Professional Documents
Culture Documents
ARALING PANLIPUNAN
KAGAMITAN NG MAG-AARAL
YUNIT 4
ARALIN 1 Konteksto ng Reporma at Pagtatatag ng Monopolyang Tabako
PANIMULA
ALAMIN MO
Anu-ano naman ang mga
kasamaang naidulot
Anu-ano ang mga kabutihang nito?
dulot ng monopolyo ng tabako?
2
May kabutihang naidulot ang monopolyo. Natupad ang mithiin ng Basco na lumaki ang
kita ng pamahalaan at makapagsarili ang bansa. Nagkaroon ng trabaho ang libu-libong
mamamayan. Nang lumaon, mas marami ang kasamaang naidulot nito. Inabuso ng mga
pinunong namahala rito ang kanilang tungkulin kayat katakut-takot na paghihirap ang dinanas
ng mga mamamayan. Ang mga magsasakang nasiraan ng pananim ay hindi lamang pinagmulta
kundi binawian pa ng lupa. Hindi rin sila binayaran. Nagkaroon ng puslitan at suhulan. Sa halip
na mapunta sa pamahalaan ang salapi, napunta ito sa bulsa ng mga opisyal. Umabot ito sa
kaalaman ng Hari ng Espanya kayat ipinatigil niya ang monopolyo.
GAWIN MO
Gawain A
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng monopolyo ng tabako sa ating bansa?
2. Sinong pinunong Espanyol ang nagpasok ng mga pagbabagong pang-ekonomiya sa
kolonyang Pilipinas?
3. Paano naapektuhan ang mga Pilipino ng reporma ni Basco?
4. Anu-ano ang mga lalawigang sakop ng monopoly ng tabako?
5. Bakit nagpatupad ng mga reporma o pagbabago sa kabuhayan ang Espanya sa kolonya?
Gawain B
Gamit ang Venn Diagram, isa-isahin ang iba‘t ibang kabutihan at kasamaang dulot ng
monopolyo ng tabako sa ating bansa.
Monopolyo
ng Tabako
Gawain C
Magkaroon ng isang maikling pagsasadula ng pagtatatag ng monopolyang tabako
naganap sa ating bansa.
3
TANDAAN MO
NATUTUHAN KO
Iguhit ang masayang mukha ang bilang kung ang pahayag ay nagpapakita ng
kagandahang naidulot na monopolyo ng tabako, malungkot na mukha kung ito ay
nagpapakita ng kasamaang naidulot nito sa ating bansa. Gawin ito sa notbuk.
_____ 1. Marami sa mga opisyal ng pamahalaan ang naging mapagsamantala.
_____ 2. Natutustusan na ng kinikita sa monopolyo ng tabako ang pangangailangan ng kolonya
at hindi na kailangan pang humingi ng suporta mula sa Espanya
_____ 3. Malaking lupain din ang nalinang upang gawing taniman ng tabako.
_____ 4. Naging mapang-abuso ang ilang mga opisyal sa tuwing maghahalungkat ng mga
bahay ng magsasaka na pinaghihinalaang nagtatago ng tabako.
_____ 5. Nanguna ang Pilipinas sa pag-aani ng tabako sa buong silangan.
4
ARALIN 2 Pag-aalsa sa Estadong Kolonyal
PANIMULA
Ayon sa mga mananaliksik ng kasaysayan ng ating bansa, tumutol ang marami sa ating
mga ninuno sa pananakop ng mga Español. Malaking hirap, pagmamalupit at pang-aabuso ang
dinanas ng mga Pilipino noon kaya nag-alsa sila. Mahigit sa 100 pag-aalsa ang isinagawa nila
sa loob ng 333 taong pananakop ng mga Español sa Pilipinas.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat na nakapagtatalakay ng ilang mga pag-aalsa
sa loob ng kalagayang kolonyal.
ALAMIN MO
5
Magat Salamat (1587-1588)
Magalat
6
Ang Rebelyon ni Maniago (1660-1661)
Isang babaylan si Tapar. Itinatag niya sa Oton, Panay ang isang bagong relihiyon na
parang binagong anyo ng Kristiyanismo noong 1663. Tinutulan ng paring Español ang kilusang
panrelihiyon. Sumugod ang mga tropa ng pamahalaan at nahuli si Tapar. Binitay siya kasama
ng iba pa niyang kaibigan. Itinali ang kanilang labi sa poste upang makita ng mga taong bayan
at hindi pamarisan.
Dagohoy (1744-1829)
7
Ang malawakang pag-aalsa laban sa mga Español ay pinagunahan ni Francisco
Dagohoy na siya ring itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas.
Palaris
GAWIN MO
Gawain A
Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Anu-anong katangian ng mga Pilipino ang kanilang
ipinakita?
Katalinuhan
1. Lumban ang mga katutubo kahit Kasipagan
mahina ang kanilang armas. _______________
Katapatan
2. Sumapi ang mga taga iba‘t ibang lalawigan Katapangan
sa lihim na samahang itinayo ni Magat Salamat. Pagkakaisa
Pagmamahal sa kalayaan
3. Hinarang ng mga kasama ni Maniago ang daraanan ng mga pagkain para sa mga Español
upang sila ay magutom at mapilitang ibigay ang kanilang mga hinihiling.
8
4. Namundok sila at nagtatag ng sariling pamahalaan ng sariling pamahalaan. Nagrebelde siya
mula 1744 hanggang 1825, hanggang siya ay pinatawad at hinayaang mamuhay nang
tahimik.
5. Gumawa ng sariling armas ang mga Muslim upang lumaban sa mga Español.
Gawain B
Narito ang mapa ng ating bansa. Ipinakikita ng marka ang ilang bahagi nito kung saan
naganap ang ilan pag-aalsa laban sa mga Español. Isulat kung sino ang namuno ng mga pag-
aalsang ito.
Cagayan: ____________________________
Ilocos: ______________________________
Pangasinan: _________________________
Pampanga: __________________________
Manila: ______________________________
Quezon: _____________________________
Panay: ______________________________
Leyte: _______________________________
Bohol: _______________________________
Gawain C
Cooperative Learning Technique. Hatiin ang klase sa 4-5 pangkat. Ang bawat pangkat
ay ay sasagutin ang mga tanong mula sa task card.
9
Pangkat IV
Pangkat V
Anong resulta ng pag-aalsa
Gaano katagal ang pag-
nina Malong at Tapar?
aalsa ng grupo ni
Dagohoy?
Bakit ganoon ang
Ano ang dahilan nito?
resulta?
TANDAAN MO
Nagsipaglaban sa mga Espanyol ang mga Pilipino upang tutulan ang mga kalupitan at
di-makatarungang pamamahala. Karamihan sa mga pag-aalsa ay nabigo dahil kanya-kanya
sila ng ipinaglalaban. Ilan sa mga ito ay pinamunuan ni Lakan Dula, Magat Salamat,
Bancao, Tamblot, Silang, Sumuroy, Maniago, Malong, Dagohoy, Pule at Tapar.
NATUTUHAN KO
4. Ano ang isa sa mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Español?
A. Pagyakap sa relihiyong Kristiyanismo.
B. Mabuting pakikitungo ng mga Español sa mga katutubo.
C. Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Español.
D. Paniningil ng tamang buwis sa mga katutubong Pilipino.
5. Bakit hindi nagtagumpay ang mga rebelyon ng mga Pilipino laban sa mga Español?
A. Wala silang pinuno. C. Wala silang pagkakaisa.
B. Wala silang mga armas. D. Wala silang sapat na dahilan.
10
Aralin 3 Kilusang Agraryo ng 1745
PANIMULA
Naganap ang pag-aalsa sa mga Tagalog na probinsya noong 1745. Sa mga lalawigang
ito, malalaki ang lupaing pag-aari ng mga Prayleng Español, kung saan ipinagbayad ang mga
magsasaka ng renta hindi lamang para sa lupang sinasaka kundi pati na rin sa lupang
kinatatayuan ng kanilang bahay.
ALAMIN MO
Ayon sa kasaysayan, noong 1745, nagkaroon ng malawakang pag-aalsa ang mga taga-
Cavite, Morong, Batangas, Bulacan, at Laguna.
Dahilan ng pag-aalsa:
Batay sa ulat ni Pedro Enriquez Calderon na siyang nagsiyasat noong 1739, ang mga lupain at
kita nito ay napupunta sa mga relihiyosong pari tulad ng mga Dominicano, Heswita, at Agustino.
Ang karampatang bayad ng mga katutubo ay ang mga sumusunod. Ito ay binabayaran sa loob
lamang ng isang taon.
11
7. Nang malaman ito ng mga katutubo, sila ay nag-aklas at nilusob ang mga tahanan ng
mga Heswita at sinunog ang kanilang mga bahay. Ang paghihimagsik na ito ay
lumaganap sa mga karatig na lalawigan.
