You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon XII
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD
__________ DISTRICT
Lungsod ng ______________

FILIPINO 6
I.PAKIKINIG:
Panuto: Makinig nang mabuti sa babasahing talata. Sagutin ang mga tanong
pagkatapos. Piliin ang letra nang tamang sagot.

1. Bakit tinawag ni Noel ang kanyang Nanay?


A. tumatakbo ito C. tumatawid ito sa hindi tawiran
B. nakatayo ito sa daan D. tumatawid ito sa tamang tawiran
2. Alin dito ang totoo sa sinasabi ng Nanay?
A. Hindi dapat sundin ang kautusan. C. Iwalang bahala ang mga kautusan.
B. Magtatagal ang kautusan. D. Maaaring bumalik uli ang mga tao sa
dating gawi.
3. Ayon kay Noel, ano ang kailangan sa pag-unlad ng bayan?
A. pera B. disiplina C. kayamanan D. katalinuhan
4. Sa ginawang pagpapasya ng Nanay, masasabi na siya ay____________.
A. walang disiplina B. masunuring tao C. marunong D. magalang
5. Si Noel naman ay taong____________.
A. may disiplina B. matigas ang ulo C. walang paggalang D. mayabang

II.PAGSASALITA:
A.Panuto:Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit. Isulat ang letra nang
tamang sagot.
A. Pasalaysay B. Pautos C. Padamdam D. Patanong

_____6. Ang Pilipinas ay ipagmamalaki ko!


_____7. Kunin mo ang pitaka ko sa bag.
_____8. Nakinig ka ban g balita kagabi?
_____9. Maraming lugar ang nawalan ng kuryente noong bagyong Yolanda.
____10. Handa ang mga Pilipino sa pagbabago ng panahon.

B.Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga pamilyar at di-pamilyar na salitang may


salungguhit.
11. Laksa-laksang paniki raw ang makikita nating lalabas sa kuweba kung papalu-
bog na ang araw.
A. Napakahaba B. napakarami C. napakakapal D. napakaganda
12. Ang tunog ng sirena ay hudyat na malapit nang umapaw ang ilog sa Marikina
kung kaya’t ang mga tao ay dapat nang maghanda sa paglikas.
A. Babala B. kautusan C. paliwanag D. pananakot
13. Maglalatag ng lambat sa ilog ang mga mangingisda mamayang gabi upang
makahuli ng mga isda.
A. Maghuhugas B. maglalagay C. magtatanggol D. mag-aalis
14. Naglagay ng tubig at sabon sa palanggana si Aling Nena upang ibabad ang
mga damit na kanyang lalabhan.
A. isang lalagyan C. isang kasuotan
B. isang kasangkapan D. isang laruan
15. Pakilagay mo nga ang mga kubyertos sa mesa.
A. baso B. kutsilyo C. kutsara’t tinidor D. plato

C.Panuto: Ibigay ang maaaring solusyon sa isang suliraning naobserbahan


o nakita sa paligid.
16.Ang matandang naglalakad patungo sa palengke ay akmang dudukutan ng isang
mamang nakasunod dito.____________________________________________
17.Si Jovy ay bunso at nag-iisang anak nina Mang Arnold at Aling Celing. Walang
naibigan siyang di naibibigay ng magulang._____________________________
18. Sina Shasha at Rex ay nahuhumaling sa paglalaro ng kompyuter.Hindi na sila
pumapasok nang madalas sa klase.___________________________________
19.Labing-isang taon ng bulag si Carmi. Anim na taon pa lang siya nang mawalan
ng paningin. Kinakantyawan siya ng mga kamag-aral._____________________
20.Habang kumakain, aksidenteng natapunan si Butsoy nang mainit na soup.
D.Panuto: Sabihin ang magagalang na pananalita na angkop sa sitwasyon.
21. Inutusan ka ng iyong itay na bumili sa tindahan ng bigas.
A.May ginagawa pa po ako. C. Opo,Itay.
B.Ayoko, Itay. D. Mamaya na nga.
22. Dumalaw sa bahay nina Antonina ang kumare ng kanyang nanay.
A.Nay, nandito ang kumare ninyo. C. Pasok po kayo.
B.Ale, hindi ko po kayo kilala. D. Sino ka ba?
23. Nakasalubong ni Rodel si Padre Perez.
A.Magandang araw naman. C.Magandang araw po,Padre.
B.Magandang araw. D.Bakit ka sumalubong Padre?
24. Pinuri ka ng iyong guro dahil sa husay mo sa pagkanta.
A.Wala iyon. C.Talaga pong magaling ako.
B.Maraming salamat po. D. Inggit lang kayo..
25. Tumawag sa telepono ang kaibigan ng kuya mo at ikaw ang nakasagot.
A.Sandali lamang po at tatawagin ko ang kuya. C. Ay,baka tulog!
B.Sandali, tatawagin ko. D. Ano bang kailangan mo?

