You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
DISTRICT OF BACOOR I
HABAY ELEMENTARY SCHOOL

UNANG MARKAHAN
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6
TALAHANAYANAN NG ISPISIPIKASYON

Kasanayan sa Bilang ng Bilang Kinalalagyan ng Aytem


Pagkatuto Araw % ng
REM UND APP ANA EVA CREA
Aytem
1. Nagagamit ng 2 25% 5 1,2 3,4 5
wastong
Pangngalan at
Panghalip sa
pakikipag-usap sa
iba’t ibang
sitwasyon

2 25% 5 6 7,8 9 10
2. Nagbibigay ng
kahulugan sa
mga kilos ng mga
tauhan sa
napakinggang
pabula

3.Nabibigyang 11,
3 25% 5 12,13
kahulugan ang 14,15,
sawikain 16,17 18,19
4. Napagsunod-
3 25% 5 ,20
sunod ang mga
pangyayari sa
kuwento sa
tulong ng
nakalarawang
balangkas at
pamatnubay na
tanong
KABUUAN 10 100% 20

Legend:

Rem-Remembering Ana-Analyzing
Und-Understanding Eval-Evaluating
App-Applying Crea-Creating
Inihanda:
MARY GRACE G. BERNARDO
Guro sa Filipino 6
Iniwasto:

GLORIA S. ORMACIDO
Tagapag-ugnay sa FILIPINO ng Paaralan
Pinatunayan:

MARIVIC J. DINGLASAN
Punong-guro
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
DISTRICT OF BACOOR I
HABAY ELEMENTARY SCHOOL
UNANG MARKAHAN
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6
TALAHANAYANAN NG ISPISIPIKASYON
Pangalan: ______________________________________ Iskor:_____________
Baitang at Pangkat: __________________ Guro: __________________________________

I. PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.

1. Maaga pa lamang ay gising na ang magkakapatid upang tulong tulong na gawin ang mga gawaing
bahay. Nagpapakita lamang na _______ ay may pagkakaisa.
A. tayo B. kami C. sila D. siya

2. Ang pamilihan sa bayan ng Noveleta ay sagana sa mga sariwang paninda tulad ng isda, karne at gulay.
Alin ang pangngalang pantangi sa pangungusap?
A. Noveleta B. pamilihan C. bayan D. paninda

3. Ang Tulay ng Calero at Casa de Tribunal ay ilan lamang sa makasaysayang lugar sa Noveleta. Alin ang
pangngalang pambalana sa pangungusap?
A. Tulay ng Calero B. Casa de Tribunal C. Noveleta D. lugar

4. __________ kailangan nating ingatan ang ating kalusugan?


A. Paano B. Bakit C. Gaano D. Magkano
5. ____________ mo maipakikita ang pagmamahal mo sa iyong magulang?
A. Gaano B. Magkano C. Bakit D. Paano

Unawaing mabuti ang pahayag ng mga tauhan sa nabasang kuwento. Piliin at bilugan ang letra ng
wastong kahulugan ng nais nilang ipahiwatig.

6. Laging si Waldo na lang ang pinapansin ng lahat lalo na ng mga kadalagahan. Kailangang gumawa ako
ng sarili kong paraan upang ako’y kanila ring mapansin.
A. Si Maki ay naiinggit kay Waldo
B. Si Maki ay magpapagandang lalaki.
C. Si Maki ay magpapansin sa kababaihan
D. Si Maki ay nagpapanggap na mabuting kaibigan ni Waldo

7. “Anak. Tayong mga kambing ay maikli ang sungay. May balbas tayo at di gaanong tumatangkad. Iba
ang anyo natin kaysa sa mga usa. Masaya kami sa ating anyo,”
A. Masaya ang magulang sa katatanong ng anak.
B. Nagmamayabang ang magulang sa kanyang anak.
C. Nagagalit ang magulang sa pagiging mapaghangad ng anak.
D. Nagpapaalala ng katotohanan ang magulang sa kanilang anak.

8. ‘Hahanap ako ng maaaring makatulong sa akin. Pagbalik ko’y makikita ninyo, sanga-sanga na rin ang
sungay ko’.
A. Masigasig si Maki sa nais
B. Mayabang si Maki sa kanyang itsura
C. Mapaghanap ng sanga si Maki para magkasungay.
D. Natatakot si Maki sa kalalabasan ng kanyang itsura.

9. Malago na ang sungay ko! Malago na ang sungay ko!


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
DISTRICT OF BACOOR I
HABAY ELEMENTARY SCHOOL
A. Natutuwa siya sa nangyari sa kanya
B. May nakita siyang anino na sungay ng kanyang ulo.
C. May nakapansin sa kanya na malago na ang kanyang sungay
D. Dininig ng diwata ang kanyang panalanging magkaroon ng sanga-sangang sungay.

10. Ako’y isang kambing, dapat kong tanggapin ang katotohanan.


A. Natuto si Maki na tanggapin ang katotohanan
B. Ang katotohanan ay nakasakit sa damdamin ni Maki
C. Iniiwasan niyang isipin kung ano ang katotothanan
D. Nahihirapan si Maki na tanggapin ang katotohanan

II. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap.Ibigay ang kahulugan ng mga sawikaing may
salungguhit. Piliin at bilugan lamang ang letra ng tamang sagot.

11. Mababaw ang luha ng batang gumanap na bida sa kwento.


A. madaling umiyak B. iyak ng iyak C. mahirap umiyak D ayaw umiyak
12. Mapagmahal ang mga ilaw ng tahanan.
A. ate B. kuya C.tatay D. nanay
13. Kahit may gatas pa sa labi si Teresa, siya ay inaasahan nang magturo sa aralin ng nakababatang
kapatid.
A.makulit palagi B.bata pa C. dalaga na, D.sanggol pa

Panuto: Igawa ng balangkas ang kuwentong Si Usaw – Ang Batang Usa”( 4-7)

Isang dapithapon, nananawagan sa radio si Kapitan Leon. Pinuno siya sa Barangay Maunlad. Isa iyong
kagubatan sa Sorsogon.

