You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF CABUYAO
CABUYAO CENTRAL SCHOOL
Osmena St., Poblacion Dos, City of Cabuyao, Laguna

PANGALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6


TALAAN NG ISPESIPIKASYON
SY 2022 -2023

Kinalalagyan ng Aytem
Pinakamahalagang Bilang
ng Bilang
Kasanayang

Pag-unawa

Paglalapat

Pagtataya
Bahag

Pagsusuri
Pag-alala
Paksa

Pagbuo
Araw ng
Pampagkatuto na Aytem
dan
(MELCs) Itinuro

60% 30% 10%


4. Naipakikita ang
kahalagahan ng
pagiging responsable
sa kapwa: 3,5,6
,7, 8,
EsP6P- IIa-c–30
18,
Pagtupad sa 19,
4.1 pangako o 20, 15,
pinagkasunduan; Pangako o
Pinagkasundua 24, 16, 2,1
n 1,4, 25, 17, 3,1 9,
30 12 80%
11 26, 22, 4,2 10,
27, 23, 1
4.2 pagpapanatili ng Pagpapanatili
28, 32
mabuting ng Mabuting 29,
pakikipagkaibigan; Kaibigan 30,
31,
33
4.3 pagiging matapat Pagiging
Matapat

5. Nakapagpapakita ng 38, 34,


paggalang sa Pagpapakita ng 40 45, 35,
36,
ideya o suhestyon ng Paggalang sa
10 41, 48, 37, 47 44 20%
39
kapwa Suhestyon o
42, 49, 46
EsP6P- IId-i-31 43, 50
Ideya ng Kapwa
40 8 22 8 7 3 2 50 100%

Sanggunian
Address: Osmeña Street, Poblacion II, City of Cabuyao, Laguna
Telephone No.: (049) 530 9152
Email Address: cabuyaocentralschool100@gmail.com
Final MELC, RM no.306,s.2020, DO no.31s. 2020
RM no. 306 s. 2020
Edukasyon sa Pagpapakataop PIVOT Module
Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ADM Module-Quarter 1

Inihanda ni:

CHONA B. REDILLAS
Teacher I

Iniwasto ni:

KATHERINE P. DE JESUS
School ESP Coordinator

Sinuri:

TACIANA RUBI M. TIBURCIO


Master Teacher I

Pinagtibay:

DEZERIE B. MECIJA
Principal III

PHILIP D. CRUZ
EPS-ESP/Values ED

Republic of the Philippines

Address: Osmeña Street, Poblacion II, City of Cabuyao, Laguna


Telephone No.: (049) 530 9152
Email Address: cabuyaocentralschool100@gmail.com
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF CABUYAO
CABUYAO CENTRAL SCHOOL
Osmena St., Poblacion Dos, City of Cabuyao, Laguna

PANGALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6


SY 2022-2023

Susi sa Pagwawasto
1. B 21. B 41. D
2. C 22. Bonus 42. C
3. C 23. B 43. A
4. C 24. C 44. C
5. C 25. C 45. A
6. B 26. A 46. B
7. A 27. C 47. B
8. B 28. C 48. C
9. C 29. B 49. D
10. D 30. D 50. A
11. C 31. A
12. B 32. B
13. C 33. C
14. C 34. B
15. C 35. C
16. B 36. B
17. C 37. C
18. C 38. B
19. D 39. B
20. A 40. C

Republic of the Philippines


Department of Education

Address: Osmeña Street, Poblacion II, City of Cabuyao, Laguna


Telephone No.: (049) 530 9152
Email Address: cabuyaocentralschool100@gmail.com
Region IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF CABUYAO
CABUYAO CENTRAL SCHOOL
Osmena St., Poblacion Dos, City of Cabuyao, Laguna

PANGALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6


SY 2022-2023

Pangalan_________________________________ LRN:__________________ Skor ______


Baitang at Seksyon ________________________ Guro______________________________
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ayon sa sikat na kasabihan, ano ang "napapako” at hindi madalas na tinutupad ng isang tao?
A. Kamay
B. Pangako
C. Pagbabayad ng utang
D. Gulong

2. Bakit kailangan nating tumupad sa pinagkasunduan?


A. Upang hindi mapahiya.
B. Upang hangaan ng iba.
C. Upang hindi mawalan ng tiwala ang ibang tao sa iyo.
D. Upang makibagay lamang.

