You are on page 1of 8

PROJECT CLAID (Contextualized and Localized Activities Intended for Distance Learning)

Pangalan: ___________________ Petsa:___________Iskor:__________

ARALING PANLIPUNAN 5
Kuwarter 3 – Linggo 1
Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag ang mga Paraan ng
Pagtugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol

Pamagat: Ang mga Pagtugon o Reaksyon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong


Espanyol

Layunin: a. Naiisa-isa ang mga naging tugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong


patakaran ng mga Espanyol.
b. Naipaliliwanag ang dahilan ng bawat pagtugon ng mga Pilipino sa
Kolonyalismong Espnayol.
c. Naipahahayag ang sariling reaksyon sa Kolonyalismong Espanyol.

Konsepto:
Sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, binago nila ang maraming
aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Sapilitan nilang ipinatupad ang
iba’t ibang patakarang nagpabago sa kalagayang pampolitika, pang-
ekonomiya at pangkultura ng mga katutubo. Binago ang aspektong
pamamahala ng katutubo. Maging sa antas ng kababaihan sa lipunan ay
bumaba mula sa pagtingin sa kanila sa sinaunang panahon.

Magkakaiba ang ipinamalas na reaksyon ng mga Pilipino sa mahabang


panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Ang kanilang kilos ang naging
tugon sa pagtrato sa kanila ng mga dayuhan ayon sa kanilang personal na
motibo o pansariling naisin sa buhay.

1
Kuwarter 2 : Linggo: 1 Competency Code: AP5KPK-IIIg-6
Kasanayan: Naipaliliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong
Espanyol.
a) Pag-aangkop /Pagtanggap sa Kolonyalismong Espanyol

Sa una, hindi agad pinagkatiwalaan ng mga katutubo ang mga


prayleng nagpakilala sa kanila ng bagong relihiyon. Marahil dahil
nakasanayan ng ating mga ninuno na babae ang namumuno sa larangan
ng espirituwal. Bukod dito, hindi ganoon kadali para sa mga katutubo na
talikuran ang kanilang nakagisnang relihiyon. Upang maging katanggap-
tanggap sa mga Pilipino ang bagong relihiyon, iniangkop ng mga prayle
ang Kristiyanismo sa kaugalian ng mga Pilipino hanggang ito’y
natanggap ng mga Katutubo.

Dahil na rin ayaw sa parusa na ibinibigay ng mga Espanyol,


napilitang tanggapin ng mga katutubong Pilipino ang mga batas at
alituntunin na ipinatutupad ng mga ito. Tinanggap rin nila ang sapilitiang
pagseserbisyo o kilala sa tawag na Polo y Servicio, kahit
nangangahulugan itong mawawalay sila sa kanilang pamilya. Tinanggap
rin nila ang kulturang dala ng mga Espanyol, ang pamamaraan ng
Kristiyanisasyon, reduccion, tributo, encomienda at sapilitang paggawa
sa pagpapalaganap ng kolonyalismo.

b) Pagtakas o Pamumundok

Sa kabila ng sinasabing tagumpay ng mga prayle sa pagpapalaganap


ng Kristiyanismo, hindi naman laging pagtanggap at pakikiangkop ang
mga reaksiyon ng mga katutubo sa pamamahala ng mga Espanyol.
Bunsod sa kalabisan sa pangongolekta ng buwis, pang-aabuso ng mga
prayle at paggamit ng mga Espanyol sa katutubong Pilipino, may mga
katutubong nagpasyang umakyat sa kabundukan, doon nanirahan at
ipinagpatuloy ang katutubong paniniwalang relihiyon.

2
Kuwarter 2 : Linggo: 1 Competency Code: AP5KPK-IIIg-6
Kasanayan: Naipaliliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong
Espanyol.
c) Pag-aalsa laban sa mga Espanyol

Nang mamulat ang mga katutubong Pilipino sa masamang sistema ng


pagpapalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas, nagkaroon sila ng lakas ng
loob na kalabanin ang mga ito upang makamit ang kalayaan. Nagsagawa
sila ng mga rebolusyon, walang takot nilang hinarap ang mga Espanyol
kahit alam nilang wala silang laban dito dahil sa mga makabagong
kagamitang pandigma na gamit nila.

