You are on page 1of 5

Learning Area Araling Panlipunan Grade Level 5

W2 Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa Kolonyalismong Espanyol


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Napahahalagahan ang pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa
COMPETENCIES (MELCs) kolonyalismong Espanyol.
III. CONTENT/CORE CONTENT Naiisa-isa ang pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa Kolonyalismong
Espanyol.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction Sa nakaraang aralin, ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa
Panimula kolonyalismong Espanyol ay lubos mo nang natutunan at naunawaan lalo
na ang kahulugan nito. Nalinang din ang iyong kakayahan na maipaliwanag
ang mga epekto ng kolonyalismong Espanyol sa pagkabansa.

Sa araling ito, matutunan mo ang kahalagahan sa pagtatanggol ng mga


Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol. Kaya bilang mag-aaral ikaw ay
inaasahang:

a. nakikila ang mga Pilipinong nagtanggol sa bansa laban sa mga


Espanyo;
b. naisa-isa ang mga pagtatanggol ng mga katutubong pangkat ng
mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol; at
c. napahahalagahan ang pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa
kolonyalismong Espanyol. MELC p. 41

Suriin ang larawan sa ibaba. Tungkol saan ang larawan? Ano ang
ipinahihiwatig ng larawang ito?

Ngayon ay iyong alamin ang kahalagahan ng pagtatanggol ng mga


Pilipino at ang mga di matagumpay na pananakop sa mga katutubong
pangkat laban sa kolonyalismong Espanyol. Basahin ang teksto sa ibaba.

Pagtanggol ng mga Pilipino Laban sa Kolonyalismong Espanyol

Kristiyanismo at makabagong paraan sa pangangalakal ang ipinatupad


ng mga Espanyol sa Pilipinas upang lubos itong masakop. Sari-saring reaksyon
ng mga Pilipino, may yumakap sa kolonyalismong Espanyol. Ngunit may mga
natatanging Pilipino na lumaban at nagpakita nang pag-aaklas upang
ipagtanggol ang ating bansa dahilan sa pang-aabuso at pagmamalupit na
patakaran. Bilang Pilipinong mag-aaral, nararapat mong pahalagahan ang
mga ginawang kabayanihan ng mga ninunong nagtanggol ng ating bansa.
Ilan sa mga katutubong Pilipinong nagtanggol sa bansa laban sa
kolonyalismong Espanyol:

Pag-aalsang Agraryo. Dulot ng mga pang-aabuso sa agraryo at


pangangamkam ng mga prayle ang lupa mula sa mga katutubo. Sumiklab
ang pag-aalsa sa Katagalugan sa pangunguna ng mga bayan ng Lian at
Nasugbu sa Batangas.

Pag-aalsa ni Hermano Pule. Pinakatanyag na pag-aalsang panrelihiyon na


pinamunuan ni Apolinario de la Cruz. Itinatag niya ang Confradia de San
Jose na kinabibilangan ng mga Paring Sekular o paring Filipino o Indio.
Dahilan sa pag-aalsa ay maaari lamang magsilbi sa simbahan ang Pareng
Sekular at hindi nabibilang sa anumang ordeng relihiyon samantala ang mga
paring regular o mga paring Espanyol ang may pagkakataong maging
bahagi ng orden at manatili sa kumbento.

Pag-aalsa ni Lakandula. Nagkaroon ng kasunduan sina Gobernador Heneral


Miguel Lopez de Legazpi at Lakandula na hindi magbabayad ng buwis ang
angkan niya. Ngunit tinanggal ang pribilehiyong ito nang palitan si Legazpi
ni Guido Lavezares.

Pag-aalsa ni Bancao at Tamblot. Naganap ang rebelyong panrelihiyon nang


talikuran ng ilang Pilipino ang Kristiyanismo. Ipinaglaban nila ang
nakagisnang relihiyon. Pinamunuan ni Bancao ang Leyte. Samantalang, si
Tamblot naman sa Bohol.

Pag-aalsa ni Dagohoy. Dahil sa pagtutol ng kura na bigyan ng marangal na


libing ang kaniyang konstableng kapatid. Ito ay itinuturing na
pinakamahabang pag-aalsa na pinamunuan ni Francisco Dagohoy.

Pag-aalsa ni Sumuroy. Pinamunuan ni Agustin Sumuroy ang pag-aaklas


laban sa Polo y Servicio sa Samar. Ipinagutos ng mga Espanyol na
magpadala ng mga polista na taga-Samar sa Cavite upang gumawa ng
mga barko, malayo sa kanilang tirahan.