Noong Nobyembre 7, 1751, si Don Pedro Enriquez ay nagsumite ng ulat sa hari hinggil
sa kanyang natuklasan sa mga pamayanan ng Taguig, Hagonoy, Cavite, at Paranaque.
Sa Katagalugan ang naging sentro ng mga ganitong uri ng pag-aalsa sapagakat sa mga
lalaawigang ito matatagpuan ang hacienda ng mga prayle.
GAWIN MO
Gawain A
Sagutin ang mga katanungan.
1. Magkano ang ibinabayad sa lupa ng mga katutubong may asawa sa mga pari?
2. Ano ang ginawa ng mga katutubo nang malaman ang anomalya sa kanilang lupain?
3. Sino ang lubusang nakinabang sa mga lupain ng mga katutubo?
4. Bakit nabuo ang kilusang agraryo? Ano ang mahihinuha mo sa pahayag na ito?
5. Paano mo ilalarawan ang mga prayleng sangkot sa tinalakay na paksa?
Gawain B
Pag-aralan ang mapa. Kulayan ang mga lugar kung saan naganap ang kilusang agraryo noong
1745.
12
Gawain C
Buuin ang fish organizer. Isulat rito ang mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo.
TANDAAN MO
NATUTUHAN KO
Isulat ang Tama kung wasto ang ipinapahayg ng bwat pangungusap. Kung mali, iwasto
ang mga nakasalungguhit na salita.
1. Ang mga lupain at kita nito ay napupunta sa mga relihiyosong pari tulad ng mga Indiano,
Heswita, at Agustino.
2. Tatlong piso ang bayad ng mga biyudo at biyuda sa lupain.
3. Sa Kabisayaan ang sentro ng kilusang agraryo.
4. Isa sa mga dahilan ng pag-aalsa ay ang pandaraya sa mga lupain at hindi
makatarungang paniningil ng buwis sa kanilang lupain
5. Tinanggalan ng mga nakamulatang karapatan ang mga katutubo.
13
ARALIN 4 Pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose
PANIMULA
Si Apolinario de la Cruz (1815-1841) ay mas kilala sa pangalang ―Hermano Pule‖. Siya
ay isinilang noong Hulyo 22, 1815 sa Sitio Pandak, bayan ng Lucban, Tayabas (Quezon), kung
saan niya natamo ang pangunahing pag-aaral ng pananampalataya. Siya ay natanggap na
hermano sa San Juan De Dios. Kabilang sa labinsiyam na dating hermano na nagtatag ng
Confradia de San Jose, siya ay naging tagapagtanggol ng kalayaan sa karapatang panlipunan
at pananampalataya.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat na nakapagtatalakay ng pag-aalsa ng
Kapatiran ng San Jose.
ALAMIN MO
14
GAWIN MO
Gawain A
Sagutin ang mga katanungan.
Gawain B
Pagsunud-sunurin ang mga pangyayaring naganap sa Kapatiran ng San Jose. Isulat ang bilang
1-5 sa loob ng kahon.
Gawain C
Magbigay ng opinyon.
15
TANDAAN MO
Naitatag ang Samahan ng San Jose dahil sa isyu ng diskriminasyon sa lahi. Ginawa
itong kahalili ng Katolisismo ng mga kasapi. Nag-umpisa ang pag-aalsa nang sumalakay sa
kanila ang mga Español. Bagama't nagtanggol ang mga Pilipino, tinalo sila ng mga kalaban.
NATUTUHAN KO
16
ARALIN 5 Okupasyon ng Ingles sa Maynila
PANIMULA
Ang pananakop ng mga Ingles sa Maynila sa pagitan 1762 at 1764 ay isang bahagi ng
kasaysayan ng Pilipinas kung saan sinakop nang Kaharian ng Gran Britanya ang kabisera ng
kolonyang Kastila, ang Maynila at ang kalapit nitong pangunahing daungan sa Cavite.
ALAMIN MO
Sinalakay ng mga Ingles ang Pilipinas upang maging bahagi ito ng kanilang imperyo sa
Asya. Noong ika-24 ng Setyembre 1762, labindalawang plotang Ingles ang sumalakay
sa Look ng Maynila sa pamumuno nina Brigador-Heneral Wiliam Draper at Rear-Admiral
Samuel Cornish.
Oktubre 5, 1762, isang gabi bago bumagsak ang Maynila sa kamay ng mga Ingles,
pinagsumikapang lumaban ng mga Espanyol subalit sa tindi ng digmaan at pagiging
handa ng mga Ingles, tuluyan nilang nakubkob ang Kamaynilaan at ang mga teritoryong
militar ng mga Espanyol.
Noong tuluyang nasakop ng mga Ingles ang Maynila, pinasok at hinalughog lahat ng
mga establisimiyento, mga opisina ng gobyerno, at maging mga simbahan.
Ang lahat ng mahahalagang gamit, bagay man o mga dokumento ay kanilang kinuha,
maging ang palasyo ng gobernador heneral ay kanilang nilooban.
17
Maliban sa panloloob at pagsamsam ng mahahalagang bagay ay nagkaroon pa ng iba
pang krimen at kaguluhan sa buong Maynila.
Nagkaroon ng panggagahasa, pagpatay, at pangugulo mula sa mga Ingles.
Upang matigil ang kaguluhan, ang mga Ingles ay humingi ng halagang apat na milyong
dolyar mula sa mga Espanyol na sinang-ayunan ni Arsobispo Rojo upang mapigilan ang
malaking pinsalang dulot ng mga Ingles.
Noong Nobyembre 2, 1762, si Dawsonne Drake ay itinalaga bilang isang British
Governor-General ng Maynila.
Pagkatapos nito, si Drake ay nagtatag ng Chottry Court na may ganap na
kapangyarihang ipabilanggo ang sinumang nais niyang ipabilanggo.
GAWIN MO
Gawain A
1. Sino ang namuno sa mga sundalong Ingles nang salakayin nila ang Maynila?
2. Bakit nilusob ng mga Ingles ang Maynila?
3. Ano ang tawag ni Dawsonne Drake sa konsehong kanyang itinatag?
4. Bakit natalo ang mga Espanyol ng mga Ingles? Ano ang mahihinuha mula rito? Ano ang
ibig sabihin nito?
5. Paano natigil ang kaguluhan sa Maynila dulot ng bagong mananakop?
Gawain B
Gamit ang Venn diagram, paghambingin ang mga katangian ng mga Español at Ingles
na sumakop sa ating bansa.
Pagkakatulad Pagkakaiba
Katangian ng
Español at
Ingles
18
Gawain C
Magkaroon ng pangkatang Gawain. Hatiin ang klase sa 3, ang bawat isang pangkat ay
bibigyan ng Task Card.
Pangkat I – Iguhit ang pagsalakay ng plotang Ingles sa Look ng Maynila. Ano ang masasabi mo
ukol dito?
TANDAAN MO
NATUTUHAN KO
Punan ang patlang ng tamang sagot. Pumili sa mga konseptong nasa loob ng kahon.
19
20
21
22
23
24
25
ARALIN 3 Reaksyon sa Kolonyalismo
PANIMULA
ALAMIN MO
26
Mga Pag-aalsa ng mga Pilipino Laban sa mga Espanyol
27
Magkakaiba ang mga dahilang nagbunsod sa mga Pilipino sa kanilang paglulunsad ng
rebelyon. Pag-aralan ang tsart sa ibaba.
10. Apolinario dela Cruz Tayabas 1840 Tinanggihan siyang magpari dahil
(Hermano Pule) (Quezon) hindi siya Espanyol
28
Resulta ng Rebelyon
Pawang bigo ang mga inilunsad na rebelyon sanhi ng iba‘t-ibang kadahilanan. Unang
dahilan ang kawalan ng pagkakaisa. Wala pa sa kamalayan noon ng mga Pilipino na silang
lahat ay nagmula sa iisang lahi lamang, kaya nararapat magtulungan. Magkakaiba ang kanilang
diyalekto, kaya hindi nila maunawaan ang isa‘t-isa. Naging madali para sa mga Espanyol na
gamitin ang taktikang ―divide and rule‖ Upang supilin ang pag-aalsa sa isang lalawigan, hindi na
kailangan ang mga puwersang Espanyol mula sa Maynila. Nakakukuha sila ng tulong sa ibang
karatig na pook. Nang ilunsad ni Tamblot ng Bohol ang kanyang pag-aalsa,300 mandirigmang
Cebuano ang nakuha ng mga Espanyol para tumulong sa kanila.
Pang-apat na dahilan ay ang pagiging maliliit ng kanilang grupo. May mga pag-aalsa na
isinasagawa sa pansariling dahilan, kaya binuo lamang ng maliit na bilang ng mga mandirigma.
