You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division Office of Bataan
District of Orion
CAPUNITAN ELEMENTARY SCHOOL
Contact No.: 244-9745 | Email: capunitanes@gmail.com |Address: Capunitan, Orion, Bataan

FILIPINO 4
WEEK 8
URI NG PANG-ABAY
 PANG-ABAY NA PAMARAAN
 PANG-ABAY NA PAMANAHON
 PANG-ABAY NA PANLUNAN

APRIL R. PEREZ
Teacher III
Paglalahat

Tanong: Ano-ano ang tatlong uri ng pang-abay? Ipaliwanag ang bawat uri
nito.

Ang tatlong uri ng pang-abay ay ang mga sumusunod:

Pang-abay na Pamaraan – ay nagsasabi kung paano ginawa o ginagawa ang


kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na paano.

Pang-abay na Pamanahon – ay nagsasabi ng oras o panahon kung kailan


naganap ang kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na kailan.

Pang-abay na Panlunan – ay nagsasabi ng lugar na pinangyarihan ng kilos.


Sumasagot ito sa tanong na saan.
PAGSUBOK
Pagsasanay sa Filipino
c 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com
Q

Pangalan Petsa Marka


20

Pagkilala sa pang-abay
Panuto: Salungguhitan ang pang-abay o pariralang pang-abay sa bawat pangungusap.

1. Si Leo ay mahusay magdrowing ng mga tao.

2. Nalinisan nang maigi ang sasakyan ninyo.

3. Pabulong magsalita ang bata dahil mahiyain siya.

4. Sinuot niya nang baliktad ang kanyang damit.

5. Ang bangko ay matatagpuan sa dulo ng Ayala Avenue.

6. Tutulungan ako ni Ate Sheila mamayang gabi.

7. Nahuli rin sa wakas ang magnanakaw!

8. Talagang nakakainis ang mga taong makukulit.

9. Kumakain kami ng tsokolate paminsan-minsan.

10. Ang mga magulang ni Anna ay napakabait at bihirang magalit.

11. Parati siyang nagte-text sa akin kaya naubos ang pera niya.

12. Ang mga mananayaw ay mag-eensayo sa himnasyo.

13. Ang mangingisda ay sumisid nang malalim.

14. Makakauwi si Francesca sa araw ng pista.

15. Maagang dumarating ang sundo ni Sonny.

16. Magsipilyo ka bago ka matulog.

17. Ipinanganak si Tito Gabriel noong ika-15 ng Marso, 1970.

18. Ang paliwanag ni Ginang Alberto ay madaling intindihin.

19. Tumawag siya sa telepono kani-kanina lamang.

20. Sama-sama silang naglakad patungong simbahan.


Pagsasanay sa Filipino
c 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com
Q

Pangalan Petsa Marka


20

Pagkilala sa pang-abay
Panuto: Sa bawat bilang, isulat sa patlang ang salitang pang-uri kung ang salitang may
salungguhit ay ginagamit sa pangungusap bilang pang-uri. Isulat ang salitang pang-abay
kung ito ay ginagamit bilang pang-abay.
1. Magaling ang mang-aawit.
Magaling siyang umawit.

2. Natulog nang matagal ang sanggol.


Matagal ang tulog ng sanggol.

3. Matabang siya magtimpla ng kape.


Ang kapeng tinimpla niya ay matabang.

4. Lumipad nang mataas ang ibon.


Mataas ang lipad ng ibon.

5. Mahusay ang trabaho ni Daniel.


Mahusay magtrabaho si Daniel.

6. Maingat si Joaquin habang nagmamaneho.


Si Joaquin ay maingat magmaneho.

7. Masayang naglalaro ang magkakapatid.


Masaya ang laro ng magkakapatid.

8. Madaling natutong maglangoy si Mike.


Ang paglalangoy ay madali para kay Mike.

9. Malakas ang sigaw ng pulis.


Sumigaw nang malakas ang pulis.

10. Tumakbo nang mabilis ang itim na aso.


Mabilis ang itim na aso.
Pagsasanay sa Filipino
c 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com
Q

Pangalan Petsa Marka


20

Pagtukoy ng uri ng pang-abay


Panuto: Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na may salungguhit ay pang-
abay na pamaraan, PN kung ito ay pang-abay na pamanahon, o PL kung ito ay pang-abay
na panlunan.

1. Tuwing alas singko ng umaga gumigising si Aling Dina.

2. Naglalaba ng mga damit si Aling Dina araw-araw.

3. Nakita ko siyang bumili ng sabong panlaba sa tindahan.

4. Matiyagang pinapaputi niya ang mga uniporme ng kanyang mga anak.

5. Si Ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa kusina.

6. Masarap magluto ng tapsilog si Ate Lorna.

7. Tumungo sa hapag-kainan ang buong mag-anak.

8. Darating na mayamaya ang mga bata mula sa paaralan.

9. Naglakad nang matulin ang magkapatid.

10. Dali-daling tumakbo si Alicia sa kanyang inay.

11. Niyakap ni Aling Dina nang mahigpit si Alicia.

12. Nahalata ni Alicia ang merienda sa ibabaw ng mesa.

13. “Nagkaroon kami ng maikling pagsusulit kanina,” sabi ni Alicia.

14. “Naunawaan mo ba nang mabuti ang leksiyon?” tanong ni Aling Dina.

