You are on page 1of 19

ARALIN 1 Konteksto ng Reporma at Pagtatatag ng Monopolyang Tabako

PANIMULA

Bilang kolonya ng Spain, naging mabigat na pasanin ang Pilipinas sa kalagayang


pananalapi nito. Hindi makalikom ang pamahalaan sa Pilipinas ng sapat na salapi upang tustusan
ang pangangailangan nito. Bilang tugon sa suliraning ito, ipinatupad ang monopolya ng tabako
sa ilalim ng mahigpit na pamamahala ng pamahalaan.
Sa araling ito, inaasahan na maipapaliwanag mo ang mga kabutihan at kasamaang
naidulot monopolyo ng tabako sa ating bansa.

ALAMIN MO
Anu-ano naman ang mga
kasamaang naidulot
Anu-ano ang mga kabutihang
nito?
dulot ng monopolyo ng tabako?

Upang lumaki ang kita, nagkaroon ng pagbabago sa


ekonomiya sa panahon ni Gobernador-Heneral Jose Basco
y Vargas. Noong 1781, itinatag ang monopolyo ng tabako.
Kontrolado ng pamahalaan ang malawakang pagsasaka at
pagbili ng tabako tulad ng sa Ilocos, Cagayan, Nueva Ecija
at Marinduque. Ito ay tumagal hanggang 1881.Ang bawat
mag-anak ng magsasaka ay may takdang dami ng tabako
na dapat anihin. Sila ay nagtanim ng 40,000 halaman ng
tabako sa isang taon. Ito ay binili ng lahatan ng pamahalaan
sa mababang halaga. Ipinagbawal din ng pamahalaan ang
paghithit ng mga mamamayan sa sariling ani.
Pinagmumulta sila kung ang kanilang ani ay nasira o
nasalanta ng bagyo. May mabigat na parusa sa sinumang
lumabag sa mga alituntunin.
Gobernador Heneral Jose Basco y Vargas
May kabutihang naidulot ang monopolyo. Natupad ang mithiin ng Basco na lumaki ang
kita ng pamahalaan at makapagsarili ang bansa. Nagkaroon ng trabaho ang libu-libong
mamamayan. Nang lumaon, mas marami ang kasamaang naidulot nito. Inabuso ng mga
pinunong namahala rito ang kanilang tungkulin kayat katakut-takot na paghihirap ang dinanas
ng mga mamamayan. Ang mga magsasakang nasiraan ng pananim ay hindi lamang pinagmulta
kundi binawian pa ng lupa. Hindi rin sila binayaran. Nagkaroon ng puslitan at suhulan. Sa halip
na mapunta sa pamahalaan ang salapi, napunta ito sa bulsa ng mga opisyal. Umabot ito sa
kaalaman ng Hari ng Espanya kayat ipinatigil niya ang monopolyo.

GAWIN MO

Gawain A
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng monopolyo ng tabako sa ating bansa?
2. Sinong pinunong Espanyol ang nagpasok ng mga pagbabagong pang-ekonomiya sa
kolonyang Pilipinas?
3. Paano naapektuhan ang mga Pilipino ng reporma ni Basco?
4. Anu-ano ang mga lalawigang sakop ng monopoly ng tabako?
5. Bakit nagpatupad ng mga reporma o pagbabago sa kabuhayan ang Espanya sa kolonya?

Gawain B
Gamit ang Venn Diagram, isa-isahin ang ibat ibang kabutihan at kasamaang dulot ng
monopolyo ng tabako sa ating bansa.

Kabutihang dulot Kabutihang dulot

Monopolyo
ng Tabako

Gawain C
Magkaroon ng isang maikling pagsasadula ng pagtatatag ng monopolyang tabako
naganap sa ating bansa.
TANDAAN MO

Upang lumaki ang kita, nagkaroon ng pagbabago sa ekonomiya sa panahon ni


Gobernador-Heneral Jose Basco.
Ang monopolyo ng tabako ay naitatag.
Tabako lamang ang itinatanim sa Hilagang Luzon.
May takdang dami ng itatanim at may takdang presyo rin. Nahirapan ang mga Pilipino
dahil kinapos sa pagkain.