Naging madali para sa mga Espanyol ang pagsupil sa kanila.
Sagutin:
1. Sino-sino ang mga Pilipinong nag-alsa laban sa mga Espanyol?
2. Bakit naghimagsik ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol?
3. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa kahigpitan ng mga Espanyol sa
relihiyon at pananampalataya ng mga Pilipino?
29
GAWIN MO
Gawain A
Tukuyin kung alin sa mga pares na sitwasyon ang dahilan at ang bunga. Isulat ang D
kung dahilan at B kung bunga.
1. _________ Ginamit ang taktikang ―divide and rule‖ ng mga Espanyol sa pagsupil sa
mga pag-aalsa.
_________ Maraming Pilipino ang kinukuha sa mga karatig-lugar upang maging
bahagi ng puwersang Espanyol.
2. _________ Itak, sibat at pana ang ginamit sa mga pag-aalsa.
Gawain B
Piliin mula sa kahon ang bayaning tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa inyong
notbuk.
Tandaan Natin
Nagpahayag pag-aalsa ang matinding galit ang mga Pilipino laban sa pananakop ng
Espanyol. Nagsagawa sila ng mahigit na 100 pag-aalsa o rebelyon laban sa mga ito. Ilan
sa mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espanyol ay ang mga
sumusunod:
Natutuhan Ko
A. Tamblot
B. Dagohoy
C. Bangkaw
D. Hermano Pule
31
2. Anu-ano ang naging dahilan ng pag-aalsa nina Lakandula, Diego Silang at Dagohoy?
1. Pananakit 3. Sapilitang Paggawa
2. Tributo 4. Relihiyon
a. 1, 2 c. 1, 3
b. 2, 3 d. 1,4
3. Alin sa sumusunod ang mga dahilan ng pagkakabigo ng mga isinagawang pag-aalsa sa
Pilipinas?
1. Kakulangan ng Armas 3. Kakulangan ng Edukasyon
2. Kakulangan ng Pagkakaisa 4. Kakulangan ng Pagpapalano
a. 1, 2, 3 c. 1, 3, 4
b. 2, 3, 4 d. 1, 2, 4
32
ARALIN 9 Pananaw ng mga Muslim sa Pagpapanatili ng Kanilang
Kalayaan
PANIMULA
Sa nakaraang aralin, nabatid mo ang mga naunang pag-aalsa ng makabayang
Pilipino. Nalaman mo ang naging dahilan ng kanilang pag-aalsa laban sa mga Espanyol
at ang kanilang pagkabigo sa kanilang pakikipaglaban.
ALAMIN MO
Ang sultanato ay ang pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao. Higit itong malaki
kaysa sa pamahaang barangay.
Pinamumunuan ito ng sultan. Organisado ang sultanato. Ito ang tumakot sa mga
Espanyol na agad sakupin ang mga Muslim sa Mindanao.
Matatapang ang mga Muslim. Hindi sila basta nakikipagkasundo sa mga dayuhan.
Malaki ang pagmamahal nila sa kanilang pamahalaan at teritoryo. Ang pagsakop sa
kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng malaking digmaan hanggang kamatayan.
Malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan.
33
Ang Paglaban ng mga Muslim
Billang paghihiganti, sinalakay ng mga Muslim ang mga pamayanan sa may baybayin ng
Luzon at Visayas. Tinangay nila ang maraming mamamayan at ipinagbili sa ibang bansa.
Gumugol ang pamahalaang Espanyol ng malaking halaga upang matigil ang gawaing ito ngunit
hindi nila ganap na nasupil ang mga Muslim.
Noong 1851, nakipagkasundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo upang mahinto ang
labanan. Binigyan nila ng kalayaang manampalataya sa Islam ang mga Muslim. Binigyan din ng
pension ang mga sultan at datu at hinayaan ang karapatan sa pagmamana ng mga anak at apo
ng Sultan sa trono ng Jolo. Bilang kapalit ng mga ito, kikilalanin ng mga Muslim ang
kapangyarihanng Espanya, ihihinto na ang pananalakay ng mga Muslim at hindi
makikipagkasundo sa ibang bansa. Bagamat nagkaroon ng kasunduan ang mga Espanyol at
mga Muslim, kailanma‘y hindi nila napasuko ang mga Muslim.
Noong 1565, may tatlong teritoryong Muslim - Maguindanao, Buayan, at Sulu. Mayroon
silang mga kaalyadong Muslim sa labas ng bansa.
Noong 1578, tinangkang sakupin ng mga Espanyol ang Mindanao.
34
Unang sinalakay ng mga Espanyol ang Sulu, bagamat natalo ay hindi tuluyang nasupil.
Isinunod na sinalakay ang Maguindanao, sa pamumuno ni Datu Dimasancay, napilitang
umurong ng mga Espanyol.
Ipinagpatuloy ng mga Muslim ang pagtatanggol sa kanilang lupain laban sa Espanya.
Noong 1597, natalo ang mga taga-Maguindanao sa pamumuno ni Datu Buisan. Bunga
nito, nakipagkasundo sila sa mga Espanyol.
Gusto ng mga Espanyol na sakupin ang teritoryo ng mga Muslim subalit dahil sa
pagmamahal nila sa kanilang kalayaan, mas gugustuhin pa nilang mamatay kaysa
magpa-alipin sa mga dayuhan.
Ang pakikipaglaban ng mga Muslim ay pagpapakita ng kanilang pagtatanggol sa
kanilang kinagisnang relihiyong Islam.
35
GAWIN MO
Gawain A
Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang pangugusap ay nagpapakita ng pananaw at paniniwala
ng mga Muslim at ekis (×) kung hindi.Gawin ito sa notbuk.
Gawain B
Sagutin ang mga tanong:
Group B
Paano muling ipinakita
Group A ng mga katutubong
Bakit nakipagdigma ang Muslim ang kanilang
mga Pilipinong Muslim katapangan laban sa
laban sa mga Espanyol? mga Espanyol?
Group C Group D
Paano ipinakita ang Paano ipinakita ng mga
mga katutubong Muslim katutubong Muslim ang
ang kanilang pagtutol pagmamahal nila sa
sa mga dayuhan? kalayaan?
36
Gawain C
Ipares ang mga parirala sa hanay A at sa inilalarawan nito sa hanay B.
A B.
g. Maguindanao at Sulu
Tandaan Natin
37
Natutuhan Ko
38
ARALIN 4 Pag - usbong ng Malayang Kaisipan at Naunang Pag – aalsa
PANIMULA
Sahuling aralin, natutunan mo ang mga pannaw at paniniwala ng mga Katutubong
Muslim o Sultanato sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan bagaman karamihan sa mga Pilipino
noong unang panahon ay ninais at naniwala na dapat nilang tanggapin ang mga mananakop na
Kastila gayundin ang mga paniniwala at lahat ng bagay at konsepto na dala ng mga Kastila.
ALAMIN MO
Sinu-sino ang mga bayaning babae na kinilala n gating kasaysayan? May kilala ka ba sa
kanila? Hindi lamang sa Maynila naganap ang mga rebolusyon, may mga kilala ka din
bang mga namuno ng rebolusyonaryo sa iba‘t ibang rehiyon at lalawigan? Ating tukuyin
ang ilan sa kanila.
Mula sa panahon ng barangay, ang mga Pilipina ay pinahahalagahan na. Marami silang
mahahalagang ppel na ginampanan bilang mandirigma, babaylan, at higit sa lahat, bilang ilaw
ng tahanan. Ang pagdating ng mga mananakop na Espanyol ang dala ng pagbabago sa mga
kababaihan. Tanging ang mga kalalakihan na lamang ang nakapag-aral noon.
Kapuna-puna rin na higit na mas marami ang mga lalaking nababanggit sa kasaysayan
ng bansa na kalimitan pa ay pawing mga Heneral ng rebolusyon mula sa Maynila.
Napapanahon na upang mabigyan natin ng pagpapahalaga ang mga Rebolusyonaryo mula sa
iba‘t ibang rehiyon, lalawigan at sector, kabilang na ang mga kababaihan na mga tumulong at
nakidigma para sa bayan.
Ang Partisipasyon ng Iba’t Ibang Rehiyon at Sektor sa Pakikibaka ng Bayan
Ang pag-aalasa o paggamit ng armas ay unang naging pagtugo ng mga Pilipino sa
pagtrato sa kanila ng mga Espanyol. Tulad ng ginawa ni Lapu-Lapu noong 1521, ipinasiya ng
ibang mga Pilipino na tapatan ng dahas ang hindi maayos na pagtrato sa kanila ng mga
Espanyol.
39
Magkakaiba ang mga dahilang nagbunsod sa kanilang paglulunsad ng rebelyon.
