You are on page 1of 11

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG MGA PAARALANG PANLUNGSOD NG CABUYAO
Taung Panuruan 2018-2019

PANURING PAGSUSULIT
FILIPINO 6
TALAAN NG ESPISIPIKASYON
Blg. Blg.
Kinalalagya
Kasanayan Ng Ng Bahagdan
n
Araw aytem
Nakapagbibigay ng panuto
1 1 3% 31
F6PS-IIIa-8
Nasisipi ang isang ulat mula sa huwaran
1 1 2% 16
F6PU-IIIa-1.2
Naipagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan
ng paggamit nito 1 1 2.5% 32
F6PL-0a-j-1
Naisasagawa ang napakinggang hakbang ng isang
gawain. 1 1 2% 33
F6PN-IIIa-1.2
Nagagamit ang pariralang pang-abay sa paglalarawan
ng
paraan, panahon,lugar ng kilos at damdamin. F6WG- 1 2 3% 1, 17
IIIa-c-6
Nakapagbibigay ng panuto. F6PS-IIIa-8
Nagmumungkahi ng iba pang pangyayari na maaaring
maganap sa binasang teksto. 1 1 2.5% 39
F6PB-IIIa-20
Nagagamit ang nakalarawang balangkas upang
maipakita ang nakalap na impormasyon o datos. 1 2 3% 18, 34
F6EP –IIIa-i-8
Nasasagot ang mga literal na tanong tungkol sa
napakinggang 1 1 2% 19
Talaarawan. F6PN-IIIb-3.1
Nagagamit ang pang-abay sa sa paglalarawan ng
kilos. 1 2 3% 2, 20
F6WG-IIIa-c-6
Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang
1 1 2% 3
salita sa pamamagitan ng depinisyon F6PT-IIIb-1.7
Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
1 1 2.5% 21
F6PB-IIIb-6.2
Naibibigay ang paksa ng napakinggag teksto
1 1 2% 40
F6PN-IIId-19
Nagagamit ang iab’t ibang salita bilang pang-uri at
pang-abay sa pagpapahayag ng saring ideya 1 2 3% 4, 35
F6WG-III-f-9
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa nabasang ulat
1 1 2.5% 41
F6PB-IIId-19
Nakapagbibigay ng lagom o buod sa takstong
napakinggan 1 1 2.5% 36
F6PN-IIIe-19
Nakapagbibigay ng srailing solusyon sa isang
1 1 2% 37
suliraning naobserbahan F6PS-IIIe-9
Nagagamit ang iba’t-ibang salita bilang pang-uri at 1 2 3% 5, 22
pang-abay sa pagpapahayag ng sariling ideya. F6WG-
IIId-f-9
F6PT-IIIe-1.8
Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di-pamilyar 1 1 2.5% 6
na salita sa pamamagitan ng sitwasyong pinaggamitan
Nakasusulat ng tula F6PU-IIIe-2.2 1 1 2.5% 46
Nakapagbibigay ng sariling solusyon sa isang
suliraning 1 1 2% 42
naobserbahan. F6PS-III-e-9
Nagagamit ang iba’t ibang salita bilang pang-uri at
pang-abay sa pagpapahayag ng sariling ideya. F6WG- 1 2 3% 7, 23
IIId-f-9
Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at dipamilyar
na salita sa pamamagitan ng sitwasyong
1 1 2.5% 8
pinaggamitan.
F6PT-IIIe-1.8
Nagagamit ang iba’t - ibang bahagi ng pahayagan
ayon sa
1 1 2.5% 9
pangangailangan
F6EP-IIIe-7.1
Nabibigyang kahulugan ang kilos ng mga tauhan sa
napakinggang
1 1 2.5% 24
kuwento.
F6PN-IIIf-19
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t
ibang
sitwayson. 1 1 2.5% 38
-pagpapahayag ng ideya
F6PS-IIIf-12.19
Nagagamit ang iba’t ibang salita bilang pang-uri at
pang-abay sa pagpapahayag ng sariling ideya. 1 1 2.5% 10
F6WG-IIId-f-9
Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at dipamilyar
na salita sa pamamagitan ng paglalarawan. 1 1 2.5% 11
F6PT-IIIf-1.13
Nakapagbibigay ng sariling hinuha bago, habang at
matapos ang pagbasa. 1 1 2.5% 43
F6PB-IIIf-24
Napagsunodsunod na kronolohikal ang mga
pangyayari sa napakinggang teksto 1 1 2.5% 44
F6PN-IIIh-8.4
Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di-pamilyar
na salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon 1 1 2.5% 25
F6PT-IIIh-1.10
Napagsunud-sunod ang mga pangyayari sa kwento sa
pamamagitan ng dugtungan 1 1 2% 45
F6PB-IIIh-5.5
Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong
napakinggan 1 1 2.5% 49
F6PN-IIIe-19
Nagagamit ng wasto ang pang-angkop
1 2 3% 12, 26
F6WG-IIIi-10
Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di pamilyar
na salita sa pamamagitan ng pag-uugnay sa iba’t
1 1 2.5% 13
ibang asignatura
F6PT-IIIi-1.16
Nakasusunod sa nakasulat na panuto
1 1 2% 47
F6PB-IIIi-2
Nakasusulat ng liham
1 2 3% 27, 28
F6PU-IIIi-2.3
Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling 1 1 2% 50
pangangailangan at sitwasyon
F6PL-0a-j-2
Nagagamit ng wasto ang pang-angkop at pangatnig
1 2 3% 14, 48
F6WG-IIIj-12
Nakabubuo ng mga bagong salitagamit ang panlapi at
salitang-ugat 1 2 3% 15, 29
F6PT-IIIj-15
Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan
1 1 2% 30
F6PB-IIIj-19
TOTAL 40 50 100% 1 - 50