3. Si Greg at Mark ay magkaibigan mula pa noong bata. Sila ay nagsumpaan na pagkatapos ng


kanilang pag-aaral ay mag-iipon sila at lilibutin ang buong mundo ng magkasama. Ano ang nais
ipahiwatig ng sitwasyon sa itaas?
A. Piliting mag-ipon kahit walang pera.
B. Hintayin na lamang na magkapera sila.
C. Pangarap at pagtupad sa pinagkasunduan.
D. Pag-iibigan ng dalawang magkaibigan.

4. Ito ay isang bagay na sinumpaan o pinanatang gawin. Walang kasiguraduhan ang pagtupad nito –
maaari itong matupad o maaaring hindi rin tuparin.
A. Respeto
B. Malasakit
C. Pangako
D. Pananampalataya

5. Si Fe, Lorna at Aida ay magkakapatid. Nang sila ay maiwan sa Pilipinas ng kanilang mga
magulang, inihabilin sa kanila ang bahay at nangako naman ang tatlo na pangangalagaan ang ito.
Si Lorna at Fe ay madalas umuwi ng gabi, samantalang si Aida, ang bunso, ang siyang madalas
maiwan sa bahay. Isang gabi, nasunog ang ikalawang palapag ng bahay dahil sa naiwang
nakasaksak na charger, nakaligtas naman si Aida mula sa sunog. Ano ang masasabi ninyo sa
mga magkakapatid?
A. Mabuti na ang nangyari para matuto sila.
B. Mabuti, dahil dapat silang maparusahan.
C. Mali ang ginawa ng dalawang kapatid ni Aida dahil hindi sila sumunod sa pangako.
D. Mali sapagkat ang dapat na naiiwan sa bahay ay si Lorna at Fe.

Para sa aytem bilang 6 hanggang 8, basahin at unawain ang kuwento at sagutin ang mga tanong na
kasunod nito.

Address: Osmeña Street, Poblacion II, City of Cabuyao, Laguna


Telephone No.: (049) 530 9152
Email Address: cabuyaocentralschool100@gmail.com
Ang klase Bb. Hidalgo ay nagpaplano ng isang sorpresa para sa kanya, dahil nalalapit na ang
Teachers Day. Si Ken ang naatasang magdala ng mga inumin at cake, si Richie ang nakatoka sa
pancit at puto, ang ingat-yaman naman na si Judiel ang siyang mamimili ng mga bulaklak at regalo
para sa guro at ang ibang kaklase nila ang mag-aayos ng silid-aralan at magdidisenyo nito. Sa
mismong araw ng Teachers Day, may balitang hindi papasok si Judiel dahil may sakit ito. Marami
ang nabigla, may nagalit at nalungkot dahil hindi kumpleto ang sorpresa sa kanilang guro. Nakarating
ang balitang ito sa tagapayo at sinabing, “Okay lang kung wala ang regalo at bulaklak, ang
importante ay napasaya ninyo ako sa araw na ito. Maraming salamat.”

6. Ano ang pinaplano ng mga estudyante ni Bb. Hidalgo?


A. Handaan para sa kaarawan ng guro nila.
B. Magkakaroon ng sorpresa para sa guro nila.
C. Maghahanda sila dahil malapit na ang pagtatapos nila sa ika-anim na baiting.
D. Gastusin ang class funds para makapagsaya ang lahat.

7. Bakit hindi nakapasok si Judiel?


A. May sakit ito at hindi makakapasok sa mismong araw ng Teachers Day.
B. Nagastos niya ang pera ng klase at nahihiya siyang pumasok.
C. May problemang pinansyal ang pamilya ni Judiel.
D. Naiwala niya ang pera kaya naghahanap siya ng mapagkukunan ng pera.

8. Ano ang naging reaksiyon ng tagapayo sa nangyari kay Judiel?


A. Nalungkot at itinigil ang selebrasyon.
B. Naintindihan niya ang kalagayan ni Judiel at nagpasalamat sa sorpresa sa kanya.
C. Medyo nagalit siya dahil ginamit ang pera sa walang kwentang bagay.
D. Masaya siya dahil wala si Judiel na gumastos ng class funds.