III.PAGBASA:
A.Panuto:Basahin ang teksto at sagutin ang sumusunod na tanong.Isulat ang
letra nang tamang sagot.
Dinala si Llante sa Amerika bilang utusan at manggagawa sa malawak na
taniman ng mag-asawang Jones.
Marami silang utusan doon.Si Brad ang nagging kapalagayang loob ni
Llante.Naging kaibigan din niya si Cliff na anak ng kanyang amo. Silang dalawa
ay madalas maglaro. Nalaman ito ng mag-asawang Jones at nagalit sila
kay Llante.
“Ambisyosong utusan!” Nakikipagkaibigan kay Cliff. Hindi ito maaari! ang
sigaw ni Mr.Jones.Ibenenta si Llante ni Mr. Jones sa malayong lugar upang
mahiwalay kay Cliff.
Isang araw, paglipas nang maraming taon ay nagkita sila ni Cliff na isa ng
abogado. Tinulungan siya ni Cliff na makamtan ang kalayaan at makabalik sa
kanyang baying sinilangan.

26.Tungkol saan ang kuwento?


A. Uri ng estado sa buhay C. Matatag na pagkakaibigan
B. Pagkakaiba ng pananaw D. Diskriminasyong panlipunan
27.Batay sa binasa, anong katangian ang ipinamalas ng mga kilos ni Cliff?
A. maawain B. mapagbigay C. maalalahanin D. mapagkapwa
28. Sa ikatlong talata, anong katangian ni Mr.Jones ang masasalamin sa
kanyang pahayag?
A. Mapang-api B. mareklamo C. magagalitin D.matapang
29.Bakit dinala si Llante sa Amerika?
A. upang makapamasyal C. upang makapagbakasyon
B. upang magtrabaho D. upang mag-aral
30.Paano nakabalik si Llante sa bayang kanyang sinilangan?
A. Nag-aral siyang mabuti. C. Tinulungan siya ni Cliff.
B. Nagtarabaho siya nang maigi. D. Nagpatulong sa pamahalaan.

B.Panuto:Basahin ang talambuhay ni Teodora Alonzo at isulat sa nakalarawang


balangkas ang mga hinihingi nito.

Si Gng. Teodora Alonzo ay isinilang noong ika-9 ng Nobyembre, 1897 sa


Sta. Cruz, Maynila ng mag-asawang Lorenzo Alberto Alonzo at Brigida de
Quintos Alonzo.
Siya ay mabait, relihiyosa, maganda, mayaman, at may pinag-aralan. Nag-
tapos siya ng pag-aaral sa Kolehiyo ng Sta. Rosa,Maynila.
Naging asawa niya si G. Francisco Mercado na taga-Calamba, Laguna.
Biniyayaan sila ng labing-isang anak. Si Jose at Ponciano lamang ang lalaki. Siya
ang unang guro ni Jose.
Si Gng. Teodora Alonzo Rizal ay ikinulong ng dalawang taon sa dahilang
Ina siya ni Jose Rizal.Sumakabilang buhay si Teodora noong 1911.

(31-35). Isulat sa balangkas ang mahahalagang detalye sa buhay ni Gng. Teodora


Alonzo.
I. Kapanganakan
A.________________
B.________________
II. Mga Magulang
A.________________
B.________________
III. Asawa at mga anak
A.________________
B.________________
IV. Katangian
A._______________
B._______________
V. Di-mabuting karanasan
A._______________
B._______________

C.Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga idyoma. .


