You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
Schools Division of Leyte
DAWAHON INTEGRATED SCHOOL

TABLE OF SPECIFICATION
PERIODICAL TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
QUARTER I

TOTAL NO. OF
EDUKASYON SA
SUBJECT INSTRUCTION 45
PAGPAPAKATAO DAYS
TOTAL NO. OF
GRADE LEVEL 6 50
ITEMS

TEST ITEM PLACEMENT

LEARNING Actual
Total
UNDERSTANDING
COMPETENCIES Instru Weight
No. of
REMEMBERING

(Include Codes if ction (%)


Items

EVALUATING
Available) (Days)

ANALYZING

CREATING
APPLYING

          60%  30%  10% 


Nakapagsusuri
1, 2, 3,
nang mabuti sa 35,
1 4, 5, 6,
mga bagay na may 15 30% 15 36, 46
1 7, 8, 9,
kinalaman sa sarili 37
10, 11
at pangyayari

Nakakasang-ayon 30% 12, 13, 38,


sa pasya ng 14, 15, 39,
2
nakararami kung 15 15 16, 17, 40, 47
2
nakabubuti ito 18, 19, 41,
20 42
40%
21, 22,
Nakagagamit ng
23, 24, 43, 48,
impormasyon 31, 32,
3 15 20 25, 26, 44, 49,
( wasto / tamang 33, 34
27, 28, 45 50
impormasyon)
29, 30

  TOTAL 45 100% 50 30 4 11 5 0

Dawahon Integrated School


Barangay Dawahon, Bato, Leyte
School ID: 500646
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VIII
Schools Division of Leyte
DAWAHON INTEGRATED SCHOOL

PERIODICAL TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6


QUARTER I

PANGALAN: ________________________________________________________________ ISKOR: ________


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga nakasaad sa bawat aytem at sagutin ang
katanungang kasunod nito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

_____1. Ano ang gagawin mo kapag sinabi ng kapitbahay mo na ang iyong kapatid ay palaging
lumiliban sa klase?
A. Pagagalitan ko ang aking kapatid.
B. Pagagalitan ko ang aking kapitbahay.
C. Isusumbong ko ang aking kapatid sa aming mga magulang.
D. Kakausapin ko ang aking kapatid tungkol dito, tatanungin ko siya kung bakit siya
lumiliban sa klase at ipaliliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral at ang hindi magandang
kahihinatnan ng kaniyang madalas na pagliban sa klase

_____2. Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng toyo at suka sa tindahan. Pagkatapos mong


bumili, nalaman mong sobra ang isinukli sa’yo ng tindera. Ano ang gagawin mo?
A. Ipambibili ko ng kendi ang sobrang sukli para sa aking nakababatang kapatid.
B. Tatanungin ko muna si nanay kung ano ang gagawin sa sobrang sukli.
C. Uuwi ako sa bahay at hihingin kay nanay ang sobrang sukli.
D. Isasauli ko agad-agad sa tindera ang sobrang sukli.

_____3. Nakita ni Kate na umiiyak ang kapatid niyang si Nicole habang nakikipaglaro sa batang
kapitbahay nila. Ano ang dapat gawin ni Kate?
A. Pagagalitan ni Kate ang kanyang kapatid.
B. Pagagalitan ni Kate ang batang kapitbahay nila.
C. Tatanungin niya ang kanyang kapatid kung bakit siya umiiyak at pauuwiin.
D. Sasali siya sa kanilang laro at aawayin niya ang batang kapitbahay nila.

_____4. Niyaya ka ng kaibigan mong maligo sa ilog. May pasok kayo sa araw na iyon at mahigpit
na ipinagbabawal ng iyong magulang ang maligo sa ilog. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasama kang maligo sa ilog.
B. Sasama ka ngunit hindi maliligo.
C. Hindi ka sasamang maligo sa ilog.
D. Uuwi ka muna ng bahay at magpapaalam sa iyong mga magulang.

