipino. Isulat ang sagot sa loob ng nakaguhit na simbahan.

1.__________________________________________

2.__________________________________________

3.__________________________________________

4.__________________________________________

5.__________________________________________

Gawain G: Pangkatang Gawain .Talakayin ng bawat pangkat ang naging


impluwensya o papel na ginampanan ng kristiynismo sa kultura at tradisyon
ng mga Pilipino. Iulat sa klase ang nabuong mga ideya . Gawing malikhain ang
pag-uulat (maiksing skit, paawit, patula, palarawan )

Gumamit ang guro ng rubrics para sa pagmamarka.

3 2 1
Angkop ang Naipakita ng Naipakita ang Hindi naipakita
paksa o ganap ang paksa o tema sa ang paksa sa tula
Nilalaman 3 paksa o tema tula at awit at awit
sa tula at awit
Pagiging Naipakita ang Naipakita ang Hindi ganap ang
malikhain 3 pagiging kaunting pagkamalikhain
malikhain sa pagkamilkhain ng paggawa ng
pagagawa ng sa pagggawa ng tula at awit
tula o awit. tula at awit
Kooperasyon ng Lahat at Karamihan ay Iilan lamang ang
pangkat 3 nakiisa sa nakibahagi sa nakiisa at
paggawa at paggawa at nakitanghal sa
pagtanghal ng pagtanghaal ng tula at awit
tula at awit tula at awit

Gawain H

44
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Sumulat ang mag—aaral ng isang sanaysay na nagpapaliwanag ng


naging gampanin ng kristiyanismo sa kultura at t radisyon ng mga Plipino.
Ang sanaysay ay bubuuin ng 2-3 tala.

SANAYSAY

____________________________________________________________________

RUBRIKS SA PAGSULAT NG SANAYSAY

Deskripsyon Puntos
Nakagawa ng sanaysay na may maganda sulat
,konkretong ideya na nagpapaliwanag ng mabuti sa 5
hinihinging sagot.
Nakagawa ng sanaysay na mayroon katamtamang ideya 4
na nagpapaliwanag sa hinihinging sagot .
Nakagawa ng sanaysay na may konting ideya na 3
nagpapaliwanag sa hinihinging sagot
Nakagawa ng sanaysay na may konting ideya subalit 2
kulang sa paliwanag sa hinihinging sagot.
Nakagawa ng maiksing sanaysay 1
Walang nagawa 0
Total 15

Gawain I. Gumuhit Tayo

45
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Gumuhit ng isang poster ng simbahan na may magagandang disenyo.

RUBRIKS SA PAGGAWA NG POSTER

Deskripsyon Puntos

1. Naipakita ang lahat ng ugnayan at konsepto 4-5


sa ginawang poster .

2. Maliwanag at angkop ang mensahe sa poster. 2-3

3. Orihinal ang ideya sa paggawa ng pster . 1-2

TANDAAN: 46

Ang kristiyanismo ay may malaking gampaning papel o


impluwensya sa pagbabago ng kultura at tradisyon ng sinaunang
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Natutuhan ko

Isulat ang TAMA sa patlang kung ang pangungusap ay nagsasaad ng wasto


at MALI kung ito naman ay nagsasaad ng di wastong pahayag.

__________1. Hiwalay ang pamahalaan at simbahan noong panahon ng Kastila


__________2. Nagtayo ng mga paaralan ang mga misyonero na layong
palawakin ang kaalaman,kasanayan at kagalingan ng mga Pilipino.
__________3. Diaryong Tagalago ang pangunahing babasahin noong panahon
ng Kastila
__________4. Si Juan de Vera ang naging unang tagalimbag.
__________5. Sa panahon ng sinaunang Pilipino bago ang Kastila unang
naipatayo ang mga paaralang Unibersidad ng Sto Tomas at San Juan de Letran
__________6. Tinuruan ng mga misyonero ang sinaunang Pilipino na paunlarin
ang kasanayan sa pagpipinta
__________7. Kasama sa panitikan ang kasanayan sa pagsasaka at arkitektura.
__________8. Maraming gawaing panrelihiyon ng mga Kastila ang hanggang
ngayon ay makikita sa kultura ng Pilipino
__________9. Si Padre Juan Sorilla ang may-ambag sa sun dial na nagbibigay
ng oras sa maghapon tulad ng mga pangkaraniwang orasan.
__________10. Sa Cabanatuan City makikita ang organong kawayan ng
simbahan na likha ni Padre Diego Cerra na isang Relato
.

ARALIN 4 CODE AP5KPK IIId-e-4


4

PAGBABAGO SA LIPUNAN SA ILALIM NG PAMAHALAANG


KOLONYAL

47
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Sa nakaraang aralin , nasuri mo ang ginawang pag aangkop ng mga


Pilipino sa ipinakilalang kultura ng mga Espanyol. Naunawaan mo rin kung
paano nabago ang lipunan ng sinaunang Pilipino batay sa kulturang dala ng
banyaga.

Sa araling ito, matututunan mo naman ang mga pagbabagong


pampulitika at ekonomiya na ipinatupad ng kolonyal na pamahalaan.
Mahalagang malaman at matukoy kung paano nagbago ang pamahalaan
upang maunawaan natin ang pinagmulan ng sitwasyon ng pamahalaan sa
kasalukuyang panahon.

Sa araling ito, inaasahang

Masuri ang mga pagbabagong pampulitikal at ekonomiya na


ipinatupad ng kolonyal na pamahalaan.

ALAMIN MO

Ano ano ang mga pagbabagong pampulitika at ekonomiya ang


naranasan ng bansa sa pamahalaang kolonyal? Makatarungan ba ang mga
pagbabagong ito .?

Batid natin na ang pamahalaan ay tumatalakay sa pulitikal na sistema


at ito ay mayroong mahalagang gampanin sa ating lipunan. Sa panahon natin
ngayon, binibigyang pagpapahalaga ang pampulitikal na aspeto ng bawat
mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng malayang pagboto para sa
mapipiling mga pinuno ng ating bansa.

48
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Bilang mag-aaral, mahalagang mamulat ang kaisipan at lubos na


maunawaan ang kasaysayan at pagbabago sa ating pamahalaang pampulitika
at pang ekonomiya upang mas higit namaunawaan natin ang ating bansa.

PAGBABAGO SA PANAHONG KOLONYAL


BY : Czarina I. Junio

Maraming nagbago sa ating lipunan


Sa pagdating ng mga kastila sa sinta nating bayan
Dati ang namamahala ay datu at sultan
Sultanato at Barangay uri ng pamahalaan

Ngunit sa pagdating ng kolonyal


Pagbabagong Pampulital ay nagsilang
Pamahalaang Sentral at Pamahalaang Lokal
Di ba’t kawangis ng pamahalaan sa kasalukuyan

Ang pamahalaang sentral, namahala sa buong kapulungan


Ito’y ehekutibong sangay ng ating pamahalaan
Gobernador-Heneral ang pinakamataas na pinuno
Ang hari ng Espanya siyang kinatawang totoo

Ang pamahalaang Lokal na umusbong mula sa encomienda


Ay ikalawang antas ng pamamahala
Bahagi ng tungkulin ay pangongolekta ng buwis
At pangangalaga sa encomienda at mamamayan nito.

Nagbago din naman ang mukha ng ekonomiya


Ang simpleng pakikipagkala’y naging pandaigdigan
Monopolyo sa tabako binuksan ng Espanya
Upang resolbahin ,problema sa pananalapi

Mga daungan ,nagbukas ng oportunidad


Pakikipag-ugnayan sa ibang bansa dito pinaunlad
Kalakalang Galyon dala’y produktong yaman
Binago ang mukha ng ekonomiya ng bansa.

PAGBABAGONG PULITIKAL
Sa panahon ng kolonyal nabago rin ang sistema ng pamamahalang
pulitikal sa bansa mula sa pamamahala ng sinaunang Pilipino-pamahalaang
barangay at sultanato ito ay napalitan ng pamahalaang sentral at pamahalaang

49
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

lokal. Batid ng mga Espanyol na mahalaga ang isang maayos na sistema ng


pamamahala sa ikatatagumpay ng kanilang layunin sa Pilipinas.

Sa mga kapuluan na lumaki at umunlad nagtatag ng


pamahalaang lungsod- o ayumiento. Pinamunuan ang bawat ayumiento ng
alcalde,konsehal regidores,hep eng Pulisya . Upang maging magaan ang
pamamahala sa Pilipinas itinatag ng mga kastila ang pamahalang lokal
matapos mabuwag ang encomienda.Binuwag ang encomienda noong 1574
dahilan sa mga katiwalian

PAGBABAGONG PANG-EKONOMIYA
INDUSTRIYA

Sinikap ng mga Kastila na mapabuti ang mga gawaing agrikultural sa


Pilipinas. . Batid nilang mapapabuti ang kalagayang pangkabuhayan kayat
sinikap nila na pakialaman at pangasiwaan ang ating industriya. Nais ng mga
kastilang dumami ang produktong pansakahan . May mga produktong
ipinadala sa Pilipinas katulad ng atswete, kape, repolyo,kakaw ,kasoy,mais a
iba pa.

Upang makasiguro ang mga kastila sa patuloy na pagtustos ng mga


produktong sakahan may dekri na ipinahayag at ipinatupad tungkol sa
pagtatanim tungko sa pagtatanim ng trigo noong 1612,ang niyog at abaka
noong 1642,at ng kakaw,saging at paminta noong 1759. May mga lugar din na
itinakda para sa maramihang produksyon ng mga produkto, gaya ng niyog sa
Laguna at Tayabas, asukal sa Negros , tabako sa Isabella,kape sa Batangas at
lubid sa Camarines.

Sinikap din ng mga kastila na makapagpadala ng ilang industriya sa


ating bansa.Kabilang sa industrial na dinala rito ay paggawa ng kandila,
paggawa ng alak, paggawa ng sabon ,paggawa ng sutla,paggawa ng resin at
maging ang pagtitina.

PANGANGALAKAL
Maraming mga mamamayang Pilipino ang umasa sa kalakal subalit di
umunlad na gaano ang gawaing ito dahilan sa paghihigpit ng pangasiwaang
Kastila at ng mga nakatiwalian sa Kalakalang Galyon. Bagamat maraming
sagabal ay nagbigaydaan pa rin ang kalakalan upang makalahok ang Pilipinas
sa kalakalang pandaigdigan. Nagsimula ito noong 1789 subalit noon lamang
1834masasabing tuluyang nang nabuksan ang Maynila para sa kalakalang
pandaigdig sa pamamagitan ng dekri na royal. Simula noon nagtatag na rin

50
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

ang mga dayuhang bahay kalakalan. Paano’y sumigla na ang pagluluwas at


pag-aangkat ng mga produkto sa labas ng Pilipinas. Ang mga daungan sa
Zamboaga, Pangasinan at Iloilo ay binuksan rin noong 1885. Sa panahong ito
15 dayuhang kalakalan ang naitatag sa bansa.Noong 1860 ay binuksan ang
daungan sa Cebu at noong 1873 sa Tacloban at Legaspi naman ang binuksa.

Si Jose Basco
Sa lahat ng gobernador-heneral na namahala sa Pilipinas tanging si Jose
Basco ang bumalangkas ng isang patakarang pangkabuhayan na nakatuon sa
pagsasariling pang-ekonomiya ng Pilipinas. Binigyang pansin niya ang
pagpapaunlad ng pagsasaka

Sa kanyang pamumuno ay itinatag niya ang Sociedad Economica de


Los Amigos del Pais para sa pagpapatupad ng kaniyang programang
pangkabuhayan.

Bahagi ng programang ito ay ang mga sumusunod:

1. Pagluluwas ng indigo sa Europa.


2. Pagsagot sa pag-aaral ng ilang Pilipino
3. Pagkakaloob ng gantimpala at premyo sa mga imbentor
4. At pag –aangkat ng mga makabagong kagamitan upang
mapaunlad ang pagsasaka.

TRANSPORTASYON AT KOMUNIKASYON
Noong ika-19 na dantaon ay tuluyang lumaganap ang mga gawain ng
pamahalaan sa larangan ng transportasyon at komunikasyon.Sinimulan ang
inpraistraktura ng mga tulay at daan (1830-1840). Itinayo ang tren bilang
transportasyon noong 1891 kung saan nagsimula itong magbiyahe mula sa
Dagupan hanggang Maynila.

Lumitaw rin ang sasakyang tramvia na hinihila ng kabayo noong 1894.


Noong 1895 naman ay nagkaroon na ng mga ilaw na di-kuryente ang mga tao.
Di lang sumigla ang sasakyang panlupa, sumigla din ang mga sasakyang
pandagat tulad ng Magallanes, El Cano, at Reina del Castilla.

Sa simula ang pagtunog ng batingaw ang pangunahing


tagapagpalaganap ng balita subalit noong 1767 ay nagkaroon na ng koreo ang
ating bansa at koreo ng ibang bansa noong 1837. Ang buwang hatiran ng sulat
ay nagsimula noong 1873. Samantalang ang unang telepono ay nasimulang
gamitin noong 1890.

51
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

PAGBABANGKO
Ang kauna-unahang bangko sa Pilipinas ay itinatag ni Francisco
Rodriguez noong 1830 a. Sa panahon naman ng panunungkulan ni Gobernador
Heneral Antonio de Urbistondo natatag noong 1851 ang Banco EspaṄol
Filipino na kilala sa kasalukuyan na Bank of the Philippine Islands.Natatag din
sa bansa ang Charted Bank of China noong 1973 at ang Hongkong and
Shanghai Banking Corporation noong 1876. May natatag din na bangkong
Kastila noong 1882 na kilala na Monte de Piedad. Natatag din ang Obras Pias
noong 1841 na nagpautang sa mga mangangalakal ang karamihan ay lumahok
sa kalakalang galyon.