NATUTUHAN KO
Iguhit ang masayang mukha ang bilang kung ang pahayag ay nagpapakita ng
kagandahang naidulot na monopolyo ng tabako, malungkot na mukha kung ito ay
nagpapakita ng kasamaang naidulot nito sa ating bansa. Gawin ito sa notbuk.
_____ 1. Marami sa mga opisyal ng pamahalaan ang naging mapagsamantala.
_____ 2. Natutustusan na ng kinikita sa monopolyo ng tabako ang pangangailangan ng kolonya
at hindi na kailangan pang humingi ng suporta mula sa Espanya
_____ 3. Malaking lupain din ang nalinang upang gawing taniman ng tabako.
_____ 4. Naging mapang-abuso ang ilang mga opisyal sa tuwing maghahalungkat ng mga bahay
ng magsasaka na pinaghihinalaang nagtatago ng tabako.
_____ 5. Nanguna ang Pilipinas sa pag-aani ng tabako sa buong silangan.
ARALIN 2 Pag-aalsa sa Estadong Kolonyal

PANIMULA
Ayon sa mga mananaliksik ng kasaysayan ng ating bansa, tumutol ang marami sa ating
mga ninuno sa pananakop ng mga Espaol. Malaking hirap, pagmamalupit at pang-aabuso ang
dinanas ng mga Pilipino noon kaya nag-alsa sila. Mahigit sa 100 pag-aalsa ang isinagawa nila sa
loob ng 333 taong pananakop ng mga Espaol sa Pilipinas.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat na nakapagtatalakay ng ilang mga pag-aalsa sa
loob ng kalagayang kolonyal.

ALAMIN MO

Bakit nag-alsa ang mga katutubo?

Larawan ng paglaban ng mga Pilipino at mga mananakop

Ang pag-aalsa ay ang pagtutol o hindi pagsang-ayon sa mga patakaran o anumang


nakahahadlang sa kalayaan ng mga mamamayan sa isang lugar o ng isang indibidwal.

Ilan lamang ang mga sumusunod na pag-aalsa:

Lakan Dula at Sulayman (1574)

Ang pamamalakad sa bansa ni Legazpi ay


maganda at maayos. Ngunit nang mamatay si Legazpi,
ang naging kapalit niyang si Gobernador Heneral Guido
de Lavezares ay hindi naibigan ng mga katutubo dahil
bigla niyang inalis ang mga karapatang ipinagkaloob ni
Legazpi. Pinagmalupitan at pinagsamantalahan ng mga
Espaol ang mga katutubo. Naging matindi ang galit
Lakan Dula Raha Sulayman
nina Lakan Dula at Sulayman at sila ay nag-alsa.
Naganap ito sa Tondo noong 1574. Natigil lamang ang pag-aalsa ng mga Pilipino nang ibalik kina
Lakan Dula at Sulayman ang kanilang karapatan.
Magat Salamat (1587-1588)

Lalong matindi ang pag-aalsa ni Magat Salamat, anak ni


Lakan Dula, kaysa sa naunang pag-aalsa ng kanyang ama at
tiyuhin. Nagtatag siya ng lihim na samahan upang ipaglaban at
makamit muli ang kalayaan ng mga katutubong Pilipino noong
unang bahagi ng 1587. Ang mga kasapi ay buhat sa ibat ibang
panig ng Gitnang Luzon at sa Pulo ng Cuyo at Borneo.
Nakipagsabwatan din sila kina Juan Gayo at Dionisio Fernandez
na magpasok ng mga sandata buhat sa Japan.

Subalit sila ay hindi nagtagumpay dahil sa pagtataksil ng isa


nilang kasamahan na si Antonio Surabao. Dahil dito, ikinulong at
pinatay si Magat Salamat.

Magalat

Ang mga taga-Cagayan sa pamumuno ni Magalat ay nagpakita ng hindi pagsang-


ayon sa buwis at sapilitang paggawa na ipinatutupad ng mga Espanyol subalit siya rin ay nabigo.

Ang Rebelyon ng Gaddang (1621)

Dahil sa pagmamalabis ng mga Espaol, pinamunuan nina Felipe


Catabay at Gabriel Taya gang paghimagsik ng mga Gaddang sa Cagayan
Valley. Pinakiusapan sila ng Dominikong paring si Pedro de Santo Tomas
na itigil na ang labanan. Dahil sa mahusay magsalita ang pari, nakining sila
at sumuko.