9. Nahuli si Conching ng guro na nangongopya ng takdang-aralin, ngunit hindi lang pala siya ang
nangopya sa klase. Kinabukasan nagpunta sa guro si Mitch upang sabihin na hindi lang si
Conching ang nangopya. Nagalit si Conching kay Mitch dahil nadamay ang iba sa sumbong niya at
sinabing hindi na sila magiging magkaibigan kailanman. Anong pag-uugali ang ipinakita ni Mitch?
A. Masama siyang kaibigan dahil pinahamak niya si Conching.
B. Mabuting kaibigan si Conching dahil hindi niya gusto madamay ang iba sa pangongopya ng
takdang-aralin.
C. Mabuting kaibigan si Mitch dahil hindi niya hinahayaang magpatuloy ang masamang gawain ng
mga kaibigan niya.
D. Parehong mabuti si Mitch at Conching dahil magkaibigan sila.

10. Nag-away ang magkaibigang si Rody at Noy dahil sa larong Mobile Legends. Pilit na pinag-
aayos ni Glo ang dalawa sapagkat maliit na bagay lamang ang kanilang pinag-awayan.
Anong kahalagahan ang ipinakita ni Glo?
A. Kahalagahan ng paglalaro ng Mobile Legends.
B. Kahalagahan ng pakikipagtalo dahil sa laro.
C. Kahalagahan ng pagiging magaling na manlalaro.
D. Kahalagahan ng pagiging mabuting magkaibigan.

11. Ang mabuting kaibigan, sa oras ng kagipitan, siguradong __________________.


A. Makikipag-agawan
B. Mapipilitan
C. Maaasahan
D. Makikipagtapatan

12. Anong dapat gawin kung ang iyong kaibigan ay madalas na walang takdang-aralin, hindi
pumapasok sa klase at bumabagsak sa mga pagsusulit?
Address: Osmeña Street, Poblacion II, City of Cabuyao, Laguna
Telephone No.: (049) 530 9152
Email Address: cabuyaocentralschool100@gmail.com
A. Pagsabihan na magbago na siya kundi ay babagsak siya.
B. Dapat siyang tulungan na ayusin ang kanyang sarili at laging palakasin ang loob.
C. Pakopyahin siya ng takdang-aralin at sa pagsusulit upang pumasa naman siya.
D. Hayaan na lang siyang gawin ang gusto niya sa buhay.

13. Mahuhuli ka na sa klase ngunit may kaibigan kang nagpapaantay sa iyo para sumabay sa
pagpasok. Ano ang gagawin mo?
A. Iwan na lang siya para hindi mahuli sa klase.
B. Sabihan siyang wag na lang maligo at pumasok na lang na hindi nag-aalmusal.
C. Hintayin pa rin siya at payuhan ang kaibigan na gumising ng mas maaga upang hindi mahuli sa
klase.
D. Huwag na lamang siyang pansinin upang di ka mahuli sa pagpasok

14. Nilalagnat ang iyong kaibigan na kapareha mo sa sayaw at nagkataon na huling araw na ng
pagtatanghal ninyo sa klase. Ano ang gagawin mo sa sitwasyon na ito?
A. Ipagwalang-bahala ang suliranin ng kaibigan.
B. Makipagpareha na lang sa ibang kaklase ninyo.
C. Kausapin ang guro sa asignatura at makiusap tungkol sa bagay na ito.
D. Sabihan siya na pumasok kahit may sakit pa.

15. Ano ang dapat mong gawin kung may kaibigan kang nakasira ng cellphone ng inyong kaklase?
A. Pagalitan at isumbong sa guro Ninyo.
B. Ipabayad ng doble ang nasira niyang cellphone.
C. Sabihan siya na bayaran ng paunti-unti ang nasirang cellphone at sabihin sa kaklase ang totoong
nangyari.
D. Sabihan siyang wag nang makialam ng gamit ng iba.

16. Alin sa ibaba ang kahanga-hangang gawi ng isang matapat na bata?


A. Nagsusumbong palagi.
B. Hindi marunong magsinungaling sa kapwa.
C. Lubos kung magtiwala sa ibang tao.
D. Nagsasabi lamang ng katotohanan kapag may nakakakita.

17. Piliin sa ibaba ang batang nagpapakita ng pagiging matapat.


A. Nakapulot ng bag na may lamang alahas si Josiah at ibinigay sa nanay niya na nagpayo sa kanya
na huwag ikwento ang nangyari.
B. Pagkatapos ng misa, napansin ni Megan ang wallet sa may upuan, pasimple niya itong inilagay sa
kanyang bag.
C. Habang tumatawid sa daan, aksidenteng napulot ni Terence ang coin purse ng matandang
nakasabay niya sa pedestrian at agad itong sinauli.
D. Nagwiwindow shopping si Lucia sa SM ng biglang may napansing kulay bughaw na papel na lukot
at ng binuksan ay isang libong piso pala. Hindi siya nagdalawang isip at ibinulsa ito.