Sagutin natin:

1. Paano nakatulong ang mga Kastila sa Pilipinas sa larangan ng


agrikultura?
2. Ano anong mga industriya ang dinala ng mga Kastila sa Pilipinas.
3. Ano ang pulitikal na pamahalaan sa panahon ng kolonyal?
4. Ano ang layunin ng Sociedad Economica de Los Amigos del
Pais?
5. Nabago ba ang pulitikal na pamamahala ng sinaunang Pilipino
sa panahon ng kolonyal?
6. Paano mo ilalarawan ang ekonomiya na ipinatupad sa kolonyal
na pamahalaan?
7. Paano naapektuhan ang bansa ng mga pagbabagong ito?
8. Nakatulong ba ang mga pagbabagong ito sa pag unlad ng bansa

Gawain A.
Punan ang tsart ng hinihinging impormasyon. Isulat ang sagot sa
notbuk.

52
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

PAGBABAGONG PAGBABAGONG PANG


PAMPULITIKAL EKONOMIYA

GAWAIN B

Lumikha tayo . Gumuhit ng angkop na larawan sa loob ng kahon na


naglalarawan sa papel ng kristiyanismo sa pagbabagong pulitikal at
pang ekonomiya ng bansa.

SINAUNANG PAMAHALAAN PAMAHALAANG KOLONYAL

GAWAIN C. Punan ang graphic organizer ng mga pagbabagong


pampulitikal at pang-ekonomiya.

53
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Pagbabagong

pampulitikal

Pagbabagong

Pang ekonomiya

Gawain D:
Bumuo ng isang tula na maglalarawan ng pagbabagong pulitikal at
ekonomiya sa panahong kolonyal

___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________ 54
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Gawain E. Pagtambalin ang kolumn A sa Kolumn B.Isulat sa patlang ang letra


ng sagot.
A B
__1.Sistema ng Sinaunang Pamahalaan a. 1890
__2. Tawag sa pakikipagpalitan ng b. Kalakalang Galyon
Produkto sa ibang lugar c.Goberndor-Heneral Basco
___3. Sasakyang hinihila ng kabayo d. Francisco Rodriguez
___4. Taong kung kalian
Unang bangko sa Pilipinas e. Tramvia
___5 Gobernador Heneral na bumuo f. Banco EspaṄol Filipino
Ng patakarang pangkabuhayan g. kalakalan
___6. Nagtatag ng kauna unahang h.1891
Bangko sa Pilipinas i. 1837
___7. Taon kung kalian itinayo ang tren j. barangay
___8.Tawag sa kalakalan na nagsimula k. 1830
noong 1739
___9 Bancong natatag sa panahon ng panunungkulan
ni Gobernador Urbistondo
___10. Taon kung kailan unang ginamit ang telepono
Sa Pilipinas
Gawain F. Ilagay sa loob ng basket ang mga produktong kinakalak natin sa
labas ng bansa at ilagay naman sa kahon ang mga produktong inaangkat natin
mula sa ibang bansa.

gasolina Porcelana na
saging
palay mga plato
55
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

mais
Imported
Bag na chocolates Mga seda
imported

TANDAAN:

Pulitikal-Nabago ang sistema ng pamahalaan mula sa


pamahalaang barangay at Sultanato ay naging pamahalaang
sentral at lokal.

Ekonomiya- nabago ang paraan ng pamumuhay sa paraan ng

pakikipagkalakalan, hanapbuhay,tranportasyon

at komunikasyon

NATUTUHAN KO

Gawin ang sumusunod:

56
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

1. Kopyahin ang bituin sa papel . Isulat sa loob ng bituin ang mga


pagbabagong naganap sa panahon ng kolonyal .
2. Ilagay sa kahon ang bituin kung ito ay pang ekonomiya o pang politikal
3. Sumulat ng isang pangungusap na nagpapaliwanag kung ano ang naging
dulot ng pagbabago sa kasalukuyang panahon.

PANG-EKONOMIYA PANG PULITIKAL

ARALIN 4.1
CODE AP5KPK IIId-e-4

57
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

PAGBABAGO SA LIPUNAN SA ILALIM NG PAMAHALAANG


KOLONYAL

Sa nakaraang aralin ,nasuri nating ang pagbabagong pampulitika at


ekonomiya na ipinatupad ng kolonyal na pamahalaan.

Ngayon naman ay paghahambingin natin ang istuktura ng


pamahalaan kolonyal sa uri ng pamamahala ng mga sinaunang Pilipino.

ALAMIN MO

1. Saan nagkatulad o nagkaiba ng pamamahala ang pamahalaang


kolonyal at sinaunang pamahalaan?

Sa iyong palagay, anong pamamahala ang naging mas epektibo?Bakit?

Sa mga nakaraang aralin natutunan natin ang uri ng pamahalaan ng


sinaunang Pilipino at ito ay mayroong dalawang uri-pamahalaan barangay at
sultanato.

Datu ang pinuno ng pamahalaan ng sinaunang Pilipino. Siya rin ang may
malawak na kapangyarihan . Siya ang tagagawa ng batas ,tagapagpatupad
nito at tagahatol sa mga lumabag sa batas. Mayroon ding dalawang uri ng
batas sa barangay- ang hindi nakasulat at ang nakasulat. Ang batas na
nakasulat ay batay sa mga kaugalian ,tradisyon at paniniwala ng mga tao.
Ang nakasulat na batas ay ginagawa ng datu sa tulong ng lupon na
matatandang tagapayo. Upang maipahayag ang mga batas , ibinabalita ito ng
umalohokan o tagapagbalita . Ang paghahatol o paglilitis ay dumaraan sa
pampublikong paglilitis.

Kabilang sa mga patakaran ng pamahalaang barangay ang pakikipag-


ugnayan sa ibang barangay. Ginagawa ang pakikipag-ugnayan upang
maiwasan ang digmaan at hindi pagkakaunawaan.Isa rin sa layunin ng
ugnayan ay ang pagtatatag ng sistemang kalakalan sa mga barangay . Ang
pagkakasundo ay pinagtitibay ng seremonyang sanduguan na tinatawag na
kasi-kasi kung saan ipinapatak ang dugo sa inuming alak.

58
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Sa sistemang sultanato naman, ay sistemang ipinakilala ng mga muslim


sa bansa. Ito ay sistema ng pamamahala na ang pinuno ay sumasakop sa isang
malawak na teritoryo. Sultan ang pinuno ng pamahalaang sultanato.
Ginagamit na gabay sa pamamahala ang Islam at ang iba’t ibang paniniwalang
kaugnay sa tradisyon ng mga Muslim tulad ng Batas Sharia.

May mga tagapayo rin ang sultan .Ang mga piling datu ang mga
kagawad ng lupon ng mga tagapayo niya . Katulong sila ng sultan sa
pagpaplano, pagpapasya, at paggawa ng mga batas.

Samantalang ang pamahalaang kolonyal ay nahati naman sa dalawang


uri ng pamahalaan – pamahalaang sentral at pamahalaang lokal.

Sa pamahalaang sentral ang naging kinatawan ng hari ng Espanya sa


pamumuno ay ang Gobernador –Heneral. Ang Gobernador-Heneral ay
maaring palitan kung napatunayang nagkulang sa pagtupad ng tungkulin.
Ang Gobernador –Heneral ang tagapagpatupad ng mga batas na galing sa
Espanya. Subalit binigyan din ng cumplase na nagbibigay sa kanya ng
karapatan na di ipatupad o ipagpaliban ang pagpapatupad ng mga batas.
Ang naging tagalitis ng mga kaso na kriminal sa pamahalaang kolonyal ay ang
Royal Audiencia.

Dahil sa lawak ng kapulungan,ay itinatag din ang pamahalaang lokal


bilang ikalawang antas ng pamahaan. Bahagi ng tungkulin ng pamahalaang
lokal ang pangongolekta ng buwis.

Nang binuwag ang encomendero ay pinalitan ito ng iba’t ibang sangay


ng lokal na pamahalaan. Kabilang sa sangay na ito ang alcaldia,
corregimiento,pueblo ,ciudad at barangay.

Sagutin:

1. Ano ang pagkakaiba ng pamahalaan ng sinaunang Pilipino sa


pamahalaang kolonyal?
2.Sa inyong palagay , ano ang mas mainam na uri ng pamahalaan?
Ang pamahalaang ng sinaunang Pilipino o ang pamahalaang kolonyal.
2. Nakaapekto ba ang pagbabagong naganap sa uri ng pamahalaan
sa pagbabagong panlipunan?

GAWAIN A. Paghambingin ang pamahalaan ng sinaunang Pilipino sa


pamahalaag kolonya . Gamit ang Venn Diagram

59
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Pamahalaan ng
Pamahalaang
Sinaunang Pilipino Pamahalaang
Ng
_ P Kolonyal
Sinaunang Pilipino A
M
A
H
A
L
A
A
N

Gawain B

Iguhit ang istraktura ng Pamahalaan ng sinaunang Pilipino at Pamahalaang


kolonyal. Ipaliwanag ang iginuhit .

Larawan

Gawain C.

Pangkatin ang klase . Bawat pangkat ay bubuong isang “role playing” na


nagpapakita ng sitwasyonng pamahalaanng kolonyal at pamahalaan ng
sinaunang Pilipino. Pagkatapos ng presentasyon pabuuin ng isang reaksyon
o paghahambing ang mag-aaral base sa napanood na presentasyon.

60
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Rubriks Para sa Role Playing

Kraytirya Lubhang kasiya- Kasiya-siya Hindi Kasiya-siya


siya 2 puntos 1 puntos
5puntos
Script Ipinakikita ng Mahusay ang Hindi gaanong
buong husay ang pagpapakita ng malinaw ang script
pagkakagawa ng script sa role o role playing .
skit playing / skit
subalit may
kaunting kalituhan.
.
Partisipasyon / Kasama lahat ng Kasama ang lahat Mayroong mga
Teamwork kasapi / pangkat sa ng kasap subalit kasapi ng pangkat
skit may akunting na hindi nagpakita
kalituhan ang ng pagganap.
pagganap.
Pagganap at Mahusay na Hindi masyadong Hindi mahusay
pagpapakita na paglalarawan ng mahusay ang ang paglalarawan
may tamang pagkakaunawa sa paglalarawan ng ng pagkakaunawa
diwa at sitwasyon pagkakaunawa sa sa sitwasyon .
pagkakaunawa sitwasyon.
Gawain D

Hatiian sa dalawang pangkat ang klase . Ihanda ang mag-aaral sa


paksang pag-aaralan . Sabihing magkakaroon ng DEBATE kung ano ang mas
mainam na istraktura ng pamahalaan “noong panahong ng sinaunang
pamahalaan-barangay at sultanato o panahon ng pamahalaangkolonyal ,ang
pamahalaang sentral at lokal.

TANDAAN :

Noon pa man ay may maayos na sistema na ng pamamahala ang sinaunang


Pilipino . Ang pamamahala ay pinamunuan ng maharlikang angkan. Pamahalaang
Barangay , Pamahalaang Sultanato ang dalawang uri ng pamahalaan. Ang datu o sultan
ang may pinakamataas na kapangyarihan , siya rin ang nagpapatupad ng batas .
Tungkulin ng datu o sultan na bumuo ng mga batas, plano at pagpapasya na ipapatupad
sa tulong ng matanda tagapayo.
61
Ang pamamahala naman ng panahon ng kolonya ay nabatay sa paraan ng
pamamahala ng Espanya.Gobernador-Heneral ang may pinakamataas na katungkulan
bilang kinatawan ng Hari ng Espanya.
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

NATUTUNAN KO:

Isulat ang TAMA sa patlang kung ang pangungusap ay nagsasaad ng wasto


at MALI kung ito naman ay nagsasaad ng di wastong pahayag.

_______1. Datu ang pinakamataas na kapangyarihan sa pamahalaan noong


panahon ng kolonyal.
_______2. Ang kinatawan ng hari ng Espanya ay ang Gobernadorcillo.
_______3. Ipinagbabawal ang pakikipag-ugnayan sa ibang barangay ng
sinaunang pamamahala
_______4. Ang cumplase ay nagbibigay ng karapatan sa Gobernador
Heneral na di ipatupad o ipagpaliban ang pagpapatupad ng mga
batas kung sa kanyang palagay ay hindi pa ito kailangan.
_______5 Ang Royal Audiencia ang nagsilbing tagalitis sa panahon ng
kolonyalismo
_______6.Bahagi ng tungkulin ng pamahalaan sa panahon ng kolonyalismo
ang pagbabayad ng buwis.
_______7.Ang sistemang sultanato ay sistema ng pamahalaan na ipinakilala
ng mga kastila
_______8. Ang Datu ang siyang tagagawa ng batas ,tagapagpatupad nito at
tagahatol sa mga lumabag sa batas.
_______9. Ang batas na nakasulat sa pamahalaang barangay ay batay sa mga
kaugalian ,tradisyon at paniniwala ng mga tao.
________10. Ang pamahalaang lokal ay ang ikalawang antas ng pamahalaan
sa panahon ng sinaunang Pilipino.

ARALIN 4.2 CODE AP5KPK IIId-e-4

PAGBABAGO SA LIPUNAN SA ILALIM NG PAMAHALAANG


KOLONYAL

62
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Isa sa madalas tamaan ng pagbabago ay ang ekonomiya ng isang bansa.