PANURING PAGSUSULIT
Susi sa Pagwawasto
Filipino 6

1. D 44. C
2. B 45. C
3. B 46. D
4. B 47. C
5. B 48. B
6. D 49. A
7. A 50. A
8. C
9. D
10. A
11. B
12. B
13. C
14. B
15. B
16. D
17. A
18. A
19. B
20. D
21. C
22. B
23. A
24. B
25. C
26. A
27. A
28. D
29. A
30. B
31. A
32. D
33. B
34. C
35. A
36. C
37. A
38. D
39. C
40. C
41. D
42. B
43. D

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG MGA PAARALANG PANLUNGSOD NG CABUYAO

PANURING PAGSUSULIT
FILIPINO 6

Pangalan: __________________________________ Score: _______________________


Guro: ___________________________________ Petsa:

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa salitang naglalarawan na nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay?
A. Pangalan B. Pang-uri C. Pandiwa D. Pang-abay
2. Anong uri ng pang-abay ang naglalarawan ng salitang kilos o pandiwa?
A. Pang-abay na Panlunan C. Pang-abay na Pamanahon
B. Pang-abay na Pamaraan D. Pang-abay na Panlarawan
3. Natupad na ang pangarap kong makasakay sa tsubibo noong nakarang pista. Ang tsubibo ay isang
________.
A. biseklita B. ferris wheel C. motorsiklo D. bapor
4. Ang salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap ay anong uri ng pang-abay?
Hanggang kalian ka magtitiis sa pananakit ng ngipin mo?
A. Panlunan B. Pamanahon C. Palunan D. Panlarawan
5. Anong salita ang inilalarawan ng salitang malaya sa loob ng pangungusap?
Ang kalapati ay malayang lumipad sa himpapawid.

A. kalapati B. lumilipad C. himpapawid D. ang


6. Lagi siyang nag-aantay sa kanilang dating tipanan. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. bintana B. bahay C. orasan D. tagpuan
7. Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?
masayang naglalaro sadyang matigas madalas maglaro