Ang Rebelyon nina Bancao at Tamblot (1621-1622)

Naganap ang rebelyong panrelihiyon dahil nais talikdan ng ilang


Pilipino ang Kristiyanismo. Nais nilang bumalik sa pananampalataya sa
mga diyos ng kanilang mga ninuno. Ang pag-aalsa sa Bohol ay
pinamunuan ni Tamblot. Sa Leyte, ito ay pinamunuan ni Bancao.
Nagpadala ang pamahalaan ng mga sundalong Espaol at sundalong
Pilipino galing Cebu upang supilin ang rebelyon.
Tamblot
Sumuroy (1649-1650)

Ang mga taga-Samar ay pinamunuan ni Sumuroy dahil sa pagtutol


ng mga Bisaya mula sa Samar na magpunta sa Cavite ayon sa kautusan
ni Gobernador Diego Fajardo upang gumawa ng mga barko.
Ang Rebelyon ni Maniago (1660-1661)

Pinamunuan ni Francisco Maniago ang rebelyon ng mga


Kapampangan. Nagrebelde sila noong Oktubre 1660 dahil sa nais
nilang maging Malaya. Tinutulan nila ang sapilitang pagpapatrabaho.
Hinarangan nila ang mga ilog para mapiglan ang pagdadala ng mga
pagkain patungong Maynila upang magutom ang mga Espaol.
Nahikayat ni Maniago ang mga taga-Pangasinan at Ilocos na
sumama sa kanya.
Nagkaroon ng negosasyon sa pagitan ng gobernador
heneral at ni Maniago. Si Maniago at ang mga kasama nito ay
pinangakuan ng mga Espaol na bibigyan ng malaking halaga.
Hinayaan din silang gumawa sa kanilang mga bukid kayat natigil ang
pag-aalsa.

Ang Rebelyon ni Malong (1660-1661)

Si Andres Malong ay naakit sa panawagan ni Maniago na mag-alsa laban sa kalupitan ng


mga Espaol. Nag-alsa ang mga mamamayan ng Lingayen, Pangasinan noong Disyembre 15,
1660. Lumaganap ang pagbangon at nakisama rin ang mga taga-ibang bayan sa kilusan nila.
Pinatay ng mga Pilipino ang gobernador at ibang malulupit na Espaol. Nagpadala si malog ng
mga mensahero sa ibat ibang lalawigan para hikayatin ang mga tao na makiisa sa kanila.
Nanghina ang kanilang hukbo at nasukol sila sa mga Espaol sa bayan ng Binatongan (Lungsod
ng San Carlos). Nabihag si Malong ng mga Espaol at ipinapatay.

Ang Pag-aalsa ni Tapar (1663)

Isang babaylan si Tapar. Itinatag niya sa Oton, Panay ang isang bagong relihiyon na
parang binagong anyo ng Kristiyanismo noong 1663. Tinutulan ng paring Espaol ang kilusang
panrelihiyon. Sumugod ang mga tropa ng pamahalaan at nahuli si Tapar. Binitay siya kasama ng
iba pa niyang kaibigan. Itinali ang kanilang labi sa poste upang makita ng mga taong bayan at
hindi pamarisan.

Ang Rebelyong Silang (1762-1763)

Si Diego Silang ay kinulong ng mga Espaol


dahil nagpetisyon siya na alisin ang pagpapataw ng
buwis sa mga Pilipino. Nang siya ay pakawalan,
hinimok niya ang kanyang mga kababayang Ilocano
na maghimagsik laban sa mga Espaol. Nagtatag
siya ng sariling pamahalaan sa Vigan at nakipag-
ugnayan sa mga Ingles upang makayanan ang
pakikipaglaban sa mga Espaol. Pinadalhan siya ng
mga sandata ng mga ito. Nagsimula ang rebelyon
noong Disyembre 14, 1762 sa Vigan. Nang siya ay namatay noong Mayo 28, 1763, ipinagpatuloy
naman ng kanyang asawa, si Maria Josefa Gabriela ang pakikipaglaban. Sa kasamaang-palad,
hindi rin nagtagal ang kanyang pangrerebelyon. Pinatay siya ng mga Espaol noong Setyembre
20, 1763.
Dagohoy (1744-1829)

Ang malawakang pag-aalsa laban sa mga Espaol ay


pinagunahan ni Francisco Dagohoy na siya ring itinuturing na
pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas.

Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si


Gaspar Morales na bigyan ng Katolikong libing ang kanyang kapatid.