Sa panaho natin ngayon, madalas nating natutunghayan ang mabilis na
pagbabago sa estado ng ekonomiya, ang pagbaba at pagtaas ng ating piso
laban sa dolyar ay naglalarawan ng ating ekonomiya

Sa ating lungsod ng Cabanatuan , nakikita natin ang patuloy na paglago


ng ekonomiya. Ang pagtatayo ng mga negosyo na nagbibigay hanapbuhay sa
ating mga kababayan ay nagsasaad ng pag-unlad sa kabuhayan .

Napaghambing natin sa nakaraang aralin ang pamahalaang kolonyal at


sinaunang pamahalaan. Dahil dito naunawaan natin ang pagbabago sa sistema
ng pamamahala na naganap sa ating bayan. Ngayon naman ay
paghahambingin natin ang sistema ng kalakalan ng sinaunang Pilipino at sa
panahon ng kolonyalismo.

Bilang msg-aaral mahalaga na malaman mo kung paano isinagawa ang


pakikipagkalakan sa dalawang magkaibang panahon. Ito ang magmumulat
upang maunawaan mo an gating kasaysayang pang –ekonomiya

Sa araling ngayon inaasahang:


Maipaghambing ang sistema ng kalakalan ng mga sinaunang
Pilipino at sa panahong kolonyalismo.

ALAMIM MO
Paano ang sistema ng
pakikipagkalakalan ng
sinaunang Pilipino?ang
sistema ng kalakalan ng
panahon ng
kolonyalismo?

PAGHAHAMBING SA SISTEMA NG PAKIKIPAGKALAKALAN


SISTEMANG BARTER NG SINAUNANG PILIPINO

Ginamit ng sinaunang Pilipino ang sistemang “BARTER” Sa


pakikipagkalakalan sa kalapit na bansa.Ang sistemang barter ay ang palitan ng

63
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

produkto o paninda na hindi ginagamitan ng salapi o pera. Masasabing ito ay


pagpapalitan ng produkto sa produktong kasinghalaga sa salapi.

Upang matugunan ang pangangailangan ng mga sinaunang Pilipino ay


nakipagpalitan sila ng kalakal sa ibang bansa. Hindi pera o salapi ang ginamit
nila sa pamimili bagkus ay ang produkto ng bansa.

Kung ang Pilipinas ay sagana sa mga isda ,ipagpapalit natin ito sa


produkto ng ibang bansa na walang sukliang pera na nagaganap. Tinawag din
ang sistemang ito na kambyo, kamkalatse at tuwayan.

Nakatulong sa sistemang barter ang sagana at yaman ng bansa sa likas


na yaman. Ang mga produktong prutas, mga alagang hayop , isda ay ipinalit
nila sa mga porcelana kasangkapan mula sa tsina, mga tela , pamauti at iba

Sa kasalukuyan nagaganap pa rin sa ibang pagkakataon ang sistemang


barter.

Ang pakikipagkalakalan ng sinaunang Pilipino ang isa sa dahilang kung


bakit nagkaroon ng impluwensya sa ating kultura at tradisyon ang mga
dayuhan bago pa man pumasok ang panahon ng kolonyalismo.

PAKIKIPAGKALAKALAN SA PANAHON NG KOLONYALISMO


Naging masigla ang kalakalan sa panahon ng kolonyalismo dahil sa
pag-unlad ng mga tranposrtasyong pandagat.
Nakilala ang kalakalang sa panahong ng kolonyalismo sa dalawang
pangalan –kalakalang galyon dahil ginamit na sasakyang pandagat ang mga
galyon sa pagdadala ng mga kalakal at tinawag din itong kalakalang Maynila-
Acapulco dahil mula sa Maynila patungong Acapulco , Mexico ang direksiyon
ng produkto.
Dahilan sa pagbubukas ng kalakalang galyon ay nagkaroon ng tiyak na
mapagkukunan ng pondo ang pamahalaan at simbahan –at ito ay mula sa
kinikita ng kalakalang galyon.
Ang mga produktong galing China katulad ng seda ay nag karoon ng
halaga sa pagdating nito sa Acapulco ,doon ipinagbibili ang produkto sa mas
higit na mataas na halaga. Mula sa Acapulco ,babalik ang galyon lulan naman
ang mga produktong galing sa bansang Kanluranin.

64
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Masasabing mas lumawak ang pakikipagkalakan ng Pilipinas sa ibang


bansa sa panahon ng kolonyalismo.
Sagutin:

1. Ipaliwanag kung ano ang sistemang barter?


2. Paano naiba ang sistemang barter sa sistemang ginamit sa
pakikipagkalakalan sa panahon ng kolonyalismo?
3. Ano ang nagtulak sa mga Pilipino upang makipagkalakalan?
4. Bukod sa pagkakaroon ng ibang kalakal mula sa ibang bansa, ano
pa ang naidulot ng kalakalan sa pamumuhay ng tao

Gawain A:

Ipaliwanag ang sistema ng kalakalan na ginamit ng sinaunang Pilipino at


sistema ng kalakalan sa panahon ng kolonyal.

SISTEMA NG KALAKALAN

SISTEMANG BARTER KALAKALANG GALYON

__________________________________ ______________________________
__________________________________ ______________________________
__________________________________ ______________________________
__________________________________ ______________________________
__________________________________ ______________________________
__________________________________ ______________________________
__________________________________ ______________________________
__________________________________ ______________________________
__________________________________ ______________________________
________________________________ ______________________________
______________________________
__________________________________ _____________________________
__________________________________
__________________________________ ______________________________
__________________________________ ______________________________
_________________________________ ______________________________
______________________________
__________________________________ ______________________________
__________________________________ ___________________
GAWAIN B:
__________________________________
__________________________________ ______________________________
Paghambingin ang sistema ng kalakalan
_________________________________ ng sinaunang Pilipino sa
______________________________
______________________________
sistema ng kalakalan ng panahon ng kolonyal. Gamitin ang VENN DIAGRAM
sa paghahambing. Saan nagkatulad at saan ______________________________
din nagkaiba?
______________________________
___________________
Sistema sa kalakalan ng Sistema ng kalakalan sa 65
sinaunang Pilipino panahon ng
kolonyalismo
_____________________
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Sistema
Ng
kalakalan

Gawain C.

Gumawa ng isang komiks script na mayroong sitwasyon na nagpapakita ng


sistema ng kalakalan ng sinaunang Pilipino at sistema ng kalakalan ng
kolonyalismo.

KOMIK SCRIPT

____________________

Gawain D: Pangkating ang mag-aaral .Ibigay ang paksa “ ano ang sistema ng
kalakalan noong panahon ng sinaunang Pilipino at ang sistema ng kalakalan
sa panahong kolonyal.” Bigyan ng panahon upang makapagsaliksik .
Maaring gamitin ang Library o ang mag-interview . Ipalista ang mga datos

66
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

na nalikom. Sa susunod na pagkikita ay iuulat ng bawat pangkat ang


kanilang nasaliksik.

PAGSASALIKSIK

Gagamitin ng guro ang kanyang rubrics para sa pagmamarka.

TANDAAN :

Ang barter ay sistema kung saan ang mga produkto ay


ipinapalit sa ibang produkto upang matugunan ang pangangailangan
.

Ang kalakalang galyon ay pakikipagkalakalan sa ibang bansa


kung saan ang mga produkto ay dala ng sasakyang pandagat na
mga galyon.

NATUTUNAN KO

Isulat kung TAMA o MALI ang isinasaad ng mga sumusunod na


pangungusap.

67
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

1. Ang pakikipagkalakalan ng kalakal o produkto sa ibang bansa ay


sistemang barter.
2. Walang sistema ang kalakalan noong panahon ng sinaunang
Pilipino.
3. Sa pagpasok ng panahon ng kolonyalismo, nabuksan din ang
kalakalang galyon.
2. Lumawak ang kalakalan ng bansa sa panahon ng kolonyalismo
3. Umikot na sa sirkulo ang salapi sa skistemang barter
4. Ang malayang kalakalan ay lalong nagpahirap sa mga Pilipino
sapagkat maraming tagapamuno o opisyales ang nagpabaya sa
katungkulan sa hangaring mas mapalawak ang kani-kaniyang kita sa
kalakalang galyon.
5. Ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa ng sinaunang Pilipino ay
hindi nakaimpluwensya sa pamumuhay ng mga tao.
6. Porcelana at mga tela ang ginamit na pamalit ng mga Pilipino sa
sistemang barter.
7. Nagdulot ng masaganang pamumuhay ang kalakalan ng
panahon ng kolonyalismo
8. Gumamit na ng salapi o reales sa panahon ng kolonyalismo sa
pakikipagkalakalan.
9. Ang sistema ng kalakalan ng sinaunang Pilipino ay tinatawag na
Balangay
10. Naging maunlad ang kalakalan noong panahon ng kolonyalismo
ng maging maayos ang transportasyong panghimpapawid.
Code: AP5KPK-IIId-e-4
ARALIN 4.3

68
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

PAGBABAGONG KULTURAL sa PAMAHALAANG KOLONYAL ng


mga ESPANYOL

PANIMULA

Hindi maikakaila na sa pananakop ng mga dayuhan ay mayroong mga


pagbabagong naganap sa Pilipinas na kung saaan ang mga Pilipino ay
nakatuklas ng mga bagong kultura , at nag-iwan ng malaking pagbabago sa
lipunan .Marami ang nangyari sa nakalipas na panahon , sa ilalim ng
kolonyalismong Espanyol ay nagkaroon ng pagbabago sa larangang
pampolitika , pangkabuhayan , panlipunan , at pangkultura .
Bago pa dumating ang mga Espanyol ay mayroon ng sariling paraan ng
pamamahala ang bansang Pilipinas. Ngunit ang kanilang pagdating ay nag-
iwan ng malaking bahagi sa ating kasaysayan at ito ay ang pagbabago sa
paraan ng pamamahala .
Bilang mag-aaral sa kasalukuyang panahon, marahil ay hindi pa bukas
ang isipan na mayroon nang naiambag ang mga dayuhang bansa , lalo’t higit
ang mga Espanyol.
Sa araling ito ay tatalakayin ang mga epekto ng mga pagbabago sa
pamamahala ng mga Espanyol sa mga sinaunang Pilipino.

Inaasahang :
 Matatalakay ang epekto ng mga pagbabago sa pamamahala ng mga
Espanyol sa mga sinaunang Pilipino .

ALAMIN MO

Sa iyong sariling
pananaw paano
Ito kaya ay mo mailalarawan
Ano-ano ang mayroong mabuti ang naging
epekto ng mga at hindi mabuting pamamahla ng
pagbabago sa epekto . ? Espanyol .
Ang mga pagbabago
pamamahala ng na naganap sa ilalim ng pamamahala ng Espanyol
ay mayroong
mga Espanyolngsapositibo o mabuting epekto at negatibo o hindi mabuting
epekto sa mga
mga sinaunangsinaunang Pilipino .
Pilipino ?
69
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

A. Pagbabagong Pulitikal

 Tagapagpaganap at ehukitibo at ang hukuman at hudisyal . Walang


tagapagbatas o lehislatibo .
 Inalisan nila ng kapangyarihan ang mga datu ng hari ng Espanya at
kanyang kinatawan ay namamahala o nangangasiwa sa atin.
 Pantay ang kapangyarihan ng Pamahalaan at Simbahan .

Mabuting Epekto :
- Napabilis ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo at ang
kapangyarihan ng simbahan .
- Naging mabilis ang pagsasagawa ng mga proyektong
pampamahalaan at pangsimbahan .

Hindi –Mabuting Epekto :


- Nagbunga ng inggitan at sapawan sa kapangyarihan .
-
 Pagtatatag ng Pamahalaang Sentralisado na pumalit sa dating sistema
ng pamamahala ng mga sinaunang Pilipino
 Tuluyang nasakop ang Pilipinas
 Pinamunuan ng mga dayuhan ang Pilipinas

B. Pagbabago sa Kultura
1. Pamilya – Sama –samang nagsisimba tuwing araw ng lingo.
Nagdarasal ng rosary at orasyon sa tuwing ika -6:00 ng
hapon.

2. Kababaihan – Dapat ay nasa loob lamang ng bahay o paaralan.


Ang mga dalaga ay kailangan maging mahinhin sa kilos
o pananalita gaya ng isang birhen.
3. Nagkaroon ng ibat-ibang pagsasadula , naging tanyag ang sining at
panitikan , musika at sayaw .

Hindi- Mabuting Epekto :


Nagkaroon ng mga bisyo ang mga sinaunang Pilipino , tulad ng
Sabong ng manok .

C. Pagbabagong Panlipunan
- Hindi maaaring mahalal ang mga karaniwang tao . Ang
kapangyarihan ay hawak ng mga ESpanyol.

70
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

A. Edukasyon
-Ang mga tinuturo ay Kristiyanismo , wastong paguugali ,
moralidad , heograpiya , wikang espanyol
-Ang naging dahilan ng pagsibol at paglinang ng nasyonalismo na
naging sanhi ng pagkilos at pagtutol laban sa patakarang
kolonyalismo .

