You are on page 1of 30

Mga

Patakaran ng
Sapilitang
Paggawa
Ma’am CRISSE
San Isidro E/S
Balik-aral:
“Hulaan Mo”
Sistemang ipinakilala ng
mga kastila sa mga
Pilipino upang
matustusan ang
pangangailangan ng
pamahalaan. _________
Itanong:

Dito ba sa ating lugar ay may kakilala


kayo na mga kalalakihang
nagtatrabaho kahit na wala pang 18
taon o kaya naman ay mahigit na sa 60
taong gulang? Ano ba
ang wastong edad para
maghanapbuhay?
Polo Y Servicio
Gawain 1 –
“Video Clip”
Itanong:

• Tungkol saan ang napanood ninyong


video?
• Kailan pa ito ipinatupad?
• Sino-sino ang sapilitang pinagagawa
sa patakarang ito?
• Ano-ano ang ipanagagawa sa mga
polista sa panahong ito?
• Ito ba ay pagpapahirap sa mga unang
Pilipino? Paano mo nasabi?
Gawain 2

Pagbasa ng talata
na may
kasamang
larawan.
Ano nga ba ang
POLO Y SERVICIO?
Ipinatupad ng pamahalaan sa Pilipinas
ang polo y servicio, isang paraan ng
sapilitang paggawa.Ito ay isa sa
pinakamasakit na karanasan ng mga
unang Pilipino sa panahon ng
Kastila/Espanyol.
Ayon dito, lahat ng
lalaking naninirahan sa
kolonya ( Pilipino o
mestisong Tsino) na may
gulang 16 hanggang 60
taon ay kailangang
magtrabaho nang
walang bayad sa loob
ng 40 araw sa loob ng
isang taon.
Ang mga nagtatrabaho ay
tinatawag na polista. Ilan
sa mga mabibigat na
gawaing ipinagagawa sa
polista ang paggawa ng
mga barko, pagpapatayo
o pagkukumpuni ng daan,
simbahan, kalsada, tulay,at
pagpuputol ng mga puno
para sa pangangailangan
sa kahoy.
Maaari lamang malibre sa polo
sa pamamagitan ng falla o
pagbabayad ng 1 ½ reales sa
bawat araw na kinakailangang
magtrabaho. Noong 1884,
binawasan ang bilang ng araw
ng polo at ginawang 15 na
lamang.
Pangkatang Gawain
Pangkat 1-
Saan nagsimula ang sapilitang paggawa?Gamitin
Graphic Organizer sa pagsagot.

Sapilitang
Paggawa
Pangkat 2-
Ano ang kahulugan at patakaran ng sapilitang
paggawa?Gumamit ng Bubble Map

Sapilitang
Paggawa
Pangkat 3-
Sinu-sino ang dapat gumawa ayon sa
patakarang
sapilitang paggawa?Isadula ang kasagutan.
Pangkat 4-
Paano makaliligtas sa sapilitang
paggawa?Igawa ng “rap” ang
kasagutan.
Aplikasyon
Tumayo nang tuwid
kung ang pahayag ay
tama at manatiling
nakaupo kung ito ay
mali.
Ang sapilitang
paggawa ay
ikinatuwa ng mga
Pilipino.
Dapat ng
magtrabaho ang
isang taong may
edad na 16.
Dapat ng
magtrabaho ang
isang taong may
edad na 16.
Nahirapan ang
mga kalalakihan
Pilipino bunga ng
sapilitang
paggawa.
Tama lamang na
piliting
makapagtrabaho ang
isang matandang
mahina na.
Hindi makaliligtas sa
sapilitang paggawa
ang kalalakihang
walang
pambayad na falla.
PAGTATAYA
Panuto:
Isulat ang hinihinging
sagot sa bawat patlang.Isulat
ang sagot sa patlang.
__________ 1. Pinairal nang sapilitan
sa mga lalaking may edad
na 16 hanggang 60 taong gulang.
__________2. Tawag sa mga
kalahok sa sapilitang paggawa.
__________3. Ibinabayad ng mga
maykaya sa halip na magtrabaho.
__________4. Edad ng mga
kalalakihang Pilipino na sapilitang
pinagtatrabaho.Magbigay ng isa.
__________5. Anu-ano
ang kailangang
gawain ng mga
polista.
Takdang Aralin
Kung ikaw ay isa sa mga
polista noong panahon ng
Espanyol, paano mo
gagampanan ang iyong
tungkulin?Isulat ang
iyong sagot sa
kwaderno.

You might also like