_____5. Napadaan kayo ng iyong mga kaibigan sa simbahan na kasalukuyang may idinadaos na
misa. Biglang sumigaw nang malakas ang iyong mga kasama Ano ang gagawin mo?
A. makisabay ka sa pagsigaw
B. Suwayin sila at pagsabihang tumahimik
C. suntukin sila
D. pabayaan sila dahil “trip” nilang sumigaw

_____6. Bakit kinakailangang maintindihan nang mabuti ang mga pangyayari bago magpasiya?
A. Upang maging sikat.
B. Upang maging magaling na mananaliksik
C. Upang hangaan ng iba.
D. Upang makapagbigay ng angkop na pasya.
_____7. Gustong sumali sa inyong grupo si Edward na isang sabadista. Dahil dito inayawan siya
ng iyong kagrupo. Ano ang dapat mong sabihin sa kaniya?
A. Opps” di ka pwede sa aming grupo.
B. Alis, ayaw namin sa Sabadista.
C.Halika, welcome ka sa grupo.
D. Layas, di ka bagay dito.

_____8. Isang muslim si Kareem na kaibigan ni Alex. Araw ng Biyernes , isinama ni Kareem si
Alex sa loob ng Moske. Ano ang dapat gawin ni Alex?
A. sasama siya ngunit magtext – text lang sa loob
B. matutulog sa loob ng moske
C. sasama at makinig sa sinasabi ng Imam
D. pagtawanan ang paraan ng kanilang pagsamba

_____9. Pumapangalawa ka sa klase ninyo sa mathematics. Mayroong paligsahan sa inyong


paaralan at ang kasali sa contest ay absent. Ikaw ang napiling ihalili. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasali sa paligsahan.
B. Hindi ka sasali sa paligsahan.
C. Sasabihin mo sa titser na iba na lang ang isali sa paligsahan.
D. Sasabihin sa titser mo na hintayin na lang pumasok ang iyong kaklase na lumiban.

_____10. Lahat ng mga ito ay tamang pahayag tungkol sa pagpapasya sa sarili MALIBAN sa isa,
alin dito?
A. Dapat isaalang-alang ang kapakanan ng iba sa pagbuo ng pasya.
B. Isang mabuting katangian ang paghingi ng gabay ng Panginoon sa tuwing gagawa ng
desisyon sa buhay.
C. Nararapat na suriing mabuti ang sitwasyon bago bumuo ng pasya.
D. Agad gumawa ng isang pasya kahit di pinag-iisipan kung nahaharap sa isang mahirap
na sitwasyon sa buhay.

_____11. Ano ang kahalagahan ng pananampalataya sa paggawa ng isang pasya?


A. Ang pananampalataya sa Panginoon ay kaakibat nito ang pagpili ng relihiyong
kinabibilangan.
B. Ang pagkakaroon ng pananampalataya ay pagpapakita ng pagmamahal sa Panginoon
na kung saan ito ang nag- uudyok sa isang tao na piliin ang tamang gawain sa lahat ng
oras, lugar at pagkakataon.
C. Ito ay makakatulong sa paghubog ng pagkatao ng isang tao.
D. Walang kinalaman ang pananampalataya sa pagbuo ng pasya.

_____12. Sa pagpapasya, karaniwang binibigyan ang tao ng panahon para makapag-isip. Ano
ang ibig sabihin?
A. Ang proseso ng pagpapasya ay nakabatay sa panahon.
B. Malaking bahagi ng proseso ang panahon sa pagpapasya.
C. Kinakailangan ng mahabang panahon ang pagpapasya.
D. Mahirap talaga ang gumawa ng pasya.

_____13. Ano ang nararapat gawin kapag kinakailangang magbigay ng desisyon?


A. Madaliin ito.
B. Ipaubaya ang pagdedesisyon sa nakakaalam nito.
C. Alamin muna ang sitwasyon
D. Iwasang magdesisyon upang hindi masisisi kapag nagkamali.
D. Upang maging hadlang sa ninanais ng nakararami
_____14. Alin sa mga sumusunod ang dapat na maisalang-alang kapag gumagawa ng desisyon?
A. Ang pansariling kapakanan.
B. Ang maaaring kitain sa gagawing desisyon.
C. Ang kapakanan ng mga namumuno.
D. Ang kapakanan ng mga maaapektuhan ng desisyon.
_____15. Alin sa mga sumusunod ang dapat maging batayan sa pagbibigay ng pasya?
A. Ang kakayahang makaiwas sa pananagutan.
B. Ang kakayahang makapagdesisyon para sa iba.
C. Ang kakayahang magawa nang tama at maayos ang tungkulin.
D. Ang dami ng taong maaaring tumapos sa gawain kapag hindi kinaya.