36.Parang sirang plaka ang nanay ,tuwing umaga ay laging maririnig ang mga payo.
A. paminsan-minsan magsalita B. paulit-ulit C. putol-putol magsalita
37.Sa lahat ng iyong sinabi ay magdilang-anghel ka sana.
A. magkatotoo B. magkamali C. magkabisa
38.Ang tatay ay hindi makapagbigay ng pera ngayon kasi butas ang bulsa niya.
A. hindi pa natatahi B. walang pera C. napunit
39.Ang lungkot niya sapagkat nagbibilang ng poste na naman siya.
A. isa-isang binibilang ang poste B. walang magawa C. walang trabaho
40.Mahirap iwanan ang kapilas ng buhay.
A. kaibigan B. kaaway C. asawa

D.Panuto: Tukuyin ang inililalarawang bahagi ng pahayagan .


41. Sa bahaging ito makikita ang pamagat at petsa ng pahayagan. Dito rin maki-
kita ang mga pangunahing balita o pinakamahalagang balita para sa araw
ng isyu o labas.
A. Pahinang Isports C. Anunsyo Klasipikado
B. Pamukhang Pahina D. Editoryal
42.Saang bahagi makikita ang balitang pinansyal at peso-dollar rate?
A. pahinang pananalapi/pangangalakal C. panlibangan
B. pahinang editoryal D. Lathalain

43. Nagbasa ako ng mga opinion tungkol sa pagsasabatas ng RH Bill. Anong pahina


  ang binasa ko?
A. Pamukhang Pahina C. Pahinang Panlibangan
B. Pahinang Editoryal D. Pahinang Obitwaryo
 
44.. Nais mong malaman ang nanalo sa laban ng Miami Heat at Milwuakee Bucks,
anong pahina ang bubuksan mo?
A. Pahinang Pampalakasan C. Pamukhang Pahina
B. Pahinang Panlibangan D. Anunsyo Klasipikado
 

45. Nagsagot ng crossword puzzle si Mario, anong pahina ng pahayagan ang may
puzzle?
 
A. Panlibangan  B. ulo ng balita  C. Obitwaryo  D. Editoryal

IV.PAGSULAT: (46-50)
Panuto: Sumulat ng palarawang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng wastong pagtatapon
ng basura.
TALAHANAYAN NG ESPISIPIKASYON
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 6

A
Y
T
LAYUNIN DOMEYN NG PAGKATUTO AT AYTEM E
M

Pag- Pag-unawa Paglalapat Pagsusur Pagtatasa/


alaala / i Pagtataya
Paggamit
I.PAKIKINIG:

1.Nasasagot ang mga literal na tanong 2-5 1


tungkol sa napakinggang talata. 5
II.PAGSASALITA:

1.Nakikilala ang mga pangungusap ayon 6-10


sa gamit. 5

2.Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar 11-15


at di-pamilyar na salita sa pamamagitan 5
ng paglalarawan.
3.Naibibigay ang maaaring solusyon sa 16-20
isang suliraning naobserbahan 5
sa paligid.
4.Nagagamit ang magagalang na pananalita 21-25 5
sa isang usapan.

III.PAGBASA:
1.Nasasagot ang mga tanong sa binasang 26-28 3
teksto.
2.Nasasagot ang mga tanong na bakit at 29-30 2
paano sa tekstong binasa.
3.Naibibigay ang impormasyong hinihingi 31-35 5
sa nakalarawang balangkas.
4.Nabibigyang-kahulugan ang idyoma o 36-40 5
Matatalinghagang salita.
5.Nakikilala ang iba’t ibang bahagi 41-45 5
ng pahayagan.
IV.PAGSULAT:
1.Nakasusulat ng sanaysay na 46-50 5
naglalarawan.

KABUUAN: 14 11 15 8 2 50

Isinumite ni:

MICHAEL D. ESTRADA
Guro:

Susing Sagot: FILIPINO 6

1. C 21. C
2. D 22. C
3. B 23. C
4. B 24. B
5. A 25. A
6. C 26. C
7. B 27. D
8. D 28. A
9. A 29. B
10. A 30. C
11. B 31. Nob.9, 1897/ Sta. Cruz, Maynila
12. A 32. Lorenzo Alberto Alonzo
13. B Brigida de Quintos Alonzo
14. B 33. Francisco Mercado
15. C Jose at Ponciano
16. -20 34. mabait, relihiyosa, maganda, mayaman,
at may pinag-aralan
35. Siya ay ikinulong.
36. B
37. A
38. B
39. B
40. C
41. B
42. A
43. B
44. A
45. A
46.-50.

You might also like