Palaris

Ang pag-aalsa sa Pangasinan ay pinamunuan ni Juan dela Cruz


Palaris. Nahimok na sumapi ang mga mamamayan ng mga bayan ng
Binalatongan, Dagupan, San Jacinto, Bayambang at Santa Barbara,
upang humingi ng reporma sa pamamahala.

Ang Rebelyon ni Hermano Pule (1840-1841)

Si Apolinario de la Cruz ang namuno sa rebelyong


panrelihiyon ng mga tagalog noong 1840-1841. Kilala siya sa tawag
na Hermano Pule. Pangarap niyang maging mahal banal na
misyonero o ministro ng Diyos kayat nagtungo siya sa Maynila upang
pumasok sa isang orden. Hindi siya tinanggap dahil isa siyang
Pilipino. Hindi siya nawalan ng pag-asa at namasukan siya s Ospital
ng San Juan de Dios. Nag-aral siya at nagtatag ng isang relihiyosong
kapatiran na tinawag niyang Confradia de San Jose. Marami ang
sumapi sa kanyang itinatag na samahan ngunit ito ay ipinagbawal ng
mga opisyal ng simbahan. Tinugis siya ng mga ito at itinuring na
rebelled kayat lumaban siya. Noong Nobyembre 4, 1841, pinugutan
siya ng ulo sa bayan ng Tayabas (sa Quezon). Ang pugot na ulo ay
itinusok sa poste upang maging babala sa tao.

GAWIN MO

Gawain A

Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Anu-anong katangian ng mga Pilipino ang kanilang
ipinakita?
Katalinuhan
1. Lumban ang mga katutubo kahit Kasipagan
mahina ang kanilang armas. _______________
Katapatan
2. Sumapi ang mga taga ibat ibang lalawigan Katapangan
sa lihim na samahang itinayo ni Magat Salamat. Pagkakaisa
Pagmamahal sa kalayaan
3. Hinarang ng mga kasama ni Maniago ang daraanan ng mga pagkain para sa mga Espaol
upang sila ay magutom at mapilitang ibigay ang kanilang mga hinihiling.

4. Namundok sila at nagtatag ng sariling pamahalaan ng sariling pamahalaan. Nagrebelde siya


mula 1744 hanggang 1825, hanggang siya ay pinatawad at hinayaang mamuhay nang tahimik.

5. Gumawa ng sariling armas ang mga Muslim upang lumaban sa mga Espaol.

Gawain B

Narito ang mapa ng ating bansa. Ipinakikita ng marka ang ilang bahagi nito kung saan
naganap ang ilan pag-aalsa laban sa mga Espaol. Isulat kung sino ang namuno ng mga pag-
aalsang ito.

Cagayan: ____________________________
Ilocos: ______________________________
Pangasinan: _________________________
Pampanga: __________________________
Manila: ______________________________
Quezon: _____________________________
Panay: ______________________________
Leyte: _______________________________
Bohol: _______________________________

Gawain C

Cooperative Learning Technique. Hatiin ang klase sa 4-5 pangkat. Ang bawat pangkat ay
ay sasagutin ang mga tanong mula sa task card.

Pangkat II Pangkat III

Bakit nagrebelde sina Ano ang


Tamblot at Bancao? kinalabasan ng
rebelyon ng mga
Kapampangan?
Pangkat IV
Pangkat V
Anong resulta ng pag-aalsa
Gaano katagal ang pag-
nina Malong at Tapar?
aalsa ng grupo ni
Dagohoy?
Bakit ganoon ang
Ano ang dahilan nito?
resulta?

TANDAAN MO

Nagsipaglaban sa mga Espanyol ang mga Pilipino upang tutulan ang mga kalupitan at di-
makatarungang pamamahala. Karamihan sa mga pag-aalsa ay nabigo dahil kanya-kanya sila
ng ipinaglalaban. Ilan sa mga ito ay pinamunuan ni Lakan Dula, Magat Salamat, Bancao,
Tamblot, Silang, Sumuroy, Maniago, Malong, Dagohoy, Pule at Tapar.

NATUTUHAN KO

Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Sino ang namuno sa pag-aalsa ng mga Tagalog?


