You are on page 1of 26

Ang Obras Pias

Obras Pias
• Isang salitang Kastila na ang ibig sabihin ay banal o makarelihiyosong
gawa.
• Isa itong organisasyon ng simbahan na humihingi ng salapi mula sa
mayayaman upang gamitin sa kawanggawa.
• Ang Tithe ay 10% ng kita ng mga Pilipino na ibinibigay sa simbahan.
• Ito ang kauna-unahang institusyon sa pananalapi sa kapuluan at
isang institusyong kawanggawa na itinatag ng mga Espanyol sa
Pilipinas noong ika-3 ng Pebrero taong 1827
• Ito ay pinamahalaan ng mga samahang panrelihiyon na tinawag na
confradia
Obras Pias
• Ang Obras Pias ay itinatag ng mga prayle upang may
maitustos sa gawaing pangkawanggawa na ang kontribusyon
ay nagmumula sa mga mayayamang mangangalakal.
• Hindi nagtagal ang Obras Pias sapagkat sa halip na itulong
ang salapi na nalikom sa mga kapuspalad, ipinautang ito sa
mga mangangalakal at hindi na nakapagbayad. Walang pa
ring pakinabang ang mga Pilipino sa Obras Pias.
Ang Real Compania de Filipinas
(Royal Company of the Philippines)
• Sa panahon ng pangangasiwa ni Jose Basco naitatag ang Real
Compania de Filipinas (Royal Company of the Phillipines).
• Itinatag ito noong Marso 10, 1785 ayon sa pag-uutos ni Haring Carlos
III.
• Hangarin ng kompanya na paunlarin ang agrikultura at industriya ng
kolonya
• Nakatuon din ang Real Compania sa pagpapalakas ng kalakalang
panlabas ng Pilipinas at Espanya.
• Ito ay itinatag upang galugarin at pagsamantalahan ang likas na yaman
ng Pilipinas
Ang Real Compania de Filipinas
(Royal Company of the Philippines)
Malaki ang pakinabang na nakuha ng mga Kastila sa Real
Compania dahil kumita sila sa pagbebenta ng iba’t ibang mga
produkto subalit naghirap naman ang mga Pilipino.
Sa panahong ito, yumaman ang mga ahente at ang mga
magsasakang napinsalaan ay hindi lang pinagmulta, sila ay
binawian pa ng mga lupa.
Ang mga perang dapat mapunta sa magsasaka ay ibinubulsa
ng mga inspektor na gahaman.
Ang Real Compania de Filipinas
(Royal Company of the Philippines)
• Humina ang Real Compania nang buksan ang daungan ng
Maynila noong 1789 para sa pandaigdigang kalakalan.
Idagdag pa rito ang mga suliraning kinaharap ng hari ng
Espanya mula sa rebolusyon sa France at sa mga kolonya nito
sa South America na nagpahayag ng digmaan para sa
kalayaan.
• Noong 1834, nagpalabas ng kauutusan ang hari na
nagpahinto sa operasyon ng Real Compania de Filipinas dahil
sa mahinang pangangasiwa at pagkalugi nito.
ANG SISTEMANG BANDALA
• Nagsimula ang Sistemang Bandala noong nanakop at
nanirahan ang mga Espanyol sa ating bansa noong 1521
hanggang 1898.
• Tumutukoy rin ang salitang bandala sa isang uri ng tela na
ginagawa sa Maynila noong panahong kolonyal na gawa
mula sa magugulang na hibla ng abaka o Musa textilis.
• Ang mga tao ay hindi bastabasta makabibili ng produkto sa
galyon kung walang comfras reales, ang tawag sa salaping
ibinabayad sa mga produkto sa galyon.
ANG SISTEMANG BANDALA
• Karaniwang promisory note ang ipinambabayad ng
pamahalaan sa mga magsasaka kapalit ang ipinambabayad
ng pamahalaan sa mga magsasaka kapalit ng mga produkto.
• Kalimitang hindi napalitan ng katumbas na halaga ang
mga papel na ito sapagkat walang pondong pambayad
ang pamahalaan.
• Dahil dito, nawalan ng kita at nalugi ang mga mamamayan.
• Ipinatigil ang pagpapatupad ng bandala noong 1782
ANO ANG NAGING TUGON
NG MGA PILIPINO SA
SISTEMANG BANDALA?
Ang Rebelyong Maniago
Dahil sa pang – aabuso ng mga
Espanyol, napilitan lumaban ang mga
Pilipino sa mga dayuhan isa na rito ang
Maniago Revolt. Ito ay naganap sa
Bacolor, Pampanga noong 1660-1601
sa pamumuno ni Francisco Maniago.
Ang hindi pagbabayad ng mga
pinunong Espanyol sa biniling palay at
ang paulit-ulit na pag-uutos na
magbigay nag personal na
paglilingkod ay ilan lamang sa mga
dahilan ng pag aklas.
BANDALA
COMFRAS REALES
AGRIKULTURA
ESPANYOL
Ang
Monopolyo
ng Tabako
Ang Monopolyo ng Tabako
• Bilang kolonya ng Espanya, naging mabigat na pasanin ang
Pilipino sa kalagayang pananalapi nito.
• Hindi makalikom ang pamahalaan sa Pilipinas ng sapat na
salapi upang tustusan ang pangangailangan nito.
• Bilang tugon sa suliraning ito, ipinatupad ang monopolyo ng
tabako sa ilalim ng mahigpit na pamamahala ng pamahalaan.
• Upang lumaki ang kita, nagkaroon ng pagbabago sa
ekonomiya sa panahon ni Gobernador-Heneral Jose Basco y
Vargas.
Ang Monopolyo ng Tabako
• Noong 1781, itinatag ang monopolyo ng tabako.
Kontrolado ng pamahalaan ang malawakang pagsasaka at
pagbili ng tabako tulad ng sa Ilocos, Cagayan, Nueva Ecija
at Marinduque.
• Ang bawat mag-anak ng magsasaka ay may takdang dami
ng tabako na dapat anihin.
• Sila ay nagtanim ng 40,000 halaman ng tabako sa isang
taon.
• Ito ay binili ng lahatan ng pamahalaan sa mababang halaga.
Ang Monopolyo ng Tabako
• Bakit itinatag ang monopoly ng tabako?
• Itinatag ang Monopolyo ng Tabako upang
madagdagan ang kita ng pamahalaan at ng di na
umasa pa sa Mexico.
• Ang programang ito ay nangangahulugan na ang
pagtatanim, pagaani at pangangalakal ng tabako ay
nasa mahigpit na pangangalaga at kontrol ng
pamahalaanisang pamamaraan up
Ang Tabako
Ang Tabako
Ang tabako ay isang agrikultural na produkto na hinahango mula sa
mga sariwang dahon ng mga halaman na napapabilang sa saring
nicotiana. Maari itong kainin, gamitin bilang organikong pamuksa ng
peste at bilang sangkap sa gamot kung gagamitin sa pormang nicotine
tartrate.

You might also like