You are on page 1of 20

5

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Pag-usbong ng Malayang Kaisipan
at Naunang Pag-aalsa
5

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Pag-usbong ng Malayang Kaisipan
at Naunang Pag-aalsa
Alamin

Ang modyul na ito ay tumatalakay tungkol sa pag-usbong ng malayang


kaisipan at naunang pag-aalsa ng mga sinaunang Pilipino. Pagbabalik-tanaw
sa kasaysayan upang mabigyan ng pagpapahalaga ang partisipasyon ng iba’t
ibang rehiyon at sektor sa lipunan kasama na ang mga kababaihan na
naging bahagi ng pakikibaka laban sa mga mananakop.

Bilang bata na bahagi ng lipunan na ating ginagalawan, higit kang


maliliwanagan kung sino-sino ang mga pangkat ng Pilipino na lumaban sa
mga dayuhan. Malalaman din sa modyul na ito ang pagpupunyagi at
kagitingang ipinakita ng mga Pilipino sa pagmamahal sa lupang sinilangan.

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

✓ Natataya ang partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sektor (katutubo


at kababaihan) sa pakikibaka sa bayan

1
Subukin

Kilalanin ang mga sumusunod na bayaning nag-alsa laban sa mga Espanyol.


Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. 2.

3. 4.

5.

2
rAralin Pag-usbong ng Malayang
Kaisipan at Naunang Pag- aalsa
1

Sa loob ng 333 taong pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, nagkaroon


ng mahigit na 100 pag-aalsa ng mga Pilipino laban dito. Niyakap man ng mga
Pilipino ang Kristiyanismo, ito ay hindi nangangahulugang tinanggap rin nila
ang pagmamalupit at pag-aabuso ng kanilang mananakop.

Sa mga pag-aalsang ito na naganap sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at sa


iba’t ibang panahon, makikita ang mga dahilan ng paghihimagsik ng mga
Pilipino. Ito ay nilahukan ng iba’t ibang sektor sa lipunan tulad ng
katutubo, kababaihan, at mga taong may kinalaman o kaugnayan sa
relihiyon. Sa mga paghihimagsik na ito nakilala ang mga Pilipinong
nakipaglaban upang makamit ang kanilang kalayaan.

3
Balikan
Suriing mabuti ang mga larawan. Ano-ano ang mga katangian o pagkakakilala
ng bawat isa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Gabriela
Silang

Tamblot

Lapu-Lapu

Lakandula

Hermano Pule

4
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Tuklasin
Basahin at unawain ang tula at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Mga Bayani ng Covid -19
(Ni: Betty V. De Jesus)

Sa inyo aming alay


Kayong nagliligtas ng buhay Meron
din kayong pangamba Bagsik ng
COVID-19 na dala.

Nanaig ang sinumpaang katapatan


Mailigtas lamang sa kapahamakan
Kahit nasa bingit na ng kamatayan
Iaalay ang buhay sa sangkatauhan.

Taimtim na panalangin Matapos na


sana salot ni COViD
Paghihinagpis ng mga mamamayan
Kaligtasan ang hiling para sa sanlibutan.

Mahigpit na binabantayan
Nakikipagtunggali sa kalaban Nagbibigay
ng inspirasyon sa lahat Mabuhay kayo
mahal na Frontliners!

5
Mga pamprosesong tanong:

1. Sino ang tinutukoy na bayani ng COViD 19?


2. Bakit nagbibigay ng inspirasyon ang mga Frontliners?
3. Sino-sino ang mga tinutukoy na mga Frontliners sa tula?
4. Bakit mahigpit ang pagbabantay ng mga Frontliners sa COViD?
5. Bilang isang bata, ano ang maiaambag mo sa mga Frontliners ng COViD-19?