A. Pang-abay B. Pang-uri C. Pang-angkop D. Pandiwa


8. Sumakay si Maria sa salimpapaw patungong Hongkog. Ano ang sinasakyan ni Maria?
A. Jeep B. ferris wheel C. eroplano D. tren
9. Saang bahagi ng pahayagan mo titingnan kung ikaw ay nangangailangan ng impormasyon tungkol sa Stock
Exchange?
A. Pangulong Tudling/Edituryal C. Obitwaryo
B. Anunsyo klasipikado D. Balitang Komersyo
10. Alin sa mga sumusunod na salitang may salungguhit ang pang- abay?
A. Mukhang mahirap ang takdang-aralin mo sa Math
B. Mukhang mahirap ang takdang-aralin mo sa Math
C. Mukhang mahirap ang takdang-aralin mo sa Math
D. Mukhang mahirap ang takdang-aralin mo sa Math
11. Naipasa ko na ang mga hinihinging talaksan para sa paglilitis. Ano ang ibig salitang talaksan?
A. payong B. papeles C. upuan D. takdang aralin
12. Isulat ang tamang pang-angkop sa patlang.
Ang matamis_____mangga ng Pilipinas ang paborito kong prutas.

A. ng B. na C. –g D. –ng
13. Ang mga talipandas ay pumunta sa handaan kahit hindi inimbita.
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. insekto C. hindi marunong mahiya
B. di karaniwang hayop D. abusado
14. Ano ang tawag sa pangkat ng mga salita na nasa loob ng kahon?

at, o, pero,
A. Pandiwa C. Pang-abay
ngunit, subalit, sapagka’t,
kaya, para, upang,
B. Pangatnig D. Pang-uri
habang, kung, dahil.

15. Ano ang salitang-ugat na makikita sa salitang pinag-aaralan?


A. pinag B. aral C. aralan D. nag

16. Ang mga mag-aaral sa Paaralang Sentral ng Malitbog ay magpaparada sa buong lungsod sa ika-2 ng Hulyo,
sa ganap
na ikapito ng umaga. Ito ay bilang pasinaya sa Buwan ng Nutrisyon. Layon ng parada ang pukawin ang mga
mamamayan sa kahalagahan ng wastong nutrisyon. Alin ang kaugnay na diwa sa balitang ito?
A. Ang pagbibigayan ang siyang tunay na diwa ng pasko.
B. Ang Wikang Pambansa ang siyang nagpapaisa ng bawat Pilipino.
C. Ang programang Brigada Eskwela ay nakatutulong sa pag-unlad ng paaralan.
D. Ang kalusugan ay nakakaapekto sa katalinuhan ng bawat mag-aaral.
17. Alin ang pang-abay sa pangungusap na ito? “Pabulong magsalita ang bata dahil mahiyain siya.”
A. Pabulong B. Magsalita C. Bata D. Mahiyain

Malaki ang naitutulong ng puno sa tao. Hindi lamang ito nagpapaganda ng kapaligiran,
nagbibigay rin ito ng pagkaing kailangan ng tao. Sa mga puno rin nanggaling ang mga gamit na kailangan ng
pagpapatayo ng mga bahay, gusali, tulay at paggawa ng mga kasangkapan. Pinipigil din nito ang pagbaha.
Nagbibigay rin ito ng oxygen na kailangan natin upang mabuhay. Nakukuha rin dito ang mga material sa
paggawa ng papel, damit, at gamot. Tunay na mahalaga ang puno.

18. Aling balangkas ang akma sa mga ipinipahayag sa talata?


A. I. Kahalagahan ng Puno C. I. Uri ng Puno
A. kagandahan A. yakal
B. pagkain B. ipil-ipil
C. baha C. mahogany
D. oxygen D. narra
B. I. Mga Bahagi ng Puno D. Pagtatanim ng Puno
A. dahon A. punla
B. bunga B. tree guard
C. sanga C. alaga
D. kahoy D. pataba
19. Ano ang tawag kalipunan ng mga bugto-bugtong o baha-bahaging sulatin na nakasulat at nakaayos sa
sunod-sunod na petsa o araw, na sumusunod sa porma ng kalendaryo?
A. dictionaryo B. talaarawan C. kwaderno D. magasin

20. Ano ang inilalarawan ng pang-abay na ito? mahusay sumayaw


A. pandiwa B. Pang-uri C. Pangngalan D. Kapwa pang-abay
21. Aling pahayag ang may sinalungguhitang sanhi?
A. Naligo si Roy sa ulan kaya sinisipon.
B. Malakas ang hangin kahapon kaya nabuwal ang puno.
C. Nahuli sa klase si Edna dahil tinanghali siya ng gising.
D. Palaging nag-aaral si Lita kaya matatas ang kanyang marka.