Para sa aytem bilang 18 hanggang 20, basahin at unawain ang kuwento at sagutin ang mga
tanong na kasunod nito.

May isang karpenterong tapat at talagang nagsisilbi sa kanyang mayamang amo. Ang
pangalan niya ay Jose. Sa lahat ng nagtatrabaho sa kanyang amo, siya lang talaga ang naiiba
dahil halos lahat nang kasamahan niya ay niloloko ang kanilang amo o kaya ay binabawasan at
ninanakaw ang mga materyales: "Bakit pa tayo magiging tapat sa kanya? Eh masyadong
mahigpit! Madalas tayong pagalitan! Yan ang among akala mo, matuwid! Kala niya naman,
magiging bayani siya kapag ginawa natin ng tama lahat nang materyales sa pagpapagawa ng
mga bahay. Napapakain ba sa pamilya ang pagiging tapat?! Pwe!" Kaya ganoon na lamang ang
galit nila sa kanilang amo.

18. Ano ang trabaho ni Jose ayon sa kwentong binasa?


Address: Osmeña Street, Poblacion II, City of Cabuyao, Laguna
Telephone No.: (049) 530 9152
Email Address: cabuyaocentralschool100@gmail.com
A. kartero
B. kutsero
C. karpentero
D. kusinero

19. Anong pag-uugali ang ipinapamalas ni Jose?


A. masipag
B. mabait
C. matulungin
D. matapat

20. Alin sa mga sumusunod ang hindi daw mapapakain sa pamilya, ayon sa mga kasamahan ni
Jose?
A. pagiging matapat
B. pagiging masunurin
C. pagiging masipag
D. pagiging magaling na trabahador

21. Ang grupo ninyo ay naatasan ng punong-guro na magtanghal para sa Teachers Day. Piliin sa
ibaba ang katangiang nagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng iba.
A. Sumang-ayon sa rekomendasyon ng kasama ngunit sa bandang huli ay huwang itong isama sa
pagtatanghal.
B. Pakinggan ang lahat ng mga suhestiyon ng mga kagrupo at piliin ang mga makakabuti para sa
inyong pagtatanghal.
C. Ang iyong ideya lamang ang dapat pakinggan at sundin.
D. Huwag nang mag-abala pang pakinggan ang mga suhestiyon ng iba.

22. Mula sa mga sumusunod na sitwasyon, alin ang nagpapakita ng pagiging magalang sa ibang tao.
A. Kanta ng kanta si Lovely habang may kausap sa telepono ang ina.
B. Sumasagot ng pabalang sa magulang si Anya kahit na kakatapos lang ng aralin nila tungkol sa
Pagiging Magalang sa nakakatanda.
C. Madalang lang gumamit ng “po” at “opo” si Chi-chi sa pakikipag-usap sa mga ate at kuya niya.
D. Hinihintay munang matapos ni Jam ang ina niya na magsalita bago siya sumagot at magbigay ng
opinion na pabalang.

23. “Ako lang ang dapat ninyong sundin, ako ang panganay dito. Sa akin kayo ipinagkatiwala ng
ating nanay at tatay.” Tama ba ang sinabi ni Cecille sa kanyang mga nakababatang kapatid?
A. Oo, dahil kung wala ang magulang, ang panganay dapat ang papalit sa kanila.
B. Hindi, sapagkat hindi lahat ng sinasabi ng nakakatanda ay tama sa bawat pagkakataon.
C. Oo, dahil ipinagkatiwala ang mga nakababatang mga kapatid sa panganay na anak na si Cecille.
D. Hindi, dahil inaabuso lamang ni Cecille ang kanyang posisyon bilang panganay na anak.

24. Ang PTA sa klase ni Gng. Suarez ay nagpupulong tungkol sa pagkakaroon ng airconditioning
units sa kanilang silid. Mula sa mga suhestiyon o ideya sa ibaba, alin ang dapat aprubahan ng mga
magulang at ng guro?

A. Dapat lahat ay sumang-ayon kundi ay ililipat sila ng ibang seksyon.


B. Ang mga may gusto lamang na magkaroon ng aircon sa klase ang dapat singilin.
C. Huwag ipilit ang gusto kung ayaw ng karamihan upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
D. Pag-isipan muna kung hihingi ng donasyon sa mga mayayamang magulang ng mga bata sa
klase.

