You are on page 1of 11

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LUNGSOD NG MABALACAT

Pangalan: _____________________________Baitang at Seksyon: ___________


Paaralan: ____________________________ Petsa: ________________________

GAWAING PAGKATUTO Blg. 5


Filipino 5 – Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon sa
isang napakinggang Balita, Isyu o Usapan

I.Panimula

Magandang araw. Isa na namang mahalagang paksa ang iyong


matututuhan sa araling ito.

Ang tulong-aral na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang
wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Pagkatapos ng araling ito,
maipahahayag mo ang iyong sariling opinyon o reaksyon ukol sa isang
napakinggang balita, isyu o usapan .

II.Kasanayang Pagkatuto
Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang
balita, isyu o usapan . (F5PS-Ia-j-1)

III.Mga Layunin

Ang gawaing pagkatuto na ito ay nakalaan upang ikaw ay:

1. makasasagot ng mga tanong sa binasang teksto o kwento;


2. maipahahayag ang sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggan
/nabasang balita, isyu o usapan; at
3. makasusulat ng isang maikling balita.

1
IV.Pagtalakay

Isang mabuting kasanayan ang pagpapahayag ng sariling saloobin,


opinyon, reaksyon o pananaw hinggil sa mga kaisipang inilalahad. Ang
pagbibigay ng opinyon o reaksyon ay maaaring sa pamamagitan ng
pagsang-ayon o pagsalungat sa kaisipan ng nagsasalita o sa isang usaping
napakinggan. Sikapin lamang na maging magalang upang maiwasan ang
makasakit ng damdamin ng kapwa.

Ang balita at isyu ay ulat o impormasyon hinggil sa mga pangyayari


na nagaganap sa paligid, sa ibang panig ng bansa at maging sa labas ng
bansa. Nakatutulong ang balita, isyu o usapan sa pagbibigay o paghahatid
ng kaalaman at impormasyon sa mga tao sa pamamagitang pahayagan,
diyaryo, radyo, telebisyon, at internet.
Magsilbing gabay sana ang pagtalakay na ito upang masagutan mo
nang tama at maipahayag mo ang iyong saloobin sa lahat ng gawain.

V.Mga Gawain
Gawain # 1:
Mayroon akong isang kuwento tungkol sa isang mag-anak. Halina't
basahin at unawaing mabuti ang kuwento at sagutin ang mga tanong
pagkatapos ng kuwento. Ipahayag ang iyong sariling opinyon o reaksyon
batay sa iyong nabasa.

ginuhit ni: Bb.Roselle Andrea S. Macabanti

Pandemya: Covid 19
ni Gng. Rowena S. Flores

Nasa bahay ang mag-anak Del Pilar. Nanonood sila ng balita ukol
sa kasalukuyang pandemya, ang Covid 19.
Tatay Erning: Ang hirap ng sitwasyon natin ngayon. Ako ay nag- aalala sa
ating lahat. Ikaw, Rosa ano ang masasabi mo sa balita.
Nanay Rosa: Manatili lang tayong manalig at manalangin sa Diyos at
tayo ay maliligtas.

2
Bunso Chloe: Tay, Nay, sino po ang nagsasalita sa telebisyon?
Ate Cherry: Siya ang pangulo ng Pilipinas. Si Pangulong Rodrigo R.
Duterte.
Kuya Carlos: May pagpupulong ang Pangulo kasama ang Department
of Health at iba pang ahensya ng pamahalaan. Sila ay
nagbibigay ng mga babala at paalaala upang manatili
tayong ligtas sa sakit na Covid 19.
Nanay Rosa: Kayo ba mga anak, alam nyo ang dapat gawin upang maging
ligtas sa sakit na Covid 19?
Ate Cherry: Opo nanay. Magsuot ng facemask kapag lalabas ng bahay.
Katulad po ng ginagawa ni tatay tuwing siya ay lalabas.
Tatay Erning: Tama. Ano pa ang dapat gawin? Ikaw, naman Carlos?
Kuya Carlos: Laging maghugas ng kamay at manatiling may
social distancing sa mga tao. Kami po nina Ate Cherry at
Chloe ay laging naghuhugas ng kamay.
Bunso Chloe: Tay, Nay, pwede po ba akong lumabas ng bahay?
Nanay Rosa: Di pwedeng lumabas ng bahay ang mga batang tulad mo
anak. Kayo ay mananatili lamang sa loob ng bahay.
Ate Cherry at Kuya Carlos: Kami po ay magdarasal upang matapos na
ang pandemya sa buong mundo at maging Covid free na
po ang Pilipinas.
Bunso Chloe: Ako rin po magdarasal upang makalabas at makapamasyal
na po tayo sa SM Clark. Napahalakhak ang mag-anak sa
sinabi ni bunso.

