You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 1
Schools Division Office of Alaminos City
TELBANG ELEMENTARY SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 5

Panuto: Piliin ang tamang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Ano ang isang ritwal n mga sinaunang Filipino na tanda ng kapatiran at pagkakaibigan.?
A. pag-aalsa B. pangangayaw C. sandugo D. welga
2. Sino ang Espanyol na naglakbay noong ika-20 ng Setyembre taong 1519 mula sa San
Lucar de Barramuda Spain, Dumating sa Pilipinas noong ika-17 ng Marso taong 1521 sa
isang pulo ng Homonhon sa bukana ng Leyte?
A. Goiti B. Lapu-Lapu C. Legazpi D. Magellan
3. Ano ang ibinigay ng dayuhang Espanyol sa pinuno ng Cebu?
A. pera B. hikaw C. pagkain D. Imahe ng Sto.Nino
4. Alin ang tumutukoy sa isang tahasang pagsuway ng mga tao sa isang punong otoridad?
A. karahasan B. katiwalian C. pag-aalsa D. rali at welga
5. Alin ang grupong etniko ng Pilipinas na hindi nasakop ng mga Espanyol?
A. Bajao B. Igorot C. Islam D. Kristiyano
6. Ano ang tawag sa isang katutubong pangkat na mula sa salitang Tagalog na “GOLOT” at
sa pagdagdag ng unlaping “I” ito ay nangangahulugang “Tagabulubundukin”?
A. Espanyol B. Igorot C. Muslim D. Tausug
7. Sino ang nakatuklas ng deposito ng ginto sa Cordillera?
A. Ferdinand Magellan C. Lapu-lapu
B. Lakandula D. Miguel Lopez de Legazpi
8. Saang kabundukan sa Pilipinas nakatira ang mga Igorot?
A. Banahaw B. Cordillera C. Sierra Madre D. Zambales
9. Ano ang tawag sa paniniwala ng mga katutubong pangkat na Igorot?
A. Animismo C. Moro
B. Kristiyanismo D. Tribus Independientes
10. Ang mga sumusunod ay mga Layunin ng Espanyol sa kanilang ginawang pananakop sa
katutubong pangkat na Igorot MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. Pagpapalaganap nila ng Kristiyanismo.
B. Pinatupad nila ang Monopolyo ng Tabako.
C. Nais ng mga Espanyol na matutuhan ang pangangayaw.
D. Nais nilang makuha ang deposito ng ginto sa mga Igorot.
11. Ilan ang pag-aalsang naganap sa loob ng 333 na pananakop ng nga Kastila?
A. mahigit sa 203 C. mahigit sa 200
B. mahigit sa 100 D. Mahigit sa 250
12. Bakit nagkakaroon ng labanan sa ibat ibang panig ng bansa sa pamamahala ng mga
Espanyol?
A. dahil sa katiwalian
B. dahil sa sobrang higpit nito
C. dahil sa pang-aabuso at pagmamalabis
D. dahil sa sobrang pagmamahal ng mga kastila sa mga Pilipino
13. Paano nakipaglaban ang ating mga ninuno noon?
A. patas C. kasakiman
B. dahas D. sukdulan at kamatayan
14. Paano ipinakikita ng ating mga Pilipino ang kanilang pagmamahal sa bayan?
A. Pagsasawalang-kibo ng lahat
B. Sa pagkupkop ng mga kanluranin
C. Sunod sunuran lamang sa mga kastila
D. Sa pamamagitan ng pakikipaglaban at pagtatanggol nito.
15. Alin ang hindi kasama sa reaksyong ipinakita ng mga Pilipino Laban sa mga kastila?
A. katiwalian C. pagmamahal
B. pag-aalsa D. rebelyon
16. Ano ang pinakamalawak na pagbabago sa Pilipinas ang naganap sa buhay ng mga
katutubong Pilipino dulot ng kolonyalismong Espanyol?
A. Pagtatatag ng pamhalaang kolonyal.
B. Pagyakap ng mga katutubo sa Kristiyanismo.
C. Pagbabago sa mga tahanan ng mga katutubong Pilipino.
D. Pagbibigay ng pangalan ng mga Pilipino sa kanilang mga anak.
17. Alin sa mga sumusunod ang naging tugon ng mga katutubong Pilipino sa ginawang
pananakop ng mga Espanyol?
A. Pag-aalsa C. Pagmamahal
B. Paggalang D. Pakikipagkaibigan
18. Sa panahon ng kolonyalismo, ang mga Espanyol ang pinakamataas na uri, sumunod ang
mga mestizo. Ano naman ang tawag sa pinakamababang uri nito?
A. Encomiendero C. Mestizo
B. Katutubong Pilipino D. Prayle
19. Sa kabila ng armadong pakikipaglaban ng mga Espanyol sa mga katutubong Pilipino, iba’t-
iba ang naging tugon ng mga ito. May ilang katutubong lumagda ng kasunduan sa mga
Espanyol. Ano ang pahayag na ito?