B. Relihiyon
-Lumaganap ang Kristiyanismo
-Naging palasimba ang mga tao.

MGA DI MABUTING EPEKTO NG ESPANYOL SA SINAUNANG PILIPINO


 Nawala ang kalayaan , katarungan at karapatang pantao .
Naging panakot ang relihiyon upang pasunurin ang mga Pilipino sa
kanilang maibigan .
 Dahil sa hindi makatarungang pagtuturo at higit na pagbibigay diin sa
relihiyon , napigil ang pagpapaunlad ng agham at teknolohiya .
 Mas tinangkilik ng mga Pilipno ang imported na gamit dahil sa
kaisipang kolokyal.
 Pinaglayo ang antas ng pamumuhay.Kung saan iba ang aralin ng mga
anak ng Espanyol kumpara sa mga mahihirap . Nang lumaon , nang di
matiis ng mga katutubo ang pang-aabuso sa hindi makatarungang
pamamahala ng mga Espanyol , nagsagawa sila ng pagkilos upang
tutulan ang pagmamalabis ng mga dayuhan .
 Naging abusado ang pinuno ng Espanyol sa katagalan ng kanilang
pamamahala sa Pilipinas
 May pagkakataon din na naging hindi patas ang sistema ng hukuman
lalo na sa mga pagpapasya. Inuuna ang kapakinabangan ng kastila
kasya Pilipino

Hindi naging madali ang naranasan ng mga sinaunang Pilipino sa


pagpunta ng mga Espanyol sa bansang Pilipinas . .Batid ng Espanyol na
mahalaga ang sistema ng pamamahala ng Pilipinas upang higit na maging
epektibo ang kanilang pananakop . Isa sa binigyang priyoridad ng mga
Espanyol ay ang pagbabago at ang pagsasaayos ng pamahalaan sa ibat-
ibang lugar sa Pilipinas .

Upang maging mas madali na impluwensiyahan ng Espanyol ang


pamamahala , ay hinati nila ang antas ng pamahalaan na kanilang itinatag. Ito
ay ang pamahalaang sentral at lokal. Sa ginawang ito tuluyang nabago ang
paraan ng pamamahala ng sinaunang Pilipino na nagdulot ng epekto sa
pamumuhay ng mga Pilipino.
Sagutin:

71
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

1. Ano - ano ang mga pagbabagong naganap sa panahon ng mga


Espanyol at ang naging sepekto nito sa pamamahala ng mga
sinaunang Pilipino ?
2. Paano maihahalintulad ang paraan ng pamamahala ng Espanyol
noon at sa pamamahala sa kasalukuyang panahon.
3. Paano naapektuhan ng pamamahalang kolonyal ang mga sinaunang
Pilipino ?

GAWAIN A: Itala sa cluster map ang naging epekto ng pagbabago sa


pamamahala ng Espanyol sa sinaunang Pilipino .

Pulitikal Lipunan

1.__________________________ 1.__________________________

2.__________________________ 2.__________________________

Relihiyon EPEKTO Kultura


NG
PAGBABAGO
SA
PAMAMAHALA
1.______________________ 1.______________________
NG
2.______________________ ESPANYOL 2.______________________

Pamahalaang Kultura
Sentralisado

1.__________________________ 1.__________________________
GAWAIN B: Punan ang diyagram ng sa ibaba ng mabuti at hindi-mabuting
2.__________________________ 2.__________________________
epekto ng pagbabago sa pamamahala ng Espanyol batay sa iyong napag-
aralan .

72
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

MABUTI HINDI -MABUTI

1. ________________
________________ 1. ________________
_ ________________
__
2. ________________
________________ 2. ________________
________________ Epekto ng ________________
___ ________________
Pamamahala ___
3. ________________ ng Espanyol
________________ 3. ________________
________________ Opinyon sa ________________
___ Epekto ng ________________
Espanyol ___
4. ________________
________________ 4. ________________
________________ ________________
______ ______

________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
GAWAIN C. ___

Gamit ang Concept Binning : Isulat ang mahahalagang pagbabago sa


pamamahala ng Espanyol sa loob ng hugis .

73
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

PAGBABAGO

SA PAMAMAHALA
NG ESPANYOL

GAWAIN D:

PANGKATANG GAWAIN: Ilarawan ang sitwasyong kinakaharap ng bansa sa


ilalim ng pamamahala ng Espanyol kaugnay ang epekto nito . Gamitin ang
malikhaing paglalarawan .
Pangkat I :Ilarawan ang sitwasyon sa pamamagitan ng tula o awit .
Pangkat II : Ilarawan ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagguhit o poster .
Pangkat III : Ilarawan ang sitwasyon sa pamamagitan ng broadcasting script .
Pangkat IV: Ilarawan ang sitwasyon sa pamamagitan ng maikling skit .

RUBRIK SA PAGTATAYA NG SKIT/ROLE PLAYING

74
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Kraytirya Lubhang kasiya- Kasiya-siya Hindi Kasiya-siya


siya 2 puntos 1 puntos
5puntos
Script Ipinakikita ng Mahusay ang Hindi gaanong
buong husay ang pagpapakita ng malinaw ang script
pagkakagawa ng script sa role o role playing .
skit playing / skit
subalit may
kaunting kalituhan.
.
Partisipasyon / Kasama lahat ng Kasama ang lahat Mayroong mga
Teamwork kasapi / pangkat sa ng kasap subalit kasapi ng pangkat
skit may akunting na hindi nagpakita
kalituhan ang ng pagganap.
pagganap.
Pagganap at Mahusay na Hindi masyadong Hindi mahusay
pagpapakita na paglalarawan ng mahusay ang ang paglalarawan
may tamang pagkakaunawa sa paglalarawan ng ng pagkakaunawa
diwa at sitwasyon pagkakaunawa sa sa sitwasyon .
pagkakaunawa sitwasyon.
RUBRIK SA PAGTATAYA sa BROADCASTING

Pamantayan Magaling Katamtamang Nangangailangan ng


(5-4) galing ibayong pagsasanay
(3-2) (1)
Pagbigkas ng Malinaw at Hindi gaanong Hindi malinaw at
dayalogo angkop ang malinaw at angkop nagkop ang diyalogo
diyalogo ang diyalogo
Kilos ng katawan Angkop at Hindi gaanong Hindi angkop at
at ekspresyon mahusay ang mga angkop at mahusay mahusay ang mga
kilos ang mga kilos kilos

Pagpapahayag Maayos na Hindi gaanong Hindi maayos na


ng mensahe at naipahayag ang maayos na naipahayag ang
impormasyon mensahe naipahayag ang mensahe
mensahe
Nagpapakita ng Lubos na napakita Hindi gaanong Hindi napakita ang
angkop na ang angkop na naipakita ang angkop na katauhan
katauhan katauhan angkop na katauhan

RUBRIK SA PAGTATAYA NG POSTER

75
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Deskripsyon Puntos
1. Naipakita ang lahat ng ugnayan at konsepto 4-5
sa ginawang poster .
2. Maliwanag at angkop ang mensahe sa poster. 2-3
3. Orihinal ang ideya sa paggawa ng pster . 1-2

TANDAAN

Nagkaroon ng ibat-ibang pagbabago sa pamamahala ng mga


Espanyol sa Pilipinas at naapektuhan ang mga sinaunang Pilipino . Sa
pamamahala ng Espanyol ay mayroong mga mabuti at hindi mabuting
epekto sa ating mga sinaunang Pilipino . Inilunsad nila ang mga
bagong pamamahala sa pulitika , lipunan, pamahalaang sentralisado,
sa relihiyon , kultura at edukasyon . Maraming mga Pilipino ang
nakinabang sa mga pagbabagong ito sa pamahalaan ngunit ito rin ay
naging dahilang upang ang mga Pilipino ay napasakamay ng mga
Espanyol .

NATUTUHAN MO

76
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

A. Lagyan ng / ( tsek ) kung ang pahayag ay nagsasaad ng mabuting


dulot ng pagbabago sa pamamahala ng mga Espanyol sa mga
sinaunang Pilipino at ( X) ekis kung hindi .
Isulat ang sagot sa notebook .
_________1. Lumaganap ang kristiyanismo sa bansa.
_________2. Nawala ang kalayaan at katarungang pantao.
_________3. Lumawak ang kultura ng mga Pilipino dahil sa pagpasok ng
dayuhan.
_________4. Naging sentralisado ang pamamahal sa bansa.
_________5. Ipinatupad ang mga kautusan mula sa hari ng Espanya.

B. Gumawa ng malikhaing scrapbook /o photoalbum na nagpapakita ng


mga pagbabago sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol at isulat ang
mga naging epekto nito sa ating bansa sa kasalukuyang panahon.

Scrapbook / photo album

RUBRIK SA PAGGAWA NG SCRAPTBOOK

77
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Deskripsyon Puntos
Nakagawa ng scrapt book na may 5
maganda, malinis , may ideya at
naipaliwanag ng mabuti ang
hinihinging sagot .
Nakagawa ng scraptbook na 4
maganda , malinis at naipaliwanag
ang hinihinging sagot .
Nakagawa ng scraptbook na malinis 3
at naipaliwanag ang hinihinging
sagot .
Nakagawa ng scraptbook na malinis . 2
Nakagawa ng scraptbook 1
Walang nagawa 0
Kabuuan 15

78
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

ARALIN 5 Code: AP5KPK-IIIF-5

PAGBABAGONG KULTURAL sa PAMAHALAANG KOLONYAL ng


mga ESPANYOL

Panimula :

Sa nakaraang aralin ay inyong napag-aralan ang mga pagbabago sa


ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol at ang mga epekto na iniwanan sa
sa sinaunang Pilipino .Hindi maikakaila na sa pagdating ng mga Espanyol ay
nagkaroon ng malaking pagbabago sa paraan ng pamumuhay ng mga
Pilipino.

Sa aralin ito ay tatalakayin ang mga epekto ng kolonyalismo sa lipunan.


Inaasahan na :

 Makapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto ng


kolonyalismo sa lipunan ng sinaunang Pilipino.

: ALAMIN MO

Ano ang epekto ng kolonyalismo sa ating bansa ?

Sa iyong pananaw , paano mo mailalarawan ang


naging epekto ng kolonyalismo nuon at ngayon.

Basahin ang maikling kwento upang malinawan ang naging epekto ng


kolonyalismo sa lipunan ng sinaunang Pilipino .

“Noong unang panahon ang mga tao ay nakatira sa kweba kung saan
payak at simple ang naging takbo ng pamumuhay.Subalit sa paglipas ng
panahon unti-unting nagkaroon ng pagbabago sa pamamaraan ng
pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Nagsimula ang pagpasok ng
kabihasnan sa buhay ng mga sinaunang Pilipino kung saan nagkaroon ng

79
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

sistemang tinatawag na BARANGAY . Ito ang pinaniniwalaang gawi at


sistema ng pamamahala sa Pilipinas noon bago pa pumasok ang kolonyalismo.
Noon pa man mayroong sariling gawi at kultura ang ating mga ninuno.
Ngunit dumating ang panahon ng pananakop o kolonisasyon kung saan
naging kolonyal ng Espanya ang Pilipinas. Nagbago ang lahat ng
nakagawiaan ng ating mga ninuno dulot ng impluwensya ng dayuhan.
Namuhay ang mga Pilipino sa pamamahala ng Espanyol sa sariling lupain.
Unti-unting niyakap ng mga sinaunang Pilipino ang ibang kultura kasama na
ang pagbabago sa paraan ng pananampalataya. . Naging sandata ng mga
Espanyol ang pananampalataya upang tuluyang sakupin o maipasailalim ang
sinaunang Pilipino sa ibang bansa.

Sagutin :

1. An0 –ano ang mga epekto ng kolonyalismo sa bansa ?


2. Ano ang tawag sistema ng pamahalaan ng bansang Pilipinas bago
dumating ang mga Espanyol ?
3. Ano ang relihiyong dala ng Espanyol ?
4. Paano nagkaroong ng epekto ang kolonyalismo Espanyol sa
pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino ?

GAWAIN A.

Sumulat ng isang sanaysay ukol sa sariling pananaw tungkol sa naging epekto


ng kolonyalismo sa lipunan ng sinaunang Pilipino .

GAWAIN B.

80
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng epekto ng kolonyalismo sa


lipunan ng sinaunang Pilipino .

GAWAIN C.

Pangkatang Gawain

Magkaroon ng talakayang ang mga bata sa pamamagitan ng “ DEBATE “ na


sumasagot sa “ OO “ kung nakabuti ang kolonyalismo sa ating lipunan ,
at “ HINDI “ hindi nakabuti ang kolonyalismo sa ating lipunan. Ang bata ay
bubunot ng isang pirasong papel na nakasulat kung ano ang kanilang pag-
uusapan sa talakayan .

DEBATE TIME

OO , nakabuti ang Hindi , nakabuti


kolonyalismo sa VS ang kolonyalismo
lipunan. sa lipunan ..

TANDAAN

81
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Bago pa dumating ang kolonyalismo ang bansang


Pilipinas ay mayroon nang sarili kultura , paniwala, at sistema ng
pamahalaan . Nang dumating ang mga mananakop at mga
dayuhan ang lahat ng kinagisnan ng mga sinaunang Pilipino ay
napalita ayon sa pamahalaan ay sisteman ng Espanyol .
Nagkaroon ng mabuti at hindi mabuting epekto ang
kolonyalismo dala sa ating bansa .

NATUTUHAN MO

Gamit ang punong ito , mag-isip ng mga epekto ng kolonyalismo sa


panahon ngayon. Isulat ang mga naisip sa metacard at idikit sa bunga ng
puno .

Code: AP5KPK-IIIg-i-6
ARALIN 6

82
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

. PAGPUPUNYAGI NG KATUTUBONG PANGKAT NA


MAPANATILI ANG KALAYAAN sa KOLONYAL na
PANANAKOP

PANIMULA

Sa nakalipas na aralin ay natutunan ang mga epekto ng


kolonyalismong Espanyol sa ating lipunan Natuklasan natin ang mga
mabuti at hindi mabuting epekto ng pagdating ng Espanyol .