Magandang araw sa inyo mga kaibigan

Batid ko pong mahirap magluwas n gating mga bungangkahoy at iba pang produkto
patungo sa bayan dahil wala tayong tulay na pagdaraanan. Kaugnay nito, ibig ko pong ibalita
sa inyo na sisimulan na ang pagtatayo ng tulay bukas. Inaprubahan na ito n gating punong
bayan.

Nananawagan po ako sa lahat na iwasan ang pagpunta sa lugar na


pinagtatrabahuhan. Abala ang mga trabahador kaya hindi kayo mapapansin kung daraan.
Maaari kayong mabagsakan ng mga batong nakatambak doon. Maiiwasan ang aksidente kung
mag-iingat tayo. Naglagay kami ng mga karatulang may babala doon tulad ng “HUWAG
DUMAAN DITO.” Inaasahan ko po ang inyong pagsunod nito. Magiging walang anumang
sagabal.

Salamat sa inyong pang-unawa. Tiyak na magiging matagumpay ang proyektong ito


dahil sa inyong pakikiisa. Ipaalam po natin ang panawagang ito sa mga kapitbahay nating hindi
nakarinig.

Natuwa si Mang Berto sa narinig. Napatunayan niyang hindi ningas-kugon sa gawain si Kapitan
Leon. Bukas-palad pa ito sa kanyang nasasakupan. Hindi rin usad-pagong ang pamunuan nito.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
DISTRICT OF BACOOR I
HABAY ELEMENTARY SCHOOL
Agad pinaalalahanan ni Mang Berto ang mga anak. Alam niyang may kakulitan ang mga ito lalo
na si Usaw.

“Mga anak, tandaan ninyo ang panawagang ito ni Kapitan. Iwasan ninyong maglaro doon.
Huwag sana kayong taingang-kawali sa mga ipinagbibilin ko!” paalala ni Mang Berto. “Opo. Tatay!
Makaaasa po kayo.” sagot ng mga anak.

Kinabukasan sinimulan na ang pagtatayo ng tulay. Mula sa bahay ay dinig ni Usaw ang
pukpukan ng mga trabahador. Abot-tanaw lamang iyon sa kanilang lugar.

“Aba, mukhang masaya ang pagtatayo ng tulay a! Paano kaya iyon ginagawa?” masiglang
pagkamangha ni Usaw.

Hinintay ni Usaw na makalingat ang ama. Sa umpisa ay para siyang nagluluksong-tinik


pagkatapos ay mabilis na tumakbo papunta sa tulay na ginagawa.

Maya-maya, isang malakas na sigaw ang narinig ni Mang Berto.

“Boses iyon ni Usaw! Nasaan ba ang batang iyon?” pag-aalala ni Mang Berto.
14. I. _____________________________________________________________
15. II. _____________________________________________________________
16. III. ____________________________________________________________
17. IV. ____________________________________________________________

18. Basahin ang sitwasyon pagkatapos ibigay ang inyong hinuha sa maaaring kalabasan nito. Pillin at
bilgan ang letra ng tamang sagot.

Lumapit si Ping Matsing kay Pong Pagong nang makita niyang may bunga ang tanim nilang saging.
Hindi makakyat si Pong sa puno kaya pinakiusapan niya si Ping. Pumayag si Ping nang sabihin ng may-ari
ng puno na hati sila sa bunga. Umakyat si Ping subalit inubos niya lahat ang saging. Ano sa palagay
ninyon ang mangyayari pagkatapos ng ginawa ni Ping?
A. Natuwa si Pong Pagong kay Ping Matsing
B. Pilit umakyat si Pong Pagong sa puno ng saging.
C. Naghanap silang muli ng puno ng saging na maaari nilang akyatin
D. Nagalit si Pong Pagong kay Ping Matsing at hinintay niya itong bumaba.

19. Nais mong pumunta sa bahay ng iyong kamag-aral.Paano ka magpapaalam sa iyong mga magulang
gamit ang magagalang na pananalita?
A. Aalis na ako. Paalam!
B. Pupunta ako bahay ng aking kamag-aral. Paalam!
C. Maaari ba akong pumunta sa bahay ng aking kamag-aral?
D. Maaari po ba akong pumunta sa bahay ng aking kamag-aral?

20. Mayroon kayong pagsusulit. Naalala mo na wala ka palang papel. Ano ang sasabihin mo sa iyong guro
na nagpapakita ng pagkamagalang?
A. “Bibili ako ng papel sa labas”.
B. “Lalabas ako bibili lang ako ng papel”
C. ”Maaari ba akong lumabas bibili ako ng papel?
D. “Maaari po ba akong lumabas bibili lamang po ako ng papel?”
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
DISTRICT OF BACOOR I
HABAY ELEMENTARY SCHOOL

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6


S. Y. 2020-2021
1ST QUARTER

Susi sa Pagwawasto
1. C
2. A
3. D
4. B
5. D
6. D
7. D.
8. A
9. D
10.A
11.A
12.D
13.B
14.I
15.II
16.III
17.IV
18.D
19.D
20.D
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
DISTRICT OF BACOOR I
HABAY ELEMENTARY SCHOOL

Address: Habay I, City of Bacoor, Cavite


Telephone: (046) 489-3536/(046) 436-4742
E-mail Address: habayelementaryschool@ymail.com / 107870@dep.ed.gov.ph
School I.D.: 107870

You might also like