A. Diego Silang C. Hermano Pule
B. Felipe Catabay D. Magat Salamat

2. Bakit nag-alsa si Tamblot? Ano ang ipinaglaban niya?


A. Nais nilang bumalik sa pananampalataya sa mga diyos ng kanilang mga ninuno.
B. Inalis ni Gobernador Heneral Guido de Lavezares ang karapatang ipinagkaloob ni
Legazpi sa mga katutubo.
C. Ipinadala ng mga manggagawang taga-Samar sa Cavite upang magtrabaho sa
gawaan ng barko.
D. Tinutulan nila ang sapilitang pagtratrabaho ng mga Espaol.

3. Anong pangkat-etniko sa Luzon ang sumuko sa pakikipaglaban sa mga Espaol?


A. Apayao C. Cebuano
B. Badjao D. Gaddang

4. Ano ang isa sa mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espaol?
A. Pagyakap sa relihiyong Kristiyanismo.
B. Mabuting pakikitungo ng mga Espaol sa mga katutubo.
C. Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espaol.
D. Paniningil ng tamang buwis sa mga katutubong Pilipino.
5. Bakit hindi nagtagumpay ang mga rebelyon ng mga Pilipino laban sa mga Espaol?
A. Wala silang pinuno. C. Wala silang pagkakaisa.
B. Wala silang mga armas. D. Wala silang sapat na dahilan.
Aralin 3 Kilusang Agraryo ng 1745

PANIMULA

Naganap ang pag-aalsa sa mga Tagalog na probinsya noong 1745. Sa mga lalawigang
ito, malalaki ang lupaing pag-aari ng mga Prayleng Espaol, kung saan ipinagbayad ang mga
magsasaka ng renta hindi lamang para sa lupang sinasaka kundi pati na rin sa lupang
kinatatayuan ng kanilang bahay.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat na nakapagtatalakay ng tungkol sa Kilusang


Agraryo 1745.

ALAMIN MO

Ano ang Kilusang Agraryo?


Bakit ito nangyari?

Ayon sa kasaysayan, noong 1745, nagkaroon ng malawakang pag-aalsa ang mga taga-
Cavite, Morong, Batangas, Bulacan, at Laguna.

Dahilan ng pag-aalsa:

1. Pangangamkam ng mga lupa ng mga katutubo


2. Pagtanggal ng mga nakamulatang karapatan ng mga mamamayan
3. Pandaraya sa mga lupain at hindi makatarungang paniningil ng buwis sa kanilang lupain

Batay sa ulat ni Pedro Enriquez Calderon na siyang nagsiyasat noong 1739, ang mga lupain at
kita nito ay napupunta sa mga relihiyosong pari tulad ng mga Dominicano, Heswita, at Agustino.

Ang karampatang bayad ng mga katutubo ay ang mga sumusunod. Ito ay binabayaran sa loob
lamang ng isang taon.

1. Tatlong piso (P3.00) sa may asawa


2. Piso at limang sentimo (P1.50) sa mga biyudo o biyuda
3. Natuklasan din ni Don Pedro Enriquez na ang mga sukat ng lupa na inilaan sa mga
katutubo ay hindi naayon sa tamang sukat.
4. Isang kawani ng audiencia ang gumawa nito at ang mga sumukat ng lupa ay kasabwat
upang dayain ang mga katutubo.
5. Ayon naman sa akda ni Juan dela Concepcion, nanghimasok ang mga Heswita sa mga
ari-arian ng mga katutubo.
6. Iginiit nila na kanila ang mga lupain at pinagkakamkam ito.
7. Nang malaman ito ng mga katutubo, sila ay nag-aklas at nilusob ang mga tahanan ng
mga Heswita at sinunog ang kanilang mga bahay. Ang paghihimagsik na ito ay lumaganap
sa mga karatig na lalawigan.

Noong Nobyembre 7, 1751, si Don Pedro Enriquez ay nagsumite ng ulat sa hari hinggil
sa kanyang natuklasan sa mga pamayanan ng Taguig, Hagonoy, Cavite, at Paranaque.

Ang mga paring relihiyoso tulad ng Dominicano at Agustino ay nang-agaw ng mga lupain,
inalisan ng kalayaan sa pangingisda sa mga iIog, at hindi pinahintulutang pumutol ng mga puno
at kumuha ng mga prutas ang mga katutubo. Hindi rin sila pinayagang makapagpastol ng
kanilang mga hayop sa kaburulan.

Sa Katagalugan ang naging sentro ng mga ganitong uri ng pag-aalsa sapagakat sa mga
lalaawigang ito matatagpuan ang hacienda ng mga prayle.