Sa aralin ngayon , ay ating tutuklasin ang mga Pilipino na hindi


nasakop ng mga Espanyol . Mayroon mga pangkat na matapang na hinarap
ang pang-aalipin ng mga Espanyol .

Inaasahan sa araling ito :

 Maipapaliwanag ang di matagumpay na pananakop sa mga


katutubong pangkat ng kolonyalismong Espanyol

ALAMIN MO

83

Ano – ano ang mga


DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Paano napagtagumpayan ng mga


katutubong pangkat ang
kolonyalismong Espanyol ?

Ang mga Espanyol ay ninais na masakop ang lahat ng lugar sa bansa


upang maipaliwanag ang Kristiyanismo sa mga Pilipino. Pinag-aralan ng mga
misyonero ang mga Katutubong wika sa Pilipinas upang mas mapabilis ang
pakikipag –ugnayan nila sa katutubong Pilipino. Bininyagan din nila ang mga
katutubo-sanggol man ito o matanda upang mga maging ganap na Kristiyano.
Bagama’t nabinyagan, may ilang Pilipinong pinanatili ang ilang aspekto ng
kanilang katututbong paniniwala. Halimbawa na lang ang paniniwalang
paninirahan ang kalikasan ng mga anito at diwata.

Buo rin ang naging suporta ng pamahalaang kolonyal sa


pagpapalaganap ng mga misyonero ng Kristiyanismo. Mabigat ang parusang
ipinataw sa sino mang Pilipinong nanumbalik sa katutubong
pananampalataya matapos na mabinyaganbilang Kristiyano. Pinarurusahan
din ang pagsasagawa ng mga gawaing panrelihiyon na taliwas sa itinuro ng
mga Espaῇol.

Samantala, sa pamamagitan ng reduccion, o paglipat ng tirahan ng mga


Pilipino sa kabayanan, nilayon ng mga Espaῇol nagawing Kristiyano ang mga
Pilipino. Sa patakarang ito, naging sentro ng mga kabayanan ang plaza.
Madaling natipon ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapatunog ng
kampana. Dagdag pa rito, ginamit din ang pagiging bago at kakaiba ng mga
ritwal at seremonyang Kristiyanismo upang mahikayat ang mga Pilipinong
maging Kristiyano tulad nalang ng makukulay na prosisyon at mararanyang
kasuotan tuwing may kapistahan.

May ilang katutubong tumangging magpasailalim sa Kristiyanismo.


Kinilala sila bilang remontados (mga namundok muli), ladrones monteses

84
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

(magnanakaw sa kabundukan), cimarrones (Cimarron-mailap o marahas) at


tulisanes (bandido). Hindi rin lumaganap ang Kristiyanismo sa mga Muslim sa
katimugan ng Pilipinas at sa mga Igorot ng Cordillera.

Samantala, ang paggamit ng espada ay tumutukoy sa paggamit ng mga


Espaῇol ng puwersa at lakas-militar upang mapasailalim sa kanilang
kapangyarihan ang mga Pilipino.

Nagsimulang magtatag ng mga pamayanang Espanyol si Miguel Lopez


de Legaspi sa Cebu noong ika-27 ng Abril 1565. Ito ay matapos ang labanan sa
pagitan ng pangkat ni Legaspi at ng mga Cebuano. Nabigo ang mga Cebuano
dahil higit na makabago ang mga sandata ng mga Espanyol.

Sunod na nagtayo ng pamayanan si Legaspi sa Panay noong 1569.


Sinundan ito ng pagtatatag ng pamayanan sa Masbate, Ticao, Burias, Mindoro,
Mamburao, at Albay.

Matapos ito, naghanda si Legazpi upang sakupin ang Maynila. Itinalaga


niya si Martin de Goiti bilang pinuno ng puwersang Espaῇol sa Maynila.

Noong una ay magiliw ang pagtanggap nina Raja Sulayman at Raja


Matanda sa mga Espanyol sa paniniwalang kapayapaan at pakikipagkaibigan
ang layunin ng mga Espaῇol sa Pilipinas. Sa huli ay nauwi ang kanilang
pakikipagkaibigan sa labanan na pinagtagumpayan ng mga Espaῇol noong
Mayo 19, 1571. Dahil ditto, tuluyan nang napasailalim ang Maynila sa
pamamahala ng mga Espanyol.

Sa ganitong paraan gumamit ang mga Espaῇol ng puwersa sa


pananakop ng Pilipino.

Ngunit ang mga katutubong pangkat ay hindi nagpasakop sa mga


layunin na inihain ng mga Espanyol . Mayroong mga pangkat na hinadlangan
ang panlulupig ng mga dayuhan. Sila ay nakipaglaban sa hangarin na matalo
ang mga Espanyol . Buong tapang nilang hinarap ang mga ito . Ang mga
pankat na matapang na humadlang sa mga Espanyol ay ang mga Igorot na
matatagpuan sa Hilagang Luzon at ang mga Muslim sa Mindanao.

Kailanma’y hindi nasakop ng mga Espanyol ang ilang mga Pilipinong


naninirahan sa mga bulubundukin ng Luzon na kabilang sa mga tribu at
pangkat-etniko. Sila ay hindi naging Kristiyano. Nanatili ang kanilang sariling
kultura at wika dahil hindi sila naimpluwensyahan ng mga Espaῇol. Kabilang
sa mga pangkat-etnikong ito ang mga Apayao, Tinggian, Kalinga, Bontoc,
Ifugao, Kankanai at Ibaloy. Sila ay matatagpuan sa rehiyon na bulubundukin
at sa mga lalawigan ng Hilagang Luzon tulad ng Abra, Cagayan at Nueva Ecija.

Ang mga Aeta na nasa kabundukan ng Zambales, Sierra Madre, Panay


at Negros ay hindi rin naimpluwensiyahan ng mga Espaῇol at ng

85
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Kristiyanismo. Kahit wala silang mga makabagong armas, magiting nilang


naitaboy ang mga mananakop dahil kabisado nila ang pasikut-sikot sa
kabundukan .

Sagutin :

1. Ano – ano ang mga katutubong pangkat na hindi nagpasakop sa mga


Espanyol ?
2. Bakit hindi nagawang sakupin ng mga Espanyol ang mga katutubong
pangkat ng mga Pilipino ?
3. Bakit ninais ng mga Espanyol na mapalaganap ang Kristiyanismo sa
mga bulubunduking lugar ?
4. Kung kayo ay nasa panahong iyon, magpapasakop ba kayo?
Ipaliwanag ang sagot.

Gawain A.

Sagutin ang mga sumusunod . Ipaliwanag ang buong diwa ng konsepto ng


mga sumusunod na salita .

____________________________________

Miguel Lopez D, Leagspi ____________________________________

_____________________________________
Cebu _____________________________________

_____________________________________
Igorot _____________________________________

____________________________________
Pangkat –Etniko ____________________________________

________________________________________
Kristiyanismo
86
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

_______________________________________

GAWAIN B:

1. Sa iyong palagay , bakit hindi nagtagumpay ang mga Espanyol sa


pananakop sa mga katutubong pangkat ?

2. Ibigay ang katangiang ipinamalas ng ilang mga pangkat katutubo


upang hindi magtagumpay ang mga Espanyol ?

GAWAIN C .

Pangkatang Gawain

Maglaro Tayo : Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng metacard na kung saan ay


kanilang isusulat ang mga katutubong pangkat na hindi nagpasakop sa mga
Espanyol. Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa tatlong grupo , at unaunahang
isulat ang mga katutubong pangkat at ididikit sa larawan . Sa naidikit na meta
cards ay pumili ng isang pangkat na ipapaliwanag ang kadahilan kung bakit
hindi ito nagpasakop sa Espanyol.

Apayao

Tinggian
Kankanai

Kalinga
Ibaloy
Ifugao

Aeta
TANDAAN

Maraming naging balakid sa pagsakop ng mga Espanyol sa bansa


. Hindi sila nagtagumpay na sakupin ang ilang mga Pilipinong pangkat 87
katutubo na nagpamalas ng tapang at hangaring ipagtanggol ang
kanilang relihiyon . Ang mga pangkat katutubo na nasa bulubundukin ay
hindi napasailalim ng mga Espanyol kahit wala silang matitibay na armas
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

NATUTUHAN MO

Kung sakaling mayroon na gustong umalipin at sumakop sa ating bansa ,


gagawin mo ?

Ano-ano ang katangian ng mga pangkat katutubo na gusto mo tularan?


Bakit? Ipaliwanag ng iyong sagot .
_____________________________________________________________________

Magsaliksik tungkol sa mga iba pang pangkat katutubo na hindi


nagpasakop sa mga Espanyol nuon . Humanda sa pag-uulat bukas .

ARALIN 6.1 Code: AP5KPK-IIIg-i6

PAGPUPUNYAGI NG KATUTUBONG PANGKAT NA MAPANATILI


ANG KALAYAAN sa KOLONYAL na PANANAKOP

88
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

PANIMULA

Sa nakaraang aralin ay nabatid mo na hindi lahat ng mga Pilipino ay


nasakop ng mga Espanyol . Mayroong mga ilang katutubong pangkat na
nagpakita ng tapang na hadlangan ang pananakop ng mga Espanyol .

Sa araling ito ay tatalakayin ang mga paraan ng pananakop ng mga Espanyol.

Sa araling ito ay inaasahan na ;

 Nasusuri ang mga paraang armado ng pananakop ng mga Espanyol .

ALAMIN MO

Paano kaya naangkin ng mga


Espanyol ang pilipinas ?

Ano –ano ang mga paraan ng mga


Espanyol para masakop ang
Pilipinas?

Sa pagdating ng mga dayuhang Espanyol sa ating bansa, naging magulo


na ang pamumuhay ng mga Pilipino. Ang Espanyol ay mayroong layunin na
sakupin at pamunuan ang Pilipinas. Mayroong dalawang estratehiya sa
pananakop ang mga Espanyol, ang Ebanghelisasyon; na sinasagisag ng krus. Ito
ay isinasagawa sa mapayapang paraan sa pamamagitan ng pagpapalaganap
ng Kristiyanismo sa ating bansa sa paraang Kristiyanisasyon.

Ikalawa ay ang Kolonisasyon; ito ay isinasagisag ng espada. Ito ay


isinasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng lakas-militar. Subalit naging mas
epektibo ang paggamit ng ebanghelisasyon na pinamunuan ng mga prayleng
Espanyol na ginamitan nila ng sandatang krus, rosaryo at dasal. Nabihag
naman nila ang puso ng mga pilipino dahil sa pamamaraang ito. Nagpatupad
sila ng mga patakaran katulad na lamang ng Entrada, Reduccion at Doctrina, na
nagdulot ng matinding transpormasyon sa mga sinaunang pamayanang
Pilipino. Entrada; ito ang unang pagsakop na isinagawa ng mga Espanyol na
ginamitan nila ng puwersang militar. Matapos nito sumunod naman ang mga
paring misyonero at mga pinunong sibilyan naman ang pumasok sa bagong

89
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

sakop na katutubong komunidad. Sila ang nangasiwa sa organisasyong


politikal sa pamamagitan ng reduccion. Samantala, ang mga paring misyonero
naman ang nangasiwa sa pagpapatupad ng doctrina. Sila ang nangangasiwa sa
pabibinyag ng mga katutubong itinurin nilang pagano.

Maliban dito nagpatupad din sila ng "sistemang encomienda" na kung


saan napakaloob ang pagbabayad ng buwis ng mga lalake mula 19 hanggang
60 taong gulang. Nagbunga ito ng matinding paghihirap sa mga Pilipino. Isa
na rin dito ang sapilitang paggawa o "Polo y Servicio Personal ". Ang lahat ng
Pilipino at Mestisong tsinong lalaki mula 16 hanggang 60 taong gulang ay
sapilitang pinaglilingkod sa pamahalaan ng 40 na araw. Dahil dito maraming
pamilyang Pilipino ang nagutom at naghirap. Ang tributo ay hawig din sa
sistemang encomienda subalit labis-labis na sapilitang pagbabayad ng buwis
ang ipinataw ng mga espanyol sa mga Pilipino. Noong 1589, itinaas ito sa 10
reales at noong 1851 sa 12 reales. Noong 1884 tinanggal ang tributo at pinalitan
ng " cedula personal". Ito ay nakabatay sa laki ng kinikita ng isang
manggagawa. Kabilang na rin sa kanilang mga ipinatupad ay ang bandala,
monopolyo ng tabako, at ang kalakalang galleon. Lahat ng ito ay nagdulot ng
matinding paghihirap sa mga Pilipino.

Sagutin nang wasto ang mga tanong:

1. Ano – ano ang mga estratehiya ng mga Espanyol ang ginamit sa


pananakop sa
Pilipinas?
2. Paano naipalaganap ng mga Espaῇol ang Kriatiyanismo sa
Pilipinas?
3. Anong paraang armado ang ginamit ng mga Espanyol upang
sakupin ang Pilipinas ?
4. Papaano nakipaglaban ang mga katutubong Pilipino sa mga
Espanyol ?

GAWIN MO

GAWAIN A : Isulat ang sinisimbulo ng bawat larawan .

90
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

GAWAIN B.

Ipaliwanag ang kahulugan ng simbulo ng larawan na ibinigay sa Gawain A.


Paghambingin ang mga pinagkaiba nito .

GAWAIN C.

Gamit ang CONCEPT MAZE , bilugan ang mga salita na nasa ibaba .
Ipaliwanag ang mga sumusunod na salita .