Tukuyin kung ang salitang masigla ay ginagamit bilang


A. Pang-uri o B. Pang-abay

______ 22. Masiglang sumasayaw ang mga tao sa piyesta.


______ 23. Masigla ang mga tao tuwing piyesta.

24. Sino sa apat na bata ang may ugaling pagkamahiyain.


A. Si Chona na laging nagbabakasyon sa Amerika tuwing pasko.
B. Si Lita na nasa bukid lumaki at malayo sa kapitbahay.
C. Si Karyl na laging sumasali sa singing contest.
D. Si Charise na tumutulong lagi sa kanyang nanay sa palengke.

25. Makakaroon ng piging mamaya sa aming bahay kasi kaarawan ko. Ano ang ibig iparating sa pahayag na
ito?
A. May paligsahan sa kanilang bahay. C. May kainan sa kanilang bahay.
B. May kantahan sa kanilang bahay. D. May sundalo sa kanilang bahay.

26. Aling ang may sinalungguhitang pang-angkop?


A. Kunin mo ang mga tuyong damit sa sampayan.
B. Kunin mo ang mga tuyong damit sa sampayan.
C. Kunin mo ang mga tuyong damit sa sampayan.
D. Kunin mo ang mga tuyong damit sa sampayan.

Mga Bahagi ng Liham Patnugot:


B. LEO I. TAN
A. Paaralang Elementarya ng Malitbog Pangulo C. Ginoo
Poblacion, Malitbog Bukidnon Ang kalayaan
Ika-19 ng oktuber 4631 San Juan, Cagayan .

D. Ang aming guro sa Filipino 6 ay nagpagawa sa amin ng pangkatang proyekto kaugnay sa paglilimbag ng
gambahaya at magazine.
E. Lubos na Gumagalang F. Lea Santos

Maaari po ba kaming bumisita sa inyong palimbagan at humingi ng mga impormasyong kailangan


naming sa proyekto. Makarating po kami sa araw at oras ng inyong itatakda.
Salamat po.

______________
______________

___________(27)_________
_______________________

______________________:
__________________________________________(28)______________________________________
__________________________________________________________________________________________
________________

___________________,

______________________

29. Anong panlapi ang nararapat sa salitang-ugat upang mabuo ang pahayag?
Ang patpat ay (sungkit)___ nila ng bayabas.
A. ipina B. mag C. um D. in

30. Aling pahayag ang may katotohanan at hindi opinyon lamang?


A. Ang mga taong may bisyo ay masasama.
B. May pitong araw sa isang lingo.
C. Mas masarap ang mga prutas kaysa sa mga gulay.
D. Mas masarap manirahan sa pamayanang rural.

31. Oras ng recess at maraming gustong bumili ng kakanin sa kanten kaya nagkakagulo dahil nag-uunahan na
ang bawat isa. Biglang tumayo ang tindera at may isinabit na karatulang may nakasulat. Pagkatapos basahin,
agad-agad pumila ang bawat isa at hindi na nagkakagulo. Ano kaya ang nakasulat sa karatulang iyon?
A. Pumila at hintayin ang iyong pagkakataon! C. Tumahimik na kayo!
B. Bumili na kayo sa mga paninda namin! D. Umalis na kayo!

32. Aling pangkat ng mga salita ang nabibilang sa pambansang antas ng wika?
A. haybol B. tsong C. tapayan D. awit
ermat tisoy danum bahay
buwang bosing braks liham
senglat tsismis kalamunding pera

33. Inutusan ka ng iyong ina na maglaba. Paano mo ito sisimulan?


A. Banlawan ng mabuti ang mga damit hanggang sa mawala ang bola nito.
B. Basain ang mga maruruming damit.
C. Lagyan ng sabon ang mga damit na may tubig.
D. Kuskusin ng mabuti upang matanggal ang dumi nito.