GAWIN MO

Gawain A
Sagutin ang mga katanungan.
1. Magkano ang ibinabayad sa lupa ng mga katutubong may asawa sa mga pari?
2. Ano ang ginawa ng mga katutubo nang malaman ang anomalya sa kanilang lupain?
3. Sino ang lubusang nakinabang sa mga lupain ng mga katutubo?
4. Bakit nabuo ang kilusang agraryo? Ano ang mahihinuha mo sa pahayag na ito?
5. Paano mo ilalarawan ang mga prayleng sangkot sa tinalakay na paksa?

Gawain B
Pag-aralan ang mapa. Kulayan ang mga lugar kung saan naganap ang kilusang agraryo noong
1745.
Gawain C
Buuin ang fish organizer. Isulat rito ang mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo.

TANDAAN MO

Ang pag-aalsang ito ay bunsod ng hindi makatarungang pang-aagaw at pangangamkam


ng mga pari sa lupa ng mga katutubo. Libo-libong mga Pilipino ang humawak ng sandata upang
ipakita ang kanilang pagtutol dito. Nangyari ang mga ganitong uri ng pag-aalsa sa Silang, Cavite
noong Abril 1745 na mabilis na kumalat sa mga nayon ng Taguig, Paraaque, Hagonoy, Bacoor,
San Mateo, at Bulacan.

NATUTUHAN KO

Isulat ang Tama kung wasto ang ipinapahayg ng bwat pangungusap. Kung mali, iwasto
ang mga nakasalungguhit na salita.

1. Ang mga lupain at kita nito ay napupunta sa mga relihiyosong pari tulad ng mga Indiano,
Heswita, at Agustino.
2. Tatlong piso ang bayad ng mga biyudo at biyuda sa lupain.
3. Sa Kabisayaan ang sentro ng kilusang agraryo.
4. Isa sa mga dahilan ng pag-aalsa ay ang pandaraya sa mga lupain at hindi
makatarungang paniningil ng buwis sa kanilang lupain
5. Tinanggalan ng mga nakamulatang karapatan ang mga katutubo.
ARALIN 4 Pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose

PANIMULA
Si Apolinario de la Cruz (1815-1841) ay mas kilala sa pangalang Hermano Pule. Siya ay
isinilang noong Hulyo 22, 1815 sa Sitio Pandak, bayan ng Lucban, Tayabas (Quezon), kung saan
niya natamo ang pangunahing pag-aaral ng pananampalataya. Siya ay natanggap na hermano
sa San Juan De Dios. Kabilang sa labinsiyam na dating hermano na nagtatag ng Confradia de
San Jose, siya ay naging tagapagtanggol ng kalayaan sa karapatang panlipunan at
pananampalataya.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat na nakapagtatalakay ng pag-aalsa ng Kapatiran
ng San Jose.

ALAMIN MO

Ano ang kapatirang ito? Bakit nagsipag-alsa ang mga kasapi?

Pag-aalsa ni Hermano Pule

Si Hermano Pule ay isang "lay brother" ng Ospital ng San


Juan de Dios. Gusto niyang magpari ngunit hindi siya
tinanggap dahil isa siyang Pilipino.
Kaya noong 1832, itinatag niya ang Kapatiran ng San Jose o
Cofradia de San Jos, isang kapatiran na Pilipino lamang
ang puwedeng sumali. Karamihan ng mga kasapi nito ay mga
magsasaka at ito ang naging kapalit ng Katolisismo.
Mula sa punong himpilan nito sa Bundok Banahaw,
nagkaroon sila ng malawak na kapatiran sa Tayabas
(Quezon), Laguna, at Batangas.
Sa paglakas ng samahan, nabahala ang mga Espaol. Sa
kabila ng paghiling niya na kilalanin ng pamahalaan at ng
simbahan ang kanyang samahan, sa tulong ni Domingo
Roxas, nabigo si Pule.
Noong Oktubre, 1841, sinalakay ng mga Espaol ang Cofradia. Inipon ni Pule ang 4,000 mga
kasapi sa Alitao at matagumpay na nakipaglaban sa mga Espaol.
Ngunit nang dumating ang mga sumaklolong sundalong Espaol, walang awa nilang
pinagpapatay ang matatanda, mga babae at mga bata na kasama nina Pule.
Nahuli si Pule sa Barrio Guibanga at hinatulang mamatay sa Casa Tribunal ng Tayabas.
Matapos siyang barilin (sa edad na 26), ang katawan niya ay pinaghati-hati, inilagay sa mga
kawayan at ibinandera sa mga lugar na madaling makita upang maging babala sa mga nag-
iisip na mag-alsa.
GAWIN MO

Gawain A
Sagutin ang mga katanungan.

