You are on page 1of 5

FILIPINO 6 3rd Quarter Reviewer Questionnaire

Pangalan:________________________________________________ Iskor:_____

I. Ikahon ang pang-abay sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay


pamaraan, panggaano, o pang-agam. Salungguhitan ang salitang binibigyang turing
ng pang-abay.

___________ 1. Siguro naiinis na ang guro sa maiingay na mag-aaral.


___________ 2. Mahinahong kinausap ng ama ang kanyang anak.
___________ 3. Tumagal nang isang oras ang operasyon.
___________ 4. Marahil uuwi kami sa probinsya bago mag-Pasko.
___________ 5. Tumaba ako ng limang kilo.
___________ 6. Mabilis na tumakbo si Lea kaya siya ay nanalo.
___________ 7. Tila masyadong mabagal ang takbo ng trapiko ngayon.
___________ 8. Sumagot ng pasigaw ang tsuper ng dyip.
___________ 9. Dumating na yata ang bisita ni Tatay.
___________ 10. Baka magalit si Ate Tina kung kakainin mo ang natitirang cupcake.
___________ 11. Maraming sinagot na tanong ang politikong nangangampanya.
___________ 12. Sampung taong nagtrabaho ang kaniyang ina sa Dubai bilang mananahi.
___________ 13. Makupad gumalaw ang taong may sakit.
___________ 14. Dahan-dahang ibinababa ang watawat sa flag pole.
___________ 15. Siguro ay nakaalis na sila.

II. Isulat sa patlang ang PH kung ang nakasalungguhit ay pang-abay na pamanahon o


PL kung ito ay pang-abay na panlunan.

_______ 1. Laging binibigyan ng tinapay ni Aling Cely ang mga bata sa kalye.

_______ 2. Gising na si nanay tuwing madaling araw.

_______ 3. Si Lorna ay nagbabasa ng libro sa ilalim ng puno.

_______ 4. Sumayaw si Lhiam sa entablado.

_______ 5. Sa kasalukuyan ay nakararanas tayo ng EL Nino.

_______ 6. Si Ginoong Gomez ay mabibigyan ng parangal sa ating paaralan.

_______ 7. Huwag mo ilagay ang salamin sa ibabaw ng aparador.

_______ 8. Umuuwi kami sa probinsya tuwing Sabado.

_______ 9. Masayang namasyal ang mag-ama kahapon.

_______ 10. Tuwing linggo kami ay nagsisimba.


III. A. Salungguhitan ang ingkilitik na ginamit sa pangungusap.

1. Hindi pa isinisilang ang taong makakatalo sa kanya.

2. Binigyan siya ng regalo kaya siya masaya.

3. Ikaw raw ang maglalaro sa paligsahan mamaya.

4. Ako pala ang magdadala ng dyaryo bukas.

5. Masarap din magluto ang nanay ko.

B. Bilugan ang pang-abay na ingklitik na bubuo sa pangungusap. Pumili sa mga


pang-abay na ingklitik sa loob ng panaklong.

1. Wala akong masakyan (kasi, lang, kaya) nahuli ako sa klase.

2. Malungkot (sana, yata, man) si Carmen. Wala siyang imik buong umaga.

3. Magmeryenda (muna, tuloy, pala) tayo bago natin gawin ang takdang- aralin.

4. Narito na (rin, naman, pala) si Tatay! Akala ko mamayang gabi pa siya makakauwi.

5. (Sana, Naman, Lamang) mataas ang makuha kong marka sa pagsusulit.

6. Sandali (man, lang, kasi). Malapit na ako matapos.

7. Naggigitara ka? Marunong (din, pa, kaya) tumugtog ng gitara ang aking kapatid.

8. Pumapalakpak ang mga manonood. Natapos (ba, na, pa) ang programa.

9. Nadapa ka na (nga, raw, naman)? Pangatlong sugat mo na ito ngayon.

10. Hindi (na, pa, ba) dumarating ang sundo ko. Kanina ko pa siya hinihintay.

11. Hinahanap ka ni Ginang Ramos. Kailangan ka (raw, pala, sana) niyang makausap.

12. Matulungin na bata si Cristina. Tinulungan (nga, lang, yata) niya ako sa paglilinis ng
bakuran.

13. Dapat pangalagaan ang mga karapatan ng bawat bata, mayaman (din, lang, man) o
mahirap.

14. Sinabi mo na (ba, kasi, muna) kay Nanay ang magandang balita?

15. Hindi ka kasi nakikinig sa guro. Hindi mo (kaya, lang, tuloy) alam ang gagawin sa klase.
IV. Piliin mula sa kahon ang idyomang angkop sa mga kahulugan sa bawat bilang.
Titik lamang ang ilagay sa patlang.

