You are on page 1of 5

LACAYON ELEMENTARY SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 5
Written Work No. 1 Quarter 1

Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang
titik ng tamang sagot.

1. Anong rehiyon ng Asya kabilang ang bansang Pilipinas?


A. Silangang Asya C. Kanlurang Asya
B. Hilagang Asya D. Timog Silangang Asya

2. Bakit tinawag na arkipelago ang bansang Pilipinas?


A. Ito ay nakaharap sa Karagatang Pasipiko.
B. Ito ay binubuo ng tatlong malalaking pulo.
C. Ito ay napapalibutan ng mga mayayamang bansa.
D. Ito ay binubuo ng maliliit at malalaking kapuluan na napapalibutan ng tubig o dagat.

3. Anong karagatan ang matatagpuan sa silangan ng Pilipinas?


A. Karagatang Indian C. Karagatang Pasipiko
B. Karagatang Atlantiko D. Karagatang Arktiko

4. Dahil sa estratihikong lokasyon ng Pilipinas kung kaya tinagurian itong “________ ng


Asya.”
A. Daanan B. Bintana C. Pintuan D. Daluyan
5. Bilang isang bansang nasakop ng Espanya, ano ang naging pinakamalaking pamana
ang kanilang iniwan sa Pilipinas?
A. edukasyon C. relihiyon
B. ekonomiya D. sandatahang lakas

6. Ayon sa teoryang ito, nagmula ang Pilipinas sa pagkalalang ng mundong kanyang


kinabibilangan.
A. Divine Creation Theory o Teoryang Panrelihiyon
B. Teoriyang Bulkanismo
C. Tatlong Higanteng Nag- uumpukan
D. Lahat ng nabanggit

7. Batay sa teoryang ito nabuo ang bansa dahil sa pagputok ng bulkang nakahanay sa
Pacific Ocean noong panahon ng Tertiary.
A. Divine Creation Theory C. Tatlong Higanteng Nag- uumpukan
B. Teoriyang bulkanismo D. Lahat ng nabanggit

8. Alin sa mga sumusunod na teorya ang nagpapaliwanag na ang Pilipinas ay nabuo


bunsod ng pag- aaway ng tatlong higante?
A. Plate Tectonic Theory C. Relihiyon
B. Mitolohiya D. Lahat ng nabanggit

9. Sino ang siyentistang nag-ugnay ng Continental Drift Theory sa Teoryang Tectonic.


A. Alfred Weneger B. Peter Bellwood C. Bailey Willis D. Robert Fox
10. Siyentistang naghain ng Teoryang Bulkanismo
A. Alfred Wegener B. Albert Einstein C. Thomas Edison D. Bailey Willis

11. Ayon kay Peter Bellwood, ang mga Austronesyano ang mga ninuno ng mga Pilipino na
nagmula sa___________.
A. Taiwan B. Mexico C. Amerika D. Saudi Arabia

12. Sino-sino ang dalawang taong nagmula sa malaking kawayan?


A. Adan at Eba C. Adan at Maganda
B. Malakas at Maganda D. Malakas at Eba

13. Ayon sa relihiyong Kristiyano at Islam, nilikha ng Diyos o Allah ang unang dalawang tao
na sina __________.
A. Adan at Eba B. Abraham at Sarah C. David at Ester D. Samson at Delilah

14. Sa anong panahon natutunan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng mga tinapyas na
batong magaspang?
A. Panahong Neolitiko C. Maagang Panahon ng Metal
B. Panahong Paleolitiko D. Maunlad na Panahon ng Metal

15. Alin sa ibaba ang natutunan ng mga sinaunang Pilipino noong Panahon ng Bagong
Bato o Panahong Neolitiko?
A. tumira sa mga yungib
B. magsaka at mag-alaga nga hayop
C. mangaso at mangangalap ng pagkain
D. gumamit ng mga tinapyas na bato na magaspang

16. Ano ang tawag sa pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya?
A. alipin B. timawa C. maginoo o datu D. maharlika

17. Sila ang kinikilalang mga mahuhusay na mandirigma mula sa pangkat ng mga
maharlika?
A. bagani B. bayani C. pulis D. sundalo

18. Ang mga sumusunod ay mga natatamasang karapatan ng mga kababaihan sa Ifugao
maliban sa isa.
A. bomoto o pumili ng lider C. pagiging kapalit ng datu
B. magkaroon ng kayamanan D. pumili ng mapangangasawa

19. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa batas na nakasulat noong panahong pre-
kolonyal?
A. ari-arian B. diborsyo C. krimen D. pag-aaral

20. Siya ang naatasan ng datu para ibalita ang mga kaganapan sa kanyang barangay lalo
na kung may mga pagtitipon.
A. bagani B. gat C. lakan D. umalohokan
21.. Ang pagkakaroon ng tiyak na mapagkukunan ng pagkain ng mga sinaunang tao sa
pamamagitan ng pangingisda at pagsasaka ay dahilan ng __________.
A. pagtira nila sa mga yungib C. pagkakaroon nila ng maraming ginto
B. pagiging pagala-pagala nila D. pagkakaroon nila ng permanenteng tirahan

22. Ano ang ginagawa ng mga barangay para maiwasan ang di pagkakaunawaan at
awayan?
A. nagkaroon sila ng isang paligsahan
B. kapwa sila nanalangin sa mga diyos upang maiwasan ang gulo
C. sakupin ang ibang barangay upang maging tagasunod ng kanilang datu
D. nakipagkasundo ang mga barangay sa isa’t isa sa pamamagitan ng sandugo

23. Ang salitang barangay ay hango sa salitang balanghai o balangay na tumutukoy sa


______.
A. sasakyang panlupa C. sasakyang panhimpapawid
B. sasakyang pandagat D. wala sa nabanggit

24. Anong paraan ng pagsasaka ang nililinis at sinusunog muna ang burol bago taniman?
A. pag-aararo B. pagbabakod C. pagkakakaingin D. pagnarnarseri

25. Alin sa mga sumusunod ang HINDI hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino?
A. pagsasaka C. pangangaso
B. pangingisda D. pagiging katulong sa ibang bansa

GOOD LUCK!

Inihanda ni :
Gng. Rosalinda J. Marzona
Guro
Answer Key:
1. D
2. D
3. C
4. C
5. C
6. A
7. B
8. B
9. A
10.D
11.A
12.B
13. A
14. B
15. B
16. C
17.A
18.A
19.D
20.D
21.D
22.D
23.B
24.C
25.D
LACAYON ELEMENTARY SCHOOL
ARALING PANLIPUNAN 5
Written Work No. 2 Quarter 1

You might also like