Dagami Revolt (1565–1567)
Ang Dagami ay rebolusyong laban sa mga Espanyol na pinamunuuan ng pamilyang
Dagami sa Leyte noong 1567.
40
Ipinadakip at ipinakulong ni gobernador-heneral Santiago de Vera ang mga pinuno ng nasabing
pag-aaklas at ipinapatay naman ni heneral Christian Cruuz-Herrera.
.
Conspiracy of the Maharlikas (1587–1588)
Ang Conspiracy of the Maharlikas o mas kilala bilang ang Tondo Conspiracy ng 1587-
1588 ay ang rebolusyon laban sa mga mananakop na Espanyol ng mga maharlika o ang
pangkat ng mga datu ng Maynila, Bulacan at Pampangga at kanilang mga kaanak. Ito ay
pinangunahan ni Agustin de Legazpi, pamangkin ni Raha Lakandula at ng isa pa nitong pinsan
na si Martin Pangan. Ang mga datu ay sumumpang makikidigma laban sa mga mananakop at
ipaglalaban ang kanilang mga karapatan sa kanilang dating mga nasasakupan at babawiin ang
kalayaan ng kanilang mga nasasakop. Subalit sila ay hindi naging matagumpay sa kanilang
mga hangarin. Ang kanilang mga balak at plano ay nabatid ng mga Espanyol mula kay Antonio
Surabao na nagmula sa Calamianes ng Palawan na isa ring bahagi ng pamilyang maharlika sa
nasabing lugar.
41
rin ni Padre Esteban Marin. Si Marin ay ang kuta paroko noon ng Ilocos at sinubukan niyang
kumbinsihin ang mga Igorot na maging mga Kristiyano.
Sa kabilang dako, hindi pumayag ang mga katutubo na mapasa ilalim rin sa kagustuhan
ng mga Kastila na maging mga Kristiyano sila at talikuran ang kanilang mga paniniwala sa
kani-knilang mga relihiyon.
Pinatay ng mga mandirigmang Lumad si Marin kasama ng hukbong pinadala ni Kapitan
Aranda. Naging mabilis lamang ang rebolusyong ito ng mga Igorot sa kadahilanang labis na
dahas ang ginamit ni Aranda upang masupil ang mga manndiirigmang Igorot upang hindi na ito
malaman pa ng iba pang mga katutubo.
44
Panay Revolt (1663)
Ang Panay Revolt ay kinilala rin bilang Tapar Revolt sapagkat si Tapa rang namuno sa
pag-aaklas na ito sanhi ng di pagkakaunawaan sa relihiyon. Mula sa isang isla sa Panay si
Tapar at nais niyang magtayo ng sarili niyang relihiyon sa isla na hindi naman kailanman
pinayagan ng mga Espanyol.
Napatay si Tapar kasama ng kaniiyang mga tagasunod sa isang madugong sagupaan
sa patraydor na pag-atake ng mga kawal ng espanya kasama ang mga kawalna Pilipino.
45
pinakamatagal na rebolusyon nasaksihan at kinabilangan ng mga Pilipino kahit patay na ang
nagpasimula nito na nagtagal ng 85 taon.
Dalawampung gobernador-general mula kay Juan Arrechederra hanggang kay Mariano
Ricafort y Abarca ay hindi nagapi ang rebolusyong ito na nakapagtayo ng isang malayang
rebolusyonaryong gobyerno ng mga Boholano
Nagpadala ng 2,200 kawal si ricafort sa Bohol na nagapi rin naman ni Dagohoy at ng
kaniyang mga tauhan. Muling nagpadala ng sundalo si Ricafort noong 1828 at 1829 at tulad ng
nauna ay hindi nagging matagumpay ang mga ito.
Namatay si Dagohoy 2 taon bago pa man matapos ang kanilang rebelyon, na siya
namang nagging dahilan ng pagtatapos ng rebolusyon. Mahigit 19,000 sa mga tauhan ni
Dagohoy na nabuhay at nadakip ay pinalaya at pinabayaang mamuhay sa ilang bayan ng
Bohol; Balilihan, Batuan, Bilar, catigbian at Sevilla.
46
Sa ilalim ng pamumuno ni Diego Silang, binigyan niya ng pagkakataong mamuno ang
kapwa Pilipino. Lahat ng mga tinanggal na Kastilang opisyal ay pinalitan niya ng mga karapat-
dapat na Ilokanong sibil at opisyal-militar na naaayon din naman sa kagustuhan ng kanyang
nasasakupan. Ang kanyang mga makatarungang batas ay ipinahayag sa iba't ibang bayan.
Nagpatawag ang mga opisyales ng Espanya (Audencia) sa Maynila sa pamumuno ni
Simon de Anda at nag-alok ng pabuya kung sino man ang papatay kay Diego Silang.
Noong Mayo 28, 1763, binisita ni Miguel Vicos at Pedro Becbec, mga kaibigan ni Diego, si
Diego sa kanyang kuta sa Casa Real sa Vigan. Tinaksil nila si Diego nang binaril nila ito kapalit
ng pabuya ng Audiencia.
Sa edad na 32, si Diego Silang ay binawian ng buhay. Dahil sa kanyang husay na
pamumuno, siya ay tinaguriang Liberator ng Ilocos. Tinuloy ng kanyang asawang si Gabriela
ang laban.
47
Nang lagdaan ang Kasunduan sa Paris, noong 1763, natapos na rin ang Pitong Taong
Digmaan noong 10 Pebrero 1763. Nagkaroon nang pagkakataon ang mga Espanyol na sugpuin
ang mga aklasan laban sa kanilang pamahalaan, nagpadala sila ng mga armadong kawal sa
Pangasinan upang madakip si de la Cruz. Ang mga prayle na naiwan sa lalawigan ay
nagsimulang himukin ang kanilang mga parokyano upang mapabilis ang pagdakip kay de la
Cruz.
Noong Setyembre 1763, nakarating na ang balita sa Pangasinan na pormal nang
nilagdaan ang Kasunduan sa Paris, nagsimulang sumuko nang ilang kawal ni de la Cruz at
bumalik sa kanilang mga pamilya upang makaiwas sa mga opensiba ng mga sundalong
Espanyol.
Disyembre 1763, nagsimulang lusubin ng mga kawal ng Espanyol ang bayan na
Mabalitec, na malapit sa Ilog Agno na nasa pagitan ng Binalatongan at Bayambang. Nabigo
ang mga kawal ni de la Cruz na ipangtanggol ang lugar na ito. Sumunod na nakuha ang bayan
ng Binalatongan, at sa San Jacinto, Pangasinan, nahuli ng mga Espanyol sina Andres
Lopez at Juan de Vera at ilang matatapat na kawal ni de la Cruz.
Marso 1764, halos lahat ng lugar sa Pangasinan ay nasa kamay na ng mga Espanyol,
piniling manatili ni de la Cruz sa Pangasinan kasama ng kaniyang matatapat na kawal. Dahil sa
tumitinding takot sa mga Espanyol, napilitang ituro ng kaniyang kapatid na si Simeona kay
Agustin Matias na isang gobernadorcillo ng Binalatongan kung saan nagtatago ang kaniyang
kapatid. Noong 16 Enero 1765, si de la Cruz ay dinala sa kapitolyo ng Lingayen para litisin.
Habang nasa loob ng piitan, inamin niyang siya ang pinuno ng aklasan laban sa mga Espanyol.
At noong 26 Pebrero 1765, si de la Cruz ay binitay.
48
Sa kabila ng maigting na pamamahala at paghikayat ng mga paring Heswita at
Fransiskano at Agustinian, marmi pa ring sumali at sumapi sa Confradia mula, Batangas,
Quezon, Laguna at maging mula sa Maynila.
Dahil dito ay laging nagpapadala ng mga kawal na Espanyol upang supilin ang binuong
samahn ni ela Cruz na siya namang nagtulak sa kanila upang ipagtanggol ang kanilang mga
sarili at pamilya sa mga pananakit at paglusob ng mga Espanyol sa kanilang mga lugar.
Maraming madugong labanan ang sunud-sunod na naganap sa pagitan ng samahan at ng mga
Espanyol. Ang pinakahuli nilang pakikidigma sa mga ito ay noong October 1841 sa Bundok San
Cristobal malapit sa Bundok Banahaw. Natalo ang pangkkat ni dela Cruz at siya ay binitay
noong Nobyembre 4, 1841 sa Tayabas, Quezon.
49
Mahirap ang naging kalagayan ni Oriang, kanyang palayaw, lalo na nang matuklasan ang
Katipunan. Bilang Lakambini ng Katipunan at asawa ng Supremo, siya ang tagapagtago ng
mga lihim na dokumento ng samahan.