K A L A K A L A N A T T R
A R A M A D K G E S P A E
N A I B L I E A K A Y O D

91
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

A K D S Y N L L O L U U U
K L G N T O O Y D U I O C
E O E R E I I O T M O Y C
P V A U I M Y U K A A P I
E E T T O K U A E G D L O
A R D O C T R I N A A A N
Y T J K A L S O U I P T K
O G H L T M T K R U S O Y
O H K O E U U Y I U E M U
P K O L O N I S A S Y O N

1. KRISTIYANISMO_____________________________________________

2. ENTRADA_____________________________________________________

3. KRUS_________________________________________________________

4. ESPADA_______________________________________________________

5. DOCTRINA____________________________________________________

6. REDDUCION__________________________________________________

7. KOLONISASYON __________________________________________

GAWAIN D.

Pangkatang Gawain :

Magpakita ng isang maikling dula-dulaan na nagpapakita ng armadong


pananakop ng mga Espanyol . Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa dalawang
pangkat .

TANDAAN

Sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay gumamit sila ng


ibat-ibang paraan . Mayroong dalawang estratehiya ang ginamit ng
mga Espanyol, ang Ebanghelisasyon; na sinasagisag ng krus. Ito ay 92
isinasagawa sa mapayapang paraan sa pamamagitan ng
pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa ating bansa sa paraang
Kristiyanisasyon.
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

NATUTUHAN
MO

Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI kung ito ay
mali .

1. Ang Ebanghelisasyon ay estratehiya ng mga Espanyol na hindi naging


epektibo sa kanilang pananakop.
2. Ang espada at krus ay ang dalawang paraan na ginamit ng Espanyol
upang masakop ang Pilipinas .
3. Ang Espada ay sumisimbulo sa Kristiyanismo .
4. Ang Ebanghelisasyon ay sumisimbulo sa krus .
5. Sa pagdating ng Espanyol ay naging magulo ang pamumuhay ng mga
Pilipino .

ARALIN 6.2 Code: AP5KPK-IIIg-i6

PAGPUPUNYAGI NG KATUTUBONG PANGKAT NA


MAPANATILI
ANG KALAYAAN SA KOLONYA NG PANANAKOP

PANIMULA

93
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Nabatid natin sa nakalipas na aralin na ang mga Espanyol ay gumamit


ng mga estratehiya upang masakop ang bansang Pilipinas .Ang
pamamaraang ebanghelisyon at ang kolonisasyon ay nagdala ng malaking
pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino . Dahil dito ,ay kinailangan ng
mga katutubong Pilipino na magkaroon ng mga reaksyon na sa tingin nila ay
makakatulong sa panahon ng Espanyol

Sa araling ito ay inaasahang :

 Natatalakay ang ibat-ibang reaksyon ng mga katutubong pangkat sa


armadong pananakop .

ALAMIN MO

Ano-ano ang naging reaksiyon


ng mga katutubong Pilipino sa
armandong pananakop ?

Marami ang ginawa ng mga Espanyol sa mga Pilipino na nagdulot ng


pagkalito sa kung ano ang kanilang dapat gawin sa pananakop ng mga
armado. Gayunpaman, ay kinailangang gumawa ng hakbang ang mga Pilipino
para makaiwas sa mga mananakop.

Mayroong tatlong mahahalagang bagay ang ginawa ng mga Pilipino. Ito


ay ang mga sumusunod:

1. Pagtakas o Escape
Dahil sa sobrang pangungulekta ng buwis at paggamit ng mga Espanyol
sa katutubong Pilipino napilitan ang iba sa kanila na iwan ang kanilang
nakalakhang tahanan at magpakalayo tungo sa lugar na hindi abot ang
kapangyarihan ng mga Espanyol. Sila ang iilang nagawang maipanatili
ang tunay na kultura ng mga Pilipino na naging dahilan upang sila’y
maging kakaiba sa paningin ng iba.

2. Pagtanggap o Acceptance

94
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Dahil sa takot sa maaring gawin sa kanila ng mga Espanyol, napilitang


tanggapin ng mga katutubong Pilipino ang lahat ng mga batas at
alituntunin na ipinatutupad ng mga ito. Tinanggap rin nila ang
pwersahang pagseserbisyo, na kilala sa tawag na polo y servicious, kahit
nangangahulugan iyong mawawalay sila sa kanilang pamilya. Tinanggap
rin nila ang kulturang dala ng mga Espanyol: ang pagkakaroon ng mga
piyesta at iba pang magastos na selebrasyon, ang pagbabago ng klase ng
kanilang pananamit, at pagpapalit ng kanilang mga katutubong pangalan
sa mga pangalang hango sa mga salitang Espanyol.

3. Paglaban o Resistance
Nang mamulat ang mga katutubong Pilipino sa masamang sistema ng
pagpapalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas, nagkaroon sila ng lakas ng
loob na kalabanin ang mga ito . Nagsagawa sila ng mga rebolusyon ,
walang takot nilang hinarap ng mga Espanyol kahit alam nilang wala
silang laban dito sa mga kagamitang pandigma na gamit nila .

Sagutin :

1. Ano- ano ang mga naging reaksyon ng mga katutubong Pilipino sa


mga armandong mananakop ?
2. Bakit kinailangan ng mga katutubong Pilipino na piliing tumakas sa
mga armadong Pilipino ?
3. Bakit kinailangan ng mga katutubong Pilipino na tanggapin ang mga
batas at alituntuning na ipinagkaloob ng armadong mananakop?
4. Paano lumaban ang mga katutubong Pilipino sa armadong
mananakop?

GAWIN MO

GAWAIN A. Gamit ang concept mapping, isulat ang mga naging reaksiyon
ng mga katutubong Pilipino sa mga armadong Espanyol .

Pagtanggap
Pagtakas (Escape )
( Acceptance )

Reaksiyon ng mga
katutubong Pilipino sa
armadong mananakop

95
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Paglaban o Resistance

GAWAIN B.

Pangkatang Gawain

Maglaro Tayo : “ Arte Ko , Hulaan Mo “ Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa


dalawang pangkat. Pipili ng isang mag-aaral sa bawat pangkat na siyang
magiging artista ng kanilang grupo . Kukuha ang mag-aaral ng isang
sitwasyon na nakasulat sa metacard at nakalagay sa star. Ang nabunot na
sitwasyon ay iaarte sa harap ng mga kasamahang mag-aaral at silang
manghuhula kung anong reaksyon nabibilang ang ipinakikita nila .

Pagkakaroon ng
digmaan sa pagitan
ng Espanyol at
Pilipino
Pagsusuot ng
mga mamahaling
kasuotan tuwing
mayroong
okasyon , SITWASYON

GAWAIN C.

Ipaliwanag ang mga dahilan kung bakit nagkaroon ng ibat-ibang reaksiyon


ang mga katutubong Pilipino sa armandong mananakop. Isulat ito sa loob ng
kahon .

Reaksiyon ng mga katutubong Dahilan ng pagkakaroon ng


Pilipino sa armandong Espanyol ganitong uri ng Reaksiyon

1. Pagtakas ( Escape )

96
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

2. Pagtanggap o Acceptance

3. Paglaban o resistance

TANDAAN

Sa pananakop ng mga Kastila ay nagkaroon ng ibat-ibang


reaksiyon ang mga katutubong Pilipino . Una , ang ilang mga Pilipino
ay pinili na tumakas sa ilalim ng pamamahala ng Espanyol sa
kadahilanang hindi na nila matiis ang sobrang pangungulekta ng buwis
kaya’t handa silang manirahan kahit sa pinakamalayong lugar ng bansa
. Ikalawa, ang pagtanggap o acceptance sa mga ginagawa ng Espanyol
tulad ng sapilitang pagseserbisyo sa kadahilanang mayroon takot ang
mga Pilipino sa kung ano ang pwede gawin sa kanila ng mga Espanyol
.Ikatlo , ang matapang na paglaban ng mga Pilipino laban sa mga
Espanyol sa kadahilang hindi na matiis ang mga ginagawa ng mga
mananakop na dayuhan .

Ibat-iba man ang naging reaksyon ng mga Pilipino, ito pa rin ay


nagpapakita na gusto nilang magkaroon ng isang malayang bansa .
NATUTUHAN MO

Pumili ng isang reaksiyon sa napag-aralan kung ano ang iyong


gagawin kung ikaw ay isang katutubong Pilipino sa panahon nuon at
mayroong mga armadong mananakop .Ipaliwanag ang napiling reaksiyon .

fil.wikifilipinas.org/index,php Diego Silang


https/www/translate.com/Filipino revolution dagohoy

97
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

ARALIN 6.3 Code: AP5KPK-IIIg-i6

PAGPUPUNYAGI NG KATUTUBONG PANGKAT NA MAPANATILI ANG


KALAYAAN SA KOLOYAL NA PANANAKOP

PANIMULA

Sa ginawang kolonisasyon ng mga Espanyol ang mga Pilipino ay


nawalan ng karapatang mamuhay ng normal bilang mga Pilipino.Ayon sa
kasaysayan ng ating bansa, tumutol ang marami sa ating mga ninuno sa
pananakop ng mga Espaῇol. Malaking hirap, pagmamalupit at pang-aabuso
ang dinanas ng mga Pilipino noon kaya nag-alsa sila.

Tutunghayan natin ngayon ang unang mga pag-aalsa ng mga


katutubong Pilipino laban sa mga Kastila.

98
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Sa aralin ngayon inaasahang :

Natatalakay ang mga isinagawang rebelyon ng mga katutubong


pangkat.

ALAMIN MO

1. Sino sino ang mga rebelyong nakipaglaban sa mga Espanyol?


2. Ano ano ang layunin ng kanilang pakikipaglaban sa mga Espanyol?

Sa loob ng tatlong dantaong pamamahala ng mga kastila sa Pilipinas ang mga


Pilipino ay nagsagawa ng mahigit na 100 pag-aalsa upang ang nawalang
kalayaan nila’y muling mabawi. Pinatunayan ng mga Pilipino na handa silang
mamatay alang-alang sa kalayaan at katarungan.Lahat ng mga naunang pag-
aalsa ‘y nabigo sapagkat kulang ng pagkakaisa at malakas na liderato ang mga
Pilipino.
MGA PAG-AALSA NG MGA PILIPINO LABAN SA ESPANYA
ANG PAG-AALSA NI LAKAN DULA AT SULAYMAN (1574)
Sina Lakan Dula at Sulayman ang mga huling hari ng Maynila at Tondo.
Nakipagkasundo sila kay Miguel Lopez de Legaspi para sa kapayapaan ng
kanilang kaharian. Sa kabilang dakjo , si Legaspi naman’y tumupad sa
kanyang pangakong kikilalanin ang kanilang minanang lupa at
pinagkalooban pa sila ng mga pribilehiyo,kabilang na ang eksemsyon sa
pagbabayad ng buwis at sapilitang paggawa.

Subalit nabagoang sitwasyon nang mamatay si Legaspi at humalili sa


Gobernador Guido de Lavezares. Naging maoang alipin at mapang abuso si
Gobernador Lavezares , at dahil dito ay nagalit sina Lakandula at Sulayman
Habang sinasalakay ng mga Intsik sa pamumuno niLimahong ang Maynila
noong Disyembre1574, kinausap naman ni Lakan Dula at Sulayman ang
kanilang mga tauhan at nagpahayag ng pag-aalsa laban sa pamamahala ng
mga Kastila.

Sinugo ni Lavezares sina Padre Geronimo Martin at k Kapitan Juan


de Salcedo ,upang humukin sumuko ang dalawang hari. Sumuko sina Lankan
Dula at Sulayman nang tiyakin sa kanilang igagalang ang kanilang mga
karapatan sampu ng kanilang nasasakupan . Tumulong sina LakanDula at
Sulayman kasama ang kanilang mga tauhan sa pagtataboy kay Limahong at
ng kanyang mga mandirigma.

UNANG PAG-AALSA SA PAMPANGA (1585)

99
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Nag-alsa ang mga Pampangueno bilang protesta sa mga pang-aabuso at


mga encomendero. Binalak nila ang lihim na pagpasok sa Maynila at pagpatay
sa mga Kastila sa tulong ng mga taga – Borneo.

Sa kasamaang palad ,ang lihim ay nalaman ng isang katutubong babae


na asawa ng isang Kastilang sundalo.Sinabi niya ang kanyang nalalaman sa
mga pinuno ng Kastila kung kaya hindi natuloy ang binalak na pag-aalsa
dahil hinuli at pinarusahan ang mga pinuno nito.

ANG PAG-AALSA NI MAGAL SALAMAT (1587-1588)

Si Magat Salamat ay ang magiting na anak ni Lakan Dula. Nagbalak


siya ng isang pag-aalsa sa layuning maibalik ang kalayaan at paghahari sa
kanilang nasasakupan na tinatamasa ng kanilang mga ninuno. Kabilang sa
nagbalak sa pag-aalsang ito sa Tondo sina Agustin de Legazpi ,pamangkin ni
Lakan-Dula , Martin Pangan pinuno ng Tondo; Juan Bassi pinuno ng Taguig
; Pedro Balinguit pinuno ng Pandacan: Dionisio Capolo pinuno ng Candaba ,
Omaghicon pinuno ng Navotas at Felipe Salonga pinuno ng Polo.

Sa maingat na pagpaplano ni Salamat nabuo ang kanyang puwersa.


Nakamit niya ang suporta ng mga katutubo ng Cuyo, Calamianes at mga taga
Borneo. Tinulungan siya ni Dionisio Fernandez ,isang Kristiyanong Hapones
na naninirahan sa Maynila upang makapag-ugnayan si Juan Gayo ,isang
mangangalakal at kapitan ng isang barkong Hapones . Sumang ayon si Gayo
na bigyan ng armas at mandirigmang Hapones sina Salamat. Ang lihim na
pag-aalsa ay isiniwalat ni Antonio Surabao isang taga-Cuyo na
pinagkatiwalaan ni Salamat , kay Kapitan Pedro Sarmiento ,isang Kastilang
sundalong encomendero. Agad niyang ipinabatid it okay Gobernador Santiago
de Vera sa Maynila noong Oktubre 26, 1588.