a. halang ang bituka f. naniningalang palad

b. di makabasag pinggan g. dalawa ang bibig

c. kusang palo h. nagbibilang ng poste

d. ningas-kugon i. butas ang bulsa

e. maaliwalas ang mukha j. makati ang paa

_____1. mahinhin _____6. salbahe

_____2. masayahin _____7. madaldal

_____3. naliligaw _____8. mahilig sa gala

_____4. sariling sipag _____9. walang pera

_____5. panandalian _____10. walang trabaho

V. Salungguhitan ang pangatnig na paninsay sa bawat pangungusap.

1. Mahirap man ang buhay, subalit masigla pa rin ang kanyang pananampalataya.
2. Umaawit si Jane habang sumasayaw si Dan sa harap ng maraming tao.
3. Siya ay mahirap, ngunit masigasig sa kanyang pangarap.
4. Napansin kong lumilipas ang oras ng mabilis samantalang nag-aaral ako sa silong
ng puno,
5. Hindi man siya mayaman, bagkos ay masaya siyang namumuhay.
6. Ang batang iyon ay matalino, datapwat tamad sa kanyang mga gawain.
7. Nagtatrabaho siya nang maayos, subalit hindi ito sapat upang mapansin ng kanyang
boss.
8. Naririnig niya ang malakas na ingay sa labas habang nag-aaral siya ng mga leksyon.
9. Siya ay mayaman, ngunit hindi siya maarte.
10. Nakakita sila ng isang munting pusa aamantalang naglalaro sila sa labas,
11. Hindi siya napapagod sa kanyang trabaho, bagkos masipag,
12. Maayos ang kanyang trabaho, datapwat madalas siyang maiwan ng eroplano.
13. Matindi man ang ulan, subalit nagtutulungan silang lahat na itayo ang kanilang
tirahan.
14. Nararamdaman niya ang malamig na simoy ng hangin habang nag-aaral siya sa
silong ng puno,
15. Siya ay mabait, ngunit may mga pagkakataon na nagiging mataray.
16. Napansin ko ang kagandahan ng dagat samantalang naglalakad ako sa baybayin,
17. Nagdesisyon silang maghiwalay. bagkos malapit na ang kanilang kasal,
18. Siya ay matalino, datapwat hindi niya kayang tapusin ang kanyang proyekto.
19. Nagtatrabaho siya nang maayos, subalit hindi ito sapat upang mabayaran ang lahat
ng kanyang utang.
20. Siya ay nagmula sa isang pamilya ng manggagawa, habang ang kanyang asawa ay
galing sa mayamang angkan.
VI, A. Bilugan ang mga pangatnig na pamukod na ginamit sa bawat pangungusap.

1. Magtapon ka ng basura sa wastebasket o sa recycling bin.


2. Nagluto si mama ng masarap na adobo, saka nagluto ng pansit para sa hapunan.
3. Mahalin mo ang sarili mo, maging ang iyong kapwa.
4. Ni hindi siya umimik nang tanungin ko kung sino ang may kasalanan.
5. Pumasok ako sa silid, at agad na napansin ang kakaibang amoy.
6. Nagluto siya ng masarap na hapunan, at inimbita ako sa kanyang bahay.
7. Mag-aral ka na lang o baka gusto mong magpahinga muna.
8. Naglakbay kami sa ibang bansa, saka namin naaalala ang halaga ng pagkakaroon
ng passport.
9. Umuwi ka na lang o kaya'y manood tayo ng sine.
10. Makakita ka ng leon at elepante sa Manila Zoo.

B. Punan ng angkop na pangatnig na pamukod (at, saka, o, maging, ni) ang bawat
bilang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. Ano ang susunod mong gagawin, kakain _____ matutulog?


2. Umalis siya ng bahay, ____ agad na sumakay sa bus papuntang opisina.
3. Nasa loob na siya ng dyip, _____ lamang naalala na walang pasok.
4. Kape ___ tinapay ang nagpapagising sa akin sa umaga.
5. Si ate ay nakabihis na ng pang-alis, ______ ang kuya.
6. Ano ba ang mas murang bilhin, mangga ___ saging?
7. ___ hindi man lang siya kumain bago pumasok sa kanyang trabaho.
8. Masaya siyang umakyat sa enteblado _____ ang kanyang mga magulang.
9. Mas mahalaga ba ang kayamanan __ karunungan.
10. Nakakuha ng gantimpala __ medalya si Lhiam sa kanilang patimpalak.