Tuwing matutunugan niya ang pagadating ng mga Espanyol sa kanilang tahanan,
sumasakay siya sa isang karetela at nililibot ang Tondo. Madalas na inaabot siya ng gutom at
hatinggabi na kung umuwi. Naisulat niya noon ang sumusunod na pahayag:
―Noon ay para akong kinatatakutan pagkat lahat ng akyatin kong bahay upang
magparaan ng oras ay ipinagtatabuyan ako at mamamamatay wari sila sa takot. Noo‘y
naghihinanankit ako sa lahat.
Noong ako‘y kasama ng mga kawal na nanghihimagsik sa parang ng digmaan,
wala akong pangiming sumuong sa anumang kahirapan at sa kamatayan man, sapagkat
wala akong nais… kundi ang maiwagayway ang bandila ng kasarinlan ng Pilipinas.
Kabilang din ako sa mga kawal at upang maging ganap na kawal, ako‘y nagsasanay ng
pagsakay sa kabayo at nag-aral na mamaril at humawak ng ilang uri ng mga sandata.
Naranasan kong matulog sa lupa, nang walang kinakain sa buong maghapon, uminom
ng maruming tubig o kaya‘y katas ng isang uri ng baging sa bundok na totoong mapakla
na nagiging masarap din dahil sa matinding uhaw…‖
Pinkamasakit na siguro sa tulod ni Oriang ang mawalan ng asawa at hindi Makita ang
bangkay nito. Noong Mayo 10, 1897, dinala at binaril sa Bundok Hulog sa Maragondon, Cavite
si Andres Bonifacio kasama ang kanyang kapatid na si Procopio. Hanggang ngayon, hindi pa
rin nakikita ang kanilang mga labi.
Bagaman marami ang kumampi sa mga dayuhan, may mga miyembro rin ng mga
mayayamang angkan ang matapat na sumuporta sa layunin ng rebolusyon. Isa sa kanila si
Gliceria Mmarella de Villavicencio ng Taal, Batangas. Maaga siyang nagpakasal kay Eulalio
Villavicencio sa gulang na 19. Dahil parehong nagmula sa mayamang angkan at mahusay sa
pagnenegosyo, mas napalago nila ang kanilang mga ari-arian.
Nang mapatay noong 1872 ang mga paring GOMBURZA, nagsimula na sai Gliceria at
ang kanyang asawa sa pagiging aktibo sa Propaganda. Nang si Rizal ay nasa Hong Kong,
nakipagkita sa kanya si Eulalio at nagbigay ng Php18 000.00 . Nang bumalik, may dala na itong
mga kopya ng Noli Me Tangere at ng El Filibusterismo ni Rizal. Ang mga ito ay kanilang
ipinamigay.
50
Sinuportahan din ng mag-asawa ang rebolusyon ng 1896. Ipinagamit nila ang kanilang
mga kamalig para sa pagmimiting at pagpaplano ng mga Katipunero. Ito ang naging dahilan ng
pag-aresto at pagkakakulong ng kanyang asawa. Bagaman pinakawalan ito, iyon ang naging
simula ng paghina niya at naging bunga ng kanyang kamatayan.
Ipinagpatuloy ni Gliceria ang pakikipaglaban. Nang gamitin ng mga Espanyol ang
kanilang tahanan, sinikap niyang maging mabuting espiya. Noong 1898, ipinahiram niya ang
kanyang bark okay Aguinaldo.
Hindi siya tumigil sa mga rebolusyunaryo kahit sa panahon ng Amerikano. Inokupahan
ng mga Amerikano ang Batangas. Nahuli siya ng mga itonang makuha ng kalaban ang liham na
ipinadala niya sa isang heneral ng puwersang rebolusyon, si Heneral Mariano Trias. Siya ay
inilagay sa house arrest at nakalaya lamang noong 1900 nang ganap nang makontrol ng mga
Amerikano ang rebolusyon.
Patrocinio Gamboa
Tubong Ilo-Ilo si Patroocinio Gamboa. Bagaman nagmula rin siya sa isang mayamang
angkan ng mga illustrado, kabilang siya sa mga naghahangad ng kalayaan ng Pilipinas mula sa
Espanya. Mahilig siyang magbasa ng mga komposisyon nina Rizal at Lopez Jaena. Hindi
nagtagal, sumapi na rin siya sa mga nagrerebolusyonaryo sa kanilang lalawigan.
Hindi siya kaagad pinagdudahan ng m,ga Espanyol dahil siya ay babae. Nakatulong
siya sa paniniktik at sa pag-iipon ng pondo para sa rebolusyon. Naging aktibo rin siya bilang
miyembro ng Red Cross.
Ang pinakatatanging bahagi ng kanyang pagiging kasapi ng puwersang rebolusyon ay
nang matagumpay niyang malampasan ang bantay ng kalaban sa Sta. Barbara, Iloilo. Bahagi
na ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pamahalaang rebolusyonaryo ang paglaladlad ng
watawat.
May watawat na nakahanda na para sa mga taga-Jaro, Iloilo ngunit ang problema nila
ay kung paano ito madadala sa kampo ni Heneral Delgado ng Sta. Barbara. Dadaanan nila ang
mga bantay na kawal ng mga espanyol na mahigpit na naghahalughog ng mga gamit ng mga
nagdaraan. Pinapatay nila kaagad ang sinumang kanilang mapaghinalaan.
Mahusay na nakaisip ng paraan si Patrocinio ng paraan. Itinago niya ang regaling
esopada ni Aguinaldo kay Heneral Delgado sa ilalim ng mga pinaggiikan ng palay samantalang
ang bandila naman ay kaniyang itinali sa kanyang baywang at saka niya isinuot ang kaniyang
damit. Kasama niya ang isang katipunero na siya naming nagpanggap na kaniyang asawa.
51
Nang dumaraan sila sa tapat ng mga bantay ay umarte ang dalawa na nag-aaway.
Natatawang pinalampas sila ng mga bantay. Ang bandila ay nakarating sa oras ng programa.
Melchora Aquino
Kilala si Melchora Aquino bilang sa bansag na ―Ina ng Katipunan‖. Sa edad na 84, hindi
siya nag-atubiling magbigay ng tulong sa mga nasugatang Katipunero sa tuwing napapasabak
ang mga ito sa labanan.
Dahil mayroon siyang palayan, nagging mainam na kanlungan ng mga rebolusyonaryo
ang kanyang lugar. Hindi rin siya nagging maramot na magbigay ng palay o kalakal niya sa
kanyang tindahan. Dito madalas niyang makausap si Andres. Siya ay hinuli at ikinulong dahil sa
kaniyang pagtuloong sa mga Katipunero. Siya ay ipinatapon sa Guam kung saan tinanggap
siya ng mag-asawang Pilipino. Pinili niyang magtrabaho sakanila kaysa tumanggap ng libreng
tulong.
Nakabalik siya sa Pilipinas noong 1903, nang ang mga Amerikano ay nasa bansa na.
Namatay siya sa piling ng kaniyang mga anak sa edad na 107.
Teresa Magbanua
52
Nang sumiklab ang rebolusyon, sumanib siya sa kabila ng pagtutol ng kaniyang asawa.
Naunang sumapi sa Katipunan ang kaniyang dalawang kapatid na lalaki na pawing may mataas
na katungkulan sa Katipunan. Pinamunuan niya ang isang pangkat ng mga kalalakihan.
Tumulong siya sa pakikipaglaban. Nakilala siya sa kaniyang husay sa pamumuno at tinawag na
Nay Isa. Maraming labanan ang kanilang naipanalo. Sa kabila ng gutom at kakulangan sa
armas, unti-unting naagaw nila ang mga bayan ng Panay hanggang masakop ng mga
puwersang rebolusyonaryo ang buong isla.
Ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban sa panahon ng mga Amerikano. Ang kaniyang
kapatid na si Heneral Pascual ay isa rin sa nagtanggol sa Jaro. Aktibo rin sa pakikipaglaban
ang kanyang kapatid na si Elias. Nang bumagsak ang Sta. Barbara, Iloilo sa mga kamay ng
mga Amerikano, nagging gerilya sila. Napata yang kaniyang kapatid na si Elias sa isang
labanan, samantalangpatraydor namang pinatay si Pascual.
Nagluksa siya sa pagkamatay ng kaniyang mga kapatid. Nang magsimulang magsisuko
ang mga Heneral, nilansag niya ang kanyang pangkat sa halip na sumuko. Lumipat siya sa
bayan ng kaniyang asawa at namuhay nang tahimik. Itinigil niya ang pakikipaglaban nang
makita niyang walang mangyayari sa pagtutol nila sa pananakop ng mga Amerikano. Nagbalik
siya sa kanyang asawa nang sumiklab ang digmaan. Ipinagbili niya ang kanilang mga ari-arian
sapagkat patay na ang kaniyang asawa at wala naman silang nagging anak. Nakitira na lamang
siya sa kaniyang kapatid sa Mindanao. Namatay siya noong 1947.