15. Pumunta muna si Allen kina Jack dahil may hihiramin siyang aklat.

16. Nagsisimba ang buong pamilya tuwing Linggo.

17. Binibisita nila ang kanilang lolo at lola buwan-buwan.

18. Nakatira ang lolo at lola nila sa isang subdibisyon sa Barangay ng San Martin.

19. Masayang nakipagkuwentuhan si Lolo Pedring sa kanyang mga apo.

20. Nangako ang mga bata na tatawag sila sa telepono bukas.


Pagsasanay sa Filipino
c 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com
Q

Pangalan Petsa Marka


20

Mga sagot sa Pagkilala sa pang-abay


Panuto: Salungguhitan ang pang-abay o pariralang pang-abay sa bawat pangungusap.

1. Si Leo ay mahusay magdrowing ng mga tao.

2. Nalinisan nang maigi ang sasakyan ninyo.

3. Pabulong magsalita ang bata dahil mahiyain siya.

4. Sinuot niya nang baliktad ang kanyang damit.

5. Ang bangko ay matatagpuan sa dulo ng Ayala Avenue .

6. Tutulungan ako ni Ate Sheila mamayang gabi.

7. Nahuli rin sa wakas ang magnanakaw!

8. Talagang nakakainis ang mga taong makukulit.

9. Kumakain kami ng tsokolate paminsan-minsan.

10. Ang mga magulang ni Anna ay napakabait at bihirang magalit.

11. Parati siyang nagte-text sa akin kaya naubos ang pera niya.

12. Ang mga mananayaw ay mag-eensayo sa himnasyo.

13. Ang mangingisda ay sumisid nang malalim.

14. Makakauwi si Francesca sa araw ng pista.

15. Maagang dumarating ang sundo ni Sonny.

16. Magsipilyo ka bago ka matulog.

17. Ipinanganak si Tito Gabriel noong ika-15 ng Marso, 1970.

18. Ang paliwanag ni Ginang Alberto ay madaling intindihin.

19. Tumawag siya sa telepono kani-kanina lamang.

20. Sama-sama silang naglakad patungong simbahan.


Pagsasanay sa Filipino
c 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com
Q

Pangalan Petsa Marka


20

Mga sagot sa Pagkilala sa pang-abay


Panuto: Sa bawat bilang, isulat sa patlang ang salitang pang-uri kung ang salitang may
salungguhit ay ginagamit sa pangungusap bilang pang-uri. Isulat ang salitang pang-abay
kung ito ay ginagamit bilang pang-abay.
1. pang-uri Magaling ang mang-aawit.
pang-abay Magaling siyang umawit.

2. pang-abay Natulog nang matagal ang sanggol.


pang-uri Matagal ang tulog ng sanggol.

3. pang-abay Matabang siya magtimpla ng kape.


pang-uri Ang kapeng tinimpla niya ay matabang.

4. pang-abay Lumipad nang mataas ang ibon.


pang-uri Mataas ang lipad ng ibon.

5. pang-uri Mahusay ang trabaho ni Daniel.


pang-abay Mahusay magtrabaho si Daniel.

6. pang-uri Maingat si Joaquin habang nagmamaneho.


pang-abay Si Joaquin ay maingat magmaneho.

7. pang-abay Masayang naglalaro ang magkakapatid.


pang-uri Masaya ang laro ng magkakapatid.

8. pang-abay Madaling natutong maglangoy si Mike.


pang-uri Ang paglalangoy ay madali para kay Mike.

9. pang-uri Malakas ang sigaw ng pulis.


pang-abay Sumigaw nang malakas ang pulis.

10. pang-abay Tumakbo nang mabilis ang itim na aso.


pang-uri Mabilis ang itim na aso.
Pagsasanay sa Filipino
c 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com
Q

Pangalan Petsa Marka


20

Pagtukoy ng uri ng pang-abay


Panuto: Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na may salungguhit ay pang-
abay na pamaraan, PN kung ito ay pang-abay na pamanahon, o PL kung ito ay pang-abay
na panlunan.

1. PN Tuwing alas singko ng umaga gumigising si Aling Dina.

2. PN Naglalaba ng mga damit si Aling Dina araw-araw.

3. PL Nakita ko siyang bumili ng sabong panlaba sa tindahan.

4. PR Matiyagang pinapaputi niya ang mga uniporme ng kanyang mga anak.

5. PL Si Ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa kusina.

6. PR Masarap magluto ng tapsilog si Ate Lorna.

7. PL Tumungo sa hapag-kainan ang buong mag-anak.

8. PN Darating na mayamaya ang mga bata mula sa paaralan.

9. PR Naglakad nang matulin ang magkapatid.

10. PR Dali-daling tumakbo si Alicia sa kanyang inay.

11. PR Niyakap ni Aling Dina nang mahigpit si Alicia.

12. PL Nahalata ni Alicia ang merienda sa ibabaw ng mesa.

13. PN “Nagkaroon kami ng maikling pagsusulit kanina,” sabi ni Alicia.

14. PR “Naunawaan mo ba nang mabuti ang leksiyon?” tanong ni Aling Dina.

15. PL Pumunta muna si Allen kina Jack dahil may hihiramin siyang aklat.

16. PN Nagsisimba ang buong pamilya tuwing Linggo.

17. PN Binibisita nila ang kanilang lolo at lola buwan-buwan.

18. PL Nakatira ang lolo at lola nila sa isang subdibisyon sa Barangay ng San Martin.

19. PR Masayang nakipagkuwentuhan si Lolo Pedring sa kanyang mga apo.

20. PN Nangako ang mga bata na tatawag sila sa telepono bukas.

You might also like