You are on page 1of 2

FILIPINO 6

GRAMATIKA

Kompetensi: Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pakikipag-usap iba’t ibang sitwasyon.
F6LIIf-j-5
I. Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang mga pandiwang ginamit at ang
aspekto ng mga ito.
1. Nagkita sa parke ang magkaibigang Celia at Linda.
2. Kasalukuyang nagkukuwentuhan sila nang bumuhos ang malakas na ulan.
3. “Magdadala na ako ng paying sa susunod na pamamasyal ko,” wika ni Celia.
4. Naghiwalay na ang magkaibigan.
5. “Magkita uli tayo sa isang lingo” wika ni Linda.
6. Maagang umalis ang mga magtatanim sa bukid.
7. Gayunpaman, umuulan na nang dumating sila sa bukid.
8. Sumilong sila sa may kubo. “Uulan pa kaya” tanong nila.
9. Umaawit sila habang nagtatrabaho sa bukid.
10. Kahit umuulan ay patuloy pa rin sila sa paggawa.

II. Panuto: Isulat ang angkop na pandiwa batay sa nakasaad na salita sa bawat
pangungusap.

(gawa) 11. ___________ ako ng takdang-aralin araw-araw.


(pasyal) 12. Maraming taong _________ sa parke noong Linggo.
(dasal) 13. Lagi kaming _________ tuwing orasyon.

(pahinga) 14. Kasalukuyang __________ ang nanay.


(iyak) 15. Bakit kaya ___________ ang bata?
(tapon) 16. Saan mo ba _________ ang mga basura kagabi?

(tawag) 17. Lita, ___________ ka ng nanay mo!


(tinda) 18. ___________ ng gulay at isda si Mameng sa talipapa.
(gawa) 19. Ano ba ang _________ mo?

(sulat) 20. _________ ako ng mamaya ng liham pangangalakal.

III. Panuto: Sumulat ng sariling talaarawan tungkol sa isa sa mga paksa. ( 5 pts.)

1. Ginagawa mo sa bahay tuwing Sabado at Linggo


2. Gagawin mo sa darating na baksyon
3. Ginawa mo para sa kalinisan ng paligid
Susi sa Pagwawasto
I
1. nagkita – aspektong perpektibo
2. nagkukuwentuhan – aspektong imperpektibo
3. magdadala – aspektong kontemplatibo
4. naghiwalay – aspektong perpektibo
5. magkita- aspektong kontemplatibo
6. umalis – aspektong perpektibo
7. dumating - aspektong perpektibo
8. sumilong - aspektong perpektibo
9. umaawit - aspektong imperpektibo
10. paggawa – aspektong imperpektibo

II.
11. gumagawa
12. namasyal
13. nagdadasal
14. nagpapahinga
15. umiiyak
16. itinapon
17. tinatawag
18. Nagtitinda
19. ginagawa
20. magsusulat

III.
Ang sagot ay batay sa napiling paksa ng mag-aaral.

You might also like