VI. Bilugan ang mga pangatnig na panubali sa bawat pangungusap.

1. Sana ay maging maganda ang panahon bukas para sa aming gala.


2. Kung hindi mo matagpuan ang iyong cellphone, baka ito ay naiwan mo sa opisina.
3. Saka-sakaling magustuhan niya ang regalo mo, bibigyan mo siya ng isang bagong
libro.
4. Kung nag-aalala ka, maaari kang magdala ng payong bukas tayo sa labas.
5. Kapag natapos mo na ang iyong takdang gawain, maaari ka nang magpahinga.
6. Kung sakali mang magkasakit ako, paalalaan mo ako na uminom ng gamot.
7. Pag natapos na ang klase, pupunta tayo sa library upang mag-aral.
8. Sakali mang hindi ka makakarating, tatawagan kita bago kami umalis.
9. Sana ay magtagumpay ang iyong proyekto sa paaralan.
10. Kung hindi mo maiwasang ma-late, siguruhing abisuhan mo kami agad.
11. Saka-sakaling hindi matuloy ang plano natin, may backup tayo na ibang aktibidad.
12. Kung gusto mong makilala siya nang mas mabuti, maaari ka bang mag-imbita sa
kanya ng kape?
13. Kapag nandito na siya, sabihan mo ako agad.
14. Kung sakali mang magkasama tayo sa party, gusto ko sana magdala ng simpleng
handa.
15. Pag natapos mo na ang paglilinis, pwede mo bang linisin din ang kusina?
16. Sakali mang wala siya, pwede mo bang tignan kung naiwan niya ang kanyang bag?
17. Sana ay maging maayos ang ating pag-uusap mamaya.
18. Kung hindi mo mahanap ang aking susi, siguruhing tawagan mo ako agad.
19. Saka-sakaling hindi tayo magkasundo, huwag nating pabayaan ang pag-uusap.
20. Kung magkakaroon ng problema, agad tayong mag-usap para maresolba ito.
VII. Salungguhitan ang pangatnig na pananhi na ginamit sa bawat pangungusap.

1. Mahalaga ang edukasyon, sapagkat naglaan kami ng pondo para sa scholarship


program.
2. Dahil sa kanyang kasipagan, nakuha niyang makamtan ang mataas na grado..
3. Masaya na rin ang mga nakatira Boracay, mangyari ay ligtas at maayos na ang
kanilang pamayanan.
4. Kinailangan naming kanselahin ang aming biyahe gawa ng malakas na bagyo, .
5. Sana ay mabigyan mo ako ng oras para pag-usapan natin ito, kung kaya.
6. Madali siyang makisama sa lahat dahil sa kanyang masigla at masayahing
personalidad.
7. Kami ay may pagsulilit, mangyari lamang na isauli mo ang mga hiniram na libro.
8. Kasi gusto ko siyang makita, nag-extend ako ng oras sa opisina.
9. Siya ay na-promote sa kanyang trabaho gawa ng kanyang kasipagan.
10. Na-late ako sa aking appointment dahil sa traffic.
11. Mabait siya, sapagkat maraming kaibigan ang nagmamahal sa kanya.
12. Sinadya kong lumiban sa klase kasi gusto ko siyang makasama,
13. Nagtagumpay ang fundraising event gawa ng kanyang pagtulong,
14. Nagpasya kaming magbakasyon sa probinsya, dahil sa mainit na panahon.
15. Nagdesisyon akong mag-apply sa ibang kumpanya, sapagkat may magandang
oportunidad,

VIII, Isulat ang K sa patlang kung ito ay katotohanan at O kung ito ay opinyon.

______1. Sinasabing marami ang nakakita sa paglitaw ng mga salamangkero sa bundok.


______2. Ang kuweba ay matatagpuan sa bundok ng Rabba.
______3. Ipinalalagay ng naroon pa rin ang espiritu ni Rodona para magbantay sa bundok.
______4. Pinabalik daw si Rabana pagkatapos magsisi nang matagal.
______5. Sinasabing nabubuhay pa rin ang salamangkerong si Matesa.
______6. Ang mag-asawang Kandoy at Pising ay nagkaroon ng bugtong na anak.
______7. Likas ang kabutihan sa puso ni Mang Kandoy kaya ginantimpalaan siya ng diwata.
______8. Ang pagsubok na ibinigay kay Rabina ay mabigat.
______9. Dati na raw na may salamangka sa bundok ng Rabbana.
______10. Nagpapasalamat na rin ang mag-asawa sapagkat hindi nawala ang anak.

IX. Ikahon ang mga pangatnig na panulad sa bawat pangungusap at bilugan naman
ang pangatnig na panapos.

1. Pagkatapos ng pagtatanghal, sa wakas ay makakapagpahinga na rin tayo.


2. Kung ano ang pagpapalaki, siya rin ang pag-uugali.
3. Kung alin ang pinagpaguran, iyon din ang iyong kakamtan.
4. Kung ano ang iyong itinanim, siya sin ang aanihin.
5. Ayon sa alamat, kung saan nagmula ang bahaghari, doon din makikita ang gintong
kayamanan.
6. Kung gaano kataas ang isasaing mong bigas, gayon din kataas ang ilagay mong
tubig.
7. Para sa ikatataas ng iyong grado, magpasa ka ng karagdagang proyekto.
8. Buksan mo ang ilaw, para makita ko ang hinahanap ko.
9. Para payagan kang magpunta sa bahay namin, magpahatid ka sa iyong tatay.
10. Upang tayo ay makatipid sa koryente, kailangang gumamit lamang ng plantsa
minsan sa isang linggo.

You might also like