1. Sino ang nagtatag ng Cofradia de San Jose o Kapatiran ng San Jose?


2. Sino-sino ang mga eksklusibong kasapi ng Cofradia de San Jose?
3. Saang lalawigan nangyari ang pag-aalsa ni Hermano Pule? Bakit hindi tinanggap sa
pagpapari si Hermano Pule?
4. Nang tinanggihan siyang magpari, ano ang isyung ipinakita rito?
5. Bakit nabahala ang mga Espaol sa Cofradia de San Jose?

Gawain B
Pagsunud-sunurin ang mga pangyayaring naganap sa Kapatiran ng San Jose. Isulat ang bilang
1-5 sa loob ng kahon.

Nagkaroon ang samahan ng malawak na kapatiran sa Tayabas (Quezon), Laguna, at


Batangas.

Nahuli si Pule sa Barrio Guibanga at hinatulang mamatay sa Casa Tribunal ng Tayabas.


Noong 1832, itinatag niya ang Kapatiran ng San Jose o Cofradia de San Jos, isang
kapatiran na Pilipino lamang ang puwedeng sumali.
Noong Oktubre, 1841, sinalakay ng mga Espaol ang Cofradia.
Hindi tinanggap si Pule na maging pari.

Gawain C
Magbigay ng opinyon.
TANDAAN MO

Naitatag ang Samahan ng San Jose dahil sa isyu ng diskriminasyon sa lahi. Ginawa itong
kahalili ng Katolisismo ng mga kasapi. Nag-umpisa ang pag-aalsa nang sumalakay sa kanila ang
mga Espaol. Bagama't nagtanggol ang mga Pilipino, tinalo sila ng mga kalaban.

NATUTUHAN KO

Isulat ang mga salitang nawawala sa bawat pangungusap. Humanap ng kasagutan


sa loob ng kahon.

Bundok Banahaw Domingo Roxas


Kapatiran ng San Jose Espaol

Casa Tribunal Barrio Guibanga

1. Itinatag ni Pule ang _____________________, isang samahan na Pilipino lamang ang


pwedeng sumali.
2. Sa tulong ni _____________________, hiniling ni Pule na kilalanin ng pamahalaan at ng
simbahan ang kanyang samahan.
3. Mula sa punong himpilan ng nito sa __________________, nagkaroon sila ng malawak
na kapatiran sa ibat ibang lalawigan.
4. Sinalakay ng mga _________________ ang kapatiran noong Oktubre, 1841.
5. Nahuli si Pule at hinatulang mamatay sa ______________________.
ARALIN 5 Okupasyon ng Ingles sa Maynila

PANIMULA

Ang pananakop ng mga Ingles sa Maynila sa pagitan 1762 at 1764 ay isang


bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas kung saan sinakop nang Kaharian ng Gran Britanya ang
kabisera ng kolonyang Kastila, ang Maynila at ang kalapit nitong pangunahing daungan sa
Cavite.

Ang paglaban mula sa pansamantalang pamahalaang kolonyal na Kastila na itinatag ng


mga kasapi ng Real Audiencia ng Maynila at nang mga kakamping Pilipino nito ang nakapigil sa
puwersang Ingles upang mapasailalim ang iba pang mga teritoryo sa mga kalapit na bayan ng
Maynila at Cavite. Ang pananakop ng mga Ingles ay nagwakas sa isang kasunduang
pangkapayapaan ng Pitong Taong Digmaan.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat na nakapagtatalakay ng pananakop ng mga


Ingles sa Maynila.

ALAMIN MO

Nasakop pala ng Great


Britain ang Maynila.
Bakit at paano?