Ayon sa mga mananaliksik ng kasaysayan ng ating bansa, tumutol


ang marami sa ating mga ninuno sa pananakop ng mga Espanyol.
Malaking hirap, pagmamalupit at pang-aabuso ang dinanas ng mga
Pilipino noon kaya nag-alsa sila.

Sa mahabang panahon ng pananakop ng mga Espanyol, hindi


masasabing nagsawalang-kibo at mapagtiis ang mga Pilipino sa lahat ng
panahon. Mapapatunayan sa kasaysayan na may mahabang kwento rin
ng mga pagtutol ang mga Pilipino sa mga Espanyol dala ng iba’t ibang
pangyayari sa loob at sa labas ng bansa.

GAWAIN 1

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Suriin kung ang mga ito ay
wasto o hindi wasto sa pamamagitan ng pagsulat ng TAMA O MALI sa patlang.

_____________1. Ang naging tugon ng mga Pilipino sa patakarang kolonyalismo ng


mga Espanyol ay iba-iba depende sa hangarin at personal na motibo sa buhay.

_____________2. Kalayaan mula sa pagmamalabis at pang-aabuso ng mga


Espanyol ang isa sa mga dahilan kung bakit nag-alsa ang mga Pilipino laban sa mga
Espanyol.

3
Kuwarter 2 : Linggo: 1 Competency Code: AP5KPK-IIIg-6
Kasanayan: Naipaliliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong
Espanyol.
_____________3. Napanatili ng mga kababaihan ang mataas na kalagayan sa
lipunan noong panahon ng mga Espanyol sapagkat sila ay pinayagang mamuno sa
larangang espiritwal.

_____________4. Isang naging reaksyon ng mga Pilipino ay ang pagtakas at pagtira


sa bundok upang maipagpatuloy ang kanilang katutubong relihiyon at pamumuhay.

_____________5. Naging epektibo ang pagpapakilala sa Kristiyanismo dahil sa


pagtanggap ng mga Pilipino at pag-angkop sa kanilang buhay.

_____________6. Sa pangkalahatan, pagtanggap at pagsunod sa mga alituntuning


Espanyol lamang ang naging reaksyon ng mga katutubo.

_____________7. Ang mga pagbabago na ipinatupad ng mga Espanyol tulad ng


reduccion, polo y servicio, monopolyo ng tabako, tributo at marami pang iba ang
dahilan ng iba’t ibang reaksyon ng mga Pilipino sa kolonyalismong Espanyol.

_____________8. Pantay-pantay ang mga Pilipino at Espanyol sa karapatang


magkaroon ng katungkulan sa pamahalaang kolonyal.

_____________9. Namulat ang kamalayang pambansa ng mga Pilipino bunsod ng


mga mapaniil at mapang-abusong patakaran ng mga Espanyol.

____________10. Sa mahabang panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa


Pilipinas, masasabing nagtiis at nagsawalang-kibo lang ang mga Pilipino kaya’t wala
silang nagawa para sa kalayaan.

GAWAIN 2

Panuto: Buoin ang mga pangungusap sa pamamagitan ng pagbilog ng tamang


salita. Pumili ng sagot sa panaklong.

1. Sa mahabang panahong sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas, nagkaroon


ng ( iisang , iba’t ibang ) reaksiyon ang mga Pilipino.

2. ( Makatarungan, Mapang-abuso) ang trato ng mga Espanyol sa mga katutubo.

4
Kuwarter 2 : Linggo: 1 Competency Code: AP5KPK-IIIg-6
Kasanayan: Naipaliliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong
Espanyol.
3. May mga Pilipino na nagpakalayo-layo sa mga bundok upang manirahan at
ipagpatuloy ang (katutubong paniniwala, kristiyanismo).
4. Isang halimbawa na nagpapakita ng pagtutol ng mga Pilipino laban sa mga
Espanyol ay ang labanan sa Mactan kung saan pinatay ni (Lapu-Lapu,
Humabon) si Magellan.
5. Nang mamulat ang mga katutubong Pilipino sa masamang sistema ng mga
Espanyol, nagsagawa sila ng ( rebolusyon, kasunduan) sa pagnanais na
makamit ang Kalayaan

6. Sa pagdating ng mga Espanyol, ang mga ( sundalo, prayle ) ang namumuno


sa larangan ng espirituwal.