Panuto: Mula sa kuwentong iyong nabasa, sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang pamagat ng kuwentong iyong nabasa?


_____________________________________________________________________
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
_____________________________________________________________________
3. Ano ang paksa ng kanilang usapan?
_____________________________________________________________________
4. Ano-ano ang mahahalagang impormasyong naibahagi ng kwento sa
kagaya mong mambabasa?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
5. Ano ang iyong opinyon ukol sa usapan ng mag-anak?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3
Gawain # 2
Panuto: Manood ng balita sa telebisyon o makinig sa radyo. Ibigay ang
buod ng napanood o napakinggang balita. Gamiting gabay ang rubrik sa
ibaba.

5 4 3 2 1
Nilalaman
• Sumasagot sa tanong na Ano, Sino, Kailan, Bakit, at
Paano
Balarila
• Wastong gamit ng wika ( Balarila, baybay, bantas)
Hikayat
• Pagtataglay ng katangiang kawilihan, wasto, walang
pinapanigan

5 – Pinakamahusay 2 – Mapaghuhusay pa
4 – Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng mga
3 – Katanggap-tanggap pantulong na pagsasanay

__________________________________________
Pamagat ng Balita

4
Gawain # 3
Panuto: Basahin ang sipi ng balita. Sumulat ng isang opinyon na
nagpapahayag ng iyong saloobin o damdamin kaugnay ng balitang iyong
nabasa. Isulat ang iyong sagot sa kahon sa ibaba.
Gamiting gabay ang rubrik sa pagsulat ng talatang nagpapahayag ng
sariling opinyon.

NATIONAL
Pagsipa ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa, di dahilan
para panghinaan ng loob ang mga Pinoy — Palasyo
By Racquel Bayan - July 6, 2020 , 4:03 pm

Bagamat ikinalungkot ng Palasyo na umakyat sa 44, 254 na ang


naitalang kaso ng COVID-19 sa kasalukuyan, tiniyak ng Palasyo na
tuloy-tuloy lamang ang laban ng bansa kontra COVID pandemic.
Ayon kay Presidential Spokespeson Harry Roque, marami ang
kinabahan sa 2,434 new cases na naitala kahapon, lalo at ito ang
pinakamataas na naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng
isang araw.
Gayonpaman, hindi aniya dapat maging dahilan ito upang
panghinaan ng loob ang mga Pilipino.
Kung titingnan aniya sa datos na hawak ng pamahalaan, 0.5 bahagdan
lamang sa mga tinatamaan ng COVID sa bansa ang severe cases, at 0.1
percent naman ang critical cases. Mas mataas ang bilang ng mga mild
case na nasa 94.3 bahagdan habang 5.1 bahagdan ay walang
nararamdamang sintomas.
Dahil dito, tiwala ang Palasyo na malalampasan ng bansa ang laban ng
Pilipinas sa kasalukuyang pandaigdigang pandemya.

5
5 4 3 2 1
Nilalaman
• Pagsunod sa uri at anyong hinihingi
Balarila
• Wastong gamit ng wika
• Paglimita sa paggamit ng mga salitang hiram
Hikayat
• Paraan ng pagtalakay sa paksa
• Pagsunod sa tiyak na punutong ibingay ng guro
kaugnay ng gawain.

5 – Pinakamahusay 2 – Mapaghuhusay pa
4 – Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng mga
3 – Katanggap-tanggap pantulong na pagsasanay

Gawain # 4
Panuto: Batay sa iyong nabasang sipi ng balita, tukuyin kung
Katotohanan o Opinyon ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat
ang K kung katotohanan at O naman kung opinyon.

____1. Tuloy-tuloy lamang ang laban ng bansa kontra COVID pandemic.

____2. Ang pandemyang ito ay dito lamang sa Pilipinas mabilis na


lumaganap.

____3. Maraming Pilipino ang natakot sa pagtaas ng bilang ng mga bagong


kaso ng COVID 19.

____4. Dahil dito, dapat panghinaan ng loob ang mga Pilipino.

____5. Ang datos na hawak ng pamahalaan ay nagpapatunay na mababa


ang antas ng mga tinatamaan ng virus sa bansa.

____6.Ang Severe cases na may 0.5 percent ay napakababa lamang,


gayon din ang 0.1 percent ng mga nasa critical cases.

____7. Ang 5.1 percent ng walang nararamdamang simtomas ay ligtas


na sa virus.

____8. Samantalang ang 94.3 percent na mga mild cases ay dapat


na agapan at alagaang mabuti ng hindi na lumalala pa.

____9. Siguradong–sigurado ang pamahalaan na malalampasan ng bansa


ang kasalukuyang pandemya.