Pananakop ng mga Ingles sa Maynila

Sinalakay ng mga Ingles ang Pilipinas upang maging bahagi ito ng kanilang imperyo sa
Asya. Noong ika-24 ng Setyembre 1762, labindalawang plotang Ingles ang sumalakay
sa Look ng Maynila sa pamumuno nina Brigador-Heneral Wiliam Draper at Rear-Admiral
Samuel Cornish.
Oktubre 5, 1762, isang gabi bago bumagsak ang Maynila sa kamay ng mga Ingles,
pinagsumikapang lumaban ng mga Espanyol subalit sa tindi ng digmaan at pagiging
handa ng mga Ingles, tuluyan nilang nakubkob ang Kamaynilaan at ang mga teritoryong
militar ng mga Espanyol.
Noong tuluyang nasakop ng mga Ingles ang Maynila, pinasok at hinalughog lahat ng
mga establisimiyento, mga opisina ng gobyerno, at maging mga simbahan.
Ang lahat ng mahahalagang gamit, bagay man o mga dokumento ay kanilang kinuha,
maging ang palasyo ng gobernador heneral ay kanilang nilooban.
Maliban sa panloloob at pagsamsam ng mahahalagang bagay ay nagkaroon pa ng iba
pang krimen at kaguluhan sa buong Maynila.
Nagkaroon ng panggagahasa, pagpatay, at pangugulo mula sa mga Ingles.
Upang matigil ang kaguluhan, ang mga Ingles ay humingi ng halagang apat na milyong
dolyar mula sa mga Espanyol na sinang-ayunan ni Arsobispo Rojo upang mapigilan ang
malaking pinsalang dulot ng mga Ingles.
Noong Nobyembre 2, 1762, si Dawsonne Drake ay itinalaga bilang isang British
Governor-General ng Maynila.
Pagkatapos nito, si Drake ay nagtatag ng Chottry Court na may ganap na
kapangyarihang ipabilanggo ang sinumang nais niyang ipabilanggo.

GAWIN MO

Gawain A

Sagutin ang mga tanong.

1. Sino ang namuno sa mga sundalong Ingles nang salakayin nila ang Maynila?
2. Bakit nilusob ng mga Ingles ang Maynila?
3. Ano ang tawag ni Dawsonne Drake sa konsehong kanyang itinatag?
4. Bakit natalo ang mga Espanyol ng mga Ingles? Ano ang mahihinuha mula rito? Ano ang
ibig sabihin nito?
5. Paano natigil ang kaguluhan sa Maynila dulot ng bagong mananakop?

Gawain B
Gamit ang Venn diagram, paghambingin ang mga katangian ng mga Espaol at Ingles na
sumakop sa ating bansa.

Pagkakatulad Pagkakaiba

Katangian ng
Espaol at
Ingles

Gawain C

Magkaroon ng pangkatang Gawain. Hatiin ang klase sa 3, ang bawat isang pangkat ay
bibigyan ng Task Card.

Pangkat I Iguhit ang pagsalakay ng plotang Ingles sa Look ng Maynila. Ano ang masasabi mo
ukol dito?
Pangkat II Mag-isip ng isang makabayang awitin na maaaring iangkop sa paksa, pagkatapos,
gawin ito sa harapan sa klase.

Pangkat III Sagutin ang mga sumusunod.

Paano natigil ang kaguluhan sa Maynila dulot ng bagong mananakop?


Paano nito ipinakikilala ang mga Ingles na sumakop sa Maynila?
Paano nabago ng pananakop sa Maynila ng mga Ingles ang pagtingin ng mga Pilipino
sa mga Espanyol?

TANDAAN MO

Nasakop ng Britanya ang Maynila. Ito ay nangangahulugang hindi na ang


Espanya ang pinakamalakas na bansa. Mahina na ito at kaya nang talunin ng mga
Pilipino.

NATUTUHAN KO

Punan ang patlang ng tamang sagot. Pumili sa mga konseptong nasa loob ng kahon.

1. Si _____________________ ay itinalaga bilang isang British Governor-General ng


Maynila.
2. Nang lusubin ng mga Ingles ang Look ng
Maynila, isa si ____________________ sa Chottry Court
mga namuno nito. Rear-Admiral Samuel Cornish
3. Noong ____________________, Oktubre 5, 1762
pinagsumikapang lumaban ng mga Espaol Dawsonne Drake
upang di mapasakamay ng mga Ingles ang Setyembre 24, 1762
Maynila.
4. Itinatag ni Governor General Drake ang ____________________ na may ganap na
kapangyarihang ipabilanggo ang sinumang nais niyang ipabilanggo.
5. Noong _____________________ sinalakay ng mga Ingles ang Pilipinas upang maging
bahagi ito ng kanilang imperyo sa Asya.

You might also like