Suriin
Hindi nasiyahan ang ating mga ninuno sa pangkalahatang
pamamahala ng mga Espanyol. Malaking hirap, pagmamalupit at pang-
aabuso ang dinanas ng mga Pilipino noon. Hindi natakpan ng rebelyon ang
kanilang pagmamalabis kaya nag-alsa ang mga Pilipino. Narito ang talaan ng
mga nangunang bayaning Pilipino na nakibaka para sa bayan. (Antonio, E.D.,
Banlayas, E.L., & et al., 2003)

Sektor na
Taon Pinuno Lugar Layunin/Dahilan nagsagawa o
Nanguna
Ibig nilang ipabatid ang
hindi pagtupad ng mga
Espanyol sa kanilang
Lakandula pangako tulad ng Pinuno/
Tondo,
1574 Raha paggalang sa karapatan Katutub
Maynila
Sulayman ng mga Pilipino, o
pagpapabuti ng kanilang
lupa, at pagpapabuti ng
kanilang pamumuhay.
Makabalik sa katutubong Mga
Paring pananampalataya bunga katutubo
1622 Bohol
Tamblot ng pang-aapi ng mga / pari o
paring Espanyol. babaylan
Maibalik ang
Mga
katutubong paniniwala.
katutubo
1622 Bankaw Leyte Ibig nilang sumambang
/ pari o
muli sa mga espiritu at
babaylan
diwata.
Ibig nilang tumutol sa
Juan sapilitang pagpapadala sa
1649 Samar Mga katutubo
Sumuroy mga Pilipino sa mga
pagawaan sa Cavite.

6
Kalupitan ng mga
Mga Lambak ng Espanyol din ang dahilan
1621 Mga katutubo
Gaddang Cagayan ng pagbangon ng mga
Katolikong Gaddang
1601- Francisco Pampanga Pagtutol sa sapilitang Mga
1661 Maniago Pangasinan pagtatrabaho sa katutubo
Andres pagawaan ng mga
Malong galyon.
1702- Diego Ilocos Namumuhi siya sa mga Mga
1764 Silang Espanyol na katutubo/
Mapagsamantala at Kababaihan
lapastangan sa mga
Pilipino. Ipinagpatuloy
ni Gabriela Silang ang
paglabang ito nang
mamatay ang
kanyang asawang si
Diego.
1744- Francisco Bohol Itinuturing na Mga
1820 Dagohoy pinakamahabang pag- katutubo
aalsa sa Pilipinas ang
pinamunuan ni Francisco
Dagohoy sa Bohol noong
1744. Higit na nagpaalab
sa galit ni Dagohoy ay
ang hindi
pagpapahintulot ng isang
prayleng Jesuit na bigyan
ng Kristiyanong libing ang
kaniyang kapatid na
konstable na namatay sa
pagtugis ng isang tulisan.
Dahil dito, hinimok ni
Dagohoy ang iba pang
Boholano na mag-aklas
laban sa mga Espanyol.
Tumagal ang pag-aalsa
hanggang 1829.

1764 Juan Dela Pangasi Sumiklab ang pag-aalsa Mga


Cruz nan ni Palaris noong 1762 sa katutubo
Palaris Binalatongan,
Pangasinan.
Dahil sa pang-aabuso ni
Gobernador Heneral
Simon de Anda at hindi
pagbibigay ng
tulong sa kanila.

7
1840- Hermano Quezon Pagtanggi ng simbahan Mga
1841 Pule sa hiling niya na maging katutubo
pari dahil siya’y / pari o
katutubo. Hindi naibigan babaylan
ng mga Obispo at paring
Espanyol ang mga
patakaran niya
ukol sa relihiyon.

Pagyamanin

A. HANAP-SALITA. Hanapin ang 12 pangalan ng mga Pilipinong namuno


ng mga pag-aalsa sa loob ng estadong kolonyal sa kahon ng mga letra.
Maaaring patayo, pahalang o dayagonal ang mga ito. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

L M A N I A G O S A
A B A N K A W C U L
K F R A N K G A M M
A G E D T N T M U A
N O Y O A H A P R Z
D P K L M R P O O A
U E I E B E A S Y N
L S P A L A R I S J
A M Q P O D I D Z L
R I Z A T B P U L E
M A L O N G L O B O
D A G O H O Y B L X

Ilahad ang iyong naramdaman sa mga sumusunod na pangyayari sa


pamumuno ng Espanyol. Lagyan ng mukhang masaya ang pahayag
kung ito ay kaaya-aya at mukhang malungkot kung hindi. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Pakikipaglaban ng ating mga ninuno sa mga pinunong Espanyol.