_____16. Sa pagpapasya, ano ang ibig sabihin ng tukuyin mula sa pagpipilian ang
pinakamabuting solusyon?
A. Magpasya at isagawa ito.
B. Lakasan ang loob at manalangin na tama ang pasya.
C. Huwag mag-alinlangan dahil ito ay iyong pinag-isipan.
D. Lahat ng nabanggit.

_____17. Bilang mag-aaral at batang Pilipino, alin sa sumusunod ang maaari mong gawin upang
ang maling pagpapasya ay maiwasan?
A. Isipin dapat ng bawat isa ang magiging sanhi at bunga ng kanyang pasya.
B. Magsalita lang kung nais mo.
C. Huwag mong sasabihin na may alam ka sa pangyayari.
D. Pabayaan mo lang ang mga kasama mo sa pagpapasya.
_____18. Malapit na ang kaarawan ng iyong kaibigan, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay
may dumating na epidemya sa inyong lugar at nagtakda ang inyong Kapitan na bawal lumabas
ng bahay ang mga bata na may edad 0 hanggang 20 sa loob ng isang buwan. Dahil dito, hindi
na lang itinuloy ang plano na handaan. Ano ang masasabi mo sa ginawang desisyon ng kanilang
pamilya?
A. Mabuti dahil hindi na sila gagastos.
B. Mabuti dahil inisip nila ang kapakanan ng kalusugan ng nakararami.
C. Mali dahil karapatan ng kaibigan ko na magsaya.
D. Mali dahil nakaplano na ito at dapat ituloy.
_____19. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang
maayos at matatag na pamilya?
A. Pagkakaroon ng responsableng ama at mapagmahal na ina na nagsasama nang
matiwasayat payapa.
B. Pagpadami ng mga anak.
C. Balewalain ang karapatan ng bawat kasapi pamilya.
D. Pagbibigay ng luho sa mga anak.
_____20. Ang pamilya LEspejo ay sama-samang nagsisimba kung Linggo at samasama ring
nananalangin sa araw-araw. Anong katangian ang ipinapakita ng pamilyang ito na dapat
tularan?
A. Pamilyang may malasakit sa karapatan ng bawat isa.
B. Pamilyang may pagmamahal at respeto sa isa’t isa.
C. Pamilyang nagkakaisa sa pananampalataya.
D. Pamilyang nagkakaunawan at nagbibigayan suporta sa bawat kasapi

_____21. Ano ang ipinahihiwatig ng pagtanggap ng anumang uri ng pagbabago sa buhay nang
maluwag sa kalooban?
A. bukas na isipan B. mapanuring pag-iisip C. tiyaga D. kahinahunan
_____22. Upang malaman kung tama ang impormasyon na iyong nakalap o nabalitaan, ano ang
dapat mong gawin?
A. Magtatanong ako sa mga kaklase ko kung ito ay alam din nila
B. Hahayaan ko na lamang dahil ito ay nakakaabala sa akin
C. Hindi ko aalamin pa ang totoo dahil marami naman ang nakaalam nito sa mga dyaryo
at telebisyon.
D. Magsasaliksik ako kung saan nanggaling ang impormasyon at susuriin ko kung totoo
ba ito o hindi.
_____23. Nag-chat ang kaibigan mo tungkol sa programa para sa Buwan ng Wika. Nagtatanong
siya kung ano ang isusuot sa palatuntunan. Ano ang gagawin mo?
A. Isusumbong siya sa guro dahil hindi siya nakinig.
B. Hayaan na makadalo sa palatuntunan ng paaralan na walang dala.
C. Ipagbigay alam sa kaibigan ang mga palabas at kung ano ang dapat.
D. Ibigay agad sa kaniya ang lahat ng impormasyong nalalaman tungkol sa programa sa
Buwan ng Wika.