Address: Osmeña Street, Poblacion II, City of Cabuyao, Laguna


Telephone No.: (049) 530 9152
Email Address: cabuyaocentralschool100@gmail.com
25. Dahil sa hirap ng buhay ay naisipang mag-abroad ng nanay ni Doris, kahit masakit ang loob sa
desisyon ng ina ay iginalang pa din ito ni Doris. Aling mabuting pag-uugali ang naipamalas ni
Doris?
A. Pagiging maramdamin sa desisyon ng ina.
B. Pagtanggap sa desisyon ng ina na may kaunting galit sa puso.
C. Bukal sa loob na paggalang sa naging desisyon ng ina.
D. Naipakita ni Doris ang pagiging masaya niya dahil wala ng inang susuway sa kanya.

26. Si Sharnice ay graduating student ng Eastville Academy na may record ng pangongopya sa


kanilang Fourth Quarter exam sa Mathematics. Hindi umano siya maisasali sa listahan ng mga
magtatapos dahil sa nagawa niya. Ito pa lamang ang unang beses na ginawa ito ni Sharnice.
Anong angkop na suhestiyon ang tatanggapin mo mula sa mga sumusunod:
A. Bigyan siya ng panibagong set ng pagsusulit sa Mathematics, dahil unang beses pa lamang
naman niyang mangopya.
B. Isuspinde si Sharnice ng dalawang linggo, para mabigyan siya ng aral.
C. Pagbigyan siya total naman ay magtatapos na siya.
D. Parusahan siya at bigyan ng bagsak na marka sa Math exam.

27. Nais ng mga kaibigan mo na magkaroon kayo ng proyekto na makakatulong sa mga batang
inabandona sa mga bahay-ampunan. Naisipan nilang mag-caroling sa mga bahay-bahay. Ano
ang sasabihin mo sa mga kaibigan mo?
A. “Pasensiya na at hindi na ako makakasama sa inyo sa pag-cacaroling.”
B. “Mas maganda kung maghingi na lang tayo ng pera sa ating mga kaibigan at kamag-anak para
hindi na tayo mapagod at mapahamak.”
C. “Mag-isip pa tayo ng ibang paraan upang makatulong sa mga nangangailangan, gaya ng
pagtitinda ng mga lumang damit at gamit natin sa Garage Sale o Ukay-ukay.”
D. “Sa susunod na taon na lamang tayo tumulong kapag may pera na tayong lahat.”

28. Lahat kayong magkakaklase ay napagkasunduang mag-oorder na lamang sa Jollibee ng pagkain


sa darating na Christmas Party. Ngunit ikaw lang ang bawal sa pagkaing fastfood dahil allergic ka
dito. Ano ang gagawin at sasabihin mo?
A. Hindi na lamang ako pupunta at ipapabigay na lang ang regalo ko.
B. Ipipilit ko ang gusto kong magbaon na lang ng pagkain para wala nang gastos pa.
C. Oorderin ko ang pagkain mula sa Jollibee ngunit magdadala pa din ako ng sarili kong pagkain na
pwede kong kainin..
D. Hindi na ako sasali sa christmas party.

29. Sabi ng mayor ng inyong lungsod na magkakaroon ng patimpalak ang mga barangay na may
pinakamagandang disenyong pang-pasko. Hindi mo nagustuhan ang disenyo ng inyong Barangay
Hall. Paano mo sasabihin ang iyong mungkahi sa inyong barangay kapitan?
A. “Paki-baguhin naman ninyo ang ayos ng Barangay Hall, sobrang simple at tiyak na hindi
mananalo.”
B. “Maaari po bang tumulong ako sa pag-aayos ng ating Barangay Hall, upang lalo pa itong
mapaganda at baka sakaling tayo ang magkamit ng unang gantimpala.”
C. “Pwede na yan, kesa sa wala tayong ilaban sa pa-contest ni mayor.”
D. “Siguradong tayo ang mananalo kung gagamit tayo ng mga mamahaling mga pang-dekorasyon.”