Pag-aalsa nina Diego Silang at Gabriela Silang. Dahil sa buwis at pagnanais


na palayasin ang mga Espanyol. PInatay ang kanyang kaibigang si Miguel
Vicos. Ipinagpatuloy ni Gabriela ang ipinaglalaban ng kanyang asawa.

Pag-aalsa ng mga Igorot sa Cordillera. Hindi nagpabinyag ang mga


katutubong Igorot sa relihiyong Kristiyanismo na ipinakilala ng mga Espanyol
at ang pagsuway sa patakarang Monopolyo sa tabako.

Mga Muslim sa Mindanao. Ipinamalas ang kanilang katapangan at


nagkaroon ng anim na digmaan Moro, isa na dito ay ang kauna-unahang
jihad o banal na digmaan na pinamumunuan ni Sultan Kudarat.

Pinagkunan: Pilipinas Bilang Isang Bansa 5 p. 211, 213, 231-236.

Pagpapahalaga sa pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa Kolonyalismong


Espanyol:

1. Kaalaman sa kasaysayan ng ating bansa. Mahalagang malaman natin


ang mga pangyayaring pagtatanggol ng mga katutubong Pilipino laban sa
kolonyalismong Espanyol sa ating bansa. Malaki ang naging kaugnayan nito
sa kasalukuyang panahon tulad ng kultura, kabuhayan, pulitika at relihiyon.
2. Pagmamalaki bilang huwarang Pilipino. Itinuturing na bayani ang mga
unang Pilipinong nagtanggol sa bansa dahil sa kanilang naiambag sa
pagkamit ng kalayaan ng Pilipinas. Isapuso at pahalagahan ang mga
kabayanihang ginawa ng bawat Pilipino para sa kalayaan.

3. Pagsusulong ng karapatan. Ang bawat Pilipino ay may kakayahang


ipaglaban ang karapatan at kalayaan sa wastong paraan. Hindi lamang sa
pakikipagdigmaan nakukuha ang ating ipinaglalaban. Bukas na ang puso’t
isipan ng mga Pilipino na mas epektibo ang iba’t ibang paraan sa
pagsusulong ng karapatan.

Pinagkunan: ADM Ikalimang Baitang Modyul 2.

Mga tanong:
1. Sino sino ang mga Pilipinong nagtanggol sa bayan laban sa mga
Espanyol.
2. Ano ano ang mga paraan ng pag-aalsa na ginamit ng mga
katutubong Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol?
3. Nagtagumpay ba ang pakikipaglaban ng mga katutubong Pilipino
laban sa sa Espanyol? Pangatwiranan.
4. Paano mo pahahalagahan ang ginawang pagtanggol ng mga
katutubong Pilipino laban sa mga dayuhang Espanyol?
5.
B. Development Sa mga prosesong gabay na tanong ay nagkaroon ka ng kaalaman sa
Pagpapaunlad pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol. Upang higit
mong maunawaan ang aralin sagutan mo ang sumusunod na gawain:

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Panuto: Tukuyin kung ano o sino sa katutubong Pilipino ang inilarawan sa
bawat pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Pinamunuan niya ang pinakamahabang pag-aalsang isinagawa


laban sa mga Espanyol.
2. Ipinaglaban niya ang mga Paring Sekular at nagtatag ng samahang
Confradia de San Jose.
3. Mga katutubong hindi sumuko sa pakikipaglaban sa mga Espanyol
at tinangging magpabinyag sa relihiyong Kristiyanismo.
4. Pinamunuan niya ang kauna-unahang jihad o banal na digmaan
sa Mindanao.
5. Nag-alsa dahil hindi binigyan ng marangal na libing ang kaniyang
konstableng kapatid.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Panuto: Iguhit ang kung nagpapahayag ng pagpapahalaga sa
pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol at
naman kung hindi.
1. Gawing huwaran ang mga unang PIlipinong nagtanggol sa bansa.
2. Tumalima ang mga katutubo sa patakarang ipinatupad ng mga
Espanyol sa bansa.
3. Mahalaga sa mga Muslim ang pagpapanatili ng relihiyong Islam.
4. Pinahalagahan ng mga katutubo ang kinagisnang relihiyon kaya
hindi ito nagpabinyag sa relihiyong Kristiyanismo.
5. Huwag tularan ang mga unang PIlipinong nagtanggol sa bansa.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Panuto: Sumulat ng tatlong kahalagahan ng pagtatanggol ng mga
katutubong Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol. Buoin ang graphic
organizer.
Kahalagahan ng Pagtanggol ng mga Katutubong Pilipino