6
____10. Pagsipa ng COVID 19 case sa bansa ay patunay na mabilis
kumalat ang virus sa Pilipinas

VI.Pagsusulit
Basahin ang balita sa ibaba kaugnay ng pagbabago ng klima sa bansa.
BALITA

Klima sa Bansa, Hindi na Tama?

Init-lamig, lamig-init, ulan sa tag-araw, at init sa tag-ulan.


Lubhang malaki na nga ang ipinagbago ng klima sa ating bansa simula
nang pumasok ang ika-20 siglo.

Ayon sa siyentipikong pananaliksik, ito ay sanhi ng tinatawag


na “climate change” at “global warming” kung saan hindi na lamang
ang ating bansa ang naapektuhan kundi maging ang iba pang
bahagi ng mundo.

Malaking hamon ang hinaharap ngayon ng lahat ng ahensiya


ng pamahalaan upang makahanap ng solusyon para malabanan ang
hindi tama o pabago-bagong klima na nakaaapekto sa bansa.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Ang bawat tanong ay may
katumbas na dalawang puntos.

1-2. Ano ang paksa ng balitang binasa?


_____________________________________________________________________
3-4. Sino ang mga humarap sa pangyayari upang makahanap ng
solusyon?
____________________________________________________________________
5-6. Kailang siglo pumasok ang pagbabago ng klima sa ating bansa?

_____________________________________________________________________
7-8. Bakit malaki ang ipinagbago ng klima sa ating bansa?

___________________________________________________________________
9-10. Paano sosolusyunan ang pabago-bagong klima sa ating bansa?

_____________________________________________________________________

7
VII. Pangwakas

Sumulat ng isang balita na may apat hanggang walong pangungusap.


Ibalita ang isang proyektong sinalihan na may kinalaman sa pagpapaganda
ng inyong paaralan. Gamiting gabay ang rubrik na nasa ibaba.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5 4 3 2 1
Nilalaman (sumasagot sa tanong na Ano, Sino,
Kailan, Bakit, at Paano)
Balarila ( wastong gamit ng wika)

Hikayat (pagtataglay ng katangiang kawilihan,


wasto, at walang pinapanigan)

RUBRIK SA PAGSULAT NG BALITA

5 – Pinakamahusay 3 – Katanggap-tanggap
4 – Mahusay 2 – Mapaghuhusay pa
1 – Nangangailangan pa ng pantulong
na pagsasanay

8
VIII. Sanggunian

Agarrado, P. C., Francia, M. L., Guerrero III, P. R., & Gojo Cruz, G. R.
2016). Alab Filipino 5. Quezon City. Pg. 3-11(TM) at TX

Bayan, R. (2020). Pagsipa ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa, di dahilan


para panghinaan ng loob ang mga Pinoy — Palasyo. Retrived from
http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/

MELCS sa Filipino Baitang 5 2020 p. 162

Flores,Rowena S.(2020) Pinag hanguan ng kwentong “Pandemya: COVID 19”

Macabanti, Roselle Andrea, gumuhit ng larawan

9
10
Gawain 4
Pagsusulit
1. K
1-2. Klima sa Bansa
3-4. Lahat ng ahensiya ng 2. O
pamahalaan 3. K
5-6. 20 siglo 4. O
7-8. Ito ay sanhi ng climate 5. K
change at global warming 6. K
9-10. Nagtulong-tulungan ang
7. K
lahat ng mga ahensiya
8. K
9. K
10. K
Gawain 2 at 3 at Pangwakas Gawain 1
Iba-iba ang maaring sagot ng mga 1.Covid 19
mag-aaral
2 Taty Erning, Nany Rosa, Ate Cherry,
(Gamitin ang rubriks) Kuya Carlos, Bunso
3. mga dapat gawin upang makaiwas sa
COVID 19
4. Pananlig at pananalangin sa Dios,
pagsusuot ng facemask, lagging
paghuhugas ng kamay, social distancing,
bawal lumabas ang mga bata
5. Iba-iba ang maaaring isagot ng mga
mag-aaral.
IX.Susi sa Pagwawasto
X.Grupong Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsulat ng Gawaing Pagkatuto

Manunulat: Leny L. Taoto


Patnugot ng wika: Remedios C. Gerente
Mga Tagasuri: Ronaldo D. Gomez
Roselle Andrea S. Macabanti
Tagalapat: Gian Carlo C. Baldovino
Tagapamahala: Engr. Edgard C. Domingo PhD CESO V
Leandro C. Canlas PhD CESE
Elizabeth O. Latorilla PhD
Sonny N. De Guzman EdD
Remedios C. Gerente

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – Division of Mabalacat

P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

11

You might also like