34. Piliin ang salaysay na HINDI angkop sa balangkas na ito.


I Mga Bayaning Pilipino
A. Jose Rizal
B. Melchora Aquino
C. Andres Bonifacio
D. Gabriela Silang

A. Si Jose Rizal ang ating pambansang bayani.


B. Si Andres Bonifacio ay ang ama ng katipunan.
C. Ang bawat bata ay may mga karapatan.
D. Tinaguriang isang matapang na babaeng katipunero si Gabriela Silang.

35. Aling pahayag ang gumagamit ng pang-abay na pamanahon?


A. Tuwing alas singko ng umaga gumigising si Aling Dina
B. Matiyagang pinapaputi niya ang mga uniporme ng kanyang mga anak.
C. Si Ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa kusina
D. Masarap magluto ng tapsilog si Ate Lorna.

36. Bunga ng imbensyon ng tao, natututo tayong ipagpalit ang ating panahong dapat gugulin para sa pakikipag-
usap sa ating mga magulang, mga kaibigan, at iba pang tao sa lipunan sa panonood ng mga palabas sa
telebisyon, pakikipagpalitan ng text messages sa cellphones,pakikipagchat sa computers at iba pa.
nawawala ang tunay na pakikipagkapwa ng mga tao sa bawat isa na maaari lamang gawin sa personal na
paraan. Paano mo bigyan ng lagom ang talata?
A. Dahil sa makabagong teknolohiya, nawawala ang tunay na pakikipagkapwa ng bawat isa.
B. Ang mga tao ngayon ay nabubuhay na sa makabagong paraan.
C. Nawawala na ang panahon ng bawat isa sa pakikipag-usap dahil sa teknolohiya.
D. Ang makabagong teknolohiya ay nakasasama sa buhay ng tao.

37. Mahirap ang mabuhay. Iyan ang kalagayang nakatambad sa bawat Pilipino. Isang sitwasyon iniiwasan
ngunit wari tuksong laging nariyan. Ang mabuhay ay totoong mahirap kaya ang Pilipino sa kanyang sarili
ay nagsisikap na makaahon sa kahirapang ito na inilaan na yata ng kapalaran. Iyan ang kalikasan ng isang
tunay na tubo sa Pilipinas, ang matiyaga, matatag at masipag.

Paano mo malalabanan ang kahirapang taglay sa buhay ng mga Pilipino?


A. Sa pamamagitan ng katatagan sa hamon ng buhay.
B. Sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga problema sa buhay.
C. Sa pamamagitanng paglilibang sa sarili sa ibang lugar.
D. Sa pamamagitan ng paghahanapbuhay sa ibang bansa.

38. Humingi ka ng pahintulot sa iyong nanay upang makipaglaro sa labas subalit hindi ka pinayagan dahil sa
umaambon. Paano mo isasaloob ang ganitong sitwasyon na may paggalang?
A. Magpupumilit ako hanggang sa mapapayag ko ang aking nanay.
B. Aayain ko ang aking kapatid na makipaghabulan sa akin sa hardin
C. Umalis na hindi magpapaalam sa mga magulang.
D. Titigil na lang ako sa bahay at gagawa ng aking takdang-aralin.