GAWIN MO
Gawain A
Isulat sa notbuk ang kung sang-ayon ka sa sinasabi ng pangungusap at naman kung
hindi.
____1. Walang mahalagang naitulong mga Pilipino mula sa ibang rehiyon sa pakikipaglaban sa
mga mananakop na espanyol.
____2. Maraming iba‘t ibang dahilan kung bakit nag-alsa ang mga Pilipino laban sa mga
Kastila.
____3. Ilan sa mga Pilipino ay nag-aklas dahil sa relihiyon.
____4. Ang mga katutubong Pilipino tulad ng mga Igorot ay sang-ayon sa pananakop ng mga
Kastila.
____5. Ang maraming pagmamalabis ng mga Espanyol ay isa sa mga pangunahing dahilan ng
mga sinaunang pag-aaklas ng mga Pilipino.
Gawain B
Mula sa kahon sa ibaba, isulat sa patlang sa bawat bilang kung sino ang tinutukoy sa bawat
bilang.
53
Melchora Aquino Gabriela Silang Patrocinio Gamboa
Gawain C
Gawain D
Sa isang maikling talata, ipaliwanag ang mga kadahilan na naglunsad ng mga rebelyon ng mga
Pilipino.
54
TANDAAN MO
55
ARALIN 5 Mga Reaksyon sa Kolonyalismo
PANIMULA
.Sa loob ng mahabang panahon na pamamalagi ng mga Kastila sa Pilipinas, maraming
panukala ang kanilang inilunsad. Mayroon para sa paggawa, agrikultura, relihiyon at maging sa
pangangalakal. Maliban sa Pilipinas ay mayroon pa silang ibang mga nasasakupan at ginamit
nila ang mga ito maging sa paglilipat at pagdadala ng mga kalakal na siyang nagbunsad sa
pagkakabuop ng galyon at nang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at ng Acapulco, Mexico.
ALAMIN MO
Anu-ano ang mga kabutihang nadala ng kalakalang Galyon sa Pilipinas? Mayroon din
bang hindi magagandang naidulot sa bansa at sa mga mamamayan ang kalakalang ito?
Sa paanong paraan?
56
Ang Kalakalang Galyon
Noong 1576, naging matatag ang kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco, Mexico.
Ang mga produkto mula sa Asya tulad ng rekado, telang seda, bulak mula sa India, at mantas
na tawag sa telang mula sa Ilocos ay dinadala sa Mexico. Iniluluwas din sa Mexico ang mga
palamuti sa katawan na yari sa iba‘t ibang bato, perlas, pamaypay, suklay, relos, mga mineral
tulad ng tanso at ginto.
Nakarating naman sa Pilipinas ang iba‘t ibang uri ng prutas at halaman, tul;ad ng chico,
avocado, cacao, maguey, bayabas, cactus, mani, pinya, calachuchi, ipil-ipil, at marami pang uri
ng halaman. Sa Mexico din galling ang mga hayop tulad ng tandang, kabayo, at baka. Mga
imahen tulad ng Black Nazarene at Birhen ng Antipolo, gayundin ang pagtatanghal ng moro-
moro at Moriones ay pawing nagmula sa Mexico.
Tumagal nang may halos 250 na taon ang kalakalang galyon hanggang ipag-utos ng
hari na itigil ito noong 1813. Noong una, naging maganda ang takbo ng kalakalang galyon.
Nagdiriwang ang mga taga-Maynila sa aalis o babalik ang galyon. Ito ang barko na naglalaman
ng mga produkto mula sa Maynila. Nagtutungo sa Maynila ang maraming pinunong bayan
tulad ng mga alcalde at gobernadorcillo upang tiyaking maisasama sa galyong ang kanilang
mga produkto. Dahil dito, napabayaan nila nag kanilang mga nasasakupan. Ang mga lupain ay
ginamit para sa pagtatanim ng mga produktong kinakailangan para sa pangangalakal na
dadalhin ng galyon. Nawalan ng laya ang mga magsasaka na magpasiya kung anong produkto
ang nais nilang itanim.
57
Hindi lamang mga produkto ang paroo‘t paritong iniluluwas sa Maynila at ACAPULCO.
Maging ang tulong na pinansyal ng pamahalaang Kastila sa Pilipinas na tinatawag na situado
real o tulong na royal ay dala-dala rin nito. Hindi kasi makasapat na matustusan ng
pamahalaang kolonyal sa Pilipinas ang mga gugulin sa pagpapatakbo nito. Taun-taon,
dalawang daan at limampung pisong tulong ang tinatanggap ng Pilipinas bilang situado real.
Dala-dala rin ng Galyon ang mga kasulatan, batas, kagamitan at mga pinuno at kawal na
Kastila mula sa Espanya. Ganito nang ganito ang naging kalakaran mula noong 1565
hangggang 1821.
Pagsapit ng ika-19 na siglo, unti-unting lumiit ang kita mula sa kalakalang galyon.
Mahigpit na kasi ang kompetisyon sa pagitan ng mga bansa na nagdadala ng mga kalakal sa
Mexico. Bukod dito, madalas ang paglubog ng mga galyon sa karagatan. Ang mga dahilang ito
ang nagging sanhi ng pasiya ng hari na itigil na ang kalakalang galyon.
GAWIN MO
Gawain A
Punan ang tsart sa ibaba. Isulat ang mga kalakal na natanggap ng Pilipinas mula sa Acapulco
na dati rati ay wala sa Pilipinas.
Halaman Hayop
Gawain B
Isulat kung Tama sa patalng kung sang-ayon ka sa pangungusap sa bawat bilang at Mali
naman kung hindi.
_________________1. Walang magandang naidulot ang kalakalang galyon sa Pilipinas.
_________________2. Lalong umunlad ang mga sakahan sa Pilipinas dahil sa galyon
_________________3. Ang Kalakalang Galyon ay sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados
Unidos.
58
_________________4. Dahil sa Galyon ay hindi na nakipagkalakalan sa Tsina at mga karatig
na bansa ang Pilipinas.
_________________5. Higit na napagtuunan ng pansin ng mga namumunong alcalde at
gobernadorcillo ang kanilang mga nasasakupan dahil sa Galyon.
Gawain C
Gumuhit ng isang larawan na naiisip mo na kalagayan sa mga daungan at sa iba pang lugar
noong panahon ng Kalakalang Galyon.
Gawain D
Sa isang maikling talata, ipaliwanag kung bakit sa palagay mo ay nakatulong o hindi ang
kalakalang galyon sa bansa.
TANDAAN MO
59
ARALIN 6 Pag - usbong ng Malayang Kaisipan at Naunang Pag – aalsa
PANIMULA
Mula pa man ng unang dumating nag mga Espanyol sa Pilipinas ay hindi na buo ang
nagging pagtangggap sa kanila ng mga Pilipino. Bagaman may ilang bukas palad buong puso
silang tinanggap at marami rin naman ang hindi sumang-ayon sa kanilang mga kagustuhan at
pawang lumaban sa kanila tulad ni Lapu-Lapu.
Marami pang iba na lumaban sa mga Kastila sa loob ng mahabang panahon ng kanilang
pamamalagi sa Pilipinas. May iba‘t ibang kadahailanan ang bawat pag-aaklas na inilunsad ng
mga Pilipino mula sa iba‘t ibang mga lugar sa bansa. Ang ilan ay nagtagumpay sa kanilang
layunin ngunit kalimitan sa kanila ay hindi.
Ang lahat ng mga ito ay siyang naglunsad upang unti – unting mabuo ang malayang
kamalayan ng mga mas makabagong Pilipino ng kanilang panahon. Ito ang kanilang nagging
daan at paraan upang ang kalayaang matagal na nilang inaasam ay kanila nang makamit
matapos ang maraming taon ng mahirap at madugong pakikidigma.
ALAMIN MO
Anu-ano kaya ang nagging dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay ang mga pag-aalsa
ngmga Pilipino laban sa mga Kastila? Papapaano nila napagtagumpayan ang mga
balakid na ito upang makamtan ang kalayaan ng bansa?
Mula sa panahon ng barangay, ang mga Pilipina ay pinahahalagahan na. Marami silang
mahahalagang ppel na ginampanan bilang mandirigma, babaylan, at higit sa lahat, bilang ilaw
ng tahanan. Ang pagdating ng mga mananakop na Espanyol ang dala ng pagbabago sa mga
kababaihan. Tanging ang mga kalalakihan na lamang ang nakapag-aral noon.
60
Kapuna-puna rin na higit na mas marami ang mga lalaking nababanggit sa kasaysayan
ng bansa na kalimitan pa ay pawing mga Heneral ng rebolusyon mula sa Maynila.
