You are on page 1of 4

2nd Quarter Reviewer

In

FILIPINO 4

NAME: DATE:

SCHOOL: SCORE:

A. Bilugan ang pang-uri sa bawat pangungusap.

1. Ang sapatos ni Amir ay bago.

2. Mainit ang kape sa tasa.

3. Ang mga damit natin ay basa pa.

4. Pumasok kami sa malinis na silid.

5. Ang laruan na ito ay sira.

6. Kay Pedro ang itim na bag.

7. Malayo ang bahay namin dito.

8. Bukas na ang tindahan ni Aling Mercy.

9. Ang mga sagot ni Luisa ay tama.

10. Mahina ang boses ng guro nila.

11. Ang kendi na ito ay matamis.

12. Hinog na ba ang mga mangga?

13. Kanina pa gising ang sanggol.

14. Itipon mo ang mga diyaryo na luma.

15. Nakita ko ang makulay na dyip.


B. Isulat ang mga titik PL kung ang pang-uri na may salungguhit ay panguring panlarawan, PM
kung ito ay pang-uring pamilang, at PT kung ito ay

pang-uring pantangi.

© 2013 Pia Noche samutsamot.com

_____ 1. Kausapin natin ang ating kaklase na mahiyain.

_____ 2. Isang paring Katoliko ang namuno sa misa sa EDSA.

_____ 3. Nakapila na ang mga mag-aaral sa ika-anim na baitang.

_____ 4. Binigyan ako ni Tatay ng singkuwenta pesos.

_____ 5. Tangkilikin natin ang mga produktong Pilipino.

_____ 6. Luma na ang mga kasangkapan sa bahay ni Lola.

_____ 7. Si Jessica ang pangalawang kalahok na kakanta.

_____ 8. Napakatamis ng mga manggang Guimaras!

_____ 9. Ang mga daan papuntang bayan ay baku-bako.

_____ 10. Si Noynoy Aquino ay ang ikalabinlimang pangulo ng

Pilipinas.

_____ 11. Dalhin mo itong itim na bag sa loob ng bahay.

_____ 12. Nagpadala ako ng mga longganisang Lucban kay Shiela.

_____ 13. Sinususuklay ni Nanay ang mahabang buhok ni Rachel.

_____ 14. Isinuot ni Ginoong Martin ang bagong barong Tagalog.

_____ 15. Nakaabang sa pinto ang tatlong aso ni Rommel.


C. Kahunan ang salitang kilos o pandiwa sa bawat pangungusap.

1. Si Miguel ay gumising nang maaga.

2. Kumakain ng almusal si Ate Martha.

3. Si Nanay ay nagtimpla ng kape.

4. Sina Ben at Betty ay nagbibihis sa kanilang kuwarto.

5. Nagsipilyo ng ngipin si Miguel sa banyo.

6. Si Tatay ay umiinom ng mainit na kape.

7. Pinakain ni Miguel ang mga manok sa bakuran.

8. Si Ate Martha ay nagpaplantsa ng damit niya.

9. Naghuhugas ng mga pinggan si Nanay.

10. Tumatahol ang aso ng kapitbahay.

11. Dumating ang school bus ng mga bata.

12. Sina Ben at Betty ay nagpaalam sa kanilang mga magulang.

13. Binigyan sila ni Nanay ng perang pambaon.

14. Hinatid ni Miguel ang mga bata sa school bus.

15. Ang mga bata ay kumakaway habang paalis ang bus.

D. Tukuyin ang aspekto ng pandiwa na may salungguhit. Isulat sa patlang ang titik A, B, o C
kung saan:

A = Aspektong Pangnagdaan/Naganap/Perpektibo;

B = Aspektong Pangkasalukuyan/Nagaganap/Imperpektibo; at

C = Aspektong Panghinaharap/Magaganap/Kontemplatibo

_________1. Ang mga magsasaka ay nagtatanim ng palay.

_________2. Hiniram ni Emily ang aklat ko.


_________3. Maglalaro kami ng chess mamayang hapon.

_________4. Iinom ako ng gamot para gumaling ako.

_________5. Si Ate Minda ang naglinis ng kusina.

_________6. Hinahatid kami ni Kuya Ronnie sa paaralan tuwing may pasok.

_________7. Ang mga bata ay nanonood ng Ben 10 sa telebisyon.

_________8. Sino ang sumagot ng telepono?

_________9. May naisip ka na bang plano?

_________10. Tahimik na nagbabasa ang mga mag-aaral.

_________11. Sinulat ko sa papel ang mga dapat mong gawin.

_________12. Si Tita Bea ang gumawa ng keyk na ito.

_________13. Kakain pa ba kayo ng keyk?

_________14. Si Helen ang nag-aalaga sa pusang iyan.

_________15. Marami kaming lumang gamit na ibebenta sa garage sale.

_________16. Gagamit ako ang diksiyonaryo para malaman ko ang kahulugan ng salitang
iyon.

_________17. Umiiyak ang bata dahil nadapa siya.

_________18. Napansin mo ba ang takdang-aralin na nakasulat sa pisara?

_________19. Umupo ka muna dahil nagbibihis pa si Eva.

_________20. Yayakapin ko nang mahigpit si Nanay pag-uwi ko.

You might also like