7. Isang halimbawa ng pag-aangkop na ginawa ng mga Espanyol sa kultura ng


Pilipino ay ang pagpapanatili ng pista na kung saan itinatanghal ang mga (
santo, diyo-diyosan ).

8. Sa ( polo y servicio, reduccion), ang mga kalalakihang may edad 16 hanggang


60 ay sapilitang pinalalahok sa 40 na araw na pagtatrabaho o pagseserbisyo.

9. -10. Noong namulat ang mga katutubo sa (masamang, makatarungang)


sistema, nagsagawa sila ng mga (rebolusyon, patibong) at walang takot nilang
hinarap ang mga Espanyol.

GAWAIN 3

Panuto: Bilugan ang mga salitang kaugnay sa pagtugon ng mga Pilipino laban
sa Patakarang Kolonyalismo sa ‘word find box’ sa susunod na pahina.

Relihiyon Pag-aalsa Reaksyon

Pagtanggap Prayle Kalayaan

Katutubo Tributo Pagtakas

Sistema Rebolusyon

5
Kuwarter 2 : Linggo: 1 Competency Code: AP5KPK-IIIg-6
Kasanayan: Naipaliliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong
Espanyol.
P G K A T U T U B O
A A Q W K P L N G L
G H G S A R L O S M
G K W A L A K Y A N
N N E K A Y J I D B
A K R A Y L H S G O
T E T T A E S K T T
G F Y G A G V A K U
A G U A N P A E O B
P G I P L T U R I I
E N O Y I H I L E R
A H S I S T E M A T
R E B O L U S Y O N

GAWAIN 4

Panuto: Punuin ang balangkas sa pamamagitan ng pagsulat ng dahilan ng


naging pagtugon o reaksyon ng mga katutubo laban sa Kolonyalismong
Espanyol.

SAGOT:
_______________________
1. Pagtanggap B _______________________
_______________________
A
REAKSYON/
PAGTUGON NG 2.Pamumundok/ K ________________________
________________________
MGA PILIPINO Pagtakas
I ________________________

T _______________________
3. Pag-aalsa _______________________
? _______________________

6
Kuwarter 2 : Linggo: 1 Competency Code: AP5KPK-IIIg-6
Kasanayan: Naipaliliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong
Espanyol.
GAWAIN 5

Panuto: Kung ikaw ay nabuhay noong panahong sinakop ng mga Espanyol ang
Pilipinas, ano ang magiging tugon mo sa mga patakarang kolonyalismo? Bakit?

________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
_____________________________

7
Kuwarter 2 : Linggo: 1 Competency Code: AP5KPK-IIIg-6
Kasanayan: Naipaliliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong
Espanyol.
SANGGUNIAN:
http://historyblog-umalohokan.blogspot.com/2008/08/reaksyon-ng-mga-
pilipino-sa-pananakop.html
https://www.coursehero.com/file/20765249/Reaksyon-sa-Kolonyalismo-
LEARNERS-MATERIAL-GRADE-5-cora/
Araling Panlipunan 5: Pilipinas Bilang Isang Bansa nina Gabuat, et.al

Inihanda ni:

SHANI ANN G. BULAHAO


Eulogio Rodriguez Integrated School
SDO Mandaluyong

Sinuri nina:

_____________________ WENDY ANN N. DIZON ___________________________


Tagasuri ng Nilalaman Tagasuri ng Wika Tagasuri ng Layout

Binigyang-pansin ni:

CEASAR A. NACHOR
Superbisor, Araling Panlipunan

8
Kuwarter 2 : Linggo: 1 Competency Code: AP5KPK-IIIg-6
Kasanayan: Naipaliliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong
Espanyol.

You might also like