39. Maagang bumangon nang umagang iyon si Berting gayong wala namang pasok. Gising narin ang kanyang
ina na noon ay abala sa pagbabalot ng pagkain. Agad isinilid ni Berting ang mga gagamitin nilang
pampaligo at tuwalya sa malaking bag. Pati ang kanyang ama ay abala rin sa paghahanda ng mga dadalhin
nilang inumin. Ano ang angkop na wakas ng kwento?
A. Magsisimba ang mag-anak. C. Maliligo sila sa dagat.
B. Mag-aalay lakad sila. D. Makikipaglaro ng tennis ang mag-anak.
40. “Linisin ang mga kanal. Iwasan ang paglalagay ng tubig sa mga lagayan na walang takip. Panatilihing
malinis ang bawat sulok na maaaring pag-itlogan ng lamok. At sa gayon, malalabanan natin ang
dengue”,sabi ng isang kawani ng gobyerno. Piliin ang maaring paksa sa tekstong ito.
A. Kampanya ng DEPED laban sa kamangmangan ng kabataan
. B. Kampanya ng PNP laban sa droga.
C. Kampanya ng DOH laban sa dengue.
D. Kampanya ng DPWH laban sa pagkasira ng kagubatan.
41. Sa ulat ng panahon, alin ang hindi dapat isali sa mga detalye?
A. Magkakaroon ng madalas na pangungulap ng papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-
kidlat.
B. Mahina hanggang sa katamtammang hangin mula sa timog kanluran at iiral sa Luzon at Visayas na
magiging mahinang hangin mula sa timog-silangan at timog-kanluran ang iiral sa nalalabing bahagi ng
bansa.
C. Ang mga baybaying dagat sa buong kapuluan ay banayad na katamtaman ang magiging pag-alon. Ang
araw ay sisikat sa ganap na 5:32 ng umaga at lulubog sa bandang 6:25 ng gabi.
D. Mahina ang daloy ng trapiko. Naglalabasan ang mga tao sa lansangan dulot sa malaking apoy na
rumaragasa sa buong kabahayan.

Tinanghali ka nang gising. Araw pa naman ng inyong taunang pagsusulit. Nagmamadali ka nang
kumilos. Hindi maaring mahuli ang sinuman dahil may limitadong oras ang bawat aralin. Hindi ka na
kumain. Naligo ka na at nagbihis. Halos takbuhin mo na ang sakayan ng dyip. Mabuti at nakasakay ka
agad. Nang malayu-layo na ang iniaandar ng dyip, naisipan mong magbayad. Ngunit wala sa bag mo
ang pitaka kasama rito ang iyong I.D. sampong minuto nalang ang natitira.

42. Paano mo mabigyan ng solusyon ang problemang iyon?


A. Manghingi ka nang pera sa katabi mo sa dyip at hindi ka na tutuloy sa paaralan, umuwi sa bahay at
manood ng TV.
B. Makiusap sa tsuper na hindi ka makabayad. Tumuloy ka sa paaralan at makiusap sa guro na tawagan
ang nanay mo.
C. Hindi ka nalang bababa ng dyip kahit saan ka mapunta kasi wala kang pambayad.
D. Bumaba ka agad sa dyip kasi wala kang pambayad at maglakad pauwi upang kunin ang pera at I.D.

43. Si Dan ay laging tinuturuan ng kanyang mga magulang sa pagsasabi ng totoo. Namulatan ni Dan ang
ugaling pagiging tapat. Isang araw, nakakita siya ng isang magandang laruan. Masaya niyang nilaro ito.
Tinanong siya ng kanyang kaklase kung saan galing ang laruang iyon. Sa palagay mo, ano kaya ang
isasagot ni Dan.
A. Binili ito ng nanay ko sa akin.
B. Regalo ito ng ninang ko sa akin.
C. Pinahiram ito ng kapatid ko sa akin.
D. Nakita koi to sa may tarangfkahan ng paaralan

44. Ayusin ang mga sumusunod pangyayari na mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-sunod upang
mabuo ang maikling kwento?
1. May naupuang chewing gum si Jovy sa sinasakyang dyip.
2. Kinayod nito ang tumigas na chewing gum ng mapurol na kutsilyo.
3. Pagdating sa bahay, agad inalis ni Jovy ang palda niyang nadikitan ng chewing gum.
4. Nilagyan niya ng yelo ang chewing gum upang tumigas ito.
5. Ang natirang marka ng chewing gum ay kinuskus niya ng langis.
A. 2 - 3 - 4 - 1 - 5 B. 3 - 1 - 4 - 2 - 5 C. 1 - 3 - 4 - 2 - 5 D. 1 - 3 - 2 - 5 – 4

45. Piliin ang apat na mahahalagang detalye at ayusin sa wastong pagkakasunod-sunod upang mabuo ang
maikling kwento?
1. Dali-daling kinagat ni Daga ang lubid.
2. Narinig ni Daga ang pag-atungal ni Leon at kanya itong tinulungan.
3. Nakawala sa bitag si Leon.
4. Mula noon magkaibigan na si Leon at Daga.
5. Nagpasalamat si Leon kay Daga.
6. Naglalakad sa kagubatan si Daga.
A. 1 - 2 - 3 - 4 B. 3 - 4 - 5 - 6 C. 2 - 1 - 3 - 5 D. 6 - 5 - 4 – 3