30. Nag-usap ang mama at papa mo na sa Maynila ka na mag-aaral ng Senior High School subalit
ayaw mong iwan ang mga kaibigan mo at ang lugar kung saan ka lumaki. Anong suhestiyon ang
sasabihin mo sa mga magulang mo para manatili ka dito sa Angeles City?
A. Kapag tumaas ang lahat ng grado ko sa finals ay dito na lang ako mag-aaral.
B. Kapag bumagsak ako kahit isang subject lang, tuluyan na akong mag-aaral sa Maynila.
C. Magtatampo ako at di na kakausapin sina mama at papa pag ipinilit ang nais nila para sa akin.

Address: Osmeña Street, Poblacion II, City of Cabuyao, Laguna


Telephone No.: (049) 530 9152
Email Address: cabuyaocentralschool100@gmail.com
D. Respetuhin na lamang ang desisyon nila mama at papa, lalo na at para sa kinabukasan ko naman
ito.

31. Nagkasundo kayo ng mga kagrupo mo sa Science project na magkikita kita kayo sa SM Clark ng
10:00 a.m. Paano mo maipapakita ang pagiging responsable mo:
A. Matulog ng maaga at gumising ng maaga para hindi mahuli sa napagkasunduang oras at lugar.
B. Magpapahuli ng dating sa SM Clark para hindi ka mainip sa kakahintay sa kanila.
C. Magpapanggap na may sakit para hindi na tumulong sa proyekto.
D. Babayaran na lamang ang nagastos at sila na lang ang gagawa ng lahat.

32. Nangutang ka ng Php 200,000 noong Hunyo mula sa iyong kapatid na nasa abroad at nangako
kang babayaran ito kaagad. Sa paanong paraan mo maipapamalas ang pagtupad sa
napagkasunduan?
A. Mangungutang uli sa iba para mabayaran ang utang sa kapatid.
B. Unti-unting hulugan sa kapatid mo ang inutang mo.
C. Bayaran agad-agad para walang masabi ang kapatid mo sa iyo.
D. Ipagwalang bahala ang hiniram na pera, magkapatid naman kayo.

Para sa aytem bilang 33 at 34, basahin at unawain ang kuwento at sagutin ang mga tanong na
kasunod nito.

Pare-parehong binigyan ng pamana ni Don Facundo ang tatlong anak, ngunit sa isang
kondisyon ay dapat palakihin at palaguin ito upang dumoble ang halaga ng perang ipinamana. Ang
panganay na si Freya ay isinugal ang pera sa casino ngunit sa kasamaang palad ay naubos lahat
ang pera niya. Ang ikalawang anak naman na si Ferly ay ipinautang sa mga kaibigan ang pera at
tinubuan ng 10% interes, hindi nakabayad sa takdang panahon ang mga kaibigan niya dahil sa
sobrang taas ng patong na interes. Ang bunsong si Fiona naman ay nagbukas ng canteen malapit sa
paaralan at may ipinaparentang tatlong kuwarto na apartment kaya naman wala pang isang taon ay
naging triple pa ang balik ng kita ni Fiona dahil sa kasipagan niya.

33. Sino sa tatlong anak ni Don Facundo ang tumupad sa napagkasunduan?


A. Ferly
B. Freya
C. Fiona
D. Flora

34. Ang susi sa pagiging matagumpay ng bunsong anak ni Don Facundo ay ang kanyang:
A. talino at ganda
B. kasipagan at diskarte
C. kabaitan at tiyaga
D. lakas ng loob at pananampalataya sa Diyos

35. Nahihirapang pumasa sa mga pagsusulit ang kaibigan mo, sa paanong paraan mo siya
matutulungan?
A. Pakopyahin ito.
B. Ipagdasal na lang siya.
C. Sabayan mo siya sa pag-aaral para sa pagsusulit.
D. Pagalitan siya palagi para gawin ang tama.

Address: Osmeña Street, Poblacion II, City of Cabuyao, Laguna


Telephone No.: (049) 530 9152
Email Address: cabuyaocentralschool100@gmail.com
36. Napansin mo na laging malungkot at tahimik ang iyong kalaro. Naikwento niya na maghihiwalay
na ang kanyang ina at ama. Ano ang maipapayo mo sa kanya?
A. “Okay lang yan, mas mabuti nang maghiwalay sila kesa sa mag-away lagi.”
B. “Tatagan mo ang loob mo at isipin mo na lang na mahal ka nilang pareho kahit hiwalay na sila.”
C. “Nandito naman ako palagi para sa iyo, tara at maglaro na lang tayo ng computer games para
makalimutan moa ng problema mo!”
D. “Hayaan mo na sila, malalaki na ang mga yan at alam na nila ang ginagawa nila.”