Kung kaya bago pa naisagawa ni Salamat ang kanyang balak ay


napigilan na ito ng mga Kastila. Dinakipsi Salamat kasama ang kanyang mga
kasabwat at pinarusahan ng kamatayan.
ANG PAG-AALSA NI MAGALAT (1596)

Dalawang magkapatid ang nagsulsol sa mga taga-Cagayan na mag-alsa


laban sa Espanya sa panahon ng panunungkulan ni Gobernador Francisco
Tello. Si Magalat ay isa sa magkapatid na ito. Ang pag-aalsa ay hindi natuloy
at ang magkapatid ay ipinatapon sa Maynila. Pinahintulutan silang bumalik sa
Cagayan dahil sa pakiusap ng isang misyonerong Dominikano. Ngunit
pagdating sa Cagayan ,muling sinulsulan ni Magalat ang mga taga-Cagayan
na mag-alsa. Kaya muli itong hinuli at napatay sa kanyang tahanan ng mga

100
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

inupahang mga katutubong salarin ng mga kastila. Natigil ang pag-aalsa dahil
sa kanyang pagkamatay.

ANG PAG-AALSA NG MGA IGOROT (1601)

Noong Nobeyembre 1601 ,ang mga Igorot ay nag-alsa dahil sa pamimilit


ng mga Kastilang gawin silang Kristiyano. Upang sansalain ang pag-aalsa
isang ekspedisyon sa pamumuno ni Kapitan Mateo de Aranda ang ipinadala
ni Gobernador Francisco Tello. Si Padre Esteban Marin ,isang misyonerong
Agustino at kapelyan ng ekspedisyon ang laka loob na nagtungo sa kuta ng
mga rebelled at pinakiusapan silang sumuko nanng mapayapa.Sa halip na
dinggin , piñata ng mga Igorot ang misyonero. Dahil sa pangyayaring ito
sumalakay si Kapitan Aranda sa kuta ng mga Igorot. At doon natalo niya ang
mga Igorot.
ANG REBELYON NG GADDANG (1621)
Dahil sa pagmamalabis ng mga Espaῇol,
pinamunuan nina Felipe Catabay at Gabriel Tayag ang
paghimaksik ng mga Gaddang sa Cagayan Valley.
Pinakiusapan sila ng Dominikong paring si Pedro de
Santo Tomas na itigil na ang labanan. Dahil sa
mahusay magsalita ang pari, nakinig sila at sumuko.

ANG REBELYON NINA BANCAO AT TAMBLOT (1621 – 1622)


Ang pag-aalsa sa Bohol ay pinamunuan ni
Tamblot. Sa Leyte, ito ay pinamunuan ni Bancao.
Nagpadala ang pamahalaan ng mga sundalong
Espaῇol at sundalong Pilipino galling Cebu upang
supilin ang rebelyon.
Tamblot
ANG REBELYON NI SUMUROY (1649 – 1650)

Pinamunuan ni Francisco Maniago ang


rebelyon ng mga Kapangpangan. Nagrebelde sila noong
Oktubre 1660 dahil sa nais nilang maging malaya.
Tinutulan nila ang sapilitang pagtatrabaho. Hinarangan
nila ang mga ilog para mapigilan ang pagdadala ng mga

101
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

pagkain patungong Maynila upang magutom ang mga Espaῇol. Nahikayat ni


Maniago ang mga taga Panggasinan at Ilocos na sumama sa kanya.
ANG REBELYON NI MALONG (1660 – 1661)

Si Andres Malong ay naakit sa panawagan ni


Maniago na mag-alsa laban sa kalupitan ng mga
Espaῇol. Nag-alsa ang mga mamamayan ng
Linggayen, Panggasinan noong Disyembre 15, 1660.
Lumaganap ang pagbabangon at nakisama rin ang
mga taga-ibang bayan sa kilusan nila. Pinatay ng mga
Pilipino ang gobernador at ibang malulupit na
Espaῇol. Nagpadala si Malong ng mga mensahero sa iba’t ibang lalawigan para
hikayatin ang mga tao at makiisa sa kanila. Nanghina ang kanilang hukbo at
nasukol sila ng mga Espaῇol sa bayan ng Binatongan (Lungsod ng San Carlos).
Nabihag si Malong ng mga Espaῇol at ipinapatay.
ANG PAG-AALSA NI TAPAR (1663)

Isang babaylan si Tapar. Itinatag niya sa Oton,


Panay ang isang bagong relihiyon na parang binagong
anyo ng Kristiyanismo noong 1663. Tinutulan ng paring
Espaῇol ang kilusang pangrelihiyon. Sumugod ang mga
tropa ng pamahalaan at nahuli si Tapar. Binitay siya
kasama ng iba pa niyang mga kaibigan. Itinali ang
kanilang labi sa poste upang makita ng mga taong
bayan at hindi pamarisan.
ANG REBELYONG SILANG (1762 – 1763)
Si Diego Silang ay ikinulong ng mga Espaῇol dahil nagpetisyon siya na
alisin ang pagpapataw ng buwis sa mga Pilipino. Nagtatag siya ng sariling
pamahalaan sa Vigan at nakipag-ugnayan sa mga Ingles upang makayanan
ang pakikipaglaban sa mga Espaῇol. Pinadalhan siya ng mga sandata ng mga
ito. Nagsimula ang rebelyon noong Disyembre 14, 1762 sa Vigan. Nang siya ay
namatay noong Mayo 28, 1763, ipinagpatuloy naman ng kanyang asawa, si
Maria Josefa Gabriela ang pakikipaglaban.
ANG REBELYON NI DAGOHOY (1744 – 1829)

102
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Pinamunuan ni Francisco Dagohoy ang


pinakamatagal na rebelyon sa kasaysayan ng
Pilipinas. Nagsimula ang pag-aalsa ni Dagohoy nang
tanggihan ng kura paroko na bigyan ng
Kristiyanismong libing ang kanyang kapatid na
yumao. Pinatay niya ang pari at hinikayat ang mga
mamamayan ng Bohol na bumangon at lumaban sa
mga Espaῇol. Namundok sila at nagtatag ng isang
malayang pamahalaan sa kabundukan.
ANG REBELYON NI HERMANO PULE (1840 – 1841)

Si Apolinario de la Cruz ang namuno sa


rebelyong panrelihiyon ng mga Tagalog noong 1840 –
1841. Kilala siya sa tawag na Hermano Pule. Pangarap
niyang maging banal na misyonero o ministro ng Diyos
kaya’t nagtungo siya sa Maynila upang pumasok sa
isang orden. Nag-aral siya at nagtatag ng isang
relihiyosong kapatiran na tinawag niyang Confradia de
San Jose. Marami ang sumapi sa kanyang itinatag na samahan ngunit ito ay
ipinagbawal ng mga oipsyal ng simbahan. Tinugis siya ng mga ito at itinuring
na rebelde kayat lumaban siya ng ulo sa bayan ng Tayabas (sa Quezon). Ang
pugot na ulo ay itinusok sa poste upang maging babala sa mga tao.

Sagutin Mo

1. Ano ano ang mga naging dahilan ng pagrerebelde ng mga


katutubong Pilipino laban sa mga Espanyol?
2. Paano ang ginawang pagrerebelde ng mga katutubong Pilipino
laban sa mga Espanyol?
3. Ano ang naging dulot ng pagrerelbe ng mga Pilipino sa
tinatamasang kalayaan ng mga Pilipino sa kasalukuyan?

GAWIN MO
103
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Gawain A.

Isulat sa loob ng bilog kung sino sino ang mga katutubong rebelde na
nakipaglaban sa mga Espanyol.

MGA
REBELDENG
KATUTUBO

Gawain B.
Isulat sa loob ng kahon ang dahilan ng pag-aalsa ng mga rebelde.

Mga Rebeldeng Pilipino

GAWAIN C:

Iguhit ang kung tama at naman kung mali.

_______ 1. Pananahimik kung naapi


_______ 2. Pagtatanggol sa karapatan
_______ 3. Pangtatanggol sa kapuwa
_______ 4. Pagsali sa away para idulog ang hinaing
_______ 5. Pag-iwas sa gulo

Gawain D
Pangkatang Gawaing

104
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Bumuo ng apat na pangkat- Sino sa mga rebeldeng Pilipino ang higit ninyong
hinangaan? Bakit? (10 puntos)

RUBRIC SA PAGMAMARKA NG PANANALIKSIK

Mga Pamantayan Puntos Nakuhang


Puntos

Wasto at sapat ang nakuhang


impormasyon sa hinihinging gawain
5

Mahusay na nasagot ang mga tanong


batay sa mga impormasyong nasaliksik
5

Kabuuang 10
Puntos

Gawain E- Gumawa ng graphic organizer na tumatalakay sa mga Pilipinong


nagrebelyong sa mga Kastila.

MGA PILIPINONG NAGREBELYONG SA MGA KASTILA

Dahilan ng pagrerebelyon at kaganapan

Gawain F: Talakayin ang mga pagrerebelyong ginawa ng mga kastila sa


pamamagitan ng paglikha ng isang madamdaming awitin o tula na
sumasalamin sa mga naging damdamin ng mga Pilipinong nakipaglaban sa
mga Kastila.

TULA

105
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

AWIT

Gawaing G. Bumuo ng Timeline batay sa mga sumusunod na taon

Ang pag-aalsa ni Maniago (1660)

Ang Pag-aalsa ni Gaddang (1621)

Pag-aalsa ni Lakan Dula at Sulayman (1574)

Ang Pag-aalsa ni Tamblot (1621-1622)

Ang Pag-aalsa ni Bankaw (1621)

TANDAAN

- Maraming mga katutubong Pilipino ang nagrebelde dahil sa hindi


magandang patakaran ng mga Espanyol.
- Ang mga dahilan ng kanilang pagrerebelde ay ang pampulitika,
pangrelihiyon, at pang-aabuso sa mga Pilipino.
- Nagpahayag ng matinding galit ang mga Pilipino laban sa
pananakop ng Espaῇa Ilan sa mga ito ay pinamunuan ni Lakan
Dula, Magat Salamat, Bancao, Tamblot, Silang, Sumuroy, Maniago,
Malong, Dagohoy, Pule at Tapar. Pawang nabigo ang mga ito dahil
sa kakulangan sa mahusay na pagpaplano, armas at pagkakaisa.

106
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

NATUTUHAN
NATUTUHAN KO
KO

Basahing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot .
1. Si Apolinario de la Cruz ang namuno sa rebelyong panrelihiyon ng mga
Tagalog noong
a. 1840 – 1841 b. 1830-1835 c. 1840-1842 d. 1840-1846
2. Sino ang kilala sa tawag na Hermano Pule?
a. Francisco Dagohoy c. Diego Silang
b. TANDAAN
c. Apolinario dela Cruz d. Tapar
3. Kailan nag-alsa ang mga mamamayan ng Linggayen, Panggasinan ?
a. Oktubre 15, 1660 c. Disyembre 15, 1660

b. Hulyo 15, 1660 d. Nobyembre 15, 1660


4. Saan namuno si Francisco Maniago ng rebelyon?
a. Kapangpangan c. Katagalugan
b. Tagalog d. Cebuano
5. Sino ang namuno ng pinakamatagal na rebelyon sa kasaysayan ng
Pilipinas.
a. Apolinario dela Cruz c. Francisco Dagohoy
b. Lakan Dula d. Diego Silang

Aralin 6.4
Code: AP5PK-IIIg-16

PAGPUPUNYAGI NG KATUTUBONG PANGKAT NA MAPANATILI


ANG KALAYAAN SA KOLOYAL NA PANANAKOP

Panimula

Malakas ang paghahangad ng mga Pilipino na makalaya sa mga


ipinapataw na pahirap sa pang-araw-araw nilang pamumuhay. Sinasalamain
ng mga rebelyon ang katapangan at katatagan ng loob ng mga Pilipinong hindi
nangiming labanan ang pamahalaang koloyal kung kinakailangan.

107
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Sa aralin ngayon inaasahang :

Natataya ang sanhi at bunga ng mga rebelyon at iba pang reaksiyon ng


mga katutubong Pilipino sa kolonyalismo.

ALAMIN MO

Ano ang naging


bunga nito ?
Ano ang naging Makatarungan ba
sanhi ng rebelyon ang naging aksyon
ng mga Pilipino? ng mga Pilipino?

Mga Sanhi at Bunga ng Rebelyon ng mga Katutubong Pilipino


Maraming sanhi ang rebelyon laban sa mga Espanyol. Nariyan ang
rebelyong nag-uugat sa hangaring bumalik sa lumang relihiyon sa animismo,
gayundin ang hangaring manumbalik muli ang katayuan ng mga babaylan at
katalonan sa lipunan. May mga rebelyon ding sanhi ng malupit na patakaran
tulad ng polo, bandala, tributo at monolpolyo. Isa pang sanhi ng rebelyon ay
nag-uugat sa paghahangad sa lupa. May rebelyon ding nagsimula sa mga
personal na kadahilanan.