Napapanahon na upang mabigyan natin ng pagpapahalaga ang mga Rebolusyonaryo mula sa
iba‘t ibang rehiyon, lalawigan at sector, kabilang na ang mga kababaihan na mga tumulong at
nakidigma para sa bayan.
Marami at magkakaiba ang dahilan na nagbunsod sa mga P{ilipino upang ang mga
Espanyol ay kanilang kalabanin. Muling pag-aralan ang nasa tsart sa ibaba.
Pawang nabigo ang mga inilunsad na mga rebelyon sanhi ng iba‘t ibang kadahilanan.
Unang dahilan ang kawalan ng pagkakaisa. Wala pa sa kamalayan noon ang mga Pilipino na
silang lahat ay nagmula sa isang lahi lamang, kaya‘t nararapat na sila ay magtulungan.
Magkakaiba ang kanilang dayalekto, kaya hindi nila maunawaan ang isa‘t isa. Naging madali
para sa mga Espanyol na gamitin ang taktikang ―divide et empera‖ o divide and rule‖. Upang
supilin ang pag-aalsa ng isang lalawigan, hindi na kailangan ang mga puwersang espanyol
mula sa Maynila. Nakakukuha sila ng mga tulong mula sa mga karatig na pook. Nang inilunsad
ni Tamblot ng Bohol ang kaniyang pag-aalsa, 300 mandirigmang Cebuano ang nakuha ng mga
Espanyol para tumulong sa kanila.
61
Pangatlong dahilan ay ang kawalan nila ng maayos na estratehiya at pagpaplano. Ang
mga pag-aaklas ay agad-agad na inilulunsad nang walang isinasagawang mahusay na
pagpaplano. Ang ilan sa kanilang mga lider ay wala ring kasanayan o pagsasanay sa paghawak
ng mga armas kungkaya‘t sila ay hindi handa sa oras na sila ay mapalaban. Ang ilan naman ay
hindi mahusay ang pamamahala sa mga kasapi ng kanilang pangkat o grupo.
Pang-apat na dahilan ay ang pagiging maliliit ng kanilang mga grupo. May mga pag-
aalsa na isinasagawa lamang nila para sa kanilang mga pansariling kadahilanan, kung kaya‘t
binubuo lamang ito ng maliit na bilang ng mga mandirigmang kasapi nito. Naging madali para
sa mga Espanyol ang pagsupil sa kanila.
Pagsilang ng Nasyonalismo
Ang pagdating ng huling siglo o ika-19 na siglo ay nagging saksi sa mga maraming
pangyayari na nagulot ng maraming mga pagbabago. Ang mga pagbabagong ito ang siyang
nagbukas daan sa pagsilang ng damdaming nasyonalismo o diwng makabansa ng mga
Pilipino.
Ang paglalakbay mula sa Espanya patungo sa Pilipinas ay nagging mas madali at mas
malapit ng 9700 kilometrong layo.Dumami ang mga espanyol sa Pilipinas na nagpalaki rin ng
bilang ng mga mestizong Espanyol. Sila ay mga bunga ng mga mag-asawang Pilipino at
Espanyol.
62
pamahalaan. Nagkapalitan ng mga ideya ang mga kabataang nagmula sa Espanya at sa
Pilipinas kaugnay ng kanilang mga nararanasan.
Sa maikling panahong itinagal ni dela Torre sa Pilipinas, naranasan ng mga Pilipino ang
ilang kalayaan na dati-rati ay kailanman ay hindi nila natikman. Tatlong taon lamang ang inilagi
ni dela Torre bilang gobernador-heneral ng bansa dahil noong 1871, nakabalik sa kaniyang
kapangyarihan si Reyna Isabela II. Lumisan si Carlos Maria dela Torre at pinalitan siya ni
Rafael de Izquierdo. Ang lahat ng mga kalayaang tinamasa ng mga Pilipino ay muling binawi ng
bagong gobernador-heneral sa kaniyang pamumuno sa Pilipinas.
Isyu ng Sekularisasyon
‗ Ang isyu ng sekularisasyon ay isang matinding isyu sa kkaparian noong ika-18 na siglo.
Ang sekularisasyon ay ang pagbibigay ng karapatan sa mga paring Pilipino ng karapatan na
magkaroon ng sarili nitong parokya.
Noong ua, ang mga pari sa Pilipinas ay nahahati sa dalawang grupo – ang mga paring
secular at ang mga paring regular na pawing mga Espanyol. Dahil sa pagganda ng buhay ng
mga Pilipino, marami sa mga magulang ang nagnaisa na ipasok sa seminary ang kanilang mga
anak na lalaki upang maging pari. Gayunpaman, mababa ang pagtingin ng mga paring
Espanyol sa mga paring Pilipino, kaya katulong lamang sila ng mga ito.
Nang magbalik ang mga Heswita sa Pilipinas, maraming Pilipinong pari ang
natanggalan ng katungkulan at posisyon sa kani-kanilang mga parokya. Nagkaisa ang mga
Pilipinong pari na ipaglaban ang kanilang karapatan na pamunuan ang kanilang sariling
parokya.
Isa sa mga nangunang mga pari sa pagtatanggol ng kanilang mga karapatan ay si padre
Pedro Pelaez. Kabilang siya sa grupo ng mga Espanyol na creoles o insulares. Tubo siyang
Pagsanjan, Laguna. Kinilala siya bilang lider ng mga Pilipinong pari. Naging maikli ang kaniyang
63
pakikipaglaban. Namatay siya noong 1863 sa loob ng gumuhong Katedral ng Maynil dahil sa
lindol.
Pinalitan siya ni Padre Jose Burgos na isa naming mestizong Pilipino. Tubo siyang
Vigan, Ilocos Sur at kinilala bilang isang matalino at mahusay na pari. Ipinagpatuloy niya ang
nasimulan ni Padre Pelaez.
Kamatayan ng GOMBURZA
Noong Enero 20, 1872, pinamunuan ni Sarhento La Madrid ang pag-aalsa ng mga
Pilipino sa nasabing arsenal ng armas. Napatay nila ang maraming Espanyol sa loob ng moog,
ngunit nasupil din sila agad. Apatnapu‘t isa sa mga nag-aklas ang napatay, samantalang ang
iba ay nakakulong. Pagkaraan ng ilang araw, ang labingtatlo pang nag-aklas ay ipinapatay na
rin.
GAWIN MO
Gawain A
Anu-ano ang mga dahilan kung bakit ang mga pag-aalsa at mga rebolusyong sinimulan ng mga
Pilipino ay kadalasang hindi nagtatagumpay?
1.
2.
3.
4.
5.
64
Gawain B
Magbigay ng halimbawa sa mga dahilan ng pag-aalsa na nasa ibaba. Tukuyin ang pinag-
ugatan ng kanilang pag-aalsa
A. Relihiyon
1.
2.
3.
B. Paggawa at Buwis
4.
5.
Gawain C
Iguhit sa patlang ang kung tama ang pahayag at naman kung hindi
____1. Isa sa dahilan ng pagkabigo ng mga rebolusyonginilunsad ng mga Pilipino ay ang
kanilang hindi pagkakaisa.
____2. Ang mga heneral ng mga kilusan ng rebolusyon ay pawang bihasa at magagaling sa
paghawak ng armas.
____3. Maliban sa mga kalalakihan ay may mga kababaihan din na kasapi ng katipunan at
kasama rin sa mga pakikidigma.
____4. Nakapagpapalakas ng loob ng iba pang rebolusyonaryo kapag nalalaman nila na
nagtagumpay ang ibapang rebolusyonaryo sa mga karatig bayan.
____5. May mga reboljusyong naging matagumpay ang mga Pilipino.
Gawain D
Ipaliwanag sa maikling pangungusap o talata ang pagbabago sa kamalayan na naidulot ng mga
sumusunot na salita o kaisipan o pangyayari sa mga Pilipino.
1. Pagbubukas ng Suez Canal
65
3. Pagdating ni Gobernador-Heneral dela Torre sa Pilipinas
4. Sekularisasyon
5. Pagbitay sa GOMBURZA
TANDAAN MO
66
ARALIN 4.2 Pagbabago sa Lipunan sa Ilalim ng Pamahalaang Kolonyal
PANIMULA
Ayon sa mga mananaliksik ng kasaysayan n gating bansa, tumutol ang marami sa ating
mga ninuno sa pananakop ng mga Espanyol. Malaking hirap, pagmamalupit at pang-aabuso
ang dinanas ng mga Pilipino noon kaya nag-alsa sila. Mahigit sa 100 pag-aalsa ang isinagawa
nila sa loob ng 333 taong pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.