37. Sino ang mabuting kaibigan sa mga sumusunod na sitwasyon:


A. Si Carolina na madalas ilibre ang mga kaibigan ng recess para ipanggawa siya ng project at
assignment ng mga ito.
B. Si Hermes na laging nagbibigay ng pera sa barkada ngunit galing ang pera sa mga kaklaseng
inaapi at inaaway niya.
C. Si Melody ang ate ng lahat sa Grade 6, nagiging pangatlong ina ng mga nakababata niyang
kaklase dahil madalas siyang nagbibigay ng mabubuting payo.
D. Si Tom ang gumaganti para sa mga kaibigan niyang inaaway ng mga high school students.

38. Kung ikaw ang tatanungin, anu-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang TUNAY NA
KAIBIGAN?
A. Mapanghusga, mahirap umintindi, laging walang panahon makipag-usap.
B. Mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay, maunawain, masiyahin at maaasahan.
C. Mayaman, maganda, madalas manlibre at hindi marunong tumanggi.
D. Mapang-api, madaldal, sumbungero, ipapahamak ka kung kailangan.

39. Nakapulot ka ng Php 500 sa may canteen, hindi mo alam kung sino ang may-ari nito. Ang
gagawin ko ay:
A. Ibibigay sa guro upang maging class funds.
B. Pupunta sa may Principal’s Office para ireport sa Lost and Found section.
C. Ililihim ko na lang para may baon ako sa susunod na mga araw.
D. Ipambibili ko ng bagong gamit at pagkain ko.

40. Pinakiusapan ka ng iyong ate na wag siyang isusumbong sa mga magulang niyo ng mahuli mo
siyang tumatakas para pumunta sa party ng kaibigan. Anong gagawin mo?
A. Hihingi ka ng pera sa kanya.
B. Gaganti ka at isusumbong mo siya sa mga magulang niyo.
C. Sabihin ang totoong nangyari sa mga magulang niyo para maiwasan ang mas malaking problema.
D. Magbulag-bulagan na lang.

Para sa aytem bilang 41 at 42, basahin at unawain ang kuwento at sagutin ang mga tanong na
kasunod nito.

Pumunta sa Faculty room si Bb. Garcia upang kumuha ng chalk. Habang wala siya ay biglang
naglaro ang mga batang lalaki ng bola at tinamaan ang salamin ng bintana. Dali-daling winalis ng
mga babae ang nabasag na salamin. Pagdating ni Bb. Garcia ay nakita niya sina Jenny at Angie na
nililinis ang mga bubog sa sahig. “Sino ang may gawa niyan!?”, tanong ng guro. Sumagot ang mga
lalaki, “Ang mga babae po ang nakabasag ng salamin Ma’am.” Ngunit nakita ni Bb. Garcia ang bola
na hawak ni Miko at agad naman na umamin ito sa tunay na may sala.

Address: Osmeña Street, Poblacion II, City of Cabuyao, Laguna


Telephone No.: (049) 530 9152
Email Address: cabuyaocentralschool100@gmail.com
41. Sino ang tunay na may sala sa kuwento?
A. Ang mga babae.
B. Ang mga lalaki.
C. Sina Jenny at Angie.
D. Si Miko.

42. Paano nalaman ng guro kung sino ang tunay na may kasalanan?
A. Nakita niya ang winawalis ng dalawang batang babae.
B. Nakita niyang naglalaro ang mga batang lalaki.
C. Nakita niya ang hawak na bola ni Miko at agad itong umamin sa guro.
D. Nahulaan niya agad ang may kasalanan.

43. Nagkaroon ng Pangkatang Gawain ang klase ninyo tungkol sa tamang pagtatapon ng basura.
Naatasan ka bilang lider ng grupo, maraming gustong isama sa report ang mga kagrupo mo
ngunit hindi na sapat ang oras. Alin sa mga sumusunod ang mainam na gawin?
A. Piliin lamang ang mga suhestiyon na angkop sa report para hindi na humaba ang usapan sa
grupo.
B. Sarili mong ideya ang isasama para hindi na magulo sa pagrereport ang grupo.
C. Tanggapin lahat ang mga ideya at sa huli ay hindi na isali sa report.
D. Isali ang mga suhestiyon ng mga kagrupo mong matatalino lamang.