A. Tama B. Mali C. walang diwa D. Hindi Sang-ayon
20. Isang kinatakutang tradisyon at paraan ng pagtugon ng mga katutubong Igorot laban sa
mga Espanyol ay ang pagpugot sa ulo ng mga kaaway nito. Ano ang tawag dito?
A. Pagbigti B. Pagpana C. Pagbaril D. Pangangayaw
21. Alin sa mga sumusunod ang impluwensya ng mga Espanyol sa pananamit?
A. sombrero C. bahag at kanggan
B. mini skirt D. camisa de chino at pantalon
22. Anong batas ang ipinasa ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria nagbigay apelyido sa mga
Pilipino noong 1849?
A. Batas Militar C. Executive Order 1849
B. Doctrina Christiana D. Claveria Decree 1849
23. Alin sa mga sumusunod na lutuin ng mga Espanyol ang hindi kabilang sa grupo?
A. mechado B. noodles C. pochero D. sardinas
24. Ano ang unang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1593 na naglalaman ng mga dasal?
A. Doctrina Christiana C. Rosaryo
B. La Solidaridad D. Noli Me Tangere
25. Saan yari ang mga simbahan noon bago pa dumating ang mga Espanyol?
A. bakal C. semento at bato
B. rattan at narra D. kawayan at nipa
26. Kung ang mga kalalakihan ay may sombrero sa ulo noong panahon ng mga Espanyol na
hanggang sa kasalukuyan, ano naman ang tawag sa nilalagay ng mga kababaihan na
palamuti sa kanilang mga buhok?
A. balabal B. panuelo C. peneita D. ropilla
27. Ilan ang kabuuang bilang ng mga apelyidong Espanyol ang maaring pagpilian ng mga
Pilipino noon?
A. 81,000 B. 61,000 C. 51,000 D. 41,000
28. Saan nakatala ang mga apelyidong Espanyol na binigay sa mga Pilipino na maaaring
gamitin sa kanilang pagpapangalan?
A. Catalogo apellidos C. Catalogo de Español
B. Español de apellidos D. Catalogo alfabetico de apellidos
29. Isa sa mga kasuotan ng mga kababaihan sa panahon ng Espanyol ay baro’t saya, kimona at
mantilla. Ano naman ang ibig sabihin ng “Panuelo”?
A. balabal B. hikaw C. suklay D. malaking panyo
30. Sinong Gobernador-Heneral ang nagbigay ng kautusan sa pagpapagamit ng mga
apelyidong Espanyol sa mga Pilipino?
A. Gobernador- Heneral Jose Y Basco
B. Gobernador-Heneral Luis Perez Dasmariñas
C. Gobernador- Heneral Miguel Lopez de Legazpi
D. Gobernador- Heneral Narciso Claveria Bautista
31. Ano ang itinuturing na mahalagang panahon ng paghahanap ng katotohanan at pag-angat
ng antas ng pag-iisip at pamumuhay ng mga Pilipino?
A. Age of Enlightenment C. Merkantilismo
B. Cadiz Constitution of 1812 D. Nasyonalismo
32. Sino ang nakikilala sa kanyang liberal na pamamahala at maraming Pilipino ang nagtitiwala
sa kanya?
A. Joseph Bonaparte
B. Ventura de los Reyes
C. Gobernador-Heneral Carlos Maria de la Torre
D. Haring Philip
33. Ano ang nilikha dahil hangad ng Espanya na wakasan ang pangaabusong dala ng sistemang
konserbatibong umiiral sa kanilang bansa?
A. American Revolution C. Cadiz Constitution of 1812
B. Barter Trade D. La Illustracion
34. Alin ang prinsipyong pinaniniwalaang sukatan ng kayamanan ng isang bansa?
A. Ginto at pilak C. Sekularisasyon
B. Merkantilismo D. Kalakalang Galyon
35. Sila ang tatlong paring pinagbintangang namuno sa pag-aalsa sa Cavite na hinatulan ng
kamatayan at ginarote MALIBAN kay __________________
A. Jose Burgos C. Mariano Gomez
B. Jacinto Zamora D. Pedro Pelaez
36. Ayon sa merkantilismo, ang tunay na sukatan ng kayamanan ng isang bansa ay ang dami
ng mahahalagang metal tulad ng ______________________.
A. ginto at iron C. pilak at ginto
B. ginto at tanso D. pilak at tanso
37. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang pinakamahalagang epekto ng La Illustracion at
Cadiz Constitution dito sa Pilipinas?
A. Napatigil ang kalakalang galyon
B. Sumiklab ang pag-aalsa sa Ilocos
C. Napalitan ang merkatilismo ng malayang kalakalan
D. Napukaw ang kamalayang nasyonalismo ng mga Pilipino
38. Bakit ipinatigil ni Gobernador-Heneral Jose de Gardoqui Jaraveitia ang pagpapatupad ng