C. Engagement Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


Pakikipagpalihan Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga sumusunod na pahayag/
pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Sa kaninong pag-aalsa ang pagpapadala ng mga polista sa


pagawaan ng barko sa Cavite, malayo sa kanilang tirahan.
a. Pag-aalsa ni Dagohoy c. Pag-aalsa ni Pule
b. Pag-aalsa ni Sumuroy d. Pag-aalsa ni Tamblot

2. Ang sumusunod ay mga mahalagang ginagawa ng mga katutubo


sa pagtatanggol laban sa mga dayuhan maliban sa isa, alin ito?
a. Pagpapanatili ng kanilang pinaniniwalaang relihiyon.
b. Pinaglaban ang kanilang mga karapatan at tungkulin.
c. Pagsunod sa patakarang ipinatupad ng mga Espanyol.
d. Pinahalagahan ang mga kasunduan at kabuhayan

3. Paano ipinagtanggol ng mga katutubong Pilipino ang bansa?


a. Nakibaka sa mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol.
b. Nakiisa sa alituntunin ng kolonyalismong Espanyol.
c. Tinanggap at nagpabinyag sa relihiyong Kristiyanismo.
d. Ipinamalas ang katapangan laban sa kolonyalismong Espanyol

4. Tinanggihan siyang maging pare at nagtatag ng samahang


Confradia de San Jose.
a. Sultan Kudarat c. Apolinario dela Cruz
b. Francisco Dagohoy d. Gabriela Silang

5. Alin sa sumusunod na digmaan o labanan ang pinamunuan ni


Sultan Kudarat?
a. Labanan sa Mactan c. Banal na Digmaan
b. Digmaang pasipiko d. Digmaan sa Mindanao

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:


Panuto: Isa sa responsibilidad ng mamamayang Pilipino ay ang
pagtatanggol sa ating bansa. Ano ang iyong saloobin sa mga sumusunod
na sitwasyon na nagpapakita ng pagtatanggol sa bansa. Isulat ang iyong
sagot sa isang malinis na papel.
1. Pakikipaglaban ng mga sundalong Pilipino sa mga terorista sa
bansa.
2. Mga demonstrasyon o welgang nangyari sa iba’t ibang panig ng
bansa sa gitna ng COVID-19.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:
Panuto: Ilarawan ang kahalagahang pagtatanggol ng ating mga ninuno
laban sa kolonyalismong Espanyol sa pamamagitan ng mga gawain ayon sa
inyong kakayahan. Pumili lamang ng isa.
a. Pagguhit ng poster
b. Pagsulat ng tula o sanaysay
c. Paglikha ng slogan

D. Assimilation Napag-alaman at nakikilala ko ang mga katutubong Pilipino sa


Paglalapat pagtatanggol sa bansa at ang kahalagahan nito laban sa kolonyalismong
Espanyol tulad ng pinaniniwalaang relihiyon, karapatan ng mga katutubo at
kahalagahan sa pamumuhay. Nalaman ko rin ang kanilang paghihirap at
pagbuwis ng buhay para sa kalayaan kaya dapat ko itong ipagmalaki at
pahalagahan upang mas lalong yumaman ang aking kaalaman,
maisabuhay ng marangal at maibahagi sa aking kapwa.

V. ASSESSMENT Gawain sa Pagkatuto Bilang 7:


(Learning Activity Sheets for Panuto: Suriing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang salitang Tama
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on Weeks
kung kahalagahan ng pagtatanggol ng mga Pilipino ang isinasaad ng
3 and 6) pahayag at Mali naman kung hindi.

1. Nakipagkasundo ang mga katutubong Pilipino sa mga Espanyol.

2. Sinuway ng mga katutubo ang patakarang ipinatupad ng mga


Espanyol sa bansa.

3. Mahalagang malaman ng mga kabataan ang mga ginawang


kabayanihan ng mga katutubong Pilipino.

4. Ipinagsawalang bahala ang kabayanihang ginawa ng mga Pilipino.

5. Ipinamalas ang kagitingan ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong


Espanyol.

VI. REFLECTION Matapos mapagdaanan ang maraming pagsubok na humamon sa


kakayanan upang maging ganap ang pagkatuto at kabatiran tungkol sa
tinalakay na aralin ngayon ay magagawa mo ng ihayag ng buong
pagmamalaki.
Ilahad ang iyong natutunan at kahalagahan sa ibaba:

Natutunan ko. Kahalagahan nito… Paano ko ito


isasabuhay…

Prepared by: SHERLY B. RAMOS Checked by: THEODORA C. SALAMAT

You might also like