2. Pag-alsa ni Paring Tamblot


3. Pagsusumikap ng ilan sa ating mga ninuno na makabalik sa
kanilang pananampalataya.

4. Lubos na pag-asam sa kalayaan ng mga Pilipino


5. Pagtutulungan ng mag-asawang Silang sa pag-alsa.

8
B. Katotohanan ba o opinyon ang bawat pahayag? Isulat sa patlang ang
K kung ang pahayag ay isang katotohanan at O kung ito naman ay
isang opinyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Bibihira lamang ang mga pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa Espanyol.


2. Hangad ng ating mga ninuno ang kalayaan noon pa mang panahon ng
Espanyol saa bansa.
3.Nanguna si Lapu-Lapu sa unang paglaban.
4.Sina Lakandula at Raha Sulayman ay pawang mga pinuno sa Visayas.
5.Ibig ni Paring Tamblot na maging Katoliko ang lahat ng Pilipino.
6.Magkatulad ang hangarin nila Paring Tamblot at Bankaw
hinggil sa pagbabalik ng katutubong paniniwala
7. Nais ni Juan Sumuroy na ipadala ang mga Pilipino sa mga
pagawaan sa Cavite
8. Tutol ang mga Kapampangan at Pangasinense sa pagtratrabaho
sa mga galyon
9. Naging mapagsamantala ang ilang mga Pilipino sa mga pinunong
Espanyol
10. Nagtulungan ang mga Pilipino upang makamit ang ating kalayaan.

C. Itala ang inilalarawan o tinutukoy. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Pinuno ng pinakamahabang pakikipaglaban sa mga Espanyol.


2. Mag-asawang namuhi at nakipaglaban sa mga mapagsamantalang Espanyol.

3. Ito ang reporma na ibig ni Juan Dela Cruz Palaris ng Pangasinan.


4. Dito naglaban sina Lapu-Lapu at Magellan.
5. Hindi tumupad sa kasunduan kaya’t nakipaglaban sina Lakandula at
Raha Sulayman sa mga
6. Uri ng pananampalataya na ibig nina Paring Tamblot at Bankaw para sa
ating mga ninuno.
7. Namuno siya sa lalawigan ng Samar.
8. Sa lalawigang ito namumuno si Diego Silang.
9. Naghangad na magkaroon ng isang marangal at maayos na libing ang
kanyang kapatid.
10. Dito sapilitang pinagtrabaho ang mga Pilipino sa mga pagawaan ng mga

D. Pag-ugnayin ang mga pook ng pakikibaka ng mga Pilipino sa mga bayani.


Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

A. Lakandula B. Magalat C. Silang


D. Gaddang E. Bankaw F. Maniago
G. Malong H. Tapar I. Palaris
J. Hermano Pule K. Dagohoy

9
1. Binalatongan, Pangasinan
2. Panay 6. Lambak ng Cagayan
3. Tondo 7. Quezon
4. Cagayan 8. Pampanga
5. Bohol 9. Limasawa
10. Lingayen, Pangasinan

E. Piliin mula sa kahon ang mga pangalan ng mga bayani na tinutukoy sa


mga pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Mga Pagpipilian:

A. Malong G. Hermano Pule


B. Maniago H. Pedro Almazan
C. Tapar I. Magat Salamat
D. Tamblot J. Diego Silang
E. Sumuroy K. Gabriela Silang
F. Dagohoy

1. Siya ang naging kasama ni Raha Sulayman sa


paghihimagsik laban sa mga Espanyol.
2. Siya ang namuno ng kauna-unahang rebelyong
panrelihiyon ng mga Tagalog.
3. Siya ang ibig tumalikod sa pagiging Katoliko at
balikan ang paniniwala ng mga ninuno.
4. Siya ang namuno sa rebelyon ng mga Ilokano na
humingi ng tulong sa mga Ingles.
5. Siya ay isang babaeng lubos ang tapang na nakilala bilang
Joan of Arc ng Ilocos.
6. Siya ay isang Ilokano na nag-alsa at hinirang na hari.
7. Siya ang pinuno ng pinakamahabang rebelyon sa
kasaysayan ng Pilipinas.
8. Nagtatag siya ng bagong relihiyon na parang binagong
anyo ng Kristiyanismo.
9. Siya ang nagpadala ng mga mensahero sa iba’t ibang
lalawigan para hikayatin ang mga tao na sumama sa
kanyang layunin.
10. Tumutol siya sa pagpapadala ng mga lalaki sa Cavite
mula sa Samar upang magtrabaho sa pagawaan ng
barko.