_____24. Inaalam ng taong ka-chat mo ang pagkakakilanlan mo. Alin sa mga ito ang dapat mong
ilihim sa kaniya?
A. Buong pangalan mo C. PIN ng ATM mo
B. Tirahan at edad mo D. Pangalan ng mga miyembro ng pamilya

_____25. Ang mga kabataan ngayon ay madaling maniwala sa kung ano ang mga nakikita nila sa
social media. Ano ang dapat nilang tandaan?
A. Maging mapanuri sa lahat ng nakikita sa online.
B. Maniwala lagi sa mga nakikita sa online
C. Sundin lahat ng post na ibahagi sa online.
D. Balewalain

_____26. Napagpasyahan ng SPG na maglunsad ng isang proyekto na makatutulong sa paaralan.Isa


ka sa napili ng nakararami na maging lider.Ano ang gagawin mo?
A. Tatanggapin ko nang buong kusa ang desisyon ng nakararami.
B. Hindi ako papayag sa gusto nila.
C. Hindi na lang ako sasali sa kanila kung gagawin nila akong lider.
D. Magsasawalang kibo na lamang.

_____27. May nabasa kang isang private message mula sa isang kaibigan na nagsasabi ng masama
laban sa iyo.Ano ang gagawin mo?
A. Nagalit ka agad kahit hindi moa lam ang pinagmulan nito.
B. Kakausapin ko nang mahinahon ang aking kaibigan tungkol ditto.
C. Aawayin ko ang aking kaibigan.
D. Balewalain na lamang ang tungkol dito.

_____28. Niyaya ka ng kaibigan mong manood ng sine. Alam mo sa sarili mo na mahigpit na


ipinagbabawal ng magulang mo na bawal manood ng sine at bawal pumunta sa kung saaan
saan.Ano ang iyong gagawin?
A. Sasama kang manoood ng sine.
B. Kunwari magpapaalam ka na may gagawin kang proyekto sa isa mong kaklase.
C. Hindi ka sasama at susundin mo ang iyong magulang.
D. Tatakas na lamang at huwag nang ipaalam.

_____29. Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng mantika sa tindahan. Pagkatapos mong bumili,


nalaman mong sobra ang isinukli sa’yo ng tindera. Ano ang gagawin mo?
A. Tatanungin ko si nanay kung ano ang gagawin mo sa sobrang sukli.
B. Ipambibili ko ng kendi at ibibigay sa aking kapatid.
C. Isasauli ko agad sa tinder ang sobrang sukli.
D. Itatago ko ang sobra at iipunin ko ito.

_____30. Napadaan kayo ng iyong mga kaibigan sa simbahan na kasalukuyang may idinadaos na
misa. Nagtawanan nang malakas ang mag kasama mo.Ano ang gagawin mo?
A. Makisabay sa tawanan nila.
B. Suwayin at sabihang tumahimik sila.
C. Sigawan ang mga kasama.
D. Iwanan na lang ang mga ito.
_____31. Hilig ng kapatid ni Amiel na manood sa You Tube at paniwalaan ang anumang nakikita
rito. Ano ang maipapayo mo sa kanya?
A. Ipagpatuloy ang kanyang ginagawang panood sa You Tube.
B. Suportahan siya sa kanyang kagustuhan.
C. Ipaliwanag sa kanya ang kahalagahan ng hindi paniniwala agadagad at kailangang
maging mapanuri.
D. Maniwala rin.

_____32. Kailangan mangalap si Diane ng mga impormasyon tungkol sa COVID- 19. Ano ang
dapat niyang gawin?
A. Manood nang mga balita at magsaliksik sa mga kapani-paniwalang sites sa internet.
B. Ipagtanong na lamang sa mga kaibigan ang tungkol dito.
C. Makinig sa usapan ng mga kapitbahay tungkol sa COVID-19.
D. Maniwala sa mga sabi-sabi.