Ang lahat ng mga rebelyon ay nagtapos sa kabiguan. Iba’t iba ang mga
dahilan ng kanilang kabiguan. Ilan dito ay ang estratehiyang divide-and-rule
o paghahati ng mga Pilipino para sa epektibong pamumuno sa pamamagitan
ng pakikipag-usap at pagkalma sa mga nag-aalsa, at pagtataksil ng mga ilang
Pilipino.
Nabigo sila dahil kulang sila ng pagkakaisa at kulang ang kakayahan ng
mga lider na namuno sa mga pagbabangon. Marami sa kanila ang walang
maayos na plano at kulang sa mga armas.
Sinamantala rin ng mga Espanyol ang pagkakawatak – watak ng mga
katutubo. Ginamit ng mga Spanyol ang mga Pilipino sa pakikipaglaban sa
kapwa nila Pilipino. Dahil sa likas na kaugalian ng mga Pilipino na mapagtimpi
at matiisin, sila ay nanatiling alipin ng mga dayuhan sa mahabang panahon.

Sagutin:

108
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

1. Ibigay ang mga naging sanhi ng pagrerebelde ng mga katutubong


Pilino.
2. Ano ang tinatawag na dived-and-rule?
3. Bakit hindi nagtagumpay ang rebelyong ginawa ng mga katutubong
Pilipino?
4. Ano ang naging bunga ng kanilang rebelyon?

GAWIN MO

Gawain A.
Punan ng tamang sagot ang Semantic Web.

Ano ano
Ano ano
ang
ang mga
naging
sanhi ng
bunga ng
rebelyon?
rebelyon?
l

Gawain B.
Isulat sa patlang kung Sanhi o Bunga ang isinasaad ng bawat
pangungusap.
__________1. Nag-uugat sa paghahangad sa lupa
__________2. Nagsimula sa mga personal na kadahilanan
__________3. Kulang sila ng pagkakaisa
__________4. Kulang ang kakayahan ng mga lider na namuno sa mga
pagbabangon
__________5. Walang maayos na plano at kulang sa mga armas.

Gawain C:
Magbigay ng inyong mga opinyon sa sumusunod na sitwasyon.

Nagmalabis ang mga Ang mga kastila ang


kastila sa pagtrato sa namahala sa likas na
mga Pilipino yaman ng Pilipinas
109
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Tinuruan ng mga
Kastila ang mga
Mga kastila lamang Pilipino ng
ang nasa Kristiyanismo
kapangyarihan .

Kung kayo ang nasa ganitong mga sitwasyon darating ba sa punto na kayo
ay magrerebelyon?

ANG AKING REAKSYON

TANDAAN

Iba’t iba ang dahilan kung bakit nag-alsa ang mga katutubong Pilipino
laban sa mga Espanyol- may pulitikal, pangkabuhayan, paghahangad
bumalik sa lumang pananampalataya at iba pa.
Bigo ang pag-aalsa bunga ng kakulangan ng pagkakaisa at
estratehiyang divide-and-rule ng mga Espanyol.

NATUTUHAN KO

110
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Isulat sa patlang kung Tama o Mali

___________1. Ang lahat ng mga rebelyon ay nagtapos sa kabiguan.


___________2. Sinamantala rin ng mga Espanyol ang pagkakawatak - watak
ng
mga katutubo.
___________3. Iba’t iba ang mga dahilan ng kabiguan ng mga rebelyon.
___________4. Maraming armas na ginamit ang mga katutubong rebelyon.
___________5. Marami sa kanila ang maayos na plano sa paglusob sa mga
Espanyol.

Aralin 6.5
Code: AP5KPK-IIIg-16

PAGPUPUNYAGI NG KATUTUBONG PANGKAT NA MAPANATILI


ANG KALAYAAN SA KOLOYAL NA PANANAKOP
Panimula
Ang mga mamamayan sa Cordillera ay hindi nasakop ng mga
Espanyol. Ang katapangan at hangaring ipagtanggol ang relihiyon at
pamumuhay ang dahilan kung bakit matagumpay sila sa paglaban sa mga
Espanyol.

Sa araling ito inaasahang:

111
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

1. Nakakabuo ng konklusyon tungkol sa mga dahilan ng di


matagumpay na armadong pananakop ng mga Espanyol sa ilang
piling katutubong pangkat.

ALAMIN MO

Ano ano ang mga dahilan kung


bakit hindi nasakop ng mga
Espanyol ang ilang piling
katutubo?

MGA PANGKAT NA HINDI NASAKOP

Kailanma’y hindi nasakop ng mga Espanyol ang ilang mga Pilipinong


naninirahan sa mga bulubundukin ng Luzon na kabilang sa mga tribu at pangkat-
etniko. Sila ay hindi naging Kristiyano. Nanatili ang kanilang sariling kultura at wika
dahil hindi sila naimpluwensyahan ng mga Espanyol. Kabilang sa mga pangkat-
etnikong ito ang mga Apayao, Tinggian, Kalinga, Bontoc, Ifugao, Kankanai at Ibaloy.
Sila ay matatagpuan sa rehiyon na bulubundukin at sa mga lalawigan ng Hilagang
Luzon tulad ng Abra, Cagayan at Nueva Ecija.

Ang mga Aeta na nasa kabundukan ng Zambales, Sierra Madre, Panay at


Negros ay hindi rin naimpluwensiyahan ng mga Espanyol at ng Kristiyanismo. Kahit
wala silang mga makabagong armas, magiting nilang naitaboy ang mga mananakop
dahil kabisado nila ang pasikut-sikot sa kabundukan.

Sagutin

1. Ano ano ang mga pangkat etniko na nasa lalawigan ng Hilagang


Luzon na hindi nasakop ng mga Espanyol?
2. Saan matatagpunn ang mga Aeta?
3. Bakit hindi nasakop ng mga Espanyol ang mga piling katutubo?

GAWIN MO

Gawain A
Iguhit ang simbahan sa papel.

112
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Isulat sa loob ng simbahan ang dahilan ng hindi


matagumpay na pagsakop ng mga Espanyol
sa piling katutubo.

Gawain B

Isulat ang inyong konklusyon kung bakit hindi matagumpay ang


pagsakop ng mga Espanyol sa piling katutubo.

TANDAAN

Ang mga piling katutubo ay namundok at nagtatag ng sariling


pamahalaan.
Lumaban ang mga katutubo kahit mahina ang kanilang armas.
Nanatili ang kanilang sariling kultura at wika dahil hindi sila
naimpluwensyahan ng mga Espanyol.

NATUTUHAN KO

113
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung tama ang isinasaad ng bawat
pangungusap at ekis (x) kung hindi.

_____1. Kailanma’y hindi nasakop ng mga Spanyol ang ilang mga Pilipinong
naninirahan sa mga bulubundukin ng Luzon na kabilang sa mga tribu at
pangkat-etniko.

_____2. Nanatili ang kanilang sariling kultura at wika dahil hindi sila
naimpluwensyahan ng mga Espanyol.

_____3. Ang mga Aeta na nasa kabundukan ng Zambales, Sierra Madre, Panay
at Negros ay hindi rin naimpluwensiyahan ng mga Espanyol at ng
Kristiyanismo.

_____4. Kahit wala silang mga makabagong armas, magiting nilang naitaboy
ang mga mananakop dahil kabisado nila ang pasikut-sikot sa kabundukan.

_____5. Pakay ng mga Espanyol na manirahan sa mga kabundukan.

Code: AP5KPK-IIIi-7
Aralin 7

PAGPUPUNYAGI NG KATUTUBONG PANGKAT NA MAPANATILI


ANG KALAYAAN SA KOLOYAL NA PANANAKOP

Panimula
Ang mga Espanyol ay nagpamalas ng ibat ibang impluwensya may mga
mabuti dahil mas na paunlad at lalong naging mayaman ang ating kultura.
Isang kuliturang maaaring maipagmalaki at natabunan dahil sa
impluwensyang kolonyal ng mga mananakop .Ang marapat nating gawin ay
pangalagaan ang ating pinakatanging kultura at huwag magpatangay sa agos
ng modernong panahon natumatalikod sa sariling kinalakihan.

114
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Sa aralin ngayon inaasahang :

Nasusuri ang epekto ng kolonyalismong Espanyol sa pagkabansa at


pakakakilanlan ng mga Pilipino.

Epekto ng kolonyalismo sa ating bansa:

1. Relihiyon dinala ng mga Kastila ang relihiyong KATOLIKO. Nag-iba


ang sinasandigan nating paniniwala.
2. Edukasyon-NoongpanahonngEspanyol at Amerikano, sila ay
nagpatayo ng mga UNIBERSIDAD DI-PORMAL NA EDUKASYON.
Ang tawag sa mga paaralan noong unangpanahon ay bothoan
3. Wika at Paraan ng Pagsulat -Nang dumating ang mga Kastilla at nang
sila’y nagpatayo ng mga unibersidad, wikang ESPANYOL ang kanilang
ginamit
4. TANGHALAN ALAMAT at EPIKO. Iyan ang mga katutubong likha ng
ating mga ninuno Moro-moro, Zarzuela, Duplo at Senakulo. Ilan
lamang iyan sa mga pagtatanghal na binahaging mgaEspanyol
5. SAYAW CHA-CHA RIGODON. Isa sa mga sayaw na ating nakuha
mula sa mga Espanyol
6. PANANAMIT Baro’t Saya at Barong. Ilang mga kasuotang nalikha
noong panahon ngEspanyol
7. Transportasyon –Ang ating mga ninuno ay NAGLALAKAD lamang ng
nakapaa upang makarating sa nais nilangpuntahan. KALESA - Ito ang
tawag sa sistemang transportasyon g ginamit ng mga tao noong
panahon ng kastila.
8. PANAHANAN-BAHAY KUBO. Iyan ang tawag sa bahay ng ating mga
ninuno. Naging KONKRETO ang mga tahanan noong panahon ng
Kastila. Ito ay yari sa bato at mgat ablang kahoy.
9. Pagkain-Menudo at Escabeche.
10. URI NG MAMAMAYAN-Datu, Maharlika, Timawa at Alipin. Iyan ang
tawag sa mga uri ng tao noong unang panahon bago pa man dumating
ang mga manunupil
11. SISTEMA NG PAGSASABATAS-Raja, Datu, Sultan. Sila ang mga
nagpapatupad at gumagawa ng batas.

Sagutin.

1. Ano ano ang mga impluwensyang dinala ng mga Espanyol sa


bansa?
2. Maganda ba ang kanilang dinalang impluwensya? Ipaliwanag

115
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

GAWIN MO

Gawain A.

Ihanay kung ano ano ang mga naging pagbabagong impluwensya ng


mga Espanyol.

Pilipino Espanyol
Edukasyon
Kasuotan
Wika
Transportasyon
Panahanan

Gawain B.

Iguhit ang larawan ng pinagusto mong implwensya ng mga Espanyol at


ipaliwang kung bakit mo ito napili.

Gawain C.

Pangkatang Gawain.
Bumuo ng apat na pangkat

Suriin ang mga maganda at di magandang dulot ng pagbabagong


impluwensya ng kolonyalismong Espnayol sa bansa. Ipaliwanag

Pangkat I-II Magandang dulot ng Kolonyalismo


Pangkat III-IV Di –magandang dulot ng Kolonyalismo

RUBRIC SA PAGMAMARKA NG PAGSUSURI

Mga Pamantayan Puntos Nakuhang


Puntos

Wasto at sapat ang nakuhang


impormasyon sa hinihinging sagot.
5

Naipaliwang ng maayos ang napiling


pagsusuri.

116
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

Kabuuang Puntos 10

TANDAAN

Maraming impluwensya sa bansa ang mga Espanyol nagdulot ito ng mabuti at


di mabuting impluwensya. Ang mga impluwensyang ito ang iba ay dala parin
natin hanggang ngayon.
Ang mga halimbawa ng impluwensya sa atin ng mga Espayol ay ang
relihiyon, edukasyon, wika, pagtatanghal, sayaw, pananamit, transportayon,
pananamit, pagkain, uri ng mamamayan, sistema ng pagsasabatas at marami
pang iba.

NATUTUHAN KO

Buuin ang fish organizer. Isulat rito ang mga impluwensya ng


kolonyalismo sa bansa.

GLOSSARY

Ebanghelisasyon- sinasagisag ang krus

Entrada – unang pagsakop na isinagawa ng mga espanyol na ginamitan ng


pwersang military.

Galyon - malalaking barko na ginamit sa kalakalang Maynila – Acapulco

Kolonisasyon – sinasagisag ay espada

Polo y Servicio Personal- sapilitang pagseserbisyo

References:

Makabayan : Makasaysayang Pilipino Grade V

117
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
___________________________________________________________________________________

May akda: Alvenia P. Palu-ay

Kabihasnang Pilipino Kasaysayan at Pamahalaan


May akda: Celestina P. Boncan, Ph.D., Mary Dorothy dl. Jose, Jerome A. Ong,
John N. Ponsaran

Araling Panlipunan I High School


Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas
May akda: Lydia N. Agno, Cristina B. Cristobal, Melton B. Juanico, Corazon
N. Libunao, Rosita C. Tadena

https://www.google.com.ph
historyblog-umalohokan.blogspot.com
kurtap.tumbir.com
tamrachel.blogspot.com
www.slideshare.net
documents.tips
cjalaghay.blogspot.com
www.academiia.edu/
https://prezi.co
www.slideshare. Net/ ekonomiks-kalagayan-ng-ekonomiya
fil.wikipilipinas.org/index/Kasaysayan at Panyayari
https://prezi.com-kalakalan
www.lessons.ph/studyaids/allschools- pakikipagkalakalan ng unang
Pilipino
httpts://www.mint.com barter-system History the Past and Present
www.gmanetwork.com/../ulatfilipino/rebolusyon-laban sa kastila

118

You might also like