44. Kung ikaw ay may kaibigan o kaklase na nahihiyang magbigay ng magandang suhestiyon o
ideya, paano mo siya bibigyan ng pagkakataong maibahagi ito sa lahat?
A. Ipabulong ito at ikaw na lang ang magsabi sa iba.
B. Kuhanin moa ng ideya niya at sabihin mong sa iyo mismo galing ito.
C. Maari mo itong ipasulat sa kanya o i-send ang ideya sa group chat para makita ng lahat.
D. Pabayaan lang siya hanggang sa mawala ang hiya niya.

45. Aling suhestiyon sa ibaba ang hindi responsable at hindi dapat sang-ayunan tungkol sa
pangangalaga ng ating kapaligiran?
A. Okay lang ang magkalat, kung may maglilinis naman.
B. Maging mabuting mamamayan ng Pilipinas, disiplina dapat madalas ipamalas.
C. Sa iyong sarili dapat mag-umpisa ang pagbabago, mag-resiklo at maglinis ng bakuran.
D. Halaman at mga puno huwag putulin, kung hindi tayo ay magsisisi sa huli.

46. Noong bagong lipat ka sa iyong inuupahang apartment ay pumirma ka sa kontrata na


nagsasabing ikaw ay magbabayad ng renta tuwing katapusan ng buwan. Nakalipas ang ilang
mga taon, madalas mong makalimutan magbayad sa takdang panahon, kaya naman pinalayas
ka ng may-ari ng apartment. Tama ba ang naging desisyon ng may-ari?
A. Hindi, dapat bigyan ka niya ng maraming panahon para makabayad.
B. Oo, sapagkat di ka marunong tumupad sa kasunduan ninyong oras ng pagbabayad.
C. Hindi, hinintay ka dapat niyang makahanap ng titirhan.
D. Oo, para hindi ka pamarisan ng iba.

47. Nabalitaan mong sinisiraan ka ng iyong mga kaibigan sa ibang tao, nalaman mo din sa iba na sila
ang dahilan kung bakit iniiwasan ka ng crush mo. Anong gagawin mo sa mga taong tinuring
mong kaibigan?
A. Hindi na sila papansinin kahit kalian.

Address: Osmeña Street, Poblacion II, City of Cabuyao, Laguna


Telephone No.: (049) 530 9152
Email Address: cabuyaocentralschool100@gmail.com
B. Mag-usap ng harapan upang malaman ang tunay na dahilan nila.
C. Siraan din sila sa ibang tao.
D. Isumbong sila sa mga magulang mo at guro niyo.

48. Si Jerson ang nabigyan ng Golden Medal Award for Honesty sa paaralan nila. Sabi niya na:
“Tinuruan ako ng nanay at guro ko na maging matapat sa anumang pagkakataon dahil laging
nanonood ang Diyos sa ating ginagawa.” Anong masasabi tungkol sa ugali ni Jerson?
A. Siya ay pasikat lamang.
B. Gusto lang niyang makuha ang award kaya siya naging matapat.
C. Naturuan siya ng mabuti kung paano maging matapat.
D. Takot lang siyang maparusahan ng Diyos.

49. Sabi ni Terry Pratchett, “Ang isang kasinungalingan ay nakalibot na sa buong mundo bago pa
man makapagsapatos ang katotohanan.” Ano ang ibig sabihin ng mensaheng ito?
A. Magsapatos ka muna bago ka lumibot kung saan-saan.
B. Mas mabilis maglakad ang kasinungalingan kaysa sa katotohanan.
C. Ang katotohanan ay laging nalalaman sa bandang huli.
D. Maging mapanuri sa lahat ng oras, hindi lahat ng nakikita at naririnig mo ay siyang totoo at tama.

50. May mga desisyon ang mga magulang mo na hindi ka sumasang-ayon, dapat bang laging sundin
ang kanilang mga suhestiyon o hindi sa lahat ng oras at panahon sila ang tama?
A. Tao din ang ating mga magulang kaya pwede tayong tumanggi kung alam mong hindi ito
makakabuti para sa iyo.
B. Mas marami na silang napagdaanan kaya makinig ka lagi sa kanila.
C. Agad kang magsalita at tumanggi hanggang sa magbago ang isip nila.
D. Sila na ang magpapasya para sa akin, dahil mas alam nila kung ano ang tama.

Address: Osmeña Street, Poblacion II, City of Cabuyao, Laguna


Telephone No.: (049) 530 9152
Email Address: cabuyaocentralschool100@gmail.com

You might also like