_____33. Bakit kinakailangang timbangin muna kung para sa ikabubuti ang pasya ng karamihan
bago ka sumang-ayon?
A. Upang mapansin ng karamihan.
B. Upang maging batayan ng iyong pagsang-ayon
C. Upang tumagal ang proseso ng pagpapasya.
D. Upang maging hadlang sa ninanais ng nakararami.

_____34. Paano maipapakita ang makatuwiran at pantay sa paggawa ng pasya?


A. magbigay agad ng pasya
B. iisipin o isaalang-alang ang mga taong maaapektuhan sa paggawa ng pasya
C. magbigay agad-agad ng desisyon para sa sariling kapakanan
D. pabayaan na lang kung ano ang magiging pasya

_____35. Bakit mahalaga ang pagsususuri sa pagkatao ng isang tao?


A. Upang malaman niya ang kanyang kamalian sa buhay.
B. Upang malaman ng bawat indibidwal ang tama at mali.
C. Dahil ito ay sinasabi ng iba.
D. Para sa sariling kapakanan lamang.

_____36. Kung ikaw ang papipiliin, ano ang mas hangarin mo sa buhay?
A. Magkaroon ng malayang pananaw at tamang desisyon sa buhay.
B. Piliing maging tama sa bawat sitwasyon.
C. Maging alipin ng sarili at ng ibang tao.
D. Magkaroon ng malawak at malayang paghangad ng opinyon ng ibang tao.

_____37. Sa iyong palagay, paano ka bumubuo ng pasya?


A. Iniisip lamang ang kapakanan.
B. Tinitimbang ang makabubuti at ang makasasama bago ka gumawa ng isang pasya
C. Agad-agad na gagawa ng desisyon kapag may problema.
D. Hindi isaalang-alang kung makakasakit ka ng damdamin ng iba.
_____38. Bakit kinakailangang maintindihan nang mabuti ang mga pangyayari bago magpasiya?
A. Upang maging sikat.
B. Upang maging magaling na mananaliksik.
C. Upang hangaan ng iba.
D. Upang makapagbigay ng angkop na pasya.
_____39. Bakit kinakailangang timbangin muna kung para sa ikabubuti ang pasya ng
karamihan bago ka sumang-ayon?
A. Upang mapansin ng karamihan
B. Upang maging batayan ng iyong pagsang-ayon
C. Upang tumagal ang proseso ng pagpapasya
D. Upang maging hadlang sa ninanais ng nakararami
_____40. Ang pagsang-ayon ay pagtanggap, pagpayag at pakikiisa sa opinyon ng iba. Alin sa
sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang ayon sa nakararami?
A. “Bakit hindi ninyo naisipang ibahin ang plano?”
B. “Kaisa mo ako sa bahaging iyan, lubos akong nananalig.”
C. “Sana sa susunod hindi lang parati kayo ang masusunod.”
D. “Wala na ba kayong maisip na paraan?”

_____41. Bakit natin pinahahalagahan ang makabubuti para sa nakararami?


A. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng sarili lamang.
B. Upang may pagkakasiraan ang bawat isa.
C. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
D. para masabing tayo lang ang mabuti sa kapwa.

_____42. Paano maipapakita ang makatuwiran at pantay sa paggawa ng pasya?


A. magbigay agad ng pasya
B. iisipin o isaalang-alang ang mga taong maaapektuhan sa paggawa ng pasya
C. magbigay agad-agad ng desisyon para sa sariling kapakanan
D. pabayaan na lang kung ano ang magiging pasya

_____43. Habang gumagamit ka ng facebook nabasa mo sa newsfeed ang mga sintomas ng


pagkakaroon ng sakit na coronavirus. Nais mo itong ibahagi sa iyong kapamilya. Ano ang
nararapat mong gawin bago mo ito ibahagi?
A. Aalamin ang pinanggalingan ng balita at ito ay susuriing mabuti.
B. Babasahin lang at ibabahagi na ito agad.
C. Ibabahagi ko sa kanila at sila ang bahala kung maniniwala sila o hindi.
D. Ibabahagi ko na agad at sasabihin ko na sila na ang magsaliksik kung totoo o hindi
ang impormasyon.