46. Ayusin ang bawat habang sa paglilinis ayon sa wastong pagkakasunud-sunod nito upang mabuo ang isang
tula.
1. Ihuli ang sahig, ating pakintabin
2. Sunod linisin ang mga dingding;
3. Mga kasangkapan ay punasan na rin;
4. Agiw ng kisame ay ating unahin;
A. 1 - 2 - 3 - 4 B. 4 - 3 - 2 - 1 C. 1 - 4 - 3 - 2 D. 4 - 2 - 3 – 1

47. Aling panuto ang malinaw na pagkasabi at may tamang gamit ng mga salitang may salungguhit?
A. Kasunod nito gumawa ng hukay sa likod ng bahay at itabi ang lupang hinukay. Una, ilagay sa
hukay ang lahat ng likas na basura tulad ng mga tuyong dahon, pinaglinisang isda, karne, balat ng anumang
gulay at iba pa. Pagkatapos, takpan ang basura.
B. Una, gumawa ng hukay sa likod ng bahay pagkatapos itabi ang lupang hinukay. at, ilagay sa hukay
ang lahat ng likas na basura tulad ng mga tuyong dahon, pinaglinisang isda, karne, balat ng anumang gulay at
iba pa. Kasunod nito takpan ang basura.
C. Una gumawa ng hukay sa likod ng bahay at itabi ang lupang hinukay. Kasunod nito, ilagay sa
hukay ang lahat ng likas na basura tulad ng mga tuyong dahon, pinaglinisang isda, karne, balat ng anumang
gulay at iba pa. Pagkatapos, takpan ang basura.
D. Pagkataposgumawa ng hukay sa likod ng bahay at itabi ang lupang hinukay. Kasunod nito, ilagay
sa hukay ang lahat ng likas na basura tulad ng mga tuyong dahon, pinaglinisang isda, karne, balat ng anumang
gulay at iba pa. Una, takpan ang basura.

48. Hanapin ang salitang pinag-ugnay ng pang-angkop sa loob ng pangungusap na ito?


“Marami ang magagandang balak si Linda sa pagtatapos.”
1 2 3 4

A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

49. Alam ng mga tao na ang gawain nila ay ang malaking dahilan kung bakit ang suliranin sa polusyon ay
patuloy na lumalala. Batid nila ang mga bunga nito tulad ng di-maipaliwanag na pagbabago ng klima,
pagkaubos ng mga likas na yaman, at marami pang malagim na pangyayari. Bagamat nangangamba sila sa mga
ibinubunga ng polusyon, patuloy pa rin ang mga tao sa pagbingi-bingihan at paggawa ng mga gawaing
nagpapalala sa suliraning ito.
Paano mo bigyan ng lagom ang ulat na ito?
A. Ang mga tao ay patuloy pa rin sa mga gawaing nakasisira sa kalikasan kahit nararanasan na nila ang
mga bunga nito tulad ng pagbabago ng klima, pagkaubos ng likas yaman at pagkakaroon ng malagim na
pangyayari.
B. Ang mga tao ay nagbibingi-bingihan sa mga nangyayari sa paligid.
C. Ang pagkasira ng kalikasan ay nagdudulot ng pagbabago ng klima, pagkaubos ng yaman at
pagkakaroon ng malagim na pangyayari.
D. Maraming likas na yaman na ang nasisira dahil sa kagagawan ng tao.

50. Sino ang HINDI sumang-ayon sa ideyang ito?

“Filipino ang wika ng karunungan.”


A. Nagsasalita si Chona sa wikang English. .
B. Si Roy na isang tubong amerika ay nagsusumikap na mapag-aralan ang wikang Filipino.
C. Nagdaraos ng palatuntunan ang paaralan tuwing Buwan ng Wika.
D. Si Minguel ay nanalo sa paligsahan sa pagtula at balagtasan.

You might also like