ALAMIN MO
67
Pumanig sa mga Espanyol ang karamihan sa mga Pilipino noon. Naging sunud-sunuran
din sila sa mga kagustuhan ng mga ito. Naging mas matapat pa sila sa mga Espanyol kaysa sa
kapwa nila Pilipino. Sinamantala rin ng mga Espanyol ang pagkakawatak-watak ng mga
katutubo. Ginamit ng mga Espanyol ang mga Pilipino. Dahil sa likas na kaugalian ng mga
Pilipino na magtimpi at matiisin, sila ay nanatiling alipin ng mga dayuhan sa mahabang
panahon.
Naging mahalaga rin ang mga nauanag pag-aalsa kahit puro kabiguan ang kinalabasan
ng mga ito. Dahil ditto, napatunayan na ang lahing Pilipino ay may pagmamahal sa kalayaan.
Nakita rin nila ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagsasama-sama upang matamo ang
kanilang nilalayon.
Sagutin:
1. Ano ang udyok sa mga Pilipino na mag-alsa laban sa mga Espanyol?
2. Ano ang naging dahil kung bakit nabigo ang mga pag-aalsa?
3. Sa palagay ninyo, ano kaya ang naging epekto ng mga bigong pag-aalsa sa kalayaang
tinatamasa ng Pilipinas sa kasalukuyan?
GAWIN MO
GAWAIN A
Tukuyin kung alin dahilan ng pag-aalsa ang ipinakikita sa larawan. Isulat ang sagot sa notbuk.
68
Gawain B
Gawain C
Pangkatang Gawain. Bumuo ng apat na pangkat. Ipagawa ang sumusunod.
Pangkat I- Poster na nagpapakita ng pang-aabusong dinanas ng mga Pilipino.
Pangkat II- Poster na nagpapakita ng pag-aalsa isinagawa ng mga Pilipino
Pangkat III- Poster na nagpapakita ng pagiging makabayan.
Pangkat IV- Poster na nagpapakita ng kasarinlan ng ating bansa.
TANDAAN MO
Tinanggap ang mga sinaunang Pilipino ang pagpasok ng mga Espanyol dahil sa
maganda at maayos na pamamalakd ni Legazpi, ngunit ang naging kapalit niyang
si Gobernador-heneral Guido de Lavezares ay hindi naibigan ng mga katutubo
dahil bigla niyang inalis ang mga karapatang ipinagkaloob ni Legazpi.
Pinagmalupitan at pinagsamantalahan ng mga Espanyol ang mga katutubo. Sa
hirap at png-aabusong dinanas ng mga Pilipino, nag-ugat ang mga pag-aalsa.
Sa higit na 100 na pag-aalsa, ang mga ito ay nabigo dahil sa kawalan ng plano,
armas at kaalaman sa pakikidigma. Sa kabila ng kabiguan ang mga pag-aalsa ay
naging daan parin upang umalab ang damdamin pagkamakabayan ng mga
Pilipino na naging panimula upang makamit natin ang kasarinlan na tinatamasa
natin hanggang sa kasalukuyan.
69
NATUTUHAN KO
Isulat kung TAMA o MALI ang isinasaad ng sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa
notbuk.
Takdang Aralin
70
ARALIN 8 Ang Kahalagahan ng Pagganap ng Sariling Tungkulin sa Pagbuo ng
Nasyon
PANIMULA
Sa araling ito, mauunawaan mo naman na mahalagang mapaunlad ang sarili
nang sa gayon ay mapaunlad din ang bansa. Mahalagang mapaunlad ang sarili upang maging
kontribusyon ito sa pagsulong at kaunlaran ng bansa kung saan ka kabilang at naninirahan.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat na nakapagpapahayag ng saloobin sa
kahalagahan ng pagganap ng sariling tungkulin sa pagsulong ng kamalayang pambansa.
ALAMIN MO
Oo! Ikaw ay mahalaga sa pagtataguyod ng ating bansa. Ang bawat isa sa atin ay
mahalaga dahil lahat tayo ay may papel na ginagampanan upang magpatuloy sa pag-
unlad ang ating bansa.
Pakikipagkapwa-tao
Mahalaga ang mabuting pakikipagkapwa sa ating mga kapwa mamamayan. Lagi ngang
sinasabi na "no man is an island" kaya naman marapat lamang na pakitunguhan nang maayos
ang ating kapwa dahil ang mabuting samahan ay nagdudulot ng pagkakaisa.
Mahalaga rin na mayroon tayong mabuting saloobin sa paggawa. Nagiging madali ang
mga gawain kung ito ay pinagtutulungan at binibigyan ng tamang pansin at oras. Kung laging
positibo ang isang mamamayang Pilipino, sigurado na siya ay magiging produktibo.
Sa ganitong paraan, mapatatatag natin ang ating ekonomiya. Uunlad ang mga lokal na
industriya, maraming mga Pilipino ang mahihikayat na mamuhunan at magtayo ng mga
negosyo, at maraming magkakaroon ng trabaho sa ating bansa.
71
Dito tayo kumukuha ng ating ikinabubuhay kaya naman marapat lamang natin itong
alagaan upang magkaroon tayo ng sustainable development o ang matalinong paggamit ng
mga likas na yaman. Dahil dito, hindi kaagad mauubos ang mga pinagkukunang-yaman at
mayroon pang matitira para sa susunod na henerasyon.
Bilang isang mamamayan, tungkulin natin na mapaunlad ito dahil ang kultura ang
nagbibigay-buhay sa ating bansa at isa ito sa mga nagiging batayan ng kaunlaran.
Bantayan natin ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga ninuno. Pawis, dugo, at buhay
ang ipinuhunan nila para maipamana sa atin ang kalayaang hindi na nila natikman.
GAWIN MO
Gawain A
Bilugan ang mga pangungusap na nagsasaad ng pagiging maunlad ng isang bansa.
Isulat ang sagot sa notbuk.
1. May mga nakatapos sa pag-aaral na umaalis ng bansa upang manilbihan sa ibang
bansa.
2. Marami ang bilang ng hindi nakababasa at nakasusulat.
3. Ang mga 15 taong gulang na kabataan pababa ay pinagtatrabaho.
4. Masaya ang nakararaming mamamayan na nanunung- kulan sa pamahalaan.
5. Sapat at makatuwiran ang kinikita ng mga tao.
6. Laganap ang rebelyon at krimen sa mga lalawigan.
7. Maraming dayuhan ang dumadalaw at namumuhunan sa ating bansa.
8. Naaabuso ang mga likas na yaman.
9. Hindi nakikinig sa Pangulo ng bansa at hindi sinusunod ang mga batas.
10. Walang krimen na naitala sa loob ng isang buwan.
Gawain B
Lagyan ng bituin ang mga pahayag na nakatutulong sa pag- unlad ng sarili o ng bansa.
Isulat ang sagot sa notbuk.
1. Nagsasanay nang mabuti si Mikaela sa paglangoy upang makasali sa pambansang
koponan.
2. Madalang mamasyal sa parke si Lara dahil tumutulong siya sa tindahan ng kaniyang
tiyahin.
3. Mahilig magkumpuni ng mga sirang kagamitan si Mang Lito.
4. Bata pa lamang si Inso ay sakitin na.
72
5. Mahilig makipaghuntahan si Aling Selya. Pati paghahanda ng pananghalian ay
nalilimutan niya.
6. Kahit kailan di nabisita ni Jing ang silid-aklatan sa kanilang paaralan.
7. Laging huli sa pulong si Cristina.
8. Mahilig sumabad si Liza sa usapan at hindi sinusuri ang binibitawan niyang mga salita.
9. Binibili agad ni Raymond kung ano ang maibigan niya.
10. Mahilig si Lucia sa imported na mga gamit.
Gawain C
1. Bumuo ng mga pangkat na may limang kasapi. Ipatalakay kung paanong naitataguyod
ng mga mamamayan ang kaunlaran ng isang bayan. Palikhain sila ng larawan hinggil
dito at palagyan ng islogan. Ilagay sa likod ang paliwanag ng islogan ng parehong
poster at islogan.
2. Magsagawa ng classroom walk kung saan nakatanghal ang mga poster. Mag-anyaya ng
mga panauhing pipili ng tatlong pinakamahusay na poster at islogan.
TANDAAN MO
Ang bawat isa sa atin ay mahalaga dahil lahat tayo ay may papel na ginagampanan
upang magpatuloy sa pag-unlad ang ating bansa. Kung ang lahat ng Pilipino ay gagawin ang
kani-kaniyang mga tungkulin bilang isang mamamayan ng Pilipinas, sigurado ang kaunlaran ng
ating bansa at siguradong magkakaroon ng kapayapaan. Dahil ang malilit na gawa, kapag
pinagsama-sama ay tiyak na magbubunga ng isang malaking pagbabago.
NATUTUHAN KO
73