_____44. Una mong nabasa sa inyong group chat na mayroong Clean-Up Drive sa inyong
paaralan upang maiwasan ang pagbara ng estero at makaiwas sa sakit na dengue. Batid mong
hindi pa ito alam ng iyong mga kaklase at kaibigan. Ano ang gagawin mo?
A. Ipagbibigay alam at hihikayatin ang mga kaibigan mo na sumama sa Clean-Up Drive.
B. Ikaw na lamang ang sasama sa Clean-Up Drive
C. Ipaaalam sa mga kaklase kung tapos na ang Clean-Up Drive dahil marami pa namang
pagkakataon.
D. Wala ang sagot sa mga nabanggit
_____45. Maraming basura ang nakita ni Myrna sa likuran ng kanilang paaralan. Hindi pala nakuha
ito ng mga basurero at ngayon ay nakakalat na. Ano ang gagawin ni Myrna sa mga basurang
nakakalat?
A. Hayaan na lamang ang mga basura na nakakalat.
B. Sabihin sa kaklase na sila ang maglinis ditto.
C. Linisin ang basura upang hidi makaperwisyo sa ibang mag-aaral.
D. Magbubulag-bulagan si Myrna na parang walang nakita.

_____46. Bakit kailangan mong maging mapanuri?


A. Upang sa ano mang gagawing desisyon o pasya ay maisasaalang-alang ang sarili at ang
kabutihan ng nakararami.
B. Upang kagigiliwan ka ng lahat ng tao.
C. Para purihin ka ng mga kasamahan mo.
D. Upang ang gagawing desisyon ay magdudulot ng masama sa iba.
_____47. Ang pagpapahalaga at ang pagsang-ayon sa pasya ng nakararami ay isang katangian
na kaaya-aya bilang isang kasapi ng pamilya. Paano mo ito maipapakita?
A. Magsasawalang kibo na lamang kung sila ay nakapagpasya na.
B. Magbibigay ng iyong sariling pananaw at hindi susunod sa kanila.
C. Bigyang halaga, respetuhin at tumulong upang maisakatuparan ang desisyon ng
nakararami.
D. Hayaan silang magdesisyon dahil wala ka namang maitutulong.
_____48. Naghahanap si Hanz ng kanyang takdang-aralin sa Google nang biglang may
lumalabas sa screen ng kanyang kompyuter na siya ay nanalo. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Agad na maniwala tungkol rito.
B. Alamin muna at ipagtanong kung ito ba ay totoo o hindi.
C. I-click agad ito ng basta basta.
D. Sabihin sa mga magulang na nanalo.
_____49. Nakita mong tinutukso nila ang iyong kapatid habang nakikipaglaro sa batang kapitbahay
ninyo.Ano ang gagawin mo?
A. Aawayin ko ang tumutukso sa kanya.
B. Pagagalitan ko ang aking kapatid.
C. Pagsasabihan ko ang mga bata na mali ang kanilang ginagawa.
D. Sasali ako sa kanilang laro at tuksuhin ko rin ang mga kalaro niya.

_____50. Dalawa sa kaklase mo ang magdiwang ng kanilang kaarawan. Si Rose ay mayaman ngunit
si Marie ay mahirap lamang. Sino sa dalawa ang bibigyan mo ng mamahaling regalo?
A. Si Marie dahil siya ay may higit na pangangailangan
B. Si Rose dahil mayaman
C. Si Rose dahil gustong-gusto niya ang regalo
D. magbunutan sila kung sino ang bibigyan
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VIII
Schools Division of Leyte
DAWAHON INTEGRATED SCHOOL

ANASWER KEY EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6


QUARTER 1

1. D 26. A
2. D 27. B
3. C 28. C
4. D 29. C
5. B 30. B
6. D 31. C
7. C 32. A
8. C 33. A
9. A 34. B
10. D 35. A
11. B 36. A
12. B 37. B
13. C 38. D
14. D 39. B
15. C 40. B
16. D 41. C
17. A 42. B
18. B 43. A
19. A 44. A
20. C 45. C
21. A 46. A
22. D 47. C
23. D 48. B
24. C 49. C
25. A 50. A

You might also like