10
F. Bilugan ang tamang letra na nagpapahayag ng tamang kaisipan sa
bawat paksa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Pagpapanatili ng kalayaan ng Muslim


A. Katapangan ang naging dahilan ng hindi pagsakop sa
kanila ng mga Espanyol.
B. Minsan ding nasakop ng mga Espanyol ang mga Muslim.

2. Pagtakas ng mga Pilipino


A. Madali ring narating ng mga Espanyol ang pinagtaguan ng
mga Pilipinong tumakas.
B. Sa kabundukan napiling manatili ng mga Pilipinong
lumayo at tumakas sa kalupitan ng mga Espanyol.

3. Tungkulin ng mga kababaihan sa mga naunang pag-aalsa


A. Nanatili lamang sa mga pantahanang tungkulin ang mga
kababaihan sa panahon ng mga naunang pag-aalsa.
B. Hindi naiwasang sumali ng mga kababaihan sa mga naunang
pag-aalsa, at gumanap ng iba pang tungkulin dito tulad ng
pagiging manggagamot , mensahero, at namuno sa
pakikibaka sa bayan.

4. Paglaban ng mga Pilipino


A. Buong tapang na hinarap ng mga katutubo ang
pagmamalabis ng mga Espanyol sa kabila ng kakulangan sa
mga makabagong armas.
B. Nagkaroon ng mga makabagong armas ang maraming
katutubo ngunit nahigitan ang mga ito ng mga Espanyol.

5. Partisipasyon ng mga malayang katutubong Pilipino


A. Hindi agad sinakop ng mga Espanyol ang ilang malayang
katutubo sa bansa ngunit nakita ng huli ang totoong pakay
ng una sa pananakop nito.
B. Nagtagumpay ang mga Espanyol na mapasakanila ang mga
malayang katutubo tulad ng Igorot, Muslim, Itneg, Zambal,
at Cebuano.

G. Paggunita ng mga paghihimagsik ng mga Pilipino. Punan ng tamang


sagot ang kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Taon Lider Dahilan


1. Lakandula Hindi pagtupad sa
pangako ni
Gobernador
Lovezernis na hindi
kasali sa pagbayad ng
11
buwis

2. 1596
Pang-aabuso sa
pangongolekta
ng buwis
3. 1840-1841 Hermano Pule

4. 1762-1763 nagalit ang mga


Espanyol
na
ng inerekomenda
niyang tanggalin ang
pagbayad ng buwis
5. Francisco di-pagpapahintulot
Dagohoy ng mga Espanyol na
bigyan ng
Kristiyanong libing
ang kanyang
kapatid
6.1660
dahil sa hirap ng
polo at bandala

7.1601 Igorot

8. 1745-1746 pagkawala ng
mga lupain ng
mga katutubo

9. Tamblot kinumbinse ang mga


taga Bohol na
bumalik sa
kanilang relihiyon
10.1585 Maniago

12
Isaisip

Gamit ang Tri- Question Approach ay suriin ang partisipasyon ng iba’t


ibang sektor sa pakikibaka sa bayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Tanong 1: Ano ang iba’t ibang sektor na nakibaka para sa bayan?


Tanong 2: Ano-ano ang kanilang naging partisipasyon sa pakikibakang
naganap?
Tanong 3: Sa iyong palagay masasabi mo bang mahalaga ang kanilang
partisipasyon sa pakikibaka para sa bayan?

Sagot 1:

Sagot 2:

Sagot 3:

13
Isagawa

Kung ikaw, ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon?


Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Maraming pag-aalsa ang ginawa ng mga katutubong Pilipino. Halos


ang mga ito ay hindi nagtagumpay. Kung ako ay isa sa mga namuno
ng mga pag-aalsang ito, ang gagawin ko ay

2. Ang pagtatraydor ng mga Pilipino ay isa sa mga sanhi ng


pagkakapatay ng mga namuno sa pag-aalsa. Katulad ni Miguel
Vicos na kaibigan ni Diego Silang. Binayaran si Vicos ng mga
Espanyol upang patayin si Diego Silang. Kung ako si Vicos ay

3. Sa panahon ngayon, paano ipinakikita ang pag-aalsa?


Makatarungan ba ang ginagawang pag-aalsa? Bakit? Bakit hindi?

4. Paano mo mailalarawan ang naging pag-aalsa ng iba’t ibang rehiyon


at sektor ng lipunan? Paghambingin sa kasalukuyang panahon?

5. Bilang isang Pilipino, paano mo maipakikita ang iyong kagitingan sa


mga panahon ng krisis na ating nararanasan sa kasalukuyang
panahon?

14
Tayahin

Piliin ang angkop na sagot sa mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Alin ang tama sa mga sumusunod na pangyayari?


A. Iisa ang layunin ng pakikipaglaban sa mga Espanyol
B. Nagtagumpay ang mga pakikipaglaban ng mga Pilipino.
C. Nag-aalsa ang mga ninuno natin upang pamahalaan nila
ang ating bansa.
D. Iba iba ang layunin sa pakikipaglaban ng bawat pangkat
ng mga Pilipino.

2. Anong lugar ang pinamunuan nina Lakandula at Raha Sulayman?


A. Cebu C. Leyte
B. Bohol D. Maynila

3. Bakit nag-alsa ang pangkat ni Juan Sumuroy?


A. Upang lumaya sa mga Espanyol
B. Upang tumutol sa sapilitang paggawa sa Cavite
C. Upang maibalik ang katutubong pananampalataya
D. Dahil hindi tinupad ang kasunduan ng mga Espanyol

4. Ano ang tinutulan nina Francisco Maniago at Andres Malong?


A. Ang paraan ng pananampalataya
B. Ang sapilitang pagtatrabaho
C. Ang paggalang sa karapatan
D. Ang patakarang Espanyol

5. Sino ang pinuno ng mga Pilipinong nag-aklas sa Ilocos?


A. Diego Silang C. Juan Sumuroy
B. Andres Malong D. Raha Sulayman

6. Saan nangyari ang pinakamahabang paglaban sa mga Espanyol?


A. Bohol C. Maynila
B. Quezon D. Pangasinan

7. Anong reporma ang layunin ng pag-aalsa sa Pangasinan?


A. Panlipunan C. Pangkabuhayan
B. Pampulitika D. Pang-ekonomiya

8. Bakit tinanggihan ng simbahan si Hermano Pule na maging pari?


A. Dahil siya’y isang katutubo C. Dahil siya’y isang mandirigma
B. Dahil siya’y isang ilustrado D. Dahil siya’y isang guro

15
9. Bakit kinamuhian ni Diego Silang ang mga Espanyol?
A. Dahil mayayabang ang mga ito
B. Dahil malupit ito sa pamamahala
C. Dahil ibig nilang maging pari ang mga Pilipino
D. Dahil mapagsamantala at lapastangan ito sa mga Pilipino

10. Alin ang naglalarawan sa katutubong paniniwala?


A. Pagsunod sa patakaran ni Bathala
B. Paniniwala sa relihiyong Katoliko
C. Pagsamba sa mga espiritu at diwata
D. Pagsasamba sa iba’t-ibang sambahan

Karagdagang Gawain

Sumulat ng limang kahalagahan na naidulot ng pakikibaka ng iba’t


ibang rehiyon at sektor laban sa mga Espanyol. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1.

2.

3.

4.

5.

16
17
Balikan:
1. Tinawag na Joan of Arc
ng Ilocos
2. Pari/Babaylan ng Bohol
3. Matapang at magigiting
na bayani sa Pulo ng
Mactan
4. Kilala bilang “Dakilang
Raja ng Tondo”
5. Katutubong pari at
nagtatag ng Confradia de
San Jose
(Tanggapin ang iba pang
kaugnay na sagot)
Susi sa Pagwawasto
18

You might also like