Cadiz Constitution dito sa Pilipinas? Ito ay dahil _____________.
A. ayaw ng mga Pilipino na ipatupad ito ng buwis
B. walang tiwala ang mga Espanyol sa mga Pilipino
C. kumalat ang pag-aalsa ng mga katutubo sa iba’t-ibang bayan ng Ilocos
D. hindi kakayaning masuportahan ng kolonya ang pangangailangan ng Pamahalaang
Espanyol sa Pilipinas kung ititigil ang pangongolekta
39. Bakit nalikha ang Cadiz Constitution?
A. mapalapit sa mga Pilipino
B. ipatigil ang kalakalang galyon
C. makagawa ng isang konstitusyon
D. wakasan ang mga pang-aabuso dala ng sistemang konserbatibong umiiral sa bansa.
40. Paano tumugon ang mga Pilipino sa mga pangyayari at pagbabago sa loob ng bansa sa
panahon ng kolonyalismo?
A. Naging sunud-sunuran at alipin sa sariling bayan.
B. Nagkaisa sa pag-aaklas upang maibalik ang kanilang kalayaan.
C. Sumang-ayon sa mga bagong patakarang ipinatupad ng mga Espanyol.
D. Tumulong sila upang mapabilis ang pagpalaganap ng Kristiyanismo sa bansa.
41. Bakit hinuli sina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora?
A. upang ikulong sila habang buhay
B. dahil hindi nila sinunod ang utos ng hari ng Espanya
C. upang tanggalan sila ng kapangyarihan na makapagmisa
D. dahil sila ang napagbintangang namuno sa pag-aalsa sa Cavite
42. Kailan hinatulan ng kamatayang garote ang tatlong paring Pilipino?
A. Pebrero 7, 1872 C. Pebrero 25, 1896
B. Pebrero 17, 1872 D. Pebrero 25, 1986
43. Saang lugar pinaniniwalaan ng mga Espanyol na may mina ng ginto?
A. Bulacan B. Cordillera C. Ilocos D. Pangasinan
44. Ano ang tawag sa pamahalaan ng mga katutubong Muslim sa Mindanao?
a. Jihad B. Moro C. Pueblo D. Sultanato
45. Bakit nahirapan ang mga Espanyol na tuluyang sakupin ang mga katutubo?
A. Layo-layo ang kanilang mga tirahan.
B. Marami sa kanila ang lumaban at nag-alsa.
C. Iba’t iba ang lingguwahe o wika ng mga katutubo.
D. May iba’t ibang lingguwahe, layo-layong tirahan at palaban ang mga katutubo
46. Kung ikaw ay isang rebolusyunaryong nabuhay noong panahon ng kolonyalismo, anong
mga katangian ang dapat mong taglayin upang maipagpatuloy ang sinimulang pakikibaka
para sa kasarinlan ng bansa?
A. pagmamahal sa bayan C. pagkamaagap
B. pagmamahal sa sarili D. pagkamasipag
47. Paano nakatulong ang naging karanasan ng mga unang Pilipino na nag-aklas laban sa mga
Espanyol sa pagbuo ng damdaming makabayan?
A. Hindi ako apektado sa mga karanasan ng mga bayaning Pilipino.
B. Magiging daan ito upang ako ay makapagtapos ng aking pag-aaral.
C. Dahil sa mga karanasang ito ako ay mananatiling tikom ang bibig sa katotohanan.
D. Nagsilbi itong inspirasyon upang mas higit kong pahalagahan ang tinatamasa kong
kalayaan sa kasalukuyan.
48. Ibinuwis ng ating mga bayani ang kanilang buhay upang matamo ng ating bansa ang
kalayaang nararanasan natin sa kasalukuyan. Paano mo pahahalagahan ang mga ginawang
ito ng ating mga bayani?
A. Pagtaguyod sa gawain ng mga rebelde
B. Paglingkod nang tapat at pagsusunod sa batas
C. Pagsuporta sa mga adhikain ng mga terorista
D. Paghadlang sa mga proyektong magtataguyod ng pambansang seguridad
49. Alin sa mga sumusunod ang dahilan sa pagbagsak ng armadong pananakop ng mga
Espanyol sa ilang piling katutubong pangkat?
A. Naging mapanuri sila.
B. Nagising na ang diwang makabansa ng mga Pilipino.
C. Natuklasan na ng mga Pilipino ang plano ng mga Espanyol.
D. Nais matanyag ng mga Pilipino kung kaya’t pinili nilang lumaban.

Panuto: Isulat ang angkop na kasagutan sa tanong.


50. Batid natin na nakakaranas tayo ng kahirapan sa kinaharap nating pandemya dulot ng
COVID-19, alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa ating
mga frontliners bilang bagong bayani?

_____________